Chapter 2

October 19

Today is Tuesday.

Maaga akong nagising kasi kailangan kong gumising ng maaga. Ako kasi ang naghahanda ng agahan namin ni Kale at ipag-iinit ko pa yan ng tubig na mainit, malamig kasi yung tubig sa banyo namin sa itaas and dagdag niyo pa na Ber-months na. Susuotin na lang niya yung uniform niya kasi naplantsa ko na ito noong Sunday kasabay ng mga uniform ko. Maaga rin akong gumising kasi ihahanda ko pa yung lunch niya at baka isumbong pa ako sa mama niya na ginugutom ko siya. Char!

Pero sa totoo lang habang bumabangon ako kanina, sumasakit ang ulo ko, grabe daig ko pa si Breeze na may hangover. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya nababaliw ako ngayong umaga. Kung tatanungin niyo ang dahilan kung bakit ako hindi nakatulog ng maayos, ayon ay dahil kay Breeze! Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nagkaroon kami ulit ng communication at nagkita pa kami sa personal after five years kaso nga lang hindi siya nakatingin sa akin.

Tapos yung mga pinagsasabi niya pa kagabi ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko kahit na dulot lamang ito ng kalasingan niya. Ilang oras ko din yung pinag-isipan pero wala talaga akong makuhang sagot.

Ang inaalala ko naman sa mga oras na ito ay paano ko siya haharapin mamaya dahil naalala ko na sinabi sa akin ni Gavin kahapon na magkikita pa daw kami ni Breeze kasi siya daw ang susundo kay Gavin. What to do?!

Pero hindi ko naman syempre hahayaan na maapektuhan ang trabaho ko ng dahil lang kay Breeze. Gusto ko ang pagiging teacher simula bata pa lang ako kaya kahit nararamdaman ko pa rin ang pagod na dulot ng kahapon, alam ko naman na pag nakita ko lang ang mga estudyante ko, mawawala na agad ang pagod na nararamdaman ko. Kahit na makukulit at pasaway sila minsan, sila pa din yung nagiging source of happiness ko lalong-lalo na kapag napakadami kong trabahong ginagawa minsan sa school.

"Bwisit ka kasi Breeze! Kasalanan mo to! Kapag nakita kita ulit, nako masasapak kita. Nakakagigil ka!" Sabi ko habang nakahiga pa rin sa kama ko. Maaga pa naman kasi, 4:30 pa lang. Nakagawian ko na kasi na magpahinga saglit kapag kakagising ko pa lang kasi naalala ko na sinabi sa akin ni lola na kapag bigla bigla ka daw bumangon, pwede kang mahilo or sumakit ang ulo mo. Kaya eto nakahiga pa rin ako, mga 30 minutes na nga.

After ng mahaba-mahaba kong pagpapahinga ay bumangon na rin ako para maghanda ng aming almusal. Mahirap na at baka makatulog ako, malate pa ako sa meeting at madamay ko pa si Kale.

Bago ako bumaba ay syempre niligpit ko muna ang hinigan ko. Inalis ko muna yung takip ng kama at pinagpagan ito. Nilagay ko muna sa upuan ng study table ko yung mga unan. Pagkatapos, tinupi ko na ang kumot ko at pinatong sa mga unan. Ibinalik ko na ulit ang takip ng kama at kinuha ko na rin ang unan sa upuan at saka ko binalik ang mga ito sa aking kama.

Nang natapos na akong maglipit ng higaan ay pinusod ko muna yung buhok ko dahil sabi ko nga sa inyo, naiinis talaga ako kapag nakalugay ang buhok ko. Kapag kasi gumagawa ka ng gawaing bahay, minsan nakakain mo, di kaya humaharang sa mukha mo o natatamaan yung mata mo. Kaya ang isang bagay na hindi nawawala sa bag ko ay extra pamusod.

