Chapter 2.7
Nandito pa rin ako sa left side ng bakal na gate dahil hindi ko naman akalain na lahat pala ng Grade 10 ay maiisipan na kumain ngayon sa canteen. Anong oras naman na kasi kaya panigurado yung iba ay naisipan na lang din na bumili na lang dito at hindi na magbaon pa.
"Ang gwapo talaga ni Kuya na nandoon no!"
"True! May girlfriend na kaya siya?!"
"Ia-add ko sa Facebook mamaya si Kuya! Oh my gasul! Kyahhhhh!"
"Take note hah, hot din siya kaya whole package na!"
Ewan ko ba kung bakit panay ayan ang naririnig ko ngayon sa mga estudyante na babae na Grade 10. Lalaki na gwapo na nasa couch. Eh yung couch na tinutukoy nila ay yung nasa harapan ng room ko. Most of the time kasi ang couch na iyon ay ginagamit para upuan ng naghihintay na magulang o guardian lalo na at malapit dito ang faculty kapag kakausapin ng teacher about sa concern sa mga student.
Hindi ko na sila pinakinggan pa muli dahil puro salitang 'gwapo' at 'hot' ang naririnig ko mula sa kanila. Halos kumunot naman ang noo ko dahil sa naiisip ko na hindi yata sila nauubos. Paano ba naman kasi ay halos hindi na sila magkasya na lumabas sa may bakal na gate at yung iba ay napipilitan na sa kabila na lang dumaan kahit na mas malayo ng konti yung daan doon sa Grade 6. And mostly mga lalaki ang dumaan doon at puro mga kababaihan naman ang nandito na sa nakikita ko ngayon ay parang ang bagal nila na lumakad. Napaisip tuloy ako kung artista ba yung nasa couch dahil grabe humanga ang mga babaeng estudyante dito na animo ngayon lang sila nakakita ng lalaki na gwapo. Kung gwapo talaga iyon.
"Kyahhhhh! Shems! Parang gusto ko na pakasalan yung lalaki kanina!"
"Tumigil ka! Akin siya! Akin! My prince charming is here! Oh my god!"
"Grabe ang gwapo ni Kuya para bang nakita ko ng personal si Leonardo DiCaprio noong binata pa siya! Ang hot ni Kuya!"
Dahil sa paghihintay ulit ay napakinggan ko na naman ang sinasabi ng mga estudyante na babae. Hindi ko alam pero parang sinasadya na marinig ko ang mga sinasabi nila kahit na tumataas na rin ang volume ng ingay dito sa canteen dahil sa bilang nila. O talagang chismosa lang ako? O baka dahil sa nagulat ako sa mga sinasabi nila dahil noong nasa edad pa nila ako ay in-denial pa ako na ganoon nga si Breeze. Teka! Bakit naman si Breeze agad ang pumasok sa isip ko? Hindi kaya siya gwapo at mas lalong hindi... ano...ano... basta!
Erase. Erase. Erase.
Shaze, yung mga bata muna ang intindihin mo at baka kung mapano sila. Tama! Yung mga bata nga ang dapat inaatupag mo ngayon at hindi ang lovelife mo. Kung mayroon man. Aish! Assuming ko talaga!
Tila nakahinga ako ng maluwag nang medyo lumuwag na ang daan dahil sa konti na lang ang mga nagdadaan na Grade 10. Hindi na ako nagsayang ng panahon at dire-diretso ako na pumasok sa bakal na gate. Hindi ko na rin inisip pa yung lalaki na sinasabi ng mga Grade 10 na nakaupo daw sa couch dito sa harapan ng room ko dahil hindi naman ako interesado. May kung ano man na nagsasabi sa akin na tignan yung sinasabi nila na lalaki na nasa couch na alam ko na kapantay ko na ngayon, kahit man sa peripheral vision lang pero hindi ko naman ginawa kasi loyal ako. Loyal ako sa taong hindi naman sa akin.
*thud* *thud* *thud*
Kumakabog ang dibdib ko sa bawat hakbang sa hindi ko malaman ulit na dahilan. Feeling ko kasi may nakatingin sa akin at pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Pero sa kabila nito, pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad at kung kanina ay sobrang kinakabahan ako, ngayon naman ay kulang pa ang salita na 'sobra' para ilarawan ang kaba na nadarama ko. Hindi man halata sa mukha ko pero halata naman sa puso ko na ang klase ng tibok ay yung pwede na akong mamatay sa sobrang bilis at sa kamay ko naman dahil sa panginginig nito.
