Chapter 2.2

Nandito na ako ngayon sa aming faculty at nakaupo na sa aking upuan. Hindi muna ako pumunta sa aming room dahil sa mga oras na ito ay sarado pa ito at dito rin naman sa faculty gaganapin ang meeting. Na kay Kuya Pie pa kasi yung susi, isa sa mga maintenance namin dito sa school. Medyo maaga pa kaya konti pa lang kami na nandito. Sa aming department, si Ma'am Ap at si Ma'am Heil na lang ang kulang.

Maaga talagang pumapasok ang mga teacher sa aming department para in case na may emergency yung mga parents at maagang hinatid yung mga bata ay diretso na agad sa room. Isa pang dahilan ng pagpasok namin ng maaga ay dahil na rin sa kami ang nagbubukas ng aircon para palamigan ang room habang nagcoconduct ng flag ceremony sa labas.

One time kasi may hinatid na bata na sobrang agang pumasok siguro mga 6:30 pero ang original na time ng pagpasok nila ay 7. So, ang nangyari, iniwan ng sundo nito yung bata sa guard. Syempre ang mga bata ay kilala sa pagiging malikot, umalis ito sa upuan na sinabi sa kaniya ni Kuya Lind. Hindi rin napansin ni Kuya Lind na umalis pala ang bata sa upuan dahil nagwawalis kasi siya bilang nakagawian na niyang gawin sa umaga. Halos ilang minuto din siyang hinanap noon at dahil nga wala pa ang adviser niya at iba pang teacher ng pre-elem ay hindi macontact ang mga magulang nito. Nakita lang ang bata noong oras na ng pasukan na hinatid ng ate niya. Nandoon lang pala ito sa room ng ate niya at nagpapalamig sa aircon. Naiinitan daw kasi siya kaya pumunta muna siya sa ate niya na isang Grade 10 student. Ang room pa naman ng mga Grade 10 ay nasa third floor kaya hindi mo maiisip na pupunta doon ang isang five years old. Bukas na kasi ang mga room sa mga oras na iyon at yung unang student na pumasok ay siyang magbubukas sa aircon. Nandoon siya mag-isa sa room ng ate niya dahil pumunta daw ang ate niya sa washroom saglit, nakaupo lamang ito at nakangiti pa na parang walang naghahanap sa kaniya.

Kaya simula noong nangyari ang insidente na iyon ay maaga na kaming pinapasok ni Ma'am Ap para maiwasan ang mga ganoong insidente. Nakakahiya din kasi sa mga magulang nila dahil pinagkatiwalaan nila kami sa mga anak nila once na nakapasok na ito ng school. Kaya naman naintindihan kaagad ng mga teachers sa faculty kung bakit ko dala-dala si Gavin kahapon.

Habang nag-aayos ako ng aking table ay bigla naman akong nagulat dahil may biglang nagsalita. Nakayuko kasi ako dahil ang nililinis ko yung sa baba ng table ko, yung mga lagayan nito sa baba. Ang mga nilalagay ko kasi dito ay yung mga notebooks or books na pinapasa ng mga student ko na hindi ko pa nachecheck-an. Since wala nang nakalagay, namamahayan na ito ng alikabok kaya every morning nililinis ko ito and allergic din kasi ako sa alikabok.

"Ma'am Shaze! Kamusta naman yung tito ni Gavin? Sinungitan ka ba? Kinausap ka ba? O baka naman ikaw ang nagsungit?! Aber?!" Si Ma'am Piler lang pala yung nagsalita akala ko pa naman kung sino. Napaayos pa tuloy ako ng upo.

Ma'am Piler is one of the kalog at magaling magturo dito sa aming department. She is like my older sister dito sa school dahil 26 na siya at may boyfriend na din. Well, lahat naman ng co-teacher ko ay parang mga kapatid ko na, bunso kasi ako dito eh. Siya din yung kasabay ko minsan na kumain tuwing lunch. Hindi nga lang kami sabay kahapon dahil may inasikaso pala siya na about sa health ng mommy niya.

PERO WAIT?! PATI BA NAMAN SI MA'AM PILER?! NANG BUMALIK ULIT SI BREEZE, LAHAT NA YATA NG NAKAKASALUBONG KO PURO BUKANG BIBIG SI BREEZE! AYAN TULOY HINDI KO NA MAGAWANG KALIMUTAN SIYA! Char!

Dahil sa maaga pa at 7 pa lang, alam ko na medyo mahaba ang pag-uusap namin ni Ma'am Piler. Aabot siguro ng mga 20 minutes.