"Hay nako! 24 na ako pero bakit ganito pa rin yung height ko?! Napakaunfair naman, si Breeze ang tangkad na since high school kami pero noong nakita ko siya kahapon mas tumangkad pa. Ang unfair!" Habang papalabas na kasi ako ng kwarto ko ay nakita ko lang yung height ko sa body mirror ko kasi naman yung body mirror ko na yon ay parang kasing height ni Breeze. Pati ba naman itong body mirror ko pinapaalala sa akin si Breeze?! At dahil diyan nabuo na naman ang araw ko. Char!

Bumaba na ako at pumunta muna ako sa banyo para gawin ang morning routine ko. Nagmumog lang ako sa lababo at naghilamos ng mukha. Pinunasan ko na ang mukha ko gamit ang bimpo na nakasabit sa likod ng pintuan ng washroom namin. After nito ay lumabas na ako para magkape at simulan ang paghahanda ng almusal.

Kinuha ko muna sa ref ang natira naming ulam kahapon pero mukhang kulang ito kay Kale kaya kumuha na rin ako ng ilang piraso ng hotdog. Matapos kong mapirito at maiinit ang longganisa at hotdog ay saka naman ako nagsaing ng kanin. Medyo madami ang sinaing ko kasi sabay na nito ang kanin namin ni Kale para sa lunch, nagbabaon din kasi ako. Ayaw niya kasing bumibili sa canteen ng school namin hindi dahil sa mahal ang tinda o ano. Minsan kasi hindi niya natitipuhan ang ulam doon kumpara kung magbabaon siya na masusunod ang gusto niyang ulam. Iyon nga lang hindi na ito mainit kapag kakainin na niya.

Habang hinihintay ko na kumulo ang sinaing ko ay saka naman ako pumunta ulit sa ref para kuhanin ang liempo na gustong ulam ni Kale mamayang lunch niya. Sinabi niya kasi sa akin yon kahapon noong papasok na kami matagal na daw kasi siyang hindi nakakain noon. Nagdahilan pa nga siya na kapag daw kasi baboy ang ulam namin parati ko daw itong niluluto ng may sabaw. Napakachoosy!

Kinuha ko na ang porkchop sa ref upang pakuluan ito. Nilagay ko muna ito sa palanggana na may tubig dahil matigas pa ito nakalagay kasi sa freezer. Habang pinapalambot ko ito ay saka ko naman hininaan yung apoy para sa kanin at hinintay na mainin ito. Mamaya ko na lang ipagpapakulo ng tubig si Kale dahil lalamig lamang ito dahil sa kabagalan niyang kumilos.

After 20 minutes, luto na ang kanin namin at malambot na rin ang liempo. Kaya sinimulan ko nang timplahan ito para mamaya kapag nakakain na kami ay saka ko naman ito pipirituhin, mabilis lang kasi ako kumain. Nilagyan ko muna ng paminta at vetsin ang liempo pagkatapos ay ibinabad ko ito sa harina pagkatapos ay sa itlog. Para mas maging crispy siya.

Nang matapos ko nang timplahan ito ay saka hinanda ko naman ang almusal namin. Naglagay ako ng plato, nagsandok ng kanin, kinuha ang ulam, at pinagtimpla ng kape si Kale.

After nito, pumanik na ako para gisingin si Kale dahil hindi siya magigising kung hindi mo pupuntahan mismo sa kwarto niya.

Nang nakapasok na ako sa kwarto niya ay laking gulat ko na gising na pala siya. Namamahinga pa siguro mula sa pagkagising.

"Andie Kale, pagkatapos mong mamahinga diyan, bumaba ka na at anong oras na. Malalate ka pa sa school. Tama na ang daydreaming kay Mashiho." Sabi ko sa kaniya habang pinagmamasdan siya pero naguguluhan ako kasi aba parang hindi ako naririnig ng bata na ito. Paano ba naman kasi noong sinabi ko na bumaba na siya at anong oras na ay kinuha naman ang cellphone at may tinignan dito.