*thud* *thud* *thud*
Iniisip ko tuloy na baka may nangyari na masama sa mga bata kaya ganito na lang ang kaba ko. Kapag daw kasi kinakabahan ka ng sobra, ibig sabihin daw parang may mangyayari na hindi maganda. Binalewala ko na lang ang ideya na iyon kahit na dumating na din ako sa punto na napaparanoid na ako na may nakatingin sa akin siguro dahil lamang iyon sa pago-overthink o kaya assuming lang ulit ako! Kasama rin diyan na hindi pa ako naglulunch kaya siguro ganito na lang ang mga ideya na pumapasok sa isip ko. Ngunit, sa kabila pa rin ng kaba na nadarama ko ay laking pasasalamat ko na kumonti na ang mga estudyanteng nagdadaan kaya mabilis na akong nakapunta sa pintuan ko.
*thud* *thud* *thud*
Humigpit ang hawak ko sa plastic na nasa left hand ko kahit na hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ko ginawa iyon. Habang ang right hand ko naman ay nakahawak na sa lever ng pintuan. Hindi ko magawa ang simpleng pagbaba sa door lever sa kaba. Nagsimula na rin na maglawa ang mga kamay ko. Inipon ko na lahat ng lakas ko para lang buksan ang door lever kahit na hindi naman kailangan ng lakas sa pagbukas nito.
Nanginginig man ang kanang kamay ko sa pagbukas ay ipinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko dahil sa mga bata na baka wala na dito sa loob at kinuha na ng mga nangingidnap ng bata. Dahil sa naiisip ko ay dali-dali kong binuksan ang pintuan pagkatapos ko na maibaba ang door level. Pero hindi pa man ako nakakapasok kahit na nabuksan ko na ng kaunti ang pintuan ay may kung sino ang humawak sa kamay ko na nakahawak sa door lever. Hindi pa ito nakuntento at sinara ulit ang pintuan habang hindi pa rin nilalayo ang kamay niya sa kamay ko.
*thud* *thud* *thud* *thud* *thud* *thud*
Hindi na humupa ang kaba na nasa dibdib ko dahil sa ginawa ng kung sino man ito. Hindi ko pa rin tinitignan kung sino siya pero feeling ko lalaki ito dahil sa napako ang tingin ko sa malambot at higante na kamay niya na nakapatong sa kamay ko. Tila ba parang naging pang-kindergarten ang size ng kamay ko kung ikukumpara sa kamay niya. Mainit ang mga palad niya kumpara sa malamig at namamawis na kamay ko. Mahihiya na ba ako sa kung sino man ito? Eh bakit ako mahihiya, siya kaya ang humawak sa kamay ko! Tsaka hindi ba namamawis ang kamay niya kapag kinakabahan siya? Eh bakit ba inaaway ko siya? Aish.
Sinubukan ko naman na bawiin ang kamay ko dahil masyado siya na feeling close. Sure naman ako na hindi ko siya kilala at ganoon din naman siguro siya. Hindi naman ako nagtagumpay nang bigla nito ako na iniharap sa kaniya gamit ang kaliwa na kamay na nakahawak sa pintuan at pati ang kamay ko din ay nasama. Hindi masakit at malakas ang ginawa niya pero ano ang karapatan niya na gawin iyon?!
*thud* *thud* *thud*
Habang nakayuko ay napapikit naman ako ng mariin sa konting inis na bumalot sa katawan ko dahil sa ginawa ng tao na nasa aking harapan pero nananatili pa rin ang kaba na mayroon ako. At lalo na nararamdaman ko pa rin na hindi niya binitawan ang kamay ko at mas lalo na hinigpitan ang pagkakawak dito. Binuksan ko ng dahan-dahan ang mga mata ko ngunit, nakayuko pa rin ako.
Unang bumungad sa mga mata ko ang suot niya na kilalang brand ng Pericle Horsebit Leather Slippers na halos himatayin ako sa katotohanan na pinangaaraw-araw niya lang iyon. Black Khaki shorts. Ang kaliwang kamay din ay may gold na bracelet. Plain white T-shirt na medyo maluwag. Hindi pa rin nagsasalita yung tao na nasa harapan ko at wala rin yata siya na balak na bitawan ang kamay ko kaya nag-angat na ako ng tingin upang komprontahin siya.
"Sino k--." Malumanay na pagkakasabi ko habang inaangat ang ulo ko. Ang desisyon na mag-angat ng tingin ay isa sa pinakapinagsisihan ko na ginawa sa lahat ng desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. Hindi dahil sa makakaramdam ako ng ngawit sa batok mamaya kasi hindi lang estado ng buhay kami magkaiba, maging pati na rin sa height. Hanggang malapit na sa balikat niya lang kasi ako. At kaya naman pala humaling na humaling ang mga estudyanteng babae sa lalaki na ito na nakuha pa nila na bagalan ang paglakad kanina. Hindi lang kasi porma ang kahanga-kahanga sa kaniya dahil mas mahuhulog ka sa patibong niya kung sisilayan mo nang mas malapitan ang hindi na normal na pantao niyang mukha. Hindi normal dahil parang hindi sapat ang salitang 'perpekto' ng mga tao para ilarawan ang kagwapuhan niya.