"Ma'am Pil, bukas na ba yung mga room natin? *habang naglalagay ng alcohol sa kamay*" Pag-iiba ko sa tanong niya habang tumitingala sa kaniya kasalukuyang kasi siyang nakatayo sa tabi ng table ko. Hindi kaya siya nangangawit niyan? Basta kasi sa chismis, on the go si Ma'am lalong-lalo na sa lovelife ko. Lahat kasi sila may jowa at may asawa na except sa aming dalawa ni Sir Sind. Kaya expect niyo na kapag nasimulan tuksuhin yung isa sa lovelife, eh tuloy-tuloy na yan. Mas excited pa kaysa sa amin yang mga yan kapag tungkol na sa lovelife namin ni Sir Sind!

"Nako! Shaze may tinatago ka no?! Kapag kasi iniiba mo ang usapan basa ko na agad na may nangyari eh. Kahit ilang months pa lang tayong magkakilala, alam ko na yung paganyan-ganyan mo. So, ano iyon? About ba sa tito ni Gavin?" Pag-usisa niya sa akin at napakapursigido talaga ni Ma'am dahil kumuha pa talaga siya ng upuan para lang makipagchismisan sa akin.

"Si Piler talaga ayaw na ayaw nahuhuli sa chismis. Aga-aga eh!" Sabi ni Sir Ato, grade 6 adviser and Math teacher. Buti na lang pala at hindi pa ako nagsasalita kay Ma'am Pil about sa nangyari kahapon at kapag kasi nangyari yon baka isipin pa nila na may favoritism ako sa mga estudyante ko. Maging tsismis pa ako sa mga nanay ng mga student ko. Isang malaking nako!

Tahimik kasi ang faculty kapag umaga kaya kahit konting kaluskos mo lang ay maririnig na agad and dagdag mo pa na magkakalapit lang ang mga table namin.

"Ma'am Pil, wala naman pong nangyari, *tingin sa kaniya* sinundo niya naman po yung pamangkin niya and he seems busy nga po kaya po siguro hindi niya ako napansin pa. Mabuti na po iyon baka nga po pagsungitan niya pa ako." Sabi ko sa kaniya habang inaayos naman yung lalagyanan ng ballpen at lapis ko. Inalis ko lang yung mga ballpen na walang tinta baka kasi kapag may nanghiram sa akin ay hindi malayo na baka ito ang makuha ko. Minsan kasi kuha lang ako ng kuha diyan eh tapos hindi ko na tinitignan pa kung mayroon o wala na itong tinta. Kagaya kahapon kung tinignan ko sana kung sino yung tinatawagan ko, ade sana hindi ko iniisip yung mga pinagsasabi ni Breeze pati ng ate niya ngayon. Ayan tuloy sobrang nakakastress!

"Mukhang hindi ka naman pagsusungitan ng tito ni Gavin eh baka ikaw pa nga kamo ang magsungit doon eh." Sabi niya habang tinitignan ako na parang siguradong-sigurado sya. Medyo lang naman Ma'am!

"Nako Ma'am Pil, paano naman magsusungit si Shaze eh noong papauwi na kami nakita ko ang tito ni Gavin ay nakatutok sa cellphone. Ni hindi nga nilingon si Shaze." Sinabi niya sa amin ito habang nilalapag ang bag niya sa table niya habang nakatayo pa rin, inunahan kasi siya ni Cher na umupo sa chair niya. Ang kulit!

Sabi sa inyo eh, tignan mo si Ma'am Heil, pagpasok pa lang chismis na agad. Hindi ko rin napansin na dumating na pala siya at pagkatapos na pagkatapos nga niyang mailapag ang bag niya ay pumunta agad ito sa amin. Alam niyo na kung ano ang dahilan!

"TOTOO BA MA'AM HEIL?! Sayang naman! Napakasungit talaga nung tito na iyon ni Gavin. Hindi pa rin nagbabago, kagaya pa rin ng dati." Usal ni Ma'am Pil na pinagcross pa ang legs niya at nilagay ang kaliwang braso sa aking table pagkatapos ay saka tumingin sa akin.

Bakit naman kaya sinabi ni Ma'am na sayang? Eh mabuti nga po iyon Ma'am kung hindi baka wala na po ako dito sa kinauupuan ko kasi nagkasakit na ako.

At ano naman ang ginagawa dito ni Breeze dati at nasabi ni Ma'am na hindi pa rin ito nagbabago? Maintenance kaya siya dati dito tapos kap---.