"Ate 5:00 na. Ang sarap kaya ng tulog ko ngayon at feeling ko sobrang energetic ko *sabay tayo*. Napaniginipan ko kasi si Mashihoooooo! *kinikilig sabay talon*." Sabi niya habang nagniningning ang mga mata. Hindi na siguro ito makapaghintay na makapunta ng Korea at makita ang mga crush niya doon. Kung makikita niya?!

"Aba namimilosopo ka pa. Tara na nga at tutal nakatayo ka na din. Lalamig pa yung kape." Sinabi ko sa kaniya at hinatak na siya papalabas ng kwarto niya. Parehas pa kaming nabaliw ngayong umaga. Mag-ate nga talaga kami.

"Aray masakit ate! Child abuse ka! Susumbong kita sa DSRD." Sinabi niya itong nang makalabas na kami ng kwarto niya. Grabe siguro ang panaginip niya at sobrang energetic ngayong umaga. Hindi naman masakit yung pagkakahatak ko sa kaniya at syempre umaandar na naman ang pagiging best actress niya.

WAIT?! DSRD?!

"Hoy Andie Kale! Bago ka magsumbong kung kani-kanino lalo na kung ahensya ng gobyerno, siguraduhin mo muna na tama ang pangalan na pupuntahan mo baka mapahiya ka pa kung sa DTI ka pumunta." Wala lang gusto ko lang sirain ang magandang mood niya. Child abuse daw kasi ako eh. Napakabait ko talagang ate!

"Aba ate! Susumbong na talaga kita sa DSRD, child abuse tapos bullying pa!" Sabi pa nito habang papunta sa banyo para magmumog at maghilamos. Hindi ko din kasi namamalayan na nandito na pala kami sa baba dahil sa kakulitan ni Kale.

Habang nandoon siya sa banyo ay saka ko naman kinuha ang tupperware namin na lalagyan ng kanin para lagyan ito.

Saktong pagkalagay ko ng kanin ay sakto naman na natapos na si Kale sa morning routine niya. Pati morning routine niya katulad din ng sa akin. Baliw kasi eh!

"Mahal na kamahalan, eto na po ang inyong agahan *sabay turo sa almusal namin*. Nawa ay mabusog po kayo at masiyahan." Sinabi ko ito habang binigyan ko siya ng matamis na ngiti at umupo sa upuan ko. Pero nagningning lang ang mga mata niya na animo ay nakita niya si Mashiho at ito ay naging liempo. Char! Diba nga kasi gusto niya ng liempo for lunch kaya ayun nung nakita niya yung liempo na hindi pa prito ay biglang sumaya na naman. Basta kasi pagkain, mas nagiging energetic siya. Hay!

"Awieeee! *kilig* Ate napakabait mo talaga! Kaya love na love kita kahit hindi ka love ni Breeze eh *ngiting mapanukso*." Nakaupo na siya at sinimulang kainin ang hotdog. Sawa na siguro sa longganisa pero huwag tayong pakakasiguro dahil si Kale yan.

At ano daw?! Jusq sarap ipatapon ng bata na ito sa ibang planeta. Hindi ko ba naman kasi malaman kung bakit kailangan pang banggitin si Breeze eh! Nakalimutan ko na nga ng slight ngayon tapos sasabihin ulit. Ayan tuloy bumalik na naman sa isip ko yung scene kahapon!

Ano na naman kaya ang mangyayari sa araw na ito? Alam ko naman na ganoon din ang mangyayari ulit, magtuturo ako tapos uuwi sa bahay tapos matutulog tapos, tapos na. Syempre tulog na ako eh, hihintayin ko na lang ng mag-umaga na tapos ganoon ulit pero iba na ngayon. Iba na kasi ngayon kasi naman dumating na naman sa buhay ko si Breeze. Mawawala na naman ako sa sarili ko.

