Chapter 2.6
"Ma'am Shaze!"
Napabalikwas naman ako sa pagkakaupo at inangat ang ulo na nakayuko dahil hindi pa rin ako tapos sa pagchecheck ng mga activities nila. Inuna ko muna kasi ang Science dahil sa may words na involve at baka hindi ko rin matagpuan kung saan nila sinulat ang activity. Teka bakit ba ako nagulat?!
"Ye-yes Breez- ay boys? Do you ne-need something or que-question to-to ask to Ma'am Shaze po *awkward smile*?" Kinakabahan na tanong ko sa kanila. Muntikan na! Ano ba naman kasi ang nangyayari sa akin? Ngayon lang talaga ako kinabahan ng ganito kapag uwian nila. Parang gusto ko pa tuloy na magextend ng klase ang mga bata kahit sobrang kulit nila para lang hindi mag-uwian pero ang selfish ko naman yata kapag ganoon. Act normal, Shaze! Act normal!
Kaso mas lalo naman ako na kinabahan nang makita ko si Gavin na binigyan ako ng nagtatanong na mukha as his head tilt at one side na nakakunot pa ang noo.
"Ma'am Shaze, did you say the name of my Tito po?" No! Gavin, No! Kinabahan na ako nang tuluyan dahil sa tanong niya at sa ngiti na nasa labi niya. Hindi naman siguro niya alam na may gusto ako dati sa Tito niya? At hindi naman siguro sinasabi ni Breeze kay Gavin isa-isa ang mga nagkakagusto sa kaniya dahil kasama ako doon kaso dati na lang. Teka, hindi naman yata alam ni Breeze na may gusto ako sa kaniya? Mukhang hindi talaga.
Kaso hala naman! Eto ba yung continuation ng naudlot ko na pagsisinungaling ko kay Gavin kanina? Eh Bakit ba ako magsisinungaling?! Honesty is the best policy, Shaze Merene!
Nakamove-on ka na ba sa kaniya? My brain asked me.
TINATANONG PA BA YAN?! OO NAMAN SUPER!
Honesty is the best Policy, Shaze. My heart tells me.
Basta, nagtanong lang naman si Gavin. Hindi big deal. Nagtanong lang si Gavin and I will answer him either yes or no. The end. Thus, wala naman na 'and why' sa tanong niya. Ta--.
"MA'AM SHAZE, ARE YOU OKAY PO?!" Concern at parang choir dahil sa sabay-sabay na pagkakasabi nila sa akin. Hindi ko rin napansin na nandito na pala silang tatlo sa harapan ko at sino ba naman ang hindi magugulat kung sinamahan pa ng pilya na si Terrence ng hampas sa lamesa. Si Terrence ang nasa gitna while Gavin is on his left side and Cher is on his right.
Buti na lang at nabalik na ako sa katinuan dahil grabe na pala ang nalayag ng isipan ko.
"Ye-yes p-po. Okay lang po si Teacher. Don't worry po. Come again, Gavin?" Habang ang kamay ko ay nasa dibdib dahil nga sa sobrang gulat ko. Mas lalo pa na bumilis yung tibok ng puso ko dahil doon. Buti na lang at hindi ko naihagis ang ballpen sa sobrang gulat.
"Teacher Shaze, it's nothing po. Maybe I mistakenly heard po that you say the name of Tito Breeze po hehehehe." Kalmado at may hagikgik pa sa dulo. Hindi ko naman alam kung para saan ang hagikgik na iyon pero hindi bale na, cute naman siya. I mean sila as they are now looking at me with their puppy eyes but, Cher look at Gavin.
"Huh? Gav, I did not heard the name of your Tito kanina." Dahil nga nasa right siya ni Terrence at malayo sa isa't isa, dumungaw pa si Cher at bumaling kay Gavin na may naguguluhan na mukha.
Kilala din pala nila si Breeze. Siguro ay nakwento ni Gavin ito kanina noong naglalaro silang tatlo dahil mukhang interesado at namamangha sila sa pagkapiloto ni Breeze.
"That's right, Gav! O-or you hear something that we do not?" Katulad ni Cher, lumingon din si Terrence kay Gavin na hindi man halata sa boses na natatakot siya, sa mukha naman ay kitang-kita.
Umiling na lang ako sa sinabi ni Terrence at hindi ko rin naman pwede sabihin sa kanila na muntikan ko nang sabihin kanina ang pangalan ni Breeze. Technically, hindi ko naman sinabi dahil nabawi ko naman agad pero ang lakas pala ng pandinig ni Gavin. Hindi ako magugulat kung masabi niya iyon kay Breeze mamaya or bukas or sa pangalawang bukas or basta masasabi niya. Wala ka pa naman maitatago sa mga bata, lahat kasi minsan naibubulgar nila ng hindi namamalayan and that is because of their innocence.