"Hindi siya maintenance dito Shaze, sa gwapo ba naman ng isang iyon, maiisipan na magmaintenance?! May isa pa kasi siyang sinusundo dito, yung pinsan niya na naging estudyante ko, iyon ay kapatid ng pinsan niya na mas matanda sa kaniya. Eh siya yung minsan sumusundo doon kapag nasa trabaho yung pinsan niya." Sabi ni Ma'am Pil at naliwanagan naman ako sa sinabi niya. Mas nauna kasi sila sa akin dito eh, mga 5 years na silang nandito dahil hindi sila naabutan ng K to 12. Ako kasi kaya 24 na ako nagsimulang magtrabaho kasi nagexam na agad ako for LET para diretso turo na ako. Pero marunong kaya siyang bumasa ng nasa isip ng tao? Kasi nabasa niya yung nasa isip ko eh. Ang galing ni Ma'am! Paturo kaya ako minsan para naman nababasa ko kung ano ang nasa isipan ni Breeze?!

Gwapo ba iyon?! Si Ma'am Pil talaga mahilig magjoke. Best joke ever! Bagay sila ni Hact, magaling magimbento ng mga bagong joke. Char! May boyfriend na nga pala siya pero hindi pa namin ito nakikita.

"Ma'am Pil, eh bakit niyo naman po nasabi na masungit at hindi ngumingiti si Breeze?" Sabi ko sa kaniya habang binibigyan siya ng isang naguguluhang mukha.

Bago pa man siya magsalita ay naunang nang magsalita si Ma'am Heil.

"Ako na sasagot Ma'am Pil. Tumayo ka muna dyan at nandyan na si Ma'am Kelly. Maghello ka muna kay Ma'am Kells para hindi siya magalit sa iyo diba Ma'am Kells?" Pabirong sabi ni Ma'am Heil kay Ma'am Pil. Nakita niya siguro si Ma'am Kelly sa labas na papasok.

Eto pa ang isa, si Ma'am Kelly. Sobrang bait niya at magkasing age sila ni Ma'am Pil. And syempre may jowa na din yan. Ay mali! Fiance na pala. Kakainggit! Shout out to Breeze Ryte Theodon. Char!

"Hala! Ma'am Pil sumasakit na yung paa ko kakalakad tapos nangawit pa ako kakahintay sa upuan ko! *acting mode*" Ani ni Ma'am Kelly habang papunta sa table niya. Si Ma'am Pil naman ay tumayo na at binalik ang upuan ni Ma'am Kells. Pero hindi pa rin ito bumabalik sa upuan niya. Hindi pa siguro satisfied sa pang-aasar sa akin. Hmmp!

"Good morning Ma'am Kells! Nako kawawa naman si Ma'am Kells, ayan na Ma'am Kells yung chair mo. Ginamit ni Ma'am Heil yan para upuan ni Cher *kindat*. Anyway, may good news ako sa iyo about kay Shaze! *ngiti ng malawak*" Sinabi ni Ma'am Pil habang bumabalik na sa upuan niya. Si Ma'am Pil talaga napakakulit at dinamay pa talaga yung mag-ina sa kalokohan niya. Hay!

"Joke lang iyon Ma'am Pil! Ade nagalit sa akin si Dew (name ng fiance niya) pag nalaman niyang naglakad na naman ako?!" Sabi ni Ma'am Kells habang inaayos na yung mga gamit niya. Seaman kasi yung fiance niya so meaning LDR sila pero sabi niya sa amin sa New Year daw uuwi si Dew dahil balak nila na sa February sila magpapakasal. Pero dati ko pa inaalala yung name ng fiance niya eh, familiar kasi ito sa akin kaso hindi ko na maalala pa.

Tahimik lang akong nakikinig sa pag-uusap nila tungkol sa mga jowa nila. Dahil alam kong kapag nasimulan na ng isa ang usapan tungkol sa jowa tuloy-tuloy na yan. Hindi rin naman ako makarelate dahil nga wala hindi ko pa naeexperience na magkaroon noon, kaya shut up na lang ako.

"Sabagay ganyan din naman yung boyfriend ko. Normal lang naman yata yon sa kanila. Pero huwag tayong pakasiguro baka mamaya eh kunwari lang na sweet pero nambababae na pala. Nako subukan niya lang gawin yon, ipapatapon ko siya sa Mars!" Sabi naman ni Ma'am Pil na di ko alam kung seryoso ba o nagbibiro.

