Chapter 2.5

Katatapos lang ng recess ng mga bata at buti rin ay naituwid namin ang recess ng walang away o asaran. Dahil sa pangyayari na ito, naniniwala na ako na bat--.

"Teacher Shaze! Teacher Shaze! Si Terrence po sinabihan po ako ng ugly!" Deli said while she is infront of the teacher's table. Habang sinasabi pa nga niya yan ay matalim na tinitignan at tinuturo niya pa si Terrence. Sa set-up namin ngayon para kaming nasa presinto.

Pumunta naman ako sa harapan ng teacher's table kung nasaan si Deli para mas makausap ko siya. Akala ko naman last day na nila kahapon as enemy tapos extended pala. Dapat talaga hindi na ako nagpakampante dahil kahit ano pwede mangyari!

"Terrence anak, come here... *gesture ng lapit* Do not be afraid, come here anak. Teacher Shaze is not mad and I will never be so come here, anak. *smile*" Bumaba ako para magkalevel kami ni Deli at bumaling kay Terrence. Sinabi ko naman iyon dahil sa nakikita ko sa mukha ni Terrence na natatakot siya na baka pagalitan ko siya. Nag-aalinlangan pa kasi siya na lumapit sa akin habang napadiin ang pagkakapit sa kaniyang upuan at ang mga paa ay umaatras naman.

Pinaupo ko muna si Deli sa pwesto niya at ngayon naman ay pumunta ako sa pwesto ni Terrence na ngayon ay nakayuko na sa akin at ang dalawang kamay ay nasa likod na niya. May kaniya-kaniya din naman na ginagawa ang mga bata at hindi na nakiusyoso pa sa maliit na alitan nila Deli at Terrence. Palibhasa ay kanina pa nila inaabangan na sumapit ang next subject namin ngayon, ang Science kaya yung iba ay pinaglalaruan muna ang mga laruan nila. Yung iba naman ay pinapakita sa mga kaklase ang laruan na mayroon sila at nakikipaglaro.

"Terrence anak, is it okay po with you to tell Ma'am Shaze po if you said something to Deli?" Still nakayuko pa rin siya habang ako ay naka level sa kaniya. Kinuha ko na rin ang dalawa niya na kamay mula sa kaniyang likuran at hinawakan iyon habang nagsasalita ako para malaman niya na hindi ako galit sa kaniya. Hindi ko naman kasi kaya na magalit sa mga anak ko na ito at walang dahilan para magalit sa kanila. Ang innocent, cute, and sweet kaya nila!

Laking gulat ko na may tumulong patak ng tubig sa mga pisngi niya kaya dumadagundong ang tunog ng puso ko. At isa lang ang naiisip ko ngayon, baka nga natakot ko siya!

"Sorry, anak. I am sorry, Terrence. *punas ng luha gamit ang thumb kay Terrence* Stop crying na, anak. Teacher Shaze is not mad." Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil baka nga talaga natakot na siya sa akin. Kailanman kasi ay hindi ko pa siya nakita na umiyak kaya nagulat ako ng umiyak siya. Kasalanan ko talaga ito. Bakit ko ba kasi pinilit siya na magsalita kahit na mukhang ayaw naman niya? Shaze, your brain is not a figurine just only to display! But, him crying infront of me makes me wondering kung natakot ba talaga siya sa akin or may iba pa na dahilan? Huwag naman sana.

I even passed one yesterday which is Gavin because of the instruction and then now, Terrence is crying in front of me. I am so frustrated and disappointed with myself dahil I allow them to feel some pain. Before kasi na maisipan ko na magteacher especially choosing Kindergarten, I promise myself that I will not let my babies be hurt. Ayun na kasi ang turing ko sa kanila, hindi na estudyante kung hindi parang tunay na anak na. But, of course, I always keep my limitations on every action. Seeing one of them crying in front of me and worst, because of me, is what truly breaks my heart. In that case, I tend to overthink every night and feel like I did not do my job well. I am not the teacher that they need. And that my family was right, that teaching is not for me.