Ipinagpatuloy ko na rin ang pagchecheck sa Science at naging mabilis na rin dahil yung iba naman ay parehas lang na dala na laruan kaya minsan parehas lang din na parts ang nakalagay at explanation. Sila naman ay nandito pa rin sa harap ko at nag-uusap. Hindi na pala usap, asaran na. Kung ganito naman sila kacute mag-away, huwag na sana sila tumanda. Ngunit, nakikinig at napapaangat ang ulo din naman ako sa kanila sa napaka cute nila na pag-aasaran...buti na lang walang suntukan.
"Yes... Oh that is not my answer to you, Rence! That is for Chaster." May pagkalito man pero narinig ko na may halong pang-iinis na sabi ni Gavin dahil sa pagtawag nito sa tunay na pangalan ni Cher. He still does not want to be called by his first name, and until now, I do not know what is his reason behind that. Hindi ko naman na pipilitin at baka may hindi magandang impact sa kaniya.
"Gior, are you, my mommy, to call me by my first name?" Kalmado naman na sabi ni Cher.
"I am really not because Ma'am Heil is your mother but, I am your best friend."
"Me too, Chast-- Oops. Cher, I mean. But, Gav, I am excited to see your Tito later!"
"I still do not allow the two of you to call me by my first name but me too, Gav! I am excited to see your Tito later!" Noong una ay medyo may konting inis pa sa boses niya pero bigla naman naging masigla.
Ganoon na ba talaga sila kaexcited na makita si Breeze? Kung sila excited, ano pa ako? Ade mas lalo na kinakabahan. Jusq!
"We are all excited to see him! Right, Ma'am Shaze? You are also excited po?" Yes, Gav--. Ano daw? Ako excited? Kakasabi ko pa lang na kinakabahan ako. Pang third time na ito na chance para makapagsinungaling sa kaniya. Bakit ako nadadamay?!
Nag-angat naman na ako ng tingin sa kanila since last na ito na chinecheck-an ko sa Science at next naman na nito ay sa Math pero mabilis lang naman magcheck sa subject na iyon dahil numbers lang ang sagot.
"Ye-yes, Gavin." Pure lie.
Gavin just smiled at me sweetly saka tumingin kay Terrence na nagsalita. Naguguilty tuloy ako sa pagsisinungaling ko kay Gavin. It is indeed a lie, nothing more and nothing less.
Kinuha ko na sa gilid ng lamesa sa right side ang 10 libro sa Math at sinimulan na magcheck. Yung Science naman na natapos ko na kanina ay katabi lang nito. Ang lamensa kasi ay color brown na hindi open sa magkabilang gilid at maging sa harapan. Ang upuan ko naman ay monoblock.
"You just copy what I have said, Chaster!" Napatawa naman ako ng mahina dahil sa sinabi na iyan ni Terrence.
"And so? Keep quiet, Terrence! Gav, let's go back to our seats. Let's play!"
Nag-angat ako ng tingin dahil sa natapos ko na ang 10 na libro at ibinalik sa kaninang pwesto nito. Nakakagalak din dahil sa unang 10 ay puro isa hanggang tatlo lang ang mali nila. Habang iniisa isa ang pag lagay ng sunod na 10 na libro ay nakita ko naman na nagnod si Gavin at sabay sila na pumunta sa row 6 ni Cher habang si Terrence ay naiwan sa harapan at nagsusumbong sa akin.
"Ma'am Shaze! Ma'am Shaze! Look at them *turo sa dalawa*. They left me po. Look po oh they are playing po without me." Nakatungo, may pout pa, at nakacross-arms pa. Ang cute niya lang tignan dahil sa kanila na tatlo, siya ang pinaka maliit. Si Cher and Gavin kasi ay magkasingtangkad. Unfortunately, they are all the same in age but different in height. Even in that, they are similar.
Naririnig ko naman na impit na tumatawa ang dalawa niya na kaibigan sa likod habang siya ay masama na tinitignan ito. Bumaling ako sa dalawa at ayun mabilis pa sa pagmomove-on na nag-iwas ng tingin.
"See, Ma'am Shaze?! They ignored me po!! Huhuhuhu." He sulked tapos may kasama pa na padyak sa paa.
"Come here, Terrence. *Pat sa head habang yung right hand ko ay nakahawak sa right shoulder niya* They are just teasing you, anak. And if they tease you it means they love you so much." Makahulugan ko na sabi kay Terrence habang nakangiti sa kaniya at saka ako bumaling sa dalawa na nakangiti pa rin syempre.
"Gavin, Cher, you love Terrence so much right? That is why you teased him a while ago?"
Nakita ko naman na nagkatinginan pa sila at parang hindi alam ang isasagot sa akin.
"No po Ma'am Shaze." Aba at sabay pa talaga. Nakita ko naman na nag pout lalo si Terrence.