His oval-shaped face looks brilliant with his chocolate and deep-set eyes combined with furry straight eyebrows. His nose resembles the pointed nose of an airplane where a little mole made him more unrealistic. And what made me stop from my tracks is the shape of love that can be seen on his lips which does not have its usual color of red, the skin color of sweet lychee instead. Lychee does have bumpy skin but, I can say that his face is the opposite, it looks so soft and smooth. His skin color is being defined by the translucent white flesh of the said fruit. And at last, if you are curious to know what he does in life, his hair says it all for he has an air force military haircut.
I just savor this moment with the man who is in front of me and the man that I wanted to avoid the most. Whenever, I am near and close to him like this, it's like he is the sun that is untouchable and unreachable. Malayo man o malapit, mahirap pa rin siya na abutin kasi pinipilit ko lang ang sarili ko na isipin na kaya niya rin ako na mahalin. Bumalik siya para saan? Para sa iba habang ako at ang puso ko, tahimik na nasasaktan.
"Breeze Ryte! Ikaw na ba yan?!" Sabay naman kami na napatingin sa usal ni Kuya Roberto na may hawak pa na screwdriver. May inayos siguro siya na speaker doon sa katabi ng stage na nasa kinalalagyan ko kanina. Isa rin siya sa pinakamatagal na dito. Nagtratrabaho na siya dito noong estudyante pa lang ako as technical maintenance at hanggang ngayon naman na din na teacher na ako dito. Pagkatapos niya na sabihin iyon ay napatingin pa siya sa mga kamay namin ni Breeze pero nahinto rin sa lalaki na ngayon din ay nakatingin na din sa kaniya. Iyon ang naging dahilan kung bakit matagumpay ko naman na nabawi ang kamay ko mula sa kaniya.
"I am po." Napasulyap ako sa kaniya at kamalas-malasan na nakitingin din pala siya sa akin. Ang nakakainis lang ay hindi naman ako ang kausap niya pero nanatili pa rin ang tingin niya sa akin. At ang mas malala pa ay matabang pa ang tono ng pagkakasabi niya kay Kuya. Sulyap lang pala ang ginawa kay Kuya kanina at noong inalis ko ang kamay ko mula sa kaniya, doon niya ako binigyan ng matalim na tingin. Hindi ko naman malaman kung bakit nagsusungit na naman ito! Siguro ay ayaw ako nito na makita. Kung ganoon, magtiis muna siya. Aish.
Magkaharap pa rin kami na dalawa at si Kuya Roberto ay kasalukuyan naman na naglalakad sa may gawi ko dahil sa point of view niya, nasa left side ako. Ibig sabihin, pupunta siya sa main gate. Si Breeze kasi ay nasa right side na papunta naman doon sa Grade 6. Napabaling naman ako kay Kuya na huminto sa harap namin at nagsalita. Si Breeze naman ay hindi pa rin binibitawan ang tingin sa akin. Paano ko nalaman? Peripheral vision.
"Nako, Breeze Ryte! Halos wala ka yata na pinagbago, Breeze. Gwapo pa rin, oh! Nako, habulin ka pa rin ng mga babae ano?!" May ngiti sa labi na sabi ni Kuya Roberto. Kung ano ang ikinahaba ng sinabi ni Kuya ay siya naman na ikinaikli ng sagot ni Breeze na masungit.
"No po." Salamat naman at kahit papaano ay may tipid na ngiti pa siya na iginawad kay Kuya pagkatapos niya na sabihin yon sa usual na tono, matabang.
No daw?! No mo mukha mo! Sigurado ako na marami sa kaniya na nagkakagusto! Eh dito pa nga lang sa school na halos lahat ng Grade 10 na babae ay nahuhumaling na sa kaniya, paano pa kaya kung pati Grade 7, 8, and 9. Huwag kayo iba na ang takbo ng utak ng mga Grade 7 ngayon. Mas advance na yata sila kaysa sa mga nakakataas sa kanila pagdating sa mga ganito. Pero kahit ganoon, hindi pa rin kapani-paniwala, Breeze Ryte Theodon!
"Nako! Ikaw naman, Breeze, pahumble ka pa! Siguro ay may asaw--- Saglit lang hah, Breeze, Ma'am Shaze. May tumatawag lang. Hello, Sir!... Nakuha na po ni Ma'am Nenette kahapon po... Opo, Sir..." Nahinto sa pagsasalita si Kuya dahil tumunog kasi ang cellphone niya at baka si Sir Max, ang assistant principal, ang tumawag. Sumenyas siya ulit sa amin na saglit lang at binigyan ko naman siya ng ngiti. Mukhang ako nga lang yata ang nakapansin noon dahil yung isa ay parang pinapatay na ako sa isipan niya dahil sa talim ng tingin. Sinundan ko na lang ng tingin si Kuya Roberto na lumayo sa amin ng kaunti at sa ngayon ay nakikita ko na nandoon sa may daan papunta sa gate.