Pinunasan ko naman ang mga luha niya gamit ang kaliwa at kanan na thumb ko at sinserong nginitian siya to signal him that it is okay and I am not mad at him. I even pat his head dahil nagbabakasali ako na tatahan na siya. Terrence just looks at me while having those watering eyes, nose move up and down together with his shoulders, and a sad bottom lip.

"Teacher Sh-Shaze, I am... I am sorry p-po. *tears falling*" Sabi niya habang garalgal na ang boses. This time, tumingin na siya sa akin at pinunas ang right hand niya sa kaniyang mga mata kung saan patuloy na bumubuhos ang kaniyang mga luha.

"You did not do any mistakes to Teacher Shaze, Terrence. *smile* If there is none anak na sinabi ka kay Deli then Ma'am Shaze wants to say sorry *smile*. But, let's apologize to Deli *tingin kay Deli* po because she is somehow hurt. " Mahinahon at maingat na pagkakasabi ko sa kaniya. Kids are fragile and sensitive that is why you need to be extra careful for the words that you will going to use when conversing with them. Hindi ko na tatanungin ang dahilan kung bakit sila nag-away ni Deli at baka mas lalo siya na umiyak.

As Terrence look calm na, he told me to make our way papunta sa pwesto ni Deli na medyo malayo sa pwesto niya. There are six families kasi and every table represents a family. Families 1, 2, and 3 ay nasa harapan while 4, 5, and 6 ay nasa likod. Si Deli ay family 2 while Terrence is on family 6.

Habang naglalakad ay tinignan ko muna ang mga kaklase nila na hanggang ngayon pa rin ay busy na busy pa rin sa mga laruan nila pero hindi naman sila gaanong maingay.

Terrence look up to me and smile so I take that as a cue for me para lemevel sa kanilang dalawa at makinig.

"Deli, if I ever hurt you, I am sorry. But.. But *medyo tumaas ang boses* cross my heart... cross my heart... I am not referring to you or anyone... I am thinking of words po *tingin sa akin* kasi na nagstastart sa letter U then, naisip ko po yung word na 'ugly' and hindi ko po alam na nasabi ko iyon kasi nasa isip ko lang po talaga iyon, Teacher. *tono ng inaalala* Hindi ko rin naman po alam that Deli was infront of me." Yumuko ulit siya after he explained everything to me. Deli is sitting on her seat and seems surprise to what she heard dahil ang mga mata niya ay parang bola sa bilog at napatakip pa sa kaniyang bibig. But, she suddenly give a peace offering to Terrence, her favorite cupcake. Palagi niya kasi na baon yan and once din niya na ako na binigyan and introduced that as her favorite cupcake.

"I am sorry, Terrence. I was wrong so, please accept this *lahad ng cupcake*. This is my favorite and last cupcake but it is okay, gift ko na sa iyo." Terrence just smiles at Deli and hesitates to accept her present. Hindi ko naman mawari ang problema... Ah! Tapos na kasi ang recess. I smile to the both of them.

"It's okay, anak. Accept Deli's gift and if you are full naman po, Ma'am Shaze can ask for a plastic sa canteen mamaya para mauwi mo po sa bahay niyo." Nakangiti na pagkakasabi ko kay Terrence. They just look at me with soft smile and kasabay pa nito ang pag-hug nila parehas sa akin na katulad kanina ay muntik na talaga ako matumba mula sa pagkakaupo. After our hug, the both of them just smile to each other. What did I do in my past life to deserve these innocent, cute, and sweet kids?!

Bumalik na ako sa teacher's table at nasaksihan sa relo na suot ko na halos huli na kami ng limang minuto para sa Science nila. Maitatawid naman ang isang araw ng walang late sa oras if nandito si Ate Rew, my teacher aid. She is currently having her one-week leave to mourn for her mother who died last Friday because of a heart attack. Pumunta na rin kami ng aming department doon to give our condolences and kamustahin si Ate Rew because we all know how much she really loves her mother... which all of us do naman but, a heart attack is actually a passive threat to someone and that is what makes it heartbreaking to the part of Ate Rew.

"Kids, it's Science time na po." As expected, loud cheers can be heard from them.

"Yes! Yes! Yes!"

"Yeeeeeey!" Sabay taas pa ng mga kamay.