"Come here. The two of you." May awtoridad sa boses ko pero syempre hindi naman ganoon na nakakatakot. Feeling ko tuloy mukha akong Nanay sa sitwasyon na ito.
Mabagal naman na naglakad papunta sa harap yung dalawa at nang makarating sa harap, nakayuko na sa akin. Si Terrence naman ay nakatingin lang sa kanila at nasa gilid ko pa rin.
"You should not tease each other po because that is bad. But, minsan if you tease someone it means you like them. I see that you tease him because you like him right? As your bestfriend?" Mabilis naman na nagnod ang dalawa. Nagliwanag naman ang mukha ng nasa gilid ko.
"Of course po, Teacher Shaze! We just like him but not love." Cher said na bumaling pa kay Terrence na may inosenteng ngiti.
"Why naman that you did not love him?"
"Eh he called me Chaster po eh even if he is not Mommy." Si Cher naman ngayon ang nakanguso sa harapan ko.
"Cher, you too! You called yourself by your first name. Right, Terrence? Did you hear him?" Gavin said.
At mukhang magkakabati na sila. Sa kanilang tatlo, si Gavin pala ang referee.
"Yes, Cher! I heard you! I heard you! But, I want to say sorry for calling you by your first name." Excited na may ngiti noong una pero bigla naman naging low energy na pagkakasabi ni Terrence.
"It's okay, Rence! I am sorry too. But, did I call myself by my first name?"
"Yes, Cher. Forget about it and let's play again? Of course you will join us, Rence! Let's go!"
At doon na sila nagsimula na pumunta sa row 6 na parang hindi sila nagkaroon ng maliit na tampuhan. Sabagay mga bata nga naman, walang ibang inisip kung hindi maglaro. Mag-away man sila, bigyan mo parehas ng laruan tapos maya-maya nakita mo bati na. Bakit hindi kaya ganoon na lang din sa mga couple no? Bigyan ang bawat isa ng laruan tapos magbabati kaya sila? Atleast hindi sila magkakasakitan through words.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagchecheck hanggang sa natapos na ako sa kaninang chinecheck-an ko na sampo. Nang natapos ay sinunod ko na ulit ang panibagong sampo. Hindi naman ako nagtagal sa pagchecheck doon at ngayon naman ay yung huling limang libro na ang sinunod ko.
*tok* *tok* *tok*
Bigla na humigpit ang aking hawak sa ballpen ko na parang bang muntikan pa na mabubutas ang libro ng estudyante na may-ari na ito. Parang bumalik yung kaba ko sa dibdib na naipon kanina. Hindi ko maigalaw ang paa ko dahil sa sobrang kaba pero heto ako at nilalabanan ang takot sa isipan ko na maaaring si Breeze ang nasa likod ng pinto na ito o ang sundo ni Terrence. I do wishing that it is the latter one!
*thud* *thud* *thud*
Kahit na pwede ka nang makaipon ng balde ng tubig sa aking mga kamay sa sobrang pasma dahil sa kaba, pinilit ko pa rin na tumayo at pumunta sa pintuan. Hindi rin naman bumukas at baka hindi ito tiga-SJCS dahil sa eskwelahan kasi na ito, kapag kumatok ka ng tatlong beses, pwede mo nang buksan ang pinto at sabihin ang sadya mo. At isa yan sa nagpakaba sa akin kaya siguro sundo ito kaya wala dapat na ipag-alala Shaze Merene! Hindi man ako sigurado pero mukhang hanggang mamaya eh kakabahan pa rin ako.
*thud* *thud* *thud*
Eto na ako sa pintuan at nag-iisip pa kung bubuksan ko ba ito o hindi. Hindi pa rin naman nakahawak ang kamay ko sa door lever at talagang hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na iyon. Nararamdaman ko na may namumuo na maliliit na butil na pawis sa aking noo at dahil nga iyon sa sobrang kaba.
Tinignan ko naman ang tatlong bata at kabaligtaran ko pa rin sila dahil masayang-masaya sila na naglalaro. Noong nakita nila na nakatingin ako ay ngumiti lamang sila sa akin at mabilis din na nagpatuloy sa paglalaro. At dahil sa ngiti nila na iyon, hinawakan ko na ang door lever at nagpasyahan na tuluyan na buksan ito.
*thud* *thud* *thud*
Unti-unti kong ibinaba ang lever at binuksan ang pintuan. Tanging sa tiles lamang ako nakatingin habang binubuksan ang pintuan. Nang tuluyan na mabukas ang pintuan ay hindi ko pa rin inaangat ang ulo ko. Pero mas lalo akong kinabahan nang wala akong makita na paa o tao na nandito. Minumulto ba ako?!