"Kung ano man po ang espirito na sumanib sa ate ko *nakapikit at yung kamay na parang nanggagaling sa mga may sumanib* ngayon ay paki balik na po siya dahil malalate na po kami." Nabalik lang ako sa katotohanan nang sabihin niya iyon, nagmomoment ako eh. Panira talaga! Hindi na lang kumain ng kumain hanggang sa mabusog siya. May paganon-ganon pang nalalaman eh hindi naman ako sinaniban, may iniisip lang!

"Ayan kasi binanggit mo pa si Breeze kaya nawala na naman ako sa concentration ko sa buhay." Sabi ko habang tumayo na dahil tapos na rin ako kumain at naghugas ng kamay sa lababo, masarap kasing kumain ng nakakamay. Hindi ko naman ilalagay yung pinagkainan ko sa lababo dahil hindi ko na ito trabaho, si Kale ang naghuhugas niyan. Mabait yan at masipag akala niyo ba?! Mana sa akin eh, char!

Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay kinuha ko na sa lamesa yung liempo para prituhin na ito. 5:15 na kasi at hindi pa rin tapos kumain ang isang to.

"Asus ate! Huwag ako, yung iba na lang at sarili mo ang lokohin mo. Alam ko naman na gustong-gusto mong naririnig yung pangalan niya diba? *may ngiti sa mukha*. Lalo na kapag sa mismong bibig ni Breeze nanggaling ang pangalan niya *sabay subo ng pagkain niya*." At talagang habang sinasabi niya sa akin ito ay hindi pa rin nawawala sa kaniyang mukha ang ngiti na nang-iinis. Pero pasalamat na lang ako dahil nakatalikod ako sa kaniya. Naalala ko na naman kasi yung scene kahapo--.

Syempre umeksena na naman si Kale!

"This is Breeze *boses na panlalaki*." Hindi ko alam kung narinig ba ni Kale yung usapan namin ni Breeze kahapon kasi ganoong-ganoon yung line na sinabi niya sa akin. Hindi ko na lang sana papansinin pa ang sinabi ni Kale baka kasi mamaya, mabuking pa ako dito na nakausap ko nga kagabi si Breeze. Sabihin pa kila Lola na may boyfriend na ako kahit wala pa naman, madaldal kasi yan kaya kailangan mong bantayan.

"Oh nako naman, sorry ate at nabanggit ko yung name niya. Naestatwa ka ulit tuloy! Hay nako mabigyan nga kita ng batok para naman bumalik ka na sa mundo at baka masunog pa yung ulam natin." Sabi niya habang pumupunta sa lababo para maghugas matapos niyang ligpitin ang mga pinagkainan namin. Hindi ko rin naman narinig yung sinasabi niya kasi nga iinisip ko pa rin yung about sa pangalan ni Breeze.

"H-huh? A-anong sinabi m-mo?" Lagot na ako dito! Mahahalata na niyan kasi naman minsan kasi kapag nauutal ako, meaning noon sobrang lalim ng iniisip ko. Pero walang dapat na ipag-alala si Kale dahil hindi pa naman sunog yung ulam namin. Maayos pa yung dalawang liempo at malapit nang maluto.

"Nako naman ate! Ang alam ko nawawala ka lang sa wisyo kapag naririnig mo yung name niya pero bakit pati pandinig mo nawala? Hanep naman pala yung tama mo sa kaniya." Sabi niya habang bumaling sa akin sa may lamensa. Tapos ko na kasing prituhin ang liempo at nakagawa na rin ako ng sawsawan para doon. Jusq nakipagdaldalan pa talaga sa akin. Akala yata Saturday ngayon, Tuesday ngayon Kale at may pasok pa tayo!

"Aray! Ikaw ang isusumbong ko sa DSWD eh. Pag to namula, umuwi ka na sa inyo!" Sabi ko sa kanya habang hinahawakan ang braso ko, hinampas ba naman ako ng pagkalakas-lakas. Grabe eto yata yung way niya para matauhan ako. Ang sakit pero mas masakit pa din yung katotohanan na walang kayo pero umaasa ka na lang na balang araw magkakaroon ng 'kayo' kahit walang kang pag-asa ni isang porsyento. Ako lang ba ang tinamaan o kayo rin? Pero sure ako na minsan din kayong nagmahal at umasa kahit na paulit-ulit kayong nasasaktan.