"Okay po, teacher!"

I do not know what made this activity more exciting for them. However, kids will not be kids if there would be no toys.

Bago ako magbigay sa kanila ng instructions ay kinuha ko muna ang whiteboard marker at pumunta sa whiteboard para isulat ang 'I brought my toy today which is __________'. Mas madali kasi na macheck-an ang assignment nila sa ganoon. Hindi naman masasayang ang effort nila sa pagdala dahil bibigyan ko naman sila ng time para maglaro kapag natapos na sila na lahat sa activity. At para kung may malate man na sundo mamaya ay may mapaglilibangan naman sila kahit papaano. Like what happened to Gavin yesterday. Aish, enough na!

"Kids, get your notebook po for Science. After that, write this po sa pinakaunahan *turo sa board*. Okay so please write it muna po. Once you're done, raise your pencil *raise my marker*" Lumakad na rin ako para tignan kung may nahihirapan ba sa pag sulat or kung mayroon ba na problema. And so far, wala pa naman.

After 2 minutes, some of them are done and after four minutes, half of the class are finished. Finally, after five minutes, all of them raise their pencils. It took them some time to be done dahil habang tinitignan ko sila kanina ay mayroon sa kanila ang inuulit yung sinusulat if nakita na may lagpas sa line or hindi maganda ang pagkakasulat. And the only reason that we all know why they did that ay mapapagalitan daw sila ng mommy nila kapag nakita na burara ang sulat nila or lagpas. I know that in that part, we all share the same experience, mapalalaki man or mapababae.

"Next, at the second line *turo sa second line* write the human body parts that you see or you think that your toy have po. Tignan niyo po yung mga toys niyo kung may eyes po ba sila? May nose? May ears? May mouth? May stomach po ba? Or hands, heart, or feet? Check them po." They immediately check their toys and kapag nakakakita ng body parts ay ituturo pa nila sa katabi kaya naman umingay ulit ang classroom.

"I found its eyes, Ma'am Shaze!"

"Me too! Me too! Its eyes are round and cute."

"Ma'am Shaze! Ma'am Shaze! I can't... I can't find the heart of my robot po? Does a robot have a heart po?"

Ngumiti lang ako sa tanong ni Terrence. He is holding his robot and kaya naman pala kanina pa mukhang problemado. Akala ko kasi iniisip pa rin niya yung scene kanina dahil ang noo ay nakakakunot at nakanguso pa.

"We do not know Terrence however for Ma'am Shaze, they have. But, it is also hidden like in us, humans. Mamamatay din sila siguro if kinuha yung heart nila." Short answer ko sa mahirap niya na tanong. He just smiled at me habang tumango-tango pa.

"I think so too, Ma'am Shaze! I have an answer na, Gav! How about you, Cher?" Terrence, Gavin, and Cher are actually tablemates. Magkakahiwalay sila ng upuan for Cher ay nasa dulo tapos si Gavin ay sa may harap, opposite to Cher. Si Terrence naman ay nasa gilid sa right side na katabi naman ay si Cia. Magkalayo na silang tatlo pero hindi ko malaman kung paano pa sila nakakapagdaldalan? Somehow I see them to these kids...

"Okay kids, so since na-check na po kung complete na po ang body parts nila like us, you can now start to write po kung para saan po yung parts na iyon. For example, our eyes is for?"

"SIGHT!"

"Very good, kids! That is how you do it po. Isusulat niyo lang po sa notebook niyo ang body parts na mayroon ang mga laruan niyo po then, ano po yung ginagawa nila or trabaho nila sa katawan natin po hah. Naiintindihan po ba si Teacher Sha--"

"YES PO!"

Okay sabi ko nga hindi sila excited. Grabe naman ang energy, kids!

"Sabi nga ni Ma'am Shaze *awkward laugh* You may now start doing your activity po. And when you are finished just put your notebook here sa gilid po ng lamesa ni Teacher. Okay po?"

"YES PO, MA'AM SHAZE!"

"Alright, start doing your work now. Follow the lines when you are writing. Take your time and enjoy po!"