Kinalibutan naman agad ako at hindi na lang kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil maging takot ay dumating na sa akin. Naalala ko kasi ang mga kwento patungkol sa gusali na ito at mismong ako rin ay nakaranas na ng isa sa mga iyon. Yung kwento na may kakatok daw tapos kapag binuksan mo na ang pintuan ay wala naman na tao. Hindi naman nawawala ang katatakutan dito lalo na at katabi lang ng school ang simbahan.
Lumingon naman ako sa left side ng room ko na daan naman papunta sa may simbahan at room ng Grade 6. Walang tao. Malinis. Ni anino ng pusa, wala.
Maski sa couch na nasa harapan ng room ko, wala.
Pumunta naman ako sa may daan papunta sa faculty. Walang bakas ng kahit na sino.
Sa may papunta sa main gate, ganoon din ang nasaksihan ko. Malinis pa ang daan sa tubig ng Manila Bay. Tahimik pa.
Noong pabalik na ako sa room ko ay sumilip din ako sa may daan papunta sa canteen baka kasi mamaya ay doon naghihintay pero katulad kanina, wala din. Ang mga tauhan lang sa canteen ang naririnig ko na nag-iingay na naghahanda ng mga pagkain dahil lunch na ng Grade 10.
*thud* *thud* *thud*
Natatakot ako sa punto na ito, feeling ko nga nakikipaglaro ako ng hide-and-seek sa kumatok na iyon. Bakit ko ba kasi hinahanap ang tao na ayaw naman magpakita sa akin? Teka bakit ba ako naghahanap? Kung iniisip niyo na hinahanap ko siya, nagkakamali kayo. Yung multo talaga hinahanap ko! Ghost hunting sa tanghali.
Bumalik na ako sa room nang mapagtanto ko na wala naman na yung kumatok o kung may kumatok man baka mamaya kasi sa sobrang kaba ko eh naprapraning na ako. Kinakabahan ba ako o epekto din ito ng excitement? Aish hindi ako excited, kinakabahan ako at dagdag mo pa rin na gutom na ako. Hindi pa kaya ako naglu-lunch!
Bubuksan ko na ang pinto ngunit natigil ako nang may narinig ako na may tumawag sa surname ko.
"PIER!"
Wait! Totoo ba ito?! Nandito siya? For what? Hala! As in ba?!
Pagkalingon ko naman ay nakita ko ang babae na may short hair na hanggang balikat lang at tila mas nag-matured na oval shaped face na may deep set eyes, snub nose, and small lips. Mas lalo din ako na humanga dahil mayroon din siyang hourglass na pangangatawan.
"Lana! Nice to meet you again!" Masayang bati ko sa dating kaklase. The girl I was talking about is Lana Del Vallejo. A great leader and companion. Kind-hearted pa. Matagal na din kami na hindi nagkita kasi sa Manila siya nag-aral ng Senior High School at maging ang college. And lastly, she is also a bestfriend of Breeze from high school and from what I know, until now.
"Same here, Pier! How's you and Breeze?" May pacross-arms pa siya, may malawak na ngiti, at nagniningning ang mga mata. Hindi naman halata na excited siya sa sagot ko. Pero ano daw?! How's me and Breeze?! Wala naman 'kami', Lana! At saka hindi naman niya siguro alam na... na may gusto ako kay Breeze dati diba?!
"H-huh?" Ayan na lang ang nasabi ko sa kaniya habang may pagkalito sa mukha. Sa hindi ko alam ang sasabihin ko eh!
"Ano ka ba naman, Shaze! Siguro nahihiya ka pa rin sa katotohanan na nanliligaw na sa iyo si Breeze, no? Nako, no need to hide it from me, sinabi niya kaya sa amin nila Claid ang plan niya. Don't be shy, Shaze. OH MY GOSH! *tingin sa relo* I have to go na, Shaze, my niece needs me na! She is a student of Ma'am Kelly. Pero, I wish the next time that we meet, you already say 'yes' to Breeze! Just kidding, make him suffer before you answer that bastard, hah?! I know you Shaze! OH MY MY! *tingin ulit sa relo* Bye!" Nakalimutan ko pala sabihin sa inyo ang isang characteristic na hindi nawala sa kaniya simula noon hanggang ngayon at iyon ay ang pagiging madaldal niya and malakas na boses. Hindi naman halata sa mahabang speech niya diba?
Pero ano naman yung mga pinagsasabi niya sa akin? Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nagproprocess sa utak ko lahat lahat. Hindi dahil sa isang bagsakan niya sinasabi sa akin yun lahat kung hindi bakit involve pa doon si Breeze. At anong plano na sinabi daw ni Breeze sa kanila nila Claid? Ligaw. Ah baka kasi naligaw lang ang pangalan ko sa kwentuhan nila!