"DSRD! Anong DSWD?! DSRD. Ate naman bakit parang lumala yung sakit mo sa utak? Dahil din ba kay Breeze? Ay oops.. *lagay ng kamay sa bibig*. Sorry ate! At bago ka pa maghang, maliligo na ako sa itaas. See you later Mrs. Theodon!" Pumanik na siya para maligo sa banyo sa itaas at ako naman ay papanik na mamaya para ipanik yung tubig na mainit. Hindi pa kasi agad-agad maliligo yon, magpapahinga pa saglit yan. Hindi ko na rin inabala pang sagutin siya dahil talagang hahaba ang usapan namin hanggang sa malate kami. Pero never naman nangyari iyon. Joke lang yon kapag kasi nangyari yon ade bawas sa sweldo ko. Kawawa naman ako!

"Mrs. Theodon?! Ano ako nanay ni Breeze?! Buwisit talaga to." Nandito pa rin ako sa kusina at hinihintay na kumulo ang pinapainit kong tubig para kay Kale. Sa baba naman kasi ay maligamgam ang tubig kaya hindi ko na kailangan. Kapag kasi may pasok, ginagamit ni Kale yung banyo sa itaas pero kapag normal na araw lang, sa baba lang yung ginagamit namin.

Habang hinihintay ko na kumulo ang tubig ay saka ko naman nilinis ang buong bahay. Sa weekdays ko na lang kasi ito talaga nalilinis ng mabuti dahil nga minsan ang buhay ng teacher ay para rin na buhay ng estudyante. Minsan may mga assignment din kami na kailangan tapusin.

Sinimulan ko muna ang paglilinis sa pagwawalis sa itaas. Dahil hindi na kaya ng oras ko na mag-mop, habang nagwawalis ako ay inapakan ko na lang yung basahan. Winalisan ko na rin yung kwarto ko at pati yung kwarto ni Kale. Syempre noong pumasok ako sa kwarto niya, inihanda ko na rin yung uniform niya nandoon pa kasi siya sa banyo.

Mabuti na lang 5:30 pa lang!

Syempre nang matapos na ako sa itaas ay saka ko naman winalisan ang hagdan hanggang sa malinis ko na saglit ang buong bahay. Inayos ko din yung mga gamit na wala sa tamang lalagyan. Nilinis ko din ang kusina at mamaya ko na lang lilinisin ang banyo habang naliligo ako.

Pumunta na ako sa kusina para matignan kung kumukulo na ba ang tubig at sakto naman ang dating ko dahil kumukulo na nga ito. Wala naman kasi kaming heater dahil hindi naman kami mayaman. Nakapunta lang sila Lola sa Korea kasi talagang pinag-ipunan namin yon dahil gusto rin nila na makapunta sa ibang bansa ng sama sama kami kaya nga lang nauna sila.

Ipinanik ko na ito kay Kale at ibinigay ko na ito sa kanya. Baliw talaga si Kale noong nasa labas pa lang kasi ako ng pintuan ng washroom ay rinig na rinig mo ang napakalakas na boses niya. Parang may concert pero hindi naman ganoon kagandahan ang boses. At gusto ko na ngang bigyan ng mainit na tubig para naman mahimasmasan sa katotohanan. Mukha kasing lumalakas ang kumpyansa niya sa kaniyang sarili dahil sa malamig na tubig.

Pagkabigay ko nito sa kaniya ay kinuha ko na ang tuwalya sa aking kwarto at saka mga dapat kuhanin. Bago pa man ako bumaba ay tinignan ko muna ang oras sa aking wall clock. 5:35 na?! At dahil dito ay bumaba na ako para maligo.