At dahil sa kanina pa ako nakatayo, I decided na umupo muna sa upuan ko at hinintay sila na matapos. I observe them while they are peacefully doing their work. I had been to Mines View Park on Baguio City just to see the beauty and serenity of the Cordillera Mountains but, I realized that there is no need for me to go to many beautiful places in the world to be enchanted by their beauty because what do my eyes see right now is indeed the definition of perfection and purity.

Nagkakamali pala ako sa 'peacefully doing their work' dahil ang kakulitan ay hindi natatapos dahil sa row 1 sa may left ko ay eto ang nangyayari.

"Anxa, how do you spell 'important'?"

"I think its i-m-f-o-u-r-t-a-n-t. Wait... Oh no! I think I am wrong! Let's ask Ma'am Shaze, Leri!"

And then I saw both of them get out of their chairs at nagpapaunahan pa na pumunta sa akin with their notebooks and pencils.

"Hehehehe... Ma'am Shaze, isn't it po na ang spelling ng 'important' ay i-m-f-o-u-r-t-a-n-t po?" Anxa said while covering her mouth while giggling. Nauna kasi siya dito sa table ko kaysa kay Lerianna.

"Tama naman anak yung first and last letters but, the middle is not. Anxa and Lerianna, what letters do you think we should place to make it right po?"

"P-o-u-r po Ma'am Shaze?" Lerianna looked at me while naka tilt yung head niya.

"Close enough anak but, you need to remove one letter." Nangiti naman sila noong sinabi ko na close enough pero agad din sumibangot noong sinabi ko na may tatanggalin pa. Napa-sayang naman na action si Lerianna while Anxa ay patuloy na nag-iisip.

"Okay para po hindi mahirapan sina Anxa and Lerianna, Teacher Shaze will give a hint... This is the first letter of the words that you read a while ago." Wiggling my eyebrows sa dalawang bata sa harapan ko na ngayon naman ay nakakunot ang noo at ngayon naman ay nagtinginan na at naka---.

"IT'S U!" They both exclaimed. May kasama pa nga na turo sa bawat isa.

"Very good, girls! Oh... Ma'am Shaze forgot the spelling of 'important'. Can you tell me girls how it should be spell?" Umarte pa ako na nakalimutan ko talaga.

They just giggled at sinabi naman sa akin ang spelling ng important. Pinanood ko naman sila kung paano bumalik sa kanilang mga upuan pero syempre, nagpaunahan na naman. Future marathon runner yata itong dalawa na ito. Hays.

Napalingon naman ako sa row 3 sa right side ko naman.

"What is the job of our heart again?" Zoe na nakatingala pa habang iniisip ang sagot sa tanong niya.

"For heartbeat, Zoe." Logan said nang hindi man lang tumitingin kay Zoe dahil busy yata sa pagsusulat.

"Are you sure?! Ooookay... *magsusulat na sana pero huminto at tumingin kay Logan* But, If I will be wrong, I will tell Ma'am Shaze that the point she will remove to me should be given to you!" Mataray at may pagbabanta na pagkakasabi ni Zoe kay Logan. After she fix her hairclip, nakita ko naman na sinulat din niya yata ang sinabi ni Logan. Magkatabi kasi sila.

"Yes, sigurado na sigurado, Zoe. Didn't you notice that there is a heart in heartbeat? If there is no 'heart' there is no heartbeat. Just only beat." Nag-angat naman ng ulo si Logan and innocently said that to Zoe. Si Zoe naman ay tumango-tango rin na parang nakukumbinsi na nga ni Logan. Bakit ba palaging heart ang body part na binabanggit nila?! Anong mayroon sa heart? Nakuha na kasi yung akin eh... na kay Breeze na kaya feel ko kaluluwa na ako dahil namatay na ako sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya. Char!

"What if beat is also missing?"

Tinignan naman siya ni Logan na parang nauubos na ang pasensya at napahawak pa sa noo.

"Zoe, ofcourse there would be no heartbeat! Patay na tayo if wala yung both na heart and beat *sigh*" Usal ni Logan na nilalakihan pa ng mata si Zoe habang nagsasalita siya. Pagkatapos naman ay nagpatuloy na rin sa pagsulat maging si Zoe.