Hindi naman din ako makasingit sa kaniya kanina dahil once na nagsalita na siya, tuloy-tuloy na iyon at hindi na rin ako nakapagpaalam sa kaniya dahil tuluyan na siya na nawala sa paningin ko. Late na kasi talaga siya sa pagsundo ng pamangkin niya. Magkaibigan talaga sila! Speaking of sundo... mabilisan naman na bumalik sa akin ang pangyayari kanina pero binalewala ko na lang iyon at diretsong pumasok sa room.
Pagpasok ko naman ng room ay hindi pa rin tapos ang tatlo sa gyera na mayroon sila. Yung isa nakatayo at inaatake ang isa sa mga eroplano. Yung isa naman ay natatalo na ang eroplano pero natatawa lang. Yung isa naman ay mukhang competitive na halos ginawang pain ang isa upang makaligtas ang eroplano niya. Napailing na lang ako at dumiretso na sa table ko at tinapos na ang huling libro sa Math.
"Siguro gutom lang talaga ako kaya may narinig ako na katok? Mayroon ba talaga na kumatok?" Bulong ko sa sarili ko habang patuloy na nagchecheck. Hindi naman siguro iyon multo pero ganoon din kasi yung araw na nangyari sa amin iyon eh.
Okay enough na, Shaze! Wala lang iyon at gutom ka lang. Focus ka lang diyan at after niyan, pwede ka nang kumain. At ngayon ko lang napagtanto na masama pala sa akin ang nagugutom. Nababaliw kasi ako ng wala sa oras.
"Hala! Mali. Mali. Bakit ba kasi minali ko ito eh tama naman na 3+3=6. Focus, Shaze! Focus!" Pinakalma ko ang sarili ko dahil sa hindi pwede na maapektuhan talaga ang trabaho ko lalo na ang grado ng mga estudyante ko. Hindi ko talaga maintindihan sa punto na ito ang sarili ko, kung saan ba ako natatakot. Sa multo o sa sundo ng isa sa mga estudyante ko o sa sinabi ng dating kong kaklase matapos lumipas ang ilang segundo? Yung gitna-- I mean yung una talaga. Aish. Gutom lang ako!
Sa wakas ay natapos ko na rin nang nasa tamang kalagayan at tamang kaisipan ang mga activity na ginawa ng mga bata at wala na akong iintindihin pa maliban sa schedule nila at sa nangyari kanina. Hindi kasi ako mapapalagay hanggang hindi ko nakikila ang tao na kumatok sa pintuan na iyan. Mamaya rin ay sigurado ako na makikila ko rin siya at huwag naman sana na siya iyon.
"Kids are you hungry?" Tanong ko sa kanila nang binabalik ko ang takip ng ballpen ngunit tumingin din ako sa kanila.
"NO PO, MA'AM SHAZE!"
"Are you sure? It's already 1:40 PM. You are supposed to be hungry by now." Nag-aalalang tanong ko sa kanila. Kaya ko naman magtiis ng gutom pero ang mga bata ay hindi dapat.
"We are okay po, Ma'am Shaze. Don't worry po." Si Gavin. Ina-ttack pa muna nga niya yung laruan ni Terrence bago sinabi sa akin iyon.
Nginitian ko na lang sila at nagpatuloy na lang din sila sa paglalaro nila. Nahagip naman ng mata ko ang cupcake na nasa harapan ni Terrence. Mabuti na lang at nakita ko agad ito bago ko pa makalimutan na manghingi ng plastic sa canteen. Sa sobrang dami ko na iniisip kanina, nakalimutan ko na yung plastic na dapat sana ay kanina ko pa na hingi. Hays!
"Kids, wait for me here po hah? I will be back po. Ma'am Shaze will go to the canteen, do you want me to buy you something?" Tumayo na rin ako at naglalakad na papunta sa may pintuan. Wala man ako na dala na wallet ay tinanong ko pa rin kung nagugutom sila. Kung may gusto man sila na bilhin ay isasabay ko na lang sa pagbabayad ko mamaya kung may magustuhan man ako na bilhin. Hinawakan ko na ang door lever nang sumagot sila.
"I am fine naman po, Ma'am Shaze!" Terrence said.
"Me too po, Ma'am Shaze!" Cher said na lumingon lang sa akin saglit then bumalik naman sa ginagawa niya.
"Me too din po, Ma'am Shaze. I am full pa po eh." Gavin.
"Okay po, wait for me here po ulit and walang sasama kahit kanino. Okay po?" Hinarap ko muna sila at isinign ko pa ang left kamay ko na wag. Yung right naman ay nakahawak pa rin sa door lever.
"YES PO, MA'AM SHAZE! THANK YOU PO!" They said in unison.
Nagsigh lang ako at binuksan ang pintuan. Luminga-linga pa rin ako at nagbabakasakali na makita yung kumatok kanina pero nabigo pa rin ako. Dire-diretso naman na ako sa canteen. Sa labas nga ng room ko ay makikita mo ang couch at may pintuan din na bakal ang naghihiwalay sa room ko at sa daan papunta sa canteen. Palagi naman nakabukas iyon at isinasara na lang kapag uwian na.