Napatawa naman ako sa sinabi ni Ma'am Pil. Grabe kahit pala mahal na mahal siya ng boyfriend niya naiisip niya pa yon? Kinukwento niya kasi madalas sa amin, pero mostly sa akin yung lovelife niya kaya nga nakakainggit eh.

"Ma'am Pil kaya idol kita pagdating sa lovelife eh *ngiti and turo kay Ma'am Pil*. Pero subukan lang din niya na gawin yon, *tango* subukan lang niya, subukan lang talaga niya!" Gigil na sabi ni Ma'am Kells except sa part na sinasabi niya kay Ma'am Pil.

"Eh ano naman gagawin mo kapag nangyari yon? Puro ka 'subukan lang niya, subukan lang talaga niya' eh paano kung subukan talaga ng fiance mo iyon?" Pang-aasar ni Ma'am Pil. Ang hilig talaga niya mang-asar. Nakakaasar!

"Syempre Ma'am....patatawarin ko pa rin siya, mahal ko kasi eh." Sinserong sabi ni Ma'am Kells. Ano ba naman yan! Bakit ang bait niya? Pero siguro ganoon talaga, mahal mo kasi eh kaya kahit na ilang beses ka pa niyang saktan, tatangapin at papatawarin mo pa rin siya. Ang sweet! Sana kami din ni Breeze, ay wala pa lang kami.

Inisip ko tuloy kung paano din kunwari ginawa niya iyon tapos may kami, kunwari lang po hah! Ano kaya ang gagawin ko kapag nalaman ko iyon? Aba syempre sa una medyo magagalit ako sa kaniya pero siguro may pagkukulang din ako kaya niya magagawa niya iyon. (A/N: Shaze, feel na feel pero wala namang kayo!") Author, 'kunwari' nga lang eh. Nako bibinggo ka na talaga sa akin author! Konting-konti na lang!

"Magsitigil na nga kayong dalawa! Makiramdam at maawa naman kayo sa nararamdaman ni Ma'am Shaze. Single na nga yung tao tapos pinamumukha niyo pang single." Ani Ma'am Heil habang papunta sa table ko. Sinabi niya pa ito na animong nanay na pinapagalitan ang kaniyang mga anak. Mas matanda kasi siya sa aming tatlo and dagdag mo na may anak na siya.

"Pero Ma'am single naman po talaga ako." Inosenteng sabi ko kay Ma'am Heil. Hindi ko alam kung bakit tumawa si Ma'am Pil at si Ma'am Kells sa sinabi ko pero tumigil lang sila nang tignan sila ni Ma'am Heil.

"Nako ikaw talagang bata ka! Ikaw na nga ang pinagtatanggol sa dalawang may jowa na ito eh. Nako pinapanalangin ko na sana yung tito ni Gavin na ang makatuluyan mo." Eh? Ano daw?! Mukhang nabingi yata ako! Pakitawag nga po si Breeze dahil siya lang ang makakapagbalik ng pandinig ko kapag sinabi niya sa akin na gusto niya ako. Promise gagana yon. Char!

"Ganyan talaga yan Ma'am Heil. Wala kang makukuhang support diyan kahit sinusuportahan mo siya kaya hindi nagkakalovelife eh." Baling naman sa akin ni Ma'am Pil at tinignan pa ako ng masama mula sa kaniyang table. Pagkatapos niyang sabihin ito ay kinuha niya yung mga notebooks ng mga student niya at saka nagsimulang magcheck.

Ngumiti lamang ako kay Ma'am Pil ng pagkatamis-tamis.

"Nawala sa isip ko Shaze yung tanong mo kanina! Si Ma'am Pil kasi eh *turo kay Ma'am Pil* Eh kasi naman kapag sinusundo niya yung pinsan niya dati, abe hindi man lang ngumingiti kaya ang sungit niyang tignan." Paliwanag ni Ma'am Heil pero bago pa man makalabas ng faculty si Ma'am Heil ay nagsalita naman si Ma'am Pil.

"Parang si Shaze, napapagsabihan na masungit kasi palaging walang reaction at seryoso ang mukha kaya kahit gustong ligawan ng iba eh, alam na nilang busted agad sa mukha pa lang niya kasi." Sabi niya pero hindi siya nakatingin sa akin dahil busy ito sa pagchecheck. Pero kahit busy siya, syempre may time yan para sumingit sa chismis.