Pero bago ko iyon ginawa ay diniligan ko muna ang mga halaman sa aming harapan, inaalagaan kasi ito ni Lolo kaya kailangan alagaan din namin. Pagkatapos nito ay saka ako pumunta sa banyo at naligo. Habang naliligo ako ay saka ko nilinis ang banyo dahil nakakahiya naman kapag umalis kami ng bahay tapos ang dumi-dumi ng banyo.

After 10 minutes ay tapos na akong maligo at pumanik na sa taas para magbihis. Pagkadating ko sa aking kwarto ay siya naman pagtapos ng concert ni Kale sa banyo. Partida nauna pa siyang naligo sa akin niyan!

"Ate bilis-bilisan mo ngang kumilos at baka malate pa tayo." Sabi niya pa sa akin habang naglalakad papunta sa kaniyang kwarto.

"Aba nahiya naman ako sa iyo Andie Kale! Nagawa ko na lahat lahat dito sa bahay hindi ka pa rin tapos maligo. Napakabilis mo ngang kumilos, sobra grabe!" Sabi ko sa kanya habang kinukuha yung uniform ko sa may sampayan sa may plantsahan. Doon kasi namin inilalagay yung mga damit at hindi sa cabinet agad.

"Joke lang yon ate. Ikaw naman! Aga-aga eh mainit agad ang ulo mo. Chinecheck ko lang naman kung maayos ka na baka kasi naghahang ka pa. Paano na lang kapag magkasama na kayo ni Breeze sa iisang bubong? Oops...sorry hehehehe. Magbibihis na nga ako." Sabi ni Kale at dali daling pumasok sa kwarto niya. Alam kong plinano niya talagang asarin ako dahil sinasamantala niya kasi minsan yung pagiging tulala ko kaya sinasadya niya na banggitin si Breeze.

Bakit kaya ako natutulala kapag naririnig ko ang pangalan ni Breeze? May sakit kaya ako at ang tawag Breeze Syndrome? Tapos konting-konti na lang ay sobrang lala ko na?! (A/N: Hindi lang sobrang lala, mas malala pa sa sobrang lala.) Di ko gets author kaya close your mouth na.

Pumasok na ako sa aking kwarto at nagbihis ng aking uniform. Ang uniform kasi namin tuwing Tuesday ay green na kakulay ng lumot favorite color ko kasi is green kaya excited na akong suotin ito.

Pagkatapos kong magbihis ay mabilis na rin akong nag-ayos ng aking sarili. Mga 20 minutes lang ang iginugugol ko sa pagaayos ng sarili ko kapag papasok ako. Hindi naman kasi ako mahilig magmake-up or should I say hindi ako marunong magmake-up. Gusto ko kasi na simple lang ang itsura ko pero as much as possible syempre pinagmumukha ko namang tao yung mukha ko. Nakakahiya naman kung haharap ako sa mga bata na may eyebags or ano man. Baka imbes na mapalapit sila sa akin ay baka lumayo ang mga ito at worst ay baka matakot sila sa akin. Kaya ang morning routine ko kapag papasok ako ay ito, magbibihis ng uniform, suklay ng buhok, suotin yung relo ko, maglagay ng lotion at polbo, at pagkatapos nito ay magwisik ng pabango.

Tapos na akong magbihis at magsuot ng sapatos ko kaya naman pinuntahan ko na si Kale para tignan kung tapos na ito. Nagsuot ako ng sapatos na may 1 inch na heels para naman kahit papaano ay maramdaman ko ang feeling ng matangkad kahit saglit lang. Hay!

"Kale tapos ka na ba?" Sabi ko sa kanya habang binuksan ang pintuan niya pero hindi na ako pumasok pa sa kwarto niya dahil alam kong magmamadali siyang magbihis kapag nakita na niya akong tapos na. At tama nga ako dahil hindi pa rin siya tapos. Ngayon pa lang siya nag-aayos ng gamit niya.