Naglalakad na ako papunta sa canteen na kung saan ang pinakabilihan ng pagkain ay nasa dulo pa. Pinaggigitnaan ng room nila Ma'am Dei at Ma'am Ap. Sa dinadaanan ko ngayon ay makikita mo ang mga mahahabang limang mesa at nasa gilid pa rin ang mga upuan na pag-uunahan ng mga estudyante mamaya. Lunch na nila kaya ano man na oras ay mapupuno na ng ingay ang canteen. Yes, lunch pa lang nila kasi nga nagkaroon ng meeting ang bawat department at alam ko na pati rin yata sa junior high ay na delay din kaya na move din ang schedule nila.
"Ma'am Shaze! May kinausap lang ako na magulang kanina kaya hindi na ako nakatuloy sa room mo. Pasensya ka na hah. Ano ba bibilhin mo? Libre ko na! Bilisan mo pumili Ma'am Shaze at mabilis din magbago ang isip ko. Hmmp." Si Ma'am Pil na inangkla pa ang braso niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa left side ng canteen kung saan makakabili ng lunch. Sa right side naman ay puro mga snacks lang o yung mga pang recess lang at mga drinks pero wala dito na softdrinks.
Nadaanan pa nga namin ang room nina Ma'am Kells at ni Ma'am Heil. Nadaanan ko naman yung sa kaniya kanina mas nauna ko na nadaanan iyon kaysa sa dalawang room.
"Hala! Ibig mo na sabihin Ma'am ikaw ang kumatok kanina sa pintuan?" Napabaling ako sa kaniya habang naka-angkla pa rin ang braso niya sa akin. Hindi ko rin alam kanina kung saan siya galing at bigla na lang siya na sumulpot sa gilid ko. Sabi ko na nga ba eh, tamang hinala kasi ako! At dahil diyan nabawasan naman ng 1/4 yung kaba ko. Pero may parte pa rin sa akin ang hindi naniniwala kay Ma'am Pil baka kasi may multo talaga. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit may disappointment ako na nararamdaman ngayon. Disappointed ako na hindi ko nakita ang multo?
"Oo! Kumatok ako Ma'am Shaze dahil nga sasabihin ko sa iyo na sabay na ulit tayo mag-lunch kaya lang hindi na ako nakabalik kasi nga napahaba ang usap ko doon sa guardian ng student ko...Teka lang! Eh sino pa ba ang hinihintay mo Ma'am Shaze sa ganoon na oras na kumatok sa pinto mo, aber?!" May himig ng kuryusidad at pang-aasar sa huli niya na sinabi. Syempre Ma'am Pil yan, kasunod na yata ng name niya ang word na 'pang-aasar'.
Hindi ko siya nasagot dahil pumasok na kami sa bilihan ng lunch at agad ko naman nakita si Ate Daisy na kumaway agad sa amin na may hawak pa na plato. Siguro ay bagong luto ito at kagagaling lang kasi ni Ate sa may lutuan na nasa dulo. Ate Daisy is the main cook dito sa canteen, from breakfast, lunch, at merienda, siya lahat ang gumagawa. Deserve naman niya ang position niya dahil sobrang sarap naman talaga ng mga lutuin niya. May anak na rin siya at dito rin nag-aaral.
"GOOD AFTERNOON MGA MA'AM!" Masigla at malakas na bati niya sa amin. Nakalimutan ko rin pala na sabihin na energetic din siya. Sinabi niya iyan habang nilalapag ang hawak na plato.
"Hello, Ate Daisy! Anong mayroon at masigla ka today? Nako huwag mo sabihin sa akin na may kasunod na ang bunso mo, Ate Daisy?!" Usisa ni Ma'am Pil habang tinitignan ang mga plato na may ulam at kanin na.
Hindi ko rin naman narinig ang usapan nila dahil natuon ang pansin ko sa mga ulam na nakikita ng mga mata ko. Habang nakapila ka kasi ay makikita mo na ang mga pagkain kaya makikita mo agad ang mga ito at makakapili ka na ng kakainin mo. Ang mga nandito lang naman ay fried liempo, pakbet, sinigang na baboy, ihaw na liempo, sisig, chicken curry, at fried chicken. Kahit na ito palagi ang ulam dito sa canteen parang nababalewala naman yung thought na iyon kapag gutom na gutom ka na. Sanay na rin naman ako diyan at hindi na rin bago sa akin iyon dahil dito nga ako nag-aral noong high school. Dito rin naman sa Senior High kaso sa ibang building naman.