"Mamayang lunch na lang natin ituloy ang kwentuhan at pupunta muna ako sa room ko. Tignan ko muna kung bukas na ba. *Tingin sa relo* 30 minutes na lang pala." At saka siya lumabas ng aming faculty.

Pagkaalis ni Ma'am Heil ay binigyan naman ako ng nakakalokong tingin ni Ma'am Pil at ni Ma'am Kelly.

"Shaze, hindi kaya yung tito ni Gavin talaga ang forever mo?" Pang-aasar na naman ni Ma'am Pil. Tapos na siguro siya sa pagchecheck kaya mas nakapagconcentrate sa pag-iisip ng mas malalim na idea para pagchismisan.

"Ma'am Pil walang forever!" Singit naman ni Sir Sind na wala ding lovelife. Ako din naman, wala.

"Sir, okay lang yan, naiintindihan kita. Malalagpasan din natin to. Soon mahahanap din natin yung para sa atin." Tugon ko naman kay Sir Sind na may pa fake cry pang kasama.

"Ma'am Shaze, sorry to say this pero iiwan na kita sa samahan ng mga malalamig ang pasko dahil nakita ko na ang mahahalin ko ng panghabambuhay sa main gate kahapon!" Ani ni Sir Sind habang may ngiting malawak sa kaniyang mukha at parang inaalala pa yung nangyari kahapon.

"Ay ganoon ba Sir? Okay lang po sanay naman akong naiiwan. Okay na rin po sana ako kung iniwan na ako kaso mas lalong sumasakit kung naisipan pa niyang bumalik sa buhay ko. Hindi ko po alam kung para mahalin ako o para paasahin na naman ako." Wala sa sarili kong sabi sa kanila. Ano ba naman yan, naisip ko kasi siya eh. Hindi naman niya ako iniwan pero bumalik siya ulit sa buhay ko. Hindi ko nga lang alam ang dahilan sa pagbabalik niya ulit sa buhay ko.

"HUGOT!" Sabay na sabi nila Ma'am Pil, Ma'am Kells, Sir Ato, at Sir Sind. At hindi lang yan dahil talagang sumayaw pa sila noong sinabi nila ang salitang 'HUGOT'. Napakaingay!

"Ma'am Shaze okay ka lang ba? Ang alam talaga namin wala kang boyfriend pero parang ang bigat naman yata non." Sabi ni Ma'am Tear na papunta sa labas ng faculty para magtapon ng basura niya.

"Ma'am ikaw naman! Joke lang po iyon. Yung pusa ko po kasi yung tinutukoy ko, iniwan po kasi ako ayun pumunta sa kapit bahay tapos po pagkagising ko noong isang araw ay nasa bahay na ulit namin. Hindi ko po alam kung mahal niya ako o pinapaasa na lang niya ako." Wala na akong ibang maisip na palusot kaya ayan na lang ang sinabi ko. Pero hindi naman yan palusot kasi totoo naman yan. Namimiss ko na tuloy yung pusa ko, nasa kapitbahay na naman kasi siya eh, pati siya iniiwan ako. Sana paniwalaan nila ito. Please?!

"Palusot.com" Sabi naman ulit ni Ma'am Pil.

Kinuha ko muna ang aking cellphone para tignan yung chat ni Breeze dahil hindi na ako magsasalita pa kasi may magsasalita na naman panigurado ako.

"Ngayon ko lang ito naisip hah, diba si Ma'am Shaze *turo sa akin* at yung tito ni Gavin ba--." Naputol ang sasabihin ni Ma'am Kells ng sumingit si Sir Sind sa sasabihin niya.

"Sino yung tito ni Gavin?! Gwapo ba?!" Takang tanong ni Sir Sind na nagpaangat ng ulo ko. Saktong pag-angat ng ulo ko ay nakatingin naman siya sa akin.

"Ah hind---." Si Ma'am Kells naman ngayon ang pumutol sa sasabihin ko.

"Bakit mo naman tinatanong Sir Sind?" Sabi naman ni Ma'am Kells na nakataas pa ang isang kilay ngunit pinalitan niya rin ito ng mapanuksong ngiti.

"Basta." At pagkatapos niyang sabihin iyan ay saka naman siya lumabas na ng faculty. Siya na lang kasi ang nag-iisang teacher ng Elem dito sa faculty. Pumunta na kasi sila sa kani-kanilang mga advisory class para papilahin na dahil magsisimula na ang flag ceremony. At kami namang pre-elem teachers ay dito na muna sa faculty pero maya maya naman ay pupunta din kami sa aming mga classroom para buksan ang aircon at ilaw.