"Are you done checking him?" Narinig ko na sinabi niya sa seryoso na tono. Humalikipkip pa ito dahil narinig ko yung susi na nasa left hand niya na tumunog. Hindi ko siya pinansin dahil baka hindi naman ako ang kinakausap niya. Baka nga nakita niya yung ghost na kumatok dito kanina kahit na sinabi sa akin ni Ma'am Pil na siya iyon. Kumakausap pala siya ng mga kauri niya na multo? Ay hindi niya pala ako ghinost... wala pala na kami. Hays.
"Are you done checking him? Yes or no and, I do not need any explanation." Medyo mahaba na sabi niya sa akin. Nababaliw na ba ang isang to?! Sino ba ang kinakausap niya kasi?! Wala naman kasi siya na binanggit na pangalan kaya ayan naguguluhan ako. Ayaw ko na talagang mag-assume dahil kami lang na dalawa ang nandito. Wala pa rin na bumabalik na mga Grade 10. Ang tagal naman kumain noong mga estudyante kanina na sabi ay babalikan nila si Breeze! Ayan tuloy, parang hihimatayin na ako sa mga tingin niya.
Hindi ko na lang ulit siya pinansin at luminga ulit ako sa paligid. Ngayon ko lang napansin na sobrang ganda pala ng pwesto ng room ko dahil malapit sa canteen, diretso lang papunta roon tapos may couch pa na nandito. Malapit din sa faculty at daan sa main ga--.
"I know that you are quiet way back then but, answer me. Are you done checking him, Pier?" Kung kanina ay seryoso ang tono, ngayon naman ay malumanay na at parang nag-iingat na sabi niya. So confirmed nga! Wala talagang multo dito at si Ma'am Pil nga yung kumatok kanina. Pier daw, siya pala ang kinakau---Teka! That is my surname! So it means, ako...ako yung kinakausap niya kahit kanina? Hindi yung multo? Aish erase. Erase. Erase. Walang multo. Pero bakit ba kanina niya pa sa akin tinatanong iyon? Para kasi siya na sirang plaka na paulit-ulit na tinatanong iyon. Sino ba na 'him'? Liwanagin muna niya kaya ang tanong niya para naman alam ko kung ano ang isasagot ko.
"Ah ano kasi...ano ang sabi mo ulit?" Kahit na narinig at naintindihan ko naman ang sinabi niya ay tinanong ko ulit siya. Nagbabakasakali kasi ako na liliwanagin niya ang tanong niya. Ang gulo kaya!
"Tss. Nothing. Can we talk?" Habang yumuko siya at nilalagay ang mga kamay sa bulsa ay binibulong niya yung 'Nothing' pero narinig ko naman. Pagkatapos nga na mailagay ang mga kamay sa dalawang bulsa ay diretso naman siya na tumingin sa akin. Habang ako naman ay nilalabanan naman iyon na hawak pa din ang plastic na sa tingin ko ay basang-basa na. Oh my Terrence! At si Gavin! At si Cher! Hala, Shaze! Yung mga bata. Kailangan ko na talaga pumasok sa pintuan na ito at baka magyera ako ng mga magulang nila. Pinasadahan ko muna ng tingin si Breeze.
Tss rin. Nothing daw pero ang haba ng sinabi niya kanina. Ang sungit talaga ng lalaki na ito! Sarap ipadala sa Mars eh. Tapos may 'Can we talk' pa na nalalaman. Kausapin niya yung mga kauri niya na alien doon sa Mars baka sakali na magkaintindihan sila. Ang gulo niya kasi!
"Ah kanina pa po kayo kumakatok? pasensya na po Sir kas--." Magalang na sabi ko sa kaniya baka kasi mamaya mali lang din ang dinig ko sa 'Can we talk' niya. Umamba na rin ako na bubuksan ang pintuan pero mabilis pa sa kidlat na sinarado niya nang mahina iyon.
Nababaliw na ba siya? Palibhasa ay hindi naman siya ang papagalitan ng mga magulang at sisisantehin sa school na ito kapag may nangyari sa mga bata. Kaya kahit na sinarado niya ang pintuan kanina ay sinubukan ko ulit na buksan ito at tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang marinig ko na may mga bata pa na naglalaro.
"Fire!"
"Atttaccck!"
"Bang! Bang! Bang!"
May trabaho pa ako. Confirmed din na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang gyera na mayroon sila.