Tahimik naman ang row 4 na nasa likod ng row 3 at maging ang row 5. Ang row 6 nga lang na nasa likod ng row 1 ang maingay sa likod.

Hindi naman ako ready at inform na may giyera pala doon. Nakikita ko kasi na may robot na sinasalakay yung mga laruan nina Cher at Gavin pero di ko masyadong makita kung ano yung kay Gavin dahil nga nakatalikod siya sa akin. Pero nakita ko na airplane yung kay Cher nakaharap kasi siya sa akin.

WAIT! Sabi sa akin ni Cher parehas daw sila ng laruan na dala ni Gavin. Kung ganoon ay airplane din yung kay Gavin at yung airplane na iyon ay bigay ni Breeze! Ayun yung sabi sa akin ni Gavin kanina which means...pilot siya?! Pero baka hindi naman dahil pwede rin naman kasi na gusto lang talaga ni Gavin ng laruan na airplane. Baka nga pero bakit naman big deal sa akin kung pilot na siya?! Edi good for him! Aish.

"Attack!"

"Woosh...Woosh...Woosh"

"Bang! Bang! Bang!"

"Kids, work peacefully po, please." Napalingon pa sa akin ang row 6 at sabay sabay na nagpeace sign pa sa akin at saka nagpatuloy sa pagsusulat.

Nakita ko naman ang pagtayo ng iilan sa row 4 at 5 na papunta dito sa table ko at maingat na nilagay ang mga notebook nila sa gilid ng table. Sumunod na rin ang iilan sa row 1 at 3. Maging ang mga nasa row 2 at 6. Bali ang hindi pa tapos ay tatlo na lang dahil binibilang ko na sila kanina habang papunta dito kahit na mahirap bilangin kasi nag-uunahan pa sila na magpasa. Buti nga at walang nasira na notebook at maging ang table. Kapag nakapagpasa naman na ay bibigyan ako ng ngiti at magpapaunahan ulit sa pagpunta sa mga upuan nila.

"Sa mga tapos na po, you may now play with your toys but be quiet po okay?"

"YEEEEEEEEY!"

Nilagay ko naman ang daliri ko sa lips ko to signal them to be quiet at nag-oops naman ang iba at nilagay ang kamay sa mga bibig nila. Dahan-dahan pa sila na naglaro at talagang sinisikap na huwag gumawa ng kahit na anong ingay.

Unti-unti na rin na natapos yung tatlo at nakapagpasa na sa harapan. Hulaan niyo kung sino ang mga iyon? Ofcourse yung tatlo sa likod. Terrence, Gavin, and Cher. Para talagang sila itong tatlo na ito...magkakasama sa kalokohan!

"Sorry po, Ma'am Shaze." That's the three of them na nakayuko sa akin na katatapos lang sa paglagay ng notebook sa gilid ng table.

"It's okay, boys. No need to worry po. Next time, do your work muna before you play. Okay po?" Ngumiti ako sa kanila. They smile too and nod their heads. Pumunta na rin sila sa mga upuan nila.

Tumayo na ako at pumunta sa harapan ng table.

"Kids, since lahat po ay tapos na. Who wants to share his or her answer po? Just raise your right hand lang po pero is it okay po ba na pupunta kayo sa harap to present?" Pagkasabi ko noon ay nagulat ako dahil may nagtaas na kasi kanina kaya akala ko magsisibabaan na sila ng kamay pero nakita ko naman na naka taas pa rin ang mga kamay nila. And that also includes Terrence, Gavin, and Cher. Kung mga high school students siguro ito at magspe-speech sa harapan ay baka iilan lang ang magtaas at yung iba ay nagrereunion sa comfort room. Sabagay, sa mga edad na ganito, they are all build with courage and confidence.

"And last one, sa teddy bear ko po, ito po yung mouth niya. My mommy said po that this part allows us to eat the food that we want and talk like how I am doing right now po. And that's it po." Wander said with a smile na labas pa ang ngipin niya na medyo kinulang ng isa sa harapan. We gave him around of applause as he is now taking his way sa upuan niya.