"Masyadong halata si Sir Sind, ayaw pa kasing umamin! Maiintindihan naman natin siya lalong lalo na si Shaze. Para namang iiwasan siya kapag naisipan niyang umamin." Sabi naman sa amin ni Ma'am Kells at sa ngayon ay nananalangin ako na huwag na niyang maalala na may sasabihin pa siya dahil baka dagdag pang-aasar at stress lang ito sa akin.

"So ano naman yung naisip mo Ma'am Kells?" Ma'am Pil said habang umupo muna sa upuan ni Ma'am Deity, wala pa rin pala sila ni Ma'am Ap. Malayo kasi ang mga bahay niyan eh. And bakit kaya ngayon lang naisipan ni Ma'am Heil na umupo doon ade sana walang pag-uusap tungkol sa jowa ang nangyari.

Ma'am Pil, bakit pinaalala mo pa?!

"Buti na lang pinaalala mo Ma'am Pil! Ang naisip ko kasi diba batchmates and schoolmates sina Shaze at saka yung tito ni Gavin, paano kung boyfriend pala ni Shaze yung tito ni Gavin dati tapos iniwan siya nito tapos nagbabalik ngayon kaya ganoon na lang kalalim yung hugot ni Ma'am Shaze, ano sa tingin mo Ma'am Pil? Pwede no? *tingin kay Ma'am Pil*" Pagkukuwento naman ni Ma'am Kells na mas lumapit pa sa amin ni Ma'am Pil. Sabi sa inyo eh, tignan niyo mas may pakialam pa sila sa lovelife ko. Mukha ba talagang may past kami ni Breeze?! Lahat kasi inaakala na may past kami eh one-sided-love lang naman ang lovestory namin. Ako lang yung may gusto sa kanya.

Hindi naman ako kumibo kasi baka mahalata pa ako at pinakinggan ko na lang silang dalawa. Mukha ngang may sarili na silang mundo eh.

"Pwedeng oo, pwede ring hindi Ma'am Kells. Tanungin kaya natin si Shaze ng malaman natin." Sabi ni Ma'am Pil na para namang wala ako sa tabi nila.

"Hello Ma'am Kells at Ma'am Pil! *wave ng kamay*" Ginawa ko yan dahil para magising sila ng dalawa sa kalokohan nila. Nakalimutan yata na nandito ako.

"Ay akala ko naestatwa ka na diyan Ma'am Shaze! *gulat na sabi*. Ano na naman ba ang iniisip mo diyan? *turo sa akin*. Yung future mo with tito ni Gavin?" Usal ni Ma'am Pil na nakangiti pero wala na talaga yatang katapusan ang pang-aasar niya. Hays!

"*Laugh* Malamang sa malamang Ma'am. Anyway, Ma'am Shaze tama ba ako? May past ba kayo nung tito ni Gavin?" Pagusisa ni Ma'am Kells na naging chismosa mode na naman. Nahawa na kay Ma'am Pil.

Sasagot na sana ako para maliwanagan sila kaso nga lang ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ma'am Heil.

"Kayo naman masyado niyo namang ginigisa si Ma'am Shaze about sa lovelife niya pero mamaya kailangan updated din ako about sa lovelife niyan, itatakwil ko kayo kapag nahuli ako diyan!" Sabi niya habang papunta ulit sa table niya at umupo. Rinig siguro sa labas yung chismisan dito sa faculty.

Tumawa na lang kaming tatlo nina Ma'am Pil at Ma'am Kells dahil hindi namin alam kung nang-iinis din ba siya or sumusuporta sa akin.

"Ma'am Pil, ano ba yung good news mo about kay Ma'am Shaze?" Tanong naman ni Ma'am Kells na tumayo sa upuan niya at lumapit sa amin ng nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng blouse niya.

Ang pwesto kasi namin ngayon ay ganito, nakaupo ako, si Ma'am Heil, si Ma'am Pil, habang si Ma'am Kells naman ay nakatayo habang nakikipagchismisan.

"Ma'am Kells, akala ko lang good news, bad news pa rin pala. Wala pa rin pa lang lovelife si Ma'am Shaze. Kailan ka kaya magkakalovelife Ma'am Shaze?" Tugon ni Ma'am Pil na mas malungkot pa ang mukha sa akin.

"Ma'am soon po makikita ko na siya malay niyo po ngayon o mamaya." Sabi ko naman sa kanila na nagpatawa sa kanila.

"Sana nga magdilang anghel ka