Napadpad naman ako dito sa may dulo at dulo na rin ng section ng canteen kung saan nandito rin ang lutuan. Nasa dulo kasi ang pangmiryenda at kung nasaan ang spaghetti, donut, maging ang banana cue, at kamote cue. May baon naman ako na lunch na nandoon sa faculty pero parang gusto ko na gumastos ng makita ko ang ultimate favorite food ko at ito ang carbonara. Lahat ng pagkain pwede ko na tanggihan pero hindi sa isa na ito. Noong pumasok nga ako ulit dito, nagulat ako na nandito pa rin ang carbonara sa menu ng canteen. After five years, ang carbonara, liempo, at fried chicken ang naging matatag na favorite ng mga tiga-SJCS.
"Ma'am Shaze, eto ang kuhanin mo marami na cheese yan! Dinamihan ko talaga yan dahil alam ko na bibili ka ngayon." Nakangiti na sabi sa akin ni Ate Daisy na itinuro pa ang carbonara na nasa dulo na halos naiiba nga sa iba dahil sa sandamakmak na cheese ang nasa ibabaw. Medyo nagulat ako sa biglaan na pagsulpot ni Ate Daisy dahil nasa unahan kasi sila ni Ma'am Pil na nagchichikahan doon sa may entrance kung saan nandoon palagi si Ate Daisy. Hindi naman kaya magka-UTI ako pagkatapos ko kumain?
Magsasalita pa sana ako kaso naunahan ako ni Ma'am Pil na naglalakad papunta dito at may plato na sa right hand na mukhang sisig. Naaamoy ko kasi ang amoy ng sibuyas na puti, baboy, sili na berde, at mayonnaise na nagpatakam din sa aking kalamnan. Uminom muna si Ma'am Pil sa hawak niya sa left hand na samalamig bago ito nagsalita na nasa tabi ko na. Yung bilihan ng samalamig ay nasa unahan din doon sa pinagchichikahan nila Ma'am Pil kanina.
"Eh Ate Daisy bakit naman nandito yung carbonara kung kay Ma'am Shaze yan, aber? Ade mabibili yan Ate Flower!" May tono na pang-aasar na pagtatanong ni Ma'am Pil na uminom ulit sa samalamig na hawak niya. Nangalahati na nga at hindi halata na uhaw siya. Tumakbo ba siya kanina noong nakita niya ako?
"Ikaw talaga, Ma'am Pil! Syempre po hindi alam ni Ate kung bibili ba ako o hindi. Masasayang lang kung itatabi tapos hindi pala ako bibili. Kahapon po kasi hindi ako bumili. Pero Ate Daisy, pwede ba akong makahingi ng plastic po na maliit, lalagyan lang po ng cupcake. Pwede po ba?" Magalang na sabi ko sa dalawa habang tumingin muna kay Ma'am Pil bago kay Ate Daisy. Ewan ko ba at nasasama pa rin ang 'po' at 'opo' sa mga salita ko. Siguro nahawa na rin ako sa mga bata. Pero pag sa mga matatanda, hindi ko naman nagagawa. A sign na baliktad ang utak ko.
Si Ma'am Pil naman ay pumunta sa basurahan na nasa harapan ng room ni Ma'am Ap dahil naubos na niya ang samalamig kahit hindi pa kami nakaka-alis dito sa canteen.
"ABA OO NAMAN, MA'AM SHAZE! Ikaw pa ba?! Eto Ma'am, kuha ka lang diyan ng kailangan mo. Bigyan ko lang ng samalamig ang Madam Pilerania!" May kasama pa na palo sa braso ko. Ang sakit! Binigay naman agad sa akin ni Ate Daisy ang buong lagayan ng plastic.
Alam na ni Ate Daisy ang gagawin dahil ganoon naman palagi si Ma'am Pil. Palaging uhaw at nakakadalawa na samalamig. Kung sabagay, sino ba naman ang hindi mapapagod at mauubusan ng laway kung mga bata ang tinuturuan mo? Energy and patience would serve as your foundation when it comes to teaching kiddos. Pero walang saysay ang lahat ng yan if wala din na love na kasama.
Kumuha na ako ng plastic at ibinalik sa lalagyan nito kung saan ito kinuha ni Ate Daisy at lumapit sa dalawa, doon sa unahan na pinasukan namin kanina.
"Ate Flower! Wala ba na dagdag diyan?! Ang layo pa ng lalakarin ko Ate, from here hanggang faculty! Diba Ma'am Shaze?!" Si Ma'am Pil na nagpapaawa pa para makakuha ng libreng dagdag. At dinamay pa ako sa kalokohan niya.
"Oh eto na nga Ma'am Pil! Ayan hah may libre ka na isang sandok! Sa susunod, may bayad na yan!" Kunwari na nagsusungit si Ate Daisy kay Ma'am Pil ngunit may ngiti pa rin sa kaniyang mukha. Si Ma'am Pil naman ay tumawa lang.