Papasok na sana ako kaso nagsalita siya. Nakahawak naman ang right hand ko sa lever at nakaawang na ng konti pa lang ang pintuan. Hindi ko na kasi ito isasara at baka hindi ko na talaga ito mabuksan pa. Si Breeze naman ay nakaharap pa rin sa akin at napansin ko naman ang pagtaas ng kanang kilay niya. Ang mga kamay pa rin niya ay nasa bulsa pa rin.
"Drop the 'po', Pier. I know that I am older than you but, it's just one year." May pagkairita na himig sa boses niya.
Wala daw na 'po'. Pero hindi man lang inappreciate ang pagiging magalang ko sa kaniya. Sundo kaya siya ng estudyante ko!
"Okay, Sir." Mahina na sabi ko sa kaniya habang mabilisan na tumingin sa kaniya. Nakaharap kasi ang katawan ko sa pintuan kaya binaling ko na lang ang ulo ko sa kaniya. Halos lumabas naman ang puso ko mula sa kinalalagyan nito ng bigla na lumapit si Breeze sa akin.
*thud* *thud* *thud*
"Don't call me Sir, for I am not your employer." Ang nakakainis lang sa akin ay sa hindi ko malaman ang gagawin kanina dahil sa paglapit niya at sa sobrang pintig ng puso ko ay nabitawan ko ang pintuan. Using his left hand, he closed again the door. At saka sinabi sa akin yan with his husky voice. Tuloy ay para na ako na estatwa sa kalagayan ko. Parang ano man na oras ay mamamatay na ako dahil sa kahit paghinga ay nahihiya ako na gawin sa harap niya.
"Pe-pero ka-kasi an--"
"Forget about that and let's talk. Sa tagalog, kalimutan mo na iyon at mag-uusap tayo."
This time, nawalan na ako ng lakas ng loob na tignan siya. Kaya heto ako ngayon, nakatingin lang sa may pintuan. Bakit na naman ba ako kinakabahan?! At saka nag-uusap na nga kami eh, ano pa ba ang gusto niya na pag-uusapan? Act normal, Shaze! Act normal! Summa Cum Laude ka sa pagiging martyr at pagtatago ng feelings!
"Ah tawagin ko lang si Gavi--." Sinabi ko ito para matigil na siya pero ako pala ang matitigil sa pagsasalita. Ang sungit!
"Gavin is already in the car and now, we will talk. Mag-uusap tayo." Siguro ay nakaramdam siya na hindi ako komportable kapag malapit ang presensya niya sa akin kaya bumalik ulit siya sa kinatatayuan niya kanina. Mabuti naman dahil kung hindi baka narinig na niya ang sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. Pero baka nga narinig niya kaya lumayo siya? Nakakahiya!
Usap? Talk? Ako at siya? Para saan? Siguro about Gavin. His nephew of course. Ano pa ba ang gusto ko na pag-usapan namin? Feelings ko? Sisiguraduhin ko muna na solve na ang Bermuda Triangle bago mangyari iyon! Hays.
"Ah about Gavin? Wala naman na dapat ipag-alala kasi Gavin is a good student. And kung ganoon, drive safely and thank you sa pagsundo kay Gavin." Malumanay at may kasama pa na ngiti na sabi ko sa kaniya. Pero syempre hindi niya iyon makikita dahil nakatalikod na ako sa kaniya. Mabilisan ko na binuksan ng konti ang pintuan at hindi ko na rin inalis pa ang kamay ko doon simula noong lumayo siya sa akin. Kung kanina ay right hand ang nakahawak sa lever, ngayon naman ay ang kaliwa ko naman na kamay na ang nakahawak dito at nilipat ko ang plastic sa right hand ko.
Bakit ba ako nag 'thank you' sa kaniya eh natural lang naman na susunduin niya si Gavin dahil uwian na!
Pero sana tumahimik na siya dahil nablablangko na naman ang utak ko at puro walang sense na ang lumalabas dito. Sana tumahimik na siya dahil kapag nagsalita pa siya ay tuluyan na naman ako na mababaliw at aasa sa mga salita at ginagawa niya. Wala na yata na expiration date ang pagiging umaasa ko sa kaniya. Nasaktan na ako lahat, bumabalik pa rin ako sa kaniya. Kahit wala naman, umaasa pa rin ako. Hays.
"Why did you not reply to my chat?"
Tignan mo ang gulo talaga ng masungit na ito. Una, kung tapos na daw ba ako na i-check yung 'him' na hindi ko naman maintindihan kung sino. Tapos ngayon naman, bakit daw hindi ako nagrereply sa chat niya. Hindi naman kaya siya nagchachat sa akin! Puro nga 'Happy New Year' ang laman ng chat namin eh. Yung una ay yung mga pinsan ko ang nagchat ng 'happy new year' tapos sumunod ako naman na. Hindi naman siya snob at sumasagot din sa akin. Natigil naman iyon simula noong Senior High na kami tapos hanggang ngayon.