Nagvolunteer kasi siya na ikinagulat ko din dahil sa minsan lang din siya na magrecite kaya I gave him the chance na kanina. Tahimik lang din naman na nakikinig ang mga bata na sa next presenter namin na kanina pa din nagsasalita which is Gavin na nasa gilid na ng table ko at dala-dala ang laruan na airplane niya. Natapos na nga niya ang tail at wings ng airplane.

"This part is called as fuselage *yung parang tube sa airplane*. My Tito said that this is the body ng airplane where lahat ng passengers and cargo can be seen. He also said to me that this is like the torso of the human body. For the torso protect the important parts of... important parts of yung loob po natin, Ma'am Shaze... where the heart, lungs, and kidney po ay nandoon po. Same po sa airplane, sabi po ni Tito, the fuselage protects the number one priority during the flight, yun po ay mga passengers and cargo." Mahabang paliwanag ni Gavin. I never expect na napakadvance pala ng isipan ni Gavin at alam na ang torso or the trunk of the human body. Kasalanan ito ni Breeze! Grabe naman siya magturo sa pamangkin niya. Abe kinder palang kaya si Gavin tapos ganoon na ang itinuturo niya?! Nako, humanda talaga siya sa akin kapag nagkita kami ulit!

"Ma'am Shaze, what is torso po?" Cher asked.

"Ah anak, have you seen a car's back?"

"Yes po, Ma'am Shaze!" May himig na interest sa boses niya.

Nakita ko naman na taas baba ang kamay ni Miles na parang may gustong sabihin.

"Miles, anak, do you want to say something po?" Malambing na pagkakasabi ko sa kaniya. Hindi naman nakakapagtaka na nagulat siya.

"Ah, Ma'am Shaze... isn't it po na trunk po yung another term of apartment po ng ca-car?" Nahihiya at nauutal na sabi ni Miles na nakayuko lang pero sapat pa rin upang marinig namin. Hindi katulad dati, she bravely stand to recite today. Ayon nga lang, hindi pa rin siya makatangin ng diretso sa amin.

Apartment? Apartment... Ah compartment! But, with her age, alam niya na yun mga ganoon which for me is a sign of intelligency.

Si Gavin naman ay nagpapalipat lang ng tingin sa amin at halata mo rin sa mukha ang interest at pagkamangha.

"Very good, Miles, anak! That is the trunk po, kids. Yung nabubuksan sa likod ng car where you sometimes place something heavy and important."

"Eh Ma'am Shaze, how the torso work po ba for our body?" This time Gavin asked. Akala ko pa naman in-explain na sa kaniya ni Breeze iyon. Jusq mukhang salita lang ng salita si Breeze sa kaniya ng hindi man lamang iniintindi kung ilan taon na yung kausap niya. Baka mamaya kung ano-ano pa masabi niya sa bata at malason pa ang inosente na isipan ni Gavin!

Pumunta naman ako sa tabi niya at lemevel sa kaniya at habang nagsasalita ay tinitignan ko din ang mga bata na binibigyan lang din ako ng parehong-pareho na mukha, ang pagiging curious na mukha.

"To make you easily understand, like what Gavin have said, si torso ay superhero ng mga nasa loob na body parts po natin like heart, lungs, and kidney. Ang sakop lang po na natutulungan niya ay yung mga nasa loob lang po natin at hindi po niya naisasama si head, sina arms, and legs dahil hindi na po niya part iyon. Gets na po ba mga anak?" Habang nananalangin na sana ay makuha na nila at kahit gusto ko naman na baliin ang atensyon nila doon ay hindi ko magawa. Dahil alam ko na pagpipilitan nila na malaman nila ang isang bagay dahil sa kuryosidad na umiiral sa kanila.

"Ah ganoon po pala iyon!... So I have a torso that means I am also a car! Am I right po, Ma'am Shaze?" Logan said na nakatingin pa sa itaas at itinuturo ang sarili. Tinitignan pa nga siya ng mga kaklase niya eh.