"Wait lang ate, ayusin ko lang ito. Saglit lang talaga! Sa baba mo na lang ako hintayin. Nakakahiya naman kasi sa akin eh. Bakit kaya ang bagal ko kumilos?!" Buti naman at narealize mo Kale! Ewan ko ba at bakit ngayon mo lang narealize.

"Ngayon mo lang nalaman?! *gulat na tono*. Nako huling-huli ka na sa balita. Salamat sa hotdog na kinain mo kanina dahil tinulungan ka na kilalanin ang sarili mo. Thank you sa hotdog! Thank you!" Sabi ko habang tinitignan lang siya na kasalukuyang inaayos ang mga gamit niya.

Pumunta muna ako sa kwarto ko para kuhanin muna ang sling bag ko at bago ako tuluyang bumaba ay sinara ko muna ang mga bintana kasi baka mamaya may pumasok na mga ibon.

Nang makita kong maayos na ang kwarto ko ay saka ko isinara ang pinto at saka tuluyang bumaba para hintayin si Kale sa baba. Hindi pa yan bumababa kasi nga nakabukas pa ang pintuan ng kwarto niya at sabi niya ay hintayin ko siya sa baba.

Pumunta muna ako sa kusina para ilagay na sa lunch box ang pagkain at tubig namin ni Kale. Pagkatapos nito ay pumunta na ako sa aming sala at saka umupo sa sofa kasama yung lunch box namin.

Habang naghihintay ako ay kinuha ko muna yung cellphone ko at tinignan kung may may nagtext ba sa akin.

SABIHIN NIYO SA AKIN NA HINDI ITO TOTOO! SI BREEZE! SI BREEZE! SI BREEZE RYTE THEODON! YUNG LALAKING GUSTO KO NAG...NAG...NAG...CHAT SIYA SA AKIN AFTER HOW MANY YEARS! MY GOODNESS! FIRST TIME TO NA SIYA ANG UNANG NAG-CHAT TAPOS WALA NAMAN AKONG GINAWA PARA MAGCHAT SIYA.

HALA! WHAT TO DO?! ANONG GAGAWIN KO?! (A/N: Tinagalog mo lang.) TSE! Panira talaga ng moment si author. Hator!

OOPEN KO BA OR IBLOBLOCK KO?! Baka naman kasi nawrong send lang, OA ka talaga Shaze!

"Eh bakit naman ako ichachat nito ng ganitong oras? Diba nakainom to?! At himala napakaaga niya pang nagising ngayon. Sana hindi sumakit ang ulo niya pero kasalanan naman niya yon if mangyayari yon. Umin--." Naputol ang sasabihin ko ng marinig ko na pababa na si Kale ng hagdan at ayun ay dahil sa kaniyang napakalakas na tunog ng kaniyang mga paa. At may ginawa na naman siya para masira ang umaga ko.

"ATE TARA NAAAAA! *pakanta*." Sinabi niya habang bumaba ng hagdan gamit ang napakalakas niyang boses samahan pa ng napakalakas na pagbaba niya ng hagdan. Jusq sumakit ang tenga ko sa ginawa niya kaya agad agad kong pinasok ang cellphone ko sa bag ko at saka tinakpan ang tenga. Ang ayoko kasi talaga sa lahat ay yung maingay.

"Andie Kale Sertew! Sa susunod na marinig ko pa na ganyan ka kaingay bumaba at pumanik ng hagdan, sinasabi ko sa iyo kukuhanin ko ang cellphone mo. Ang aga aga pa nambubulabog ka ng mga kapit-bahay." Sabi ko sa kaniga sabay tayo dahil aalis na kami ng bahay.

"Huwag naman, peace tayo ate hehehe *ngiti*. Pero ayaw ba nila noon?! May tagagising na sila kapag nakalimutan nilang gumising ng maaga. Galing ko noh?!" Sabi niya habang kinukuha ang lunch box niya. Syempre kinuha ko na rin ang akin.