Nagchat ba talaga siya? Hindi ko kasi machecheck ngayon dahil wala ako na dala na phone at nasa bag ko, doon sa faculty. Mayroon ba talaga? Baka jinojoke lang ako nito! Paasa ito eh kaya hindi ako maniniwala. Pero nagchat ba talaga siya?!
Lumingon ako sa kaniya at parang gusto ko na mabilisan na pumunta sa faculty para tignan ang cellphone ko para makita ang katotohanan. Ngunit, paano pa ako makakaalis gayon na ang hinihiling ko kanina ay natupad na.
"Omg! Sabi ko na nga ba! Meant to be kami ni Kuya, Terry!"
"Ang gwaaaaapo niya talagaaaaaaaa!"
"Mahiya nga kayo, naririnig kayo!"
"So what?! Atleast mapapansin niya ako! Ariane, back off. Mine ko na yan!"
"WAHHHHH! Parang artista si Kuya!"
"Shems! Ang gwapooooo!"
Dumaan na ang mga Grade 10 dito pati na rin yung tatlo sa harapan na nagdadaldalan kanina. Nakabisado ko na ang pangalan ng dalawa, Ariane at Terry. Hindi naman na halos babae ang dumadaan, maging ang mga lalaki rin. Ayon naman siya at umusog ng konti sa gilid ko. Nakalapat na yung likod niya sa wall at nakaharap sa mga estudyante na dumadaan. Magkasalubong pa ang kilay na nakatingin sa kanila. Habang ako naman ay nakaharap sa kaniya at hawak pa din ang pintuan. Tahimik na pinagmasdan na maubos sila at para na rin makaligtas ako sa tanong ni Breeze.
Yung puso ko naman parang hindi napapagod sa pagtibok ng mabilis, ang lakas na baka ngayon nga ay naririnig ulit niya. Halos ako naman ay nadidistract din sa mabango niya na amoy. Grabe, hindi ko alam paano ko nagawa na ituon ang pansin ko sa mga Grade 10 na dumadaan habang nahihiwagaan ako sa amoy niya. Alam ko na ito na amoy niya pero parang hindi pa rin nakakasawa. Kahit nga nasa malayo ako, ang weird pero naamoy ko na agad iyon. Hindi naman nagkakamali ang pang-amoy ko dahil siya nga ang nakikita ng mga mata ko. Pero bakit hindi gumana ngayon?!
Kung ano ang ikinibagal ng mga Grade 10 na pumunta dito ay siya naman na ikinabilis ng pag-alis nila. Sabagay, malapit na din kasi na matapos ang lunch break nila. Ngunit, may iilan pa din na natitira sa canteen. Baka sila yung mga estudyante na wala ng iintindihin na assignment o ano pa man kaya okay lang na mahuli sa klase.
"I will only say this twice. Why did you not reply to my chat?" Humarap ulit siya sa akin at diretso na tumingin sa akin.
Sa pagkaka-alam ko, ako yung teacher sa aming dalawa eh. Ako dapat ang nagsasabi ng 'I will only say this twice.' Pero, siya nagchat?!
"ATE TARA NAAAAA! *pakanta*."
Hindi ko alam pero nag-echo ang boses ni Kale sa isipan ko. Teka! Hindi ba nauna ako sa kaniya kanina sa baba tapos hinintay ko siya... umupo ako sa sala... at... at... at... HALA! Oo nga nagchat siya! Bubuksan ko nga din pala dapat ang chat niya kaya lang naudlot dahil kay Kale. Hala! Baka naman ang gusto niya na pag-uusapan ay yung mga pinagsasasabi niya sa akin kahapon noong wala pa siya sa katinuan! Pero hindi ba, hindi naman naaalala ng mga lasing ang sinasabi nila?! Isang malaking HALA!
"Ah, so-sorry. Akala ko na-nawrong send ka kaya hi-hindi ko na lang pinansin. Sorry." Nakita ko naman na umirap pa ito sa akin at nilagay ulit yung mga kamay niya sa bulsa niya na tinanggal niya noong nagdaan ang mga Grade 10. Binaling pa nga ang ulo sa kabilang side. Yumuko na lang ako na naging dahilan din upang hindi ko marinig ng mabuti ang sunod na sinabi niya.
"Of course you will do that for who I am in your life?"
Minumura niya na ba ako? Ano ba kasi yung sinabi niya at kailangan pa na hinaan na mas mahina pa yata sa boses ko?!
"Huh? A-anong sa-sabi m--."
"Good afternoon, Ma'am Shaze! I am sorry for I am late picking up Terrence. Sorry for the inconvenience. I am really sorry, there was just an emergency sa work eh. Sorry." Magalang at sinsero na sabi ng Tito ni Terrence. Madalas din kasi na ito ang sumusundo kay Terrence kaya medyo komportable na rin ako sa kaniya.