"Ah...anak. Just like the toys that you are holding, may pagkakaparehas tayo na parts sa kanila pero it does not mean po na katulad nila tayo. Tayo po na mga humans, nabubuhay po tayo but, cars and your toys are actually non-living things. Tayo lang po ang nagbibigay buhay sa kanila. Like diba umaandar ang kotse kapag dinadrive ni Daddy or Mommy? Ganoon po siya. When you all grow up mga anak, you will understand. But now, sa basics muna tayo." Mahaba pero maingat naman na pagkakasabi ko sa kanila na ngayon naman ay tango lang na may ngiti ang nakukuha ko sa kanila.

Pinagpatuloy na rin ni Gavin ang pagprepresent niya na hindi mawala sa mukha ang pagkamangha dahil sa nakuha na impormasyon.

"Last one po, this is the cockpit po. It is like our brain po. In this part of the plane po, the pilot and yung kasama niya po, sit to ride the airplane. Without the pilot, hindi po makakalipad yung airplane. The brain is the main important part of our body po for it control every part in our body just like the pilot po. Without the brain, I do not have an explanation po for my assignment. Katulad po kung wala si Tito, I will not have this toy as my assignment po because my Tito taught me the parts of the airplane. That is all po, Ma'am Shaze!" Sunod naman na narinig ko ang palakpak ng mga kaklase niya kaya naman nakipalakpak na rin ako. I also give him a smile kasi the question that lingers in my mind kanina ay nasagot na. Na si Breeze ay isa nga na pilot!

"Wow! Your Tito is a pilot, Gavin?!" Terrence said.

"Can I talk to your Tito, Gav? So I will know how to buy an airplane? I have *kuha ng pera sa bulsa* 20.00 already, maybe I am close enough to buy one!" Logan said na pumunta pa talaga sa upuan ni Gavin para lang doon. Nawala sa isip ko saglit ang pagkapilot ni Breeze dahil sa kalokohan ng mga bata na ito. My number one stress reliever and maker!

"Ah... Yes, Ter! And Logan, I think you need more money pa but, I will tell about that to my Tito later." Parang naguguluhan pero nakangiti pa rin na pagkakasabi ni Gavin sa dalawa.

Hindi lang pala giyera mayroon sa classroom ko, may business din pala na nangyayari. Hay!

"Ow! How much more do I need if that so?" Logan said while having a shocked face.

"I think 200 pesos, Logan!" Gavin said happily to Logan.

"I will tell my Mommy later! Thank you, Gav!" At bumalik na nga siya sa pwesto niya.

Naubos ang oras at hindi pa rin syempre nawawala ang asaran ng mga bata at pagiging curious nila. Buti na lamang at humupa ito dahil sa sinabi ko na next subject na which is Math. Kahapon naman ay nakapagdiscuss naman na ako sa kanila kaya heto sila ngayon, taimtim na nagsasagot ng seatwork na nasa libro nila. Hindi naman sila makakapag-ingay ngayon dahil sa alam ko na mahihirapan sila sa Math. Sino ba naman kasi ang hindi nahihirapan sa Math? Kaya ayan, dahil sa sobrang focus at sobrang hirap ng addition para sa kanila ay nakalimutan na din nila na dumadaldal.

"I will tell about that to my Tito later."

"I will tell about that to my Tito later."

"I will tell about that to my Tito later."

Stop! Stop! Stop!

Kaya ayoko ng wala akong ginagawa eh, kung ano-ano iniisip ko. Eh ano naman kasi sa akin kung susunduin siya mamaya ni Breeze? Magaling naman na ako magpanggap na okay kaya... kaya wala na dapat akong iniintindi sa kaniya. Poker face na lang kagaya ng palagi ko na ipinapakita sa kaniya para walang malisya. Saka baka nga late na naman iyon eh tapos busy na naman siya sa katext niya. Ade maganda! Pagbuhulin ko sila ng katext niya eh! Magkikita lang naman kami ah, bakit ba ako kinakabahan?!

No! No! No! Sabihin niyo nga sa akin, need ko na ba na magpacheck-up sa doctor?! May sakit ba ako sa puso?! Pero sa bagay, matagal nang hati ang puso ko, immune na nga sa sakit eh kaya bakit pa ako kinakabahan?!