Sinara ko muna yung pintuan sa kusina pati na rin yung sa main door at lumabas na kami ng bahay. Nacheck ko na rin naman kung may nakasaksak ba na appliances kanina noong nasa baba pa ako kaya lumabas na kami. Naglakad kami ng konti papuntang gate at nang makarating na kami dito ay lumabas na kami at sinara ito nang mabuti.

Lakad. Liko pakaliwa. Tutulay sa tulay na bato. Baba. Lakad. Tataas. Tutulay sa tulay na bakal. Baba ulit. At liko pakaliwa.

Kasaluluyang kaming naglalakad ni Kale papunta sa SJCS. Walking distance lang naman ito at araw-araw namin itong ginagawa dahil nagseserve na ito as our exercise tuwing umaga. Pwede rin naman na magtricycle pero best option ito kapag sobrang late ka na.

"Ate bakit ayaw mo pa rin na kalimutan si Breeze ni wala ka ngang balita sa kaniya, kung buhay pa ba siya or ano?" Tanong ni Kale habang nakatingin sa akin.

Kale, kung alam mo lang ang mga nangyari kahapon baka tumalon ka pa sa building kapag sinabi ko sa iyo na nakita ko na siya at nakausap ko pa sa cellphone.

Pero yung tanong na iyon ay isa sa mga tanong na tinatanong ko din sa sarili ko, bakit nga ba ayaw kong kalimutan siya kung alam ko din sa sarili ko na wala akong pag-asa sa kaniya. Matigas din kasi talaga ang ulo ko at makulit din ang puso ko dahil parang sinasabi nila sa akin na may pag-asa pa ako kay Breeze hanggang wala pa itong girlfriend. Pero aaminin ko din na sa paghihintay ko kay Breeze, minsan parang gusto ko na lang talaga na sumuko kasi pagod na pagod na akong umasa lalo na sa una pa lang alam mo na wala ka talagang pag-asa sa kaniya.

"Aray kooo! Hindi naman masakit Kale! Bakit mo na naman ba ako hinampas hah?!" Paano ba naman kasi hinampas na naman ako sa braso. Buti na lang kamo at hindi namula dahil makakatikim talaga siya ng batok sa akin kapag namula ito.

"Eh kinakausap kasi kita kanina pa pero naghang ka na naman. Ayan lang kasi yung alam ko na effective na way para bumalik ka sa kaluluwa mo. Pasalamat ka at hindi batok ang ginawa ko ate. Dahil kung bat--." Rap ni Kale. Napakabilis kasing magsalita akala mo naman ay may humahabol sa kaniya. Aba at nagdahilan pa pero totoo naman na naghang na naman ako, nagtanong pa kasi tungkol kay Breeze eh. Pinutol ko na ang sasabihin niya dahil bumabagal na naman siya sa pagkilos eh. Ang bagal maglakad ni Kale!

"Eh kung sana kasing bilis ng pagsasalita mo yung paglalakad mo?!" At ayun effective naman ang pagsusungit ko sa kaniya pero bago pa man siya maglakad ng matino, mabilis, at normal ulit, ay nagsalita na naman siya.

"Sabi ko nga ate! Eto na nga *binilisan ang paglakad*. Mayroon ka ba ngayon ate? Napakasungit mo kasi *bumagal ang lakad*. Ay natural na pala sa iyo iyon kaya takot sa iyo yung mga lalaking kaklase mo dati." ANDIE KALE SERTEW! Hindi ba ito nauubusan ng pang-iinis sa katawan? Umagang-umaga pa lang pero parang sira na agad ang araw ko. Natural na nga sa akin ang pagiging masungit Kale lalong lalo na sa mga katulad mo. Tss!

"Bahala ka sa buhay mo. Tara na at baka malate pa tayong dalawa." Sabi ko sa kanya habang naglalakad ng medyo mabilis kay Kale. Tumango lang din siya at saka lumakad na.

Noong nasa main gate na kami at papasok na sana sa school ay nagulat naman ako dahil lumapit sa akin si Kale at may binulong.

"Ate si Breeze nasa likod mo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top