Tinignan ko naman siya at nginitian.
"Nako! Don't worry, it is okay. For the nth time, it is my job and responsibility. Wait lang hah, tawagin ko lang si Terrence. Excuse me." Malumanay at nakangiti na sabi ko sa kaniya. Nararamdaman ko naman na may nakatingin sa akin ng matalim pero binuksan ko na lang ang pinto at pumasok para tawagin si Terrence.
Tama nga si Breeze na wala na dito si Gavin. Si Cher at Terrence na lang ang nandito na napatigil pa at tumingin sa akin nang makapasok ako sa room.
"I am sorry kids if you wait too long for Ma'am Shaze. I am sorry, mga anak." I also make my way sa row 6 para masabi iyon. Inilapit naman agad sa akin ni Terrence ang cupcake niya, a sign na hindi niya talaga kakainin ito at iuuwi sa bahay nila. Naiinis talaga ako sa sarili ko sa ginawa ko na pinaghintay sila. Sigurado ako na gutom na sila at kasalanan ko iyon. Another disappointment for myself. Hays.
"Ma'am Shaze, we did not wait for you for too long po kaya. Right, Cher? We love playing po eh." Sabi ni Terrence habang nakatingin sa akin na inilalagay ang cupcake niya sa plastic na kanina ko pa hawak.
Of course, you do! You love playing with toys because you are kids. But, I am hoping that when you grow up, you will not play other people's feelings.
"Yes po, Ma'am Shaze! We enjoy playing nga po eh but, Gavin's tito picked Gavin up na po kaya kami na lang po nandito." There is a hint of sadness sa boses ni Cher pero napalitan naman agad ito ng saya na parang may inaalala pa.
"His Tito po is more handsome than Tito Hiro, Ma'am Shaze!" Napakalaki ng ngiti naman ang ibinigay niya sa akin habang ako ay hindi ko na alam ang ekspresyon na ibibigay sa kaniya. Nakatingin pa nga siya doon sa may rectangle na salamin na pababa pagkatapos niya na sabihin iyon. Baka nakita niya ang Tito niya.
"Terrence, anak. Your Tito is here na to pick you up. And Cher, hatid na rin kita sa faculty, mamaya pa daw si Mommy mo. Hindi pa tapos ang class niya. Let's fix your toys na at alam ko na nagwawala na ang mga crocodile sa stomach niyo." Nakatingin lamang sila sa akin at tumatango habang sinasabi ko iyan. Natawa rin naman sila sa huli ko na sinabi. Bandang huli ay natapos na rin sila sa pagliligpit.
"Ma'am Shaze, I can go to the faculty by myself po. Thank you po, Ma'am Shaze." Cher said to me while sinusuot na yung isang strap na lang ng bag niya habang si Terrence naman ay nakatingin naman sa labas.
"It's okay, Cher. I will accompany you. Your mommy told me to go with you, okay?" I look at him tapos binigyan ko siya ng assuring smile then, he just nod at me. Nasa gitna kasi nila ako na dalawa, si Cher ay nasa upuan ni Gavin kanina kaya nasa left side ko siya habang si Terrence naman ay nasa upuan niya which is on my right side.
Nadako naman ako ngayon kay Terrence na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa salamin na rectangle sa pintuan. Kumakaway pa nga siya at ngumingiti dito. Sinundan ko naman ang tingin pero wala naman. Baka siguro yung Tito niya iyon. Pasimple din naman ako na pumunta doon sa may row 4 para ayusin ang ayos na upuan pero tinignan ko lang talaga kung nandoon pa sa labas si Breeze.
Teka! Bakit babae yung nandoon?! Nandoon lang kanina si Breeze hah?! Ano iyon, isa ba siya sa mga sanggre sa encantadia at gumamit siya ng ivictus?! Nandoon lang talaga siya kanina eh. Pero baka nga umalis na. Salamat naman kung ganoon at hindi na muli ako papaulanan ng mga napakagulong tanong. Hindi naman siya teacher para bigyan ako ng mga mahihirap na tanong. Sana man lang nagbigay siya ng choices kaso hindi rin eh. Aish.
"Kids, let's go na." Habang bumabalik ako sa kanila ay pinatay ko na rin ang mga aircon na nasa likod din dahil maglu-lunch muna ako at pagkatapos noon ay lilinisin ko na ang room na ito. Nandito na ako sa pwesto nila at humarap. Nasa gitna pa rin nila ako.
"Yes po, Ma'am Shaze!" Si Cher habang inaayos ang upuan na ginamit niya.
"Okay po, Ma'am Shaze! Let's go na po!" Ang malambing na si Terrence na hinawakan pa talaga ang right hand ko. Nakita ko naman na natapos na si Cher at ngumiti lang siya sa akin. Ngumiti lang din ako.