Wag mag-assume Shaze, natural dahil susunduin kasi niya yung pamangkin niya at hindi para makita ka! May kirot man sa puso ko pero tama naman iyon. Masyado ko lang yata iniisip na magugustuhan niya ako kung kaya't dati pa lang normal na kaklase at schoolmate lang ang tingin niya sa akin. Hanggang doon lang at hindi na lalagpas pa. Pilot nga siya diba? Mahirap abutin kumpara sa tulad ko na palaging nasa lupa.

"Kids, you know what to do when you are finish... Just pass your paper to Ma'am Shaze and ayusin na po ang gamit ng dahan dahan lang then, ilagay na po sa bag. Okay po?"

"YES PO, MA'AM SHAZE!" Akala ko naman ubos na ang energy nila pero hindi pa pala. Hays!

Ilang minuto na rin ang nakalipas at natapos na nga sila kaya ngayon naman ay nakapila na sila dahil nakikita ko na rin naman yung mga parents or guardian nila sa labas. Lunch na din pero hindi naman ako sigurado kung gutom or hindi sila.

"Okay kids, prepare for reading po tomorrow hah, yung mga long words po na nagstastart sa letter U, okay po?" Sabi ko sa kanila habang nakatalikod sa may pintuan. Hindi mo na kasi makakausap sila kapag nakita na yung mga parents nila, may konting glass kasi na parectangle na pababa yung pintuan kaya makikita mo kung sino yung nakasilip.

"YES PO, MA'AM SHAZE!"

Nagdasal na rin kami at ako naman na ang nanguna dahil baka magover-time pa kami dahil sa mahabang pagdedesisyon kung sino ang magiging prayer leader.

"Amen." Narinig ko pa ang tunog ng mga palad nila.

*Thud* *Thud* *Thud*

Shaze, kalma lang! Relax. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

"Si-sige po. Eat yo-your lunch we-well and be sa-safe. Enjoy studying and se-see you tomorrow, kids!" Bakit ba ako nauutal? Always ko naman na ito ginagawa ah? Kumalma ka nga, Shaze Merene Pier!

Bago pa ako matulala at mawala sa katinuan ay binuksan ko na ang pintuan. Tinawag ko na yung may mga sundo na para naman makampante ako na ligtas at tama ang magsusundo sa kanila dahil nga responsibilidad ko sila.

*Thud* *Thud* *Thud*

"Good bye, Ma'am Shaze! See you po tomorrow!"

"See you tomorrow, Ma'am Shaze!"

"Bye, Ma'am Shaze!"

"Thank you po, Ma'am Shaze and I enjoyed this day so much po! Hehehehehe." Lerianna said while giving me her kikay smile. Medyo nawala naman ng konti yung kaba ko sa sinabi niya pero mukhang nadagdagan pa dahil si Lerianna ang huling sinundo.

"Mauna na po kami, Ma'am Shaze." Her mother said while giving me a smile. I smile back to her and give Lerianna a wave.

Naghintay pa rin ako ng ilang minuto dahil baka may hahabol pa na susundo pero tanging si Ma'am Heil lang ang nakita ko na binigyan ako ng magkasaklop na kamay at pampaawa na mukha na alam ko naman na ang ibig sabihin. Ngumiti at tinanguan ko na lang siya dahil alam ko na may klase pa rin siya hanggang ngayon dahil mas madaming subject ang Prep kaysa sa Kinder kaya hindi niya masusundo si Cher. After noon, sinara ko na ang pinto at tumingin sa tatlong chikiting na nakaupo sa upuan nila na sumasabak na naman ng panibagong giyera.

*Thud* *Thud* *Thud*

Binalewala ko na lang ang sobrang kaba na nadarama ko at pumunta sa table para simulan na i-check ang mga activities nila ngayon. At pagkatapos na pagkatapos talaga noon ay talagang kakain na ako dahil feeling ko mahihimatay ako sa sobrang kaba sa hindi malaman na dahilan, sa pag babalik ba ng isang Breeze Theodon o dahil naubos na lahat ng energy ko ngayon? Aish.

Author's Note:
Hello Kaillyson_! Thank you for your never-ending support for this story. So much appreciated! As well as those people who vote and even add my book on their reading list. It's always been my honor po for having all of you. Thank you everyone and have a nice day ahead 💛

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top