"Ate Daisy, nakakuha na ako ng plastic. Binalik ko na din doon sa lalagyan. Thank you po." Nginitian ko siya at ipinakita pa ang plastic na hawak ko.
Mula sa kinatatayuan ko naman ay rinig at tanaw ko na ang mga estudyante ng Grade 10 na kumpol kumpol na nagsisidatingan sa canteen. Yung iba ay diretso agad sa pagkuha ng upuan at nagsisimula nang kumain. Yung iba naman ay nakikita ko na naglalakad na papunta dito sa section na ito. Hindi pa rin naman alintana si Ate Daisy at lumabas na rin ang dalawa pa na kasama nito na nagtitinda.
"Basta ikaw, Ma'am Shaze! Ano na naman ba Madam Pilerania?!" Bumaling siya kay Ma'am Pil na humigop ulit sa samalamig niya. Hindi na ako magtataka kung mamaya ay ubos na naman yung iniinom niya.
"Wala, Ate Daisy! Bakit ba inis na inis ka sa akin ate hah?! Bakit parang may kasalanan ako sa iyo?...Pero mukha talagang may kasunod na ang bunso mo Ate Daisy! Inis na inis ka sa akin...ibig sabihin, sa akin mo siya pinaglilihi!" Hindi rin naman parang nabibigatan si Ma'am Pil sa dala niya at talagang habang sinasabi niya iyon ay natuturo niya pa si Ate Daisy. Lakas talaga mang-inis!
Gusto ko pa sana sila na pakinggan sa asaran nila kaya lang naalala ko ang mga bata at baka makaligtaan ko pa ang mga sundo nila. Nakakahiya naman dahil wala sila na dadatnan na teacher doon. Baka masabihan pa ako na irresponsible teacher.
*thud* *thud* *thud*
Ayan na naman ang kaba sa dibdib ko. Nasagot na yung isa kaya nawala na siya kanina pero bakit mayroon pa rin? Siguro ay dahil sa mga bata lang. Kinakabahan ako dahil sa mga bata. Tama! Kinakabahan ako kasi baka kung napapano na sila.
"Parang gusto ko na ulit bumalik sa room!" Excited na sabi ng isang estudyanteng babae.
Nagpaalam na din kasi ako kila Ate Daisy at Ma'am Pil na babalik na ako sa room dahil sa wala nga na kasama ang mga bata. Si Ma'am Pil naman ay sinabi lang sa akin na hihintayin niya daw ako sa faculty dahil maglilinis pa siya ng room niya. Hindi ko na rin binili ang carbonara dahil sa mabubusog ako ng tuluyan kung kakain pa ako ng pasta.
"Asus! Style mo bulok, Ariane! Gusto mo lang makita ulit yung gwapo doon sa may couch eh! Magtigil ka, akin lang iyon!"
"Heh, Terry! Style mo din bulok! Hindi mo maa-angkin iyon dahil sa ak--"
"Walang sa inyo! Tumigil na nga kayong dalawa at kumain na lang kayo! Mukha niyo na nga na kuya iyon eh! Kumain na lang kayo!"
Naglakad na lang ako at natatawa sa usupan na iyon lalo na sa sinasabi nung huli. Hanggang dito nga sa room ni Ma'am Kells ay rinig na rinig mo pa rin sila. Medyo rinig ko sila dahil sa ang iba kasi ay nandoon pa kay Ate Daisy kaya hindi gaanong maingay sa mga lamensa.
"Heh! Kahit na! Age does not matter kaya diba Terry?! Gwapo kaya ni Kuya! Teka nga titigil na ako sa kakadaldal at bibilisan ko na kumain para maabutan ko siya doon. Oh my gosh! I'M SO KINIKILIG!"
"Trueness, Ariane! Pero parang kamukha niya yung nasa yearbook doon sa library. Hindi ko lang sure pero parang siya nga yun. Gwapo kasi eh super as in super! Samahan niyo naman ako sa library mamaya, please?"
"Ayan, Terry! Dapat ganiyan! Assignment muna bago gwapo! Ipagpa--"
"Anong assignment?! Pupunta ako doon para hanapin yung mukha noong Mr. PISA dati. Kamukha kasi noong lalaki noong nasa couch eh! Grabe ang tangos ng ilong tapos ang ganda ng mata niya sobra! Kyahhhhh!"
"Terry, baka siya nga iyon! Terry! Siya nga siguro yon! Oh my god! Kyahhhh!"
Malayo na ako sa kanila kaya hindi ko medyo narinig ng mabuti ang usapan nila sa huli at ang nadinig ko na lang ay tungkol sa assignment. Nalagpasan ko na rin ang room ni Ma'am Pil at isang hakbang na lang ay nasa may gate na bakal na ako kaya lang ay umatras muna ako at pumunta sa may left side ng gate dahil nakasalubong ko ang kumpol pa na mga Grade 10.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top