"Cher, Gavin and I will beat you tomorrow! You are so duga kasi!" Sabi ni Terrence na bumaling pa kay Cher na kasalukuyan na nasa left side ko.
"Let's have a race then, Ter!" Cher said while getting ready for their 'race'. Umamba pa nga ng konti sa likod na para bang bumebwelo. Tumawa naman yung nasa kanan ko at bumitaw sa kamay ko.
Eto na naman sila. Wala na akong nagawa kung hindi sundan sila dahil hindi naman ako informed na hindi pala muna sila bibilang ng '1, 2, 3, and go'. Ayun nagpapaunahan na sila habang hindi na alintana ang bigat ng bag nila.
"Kids, be careful po. Baka po madapa kayo. Calm down, mga anak. Lumakad na lang kayo." Hindi pa rin ako pinansin at mas binilisan ang pagtakbo. Tumatawa pa nga ang mga bata na ito. Ako naman ay hindi maipinta ang mukha dahil sa pag-aalala. Medyo malayo pa naman kasi ang row nila sa pintuan dahil nga nasa dulo iyon nakapwesto.
"Kids, calm down. Mga anak, baka masugatan kayo." Sabi ko pa ulit sa kanila ng mahinahon pero mas bumilis pa din ang pagtakbo nila papunta sa pinto. Nasa row 2 na kasi sila na kaharap lang ng table ko which means malapit na sila sa pinto. Habang ako naman ay nasa row 3 pa lang. Diba?! Nakinig sila sa akin? Hays.
"I got here first! Hahahahahahaha. You're so slow, Cher!" Sabi ni Terrence na nakalagay naman ang dalawang kamay sa door lever pero nakaharap naman ang katawan niya kay Cher. Si Cher naman, ang dalawang kamay ay nakalagay sa mga tuhod niya at hinihingal.
"No kaya! You just cheat! You... You... You told me to slow down!" Umangat ng tingin si Cher kay Terrence pero pa side nga lang na tingin habang nakalagay pa rin ang mga kamay sa tuhod.
"Bleh. Bleh. I will tell this to Gavin! I won! I won over Che-er! I won over Che-er! I won over Che-er!" Nagbleh pa muna si Terrence habang pakanta na sinasabi na nanalo siya over Cher. Tinataas pa nga ang mga kamay at pumapadyak pa na parang sa Olympics siya nananalo sa tuwa. Mas binilisan ko naman ang paglakad ko at baka magkapikunan pa ang dalawa kahit alam ko na hindi naman mangyayari yon. Pero baka lang naman.
"Kids, never do that again, huh? You should always be careful po, okay? Baka magkasugat kayo at kapag nangyari iyon, lalabasan iyon ng airplane at tren. Never do that again, if you do not want that to happen, okay po?" Lumevel muna ako sa kanila at malumanay na sinabi iyan. Mabilis naman sila na tumango na ganoon pa din ang pwesto.
Maya-maya lang din ay parehas sila na pumunta sa gilid sa right side ko dahil matatamaan sila na parehas kapag binuksan ko na ang pintuan. Nasa gitna pa rin kasi nila ako. Tumayo na ako at bubuksan ko na sana ang pintuan ng magsalita naman si Terrence. Naiwan na naman ang kamay ko sa door lever.
"But, if Gavin's Tito would be the pilot of the airplane po, it's okay lang po sa akin, Ma'am Shaze." Inosente na sabi niya na nakatingala pa sa akin at nakangiti na labas ang mga ngipin.
"Me too po, Ma'am Shaze! I prefer airplanes than trains po. I want to see the clouds po eh!" Masigla naman na sabi rin sa akin Cher at tumingala rin sa akin. Magkatabi sila sa gilid eh.
Jusq. Hindi ba sila natatakot sa sinabi ko? Noong bata nga ako kapag sinasabihan ako ng ganoon eh agad ako na tatahan at titiisin yung sakit kasi sasabihin pa sa akin ni Nanay eh kukuhanin daw ako ng mga mangingidnap na bata at kukuhanin ang mga laman-loob ko kapag hindi pa ako tumahan. Ibang klase na talaga ang mga bata ngayon, parang wala na kinatatakutan.
Ngumiti na lang ako sa kanila dahil hindi ko na alam ang isasagot ko. Gusto ko man na sabihin sa kanila ang totoo na wala naman na ganoon eh baka magulantang na naman ako sa sagot nila. But, it is okay, they are innocent, cute, and sweet naman. Binuksan ko na lang ang pinto dahil baka rin kung saan pa sulok ng mundo ang malayag ng imagination nila. Kasabay din ng pagbukas ng pinto ang panalangin ko na sana ay umalis na talaga si Breeze. Isa pa kasi iyon eh! Ang sakit sa utak ng mga tanong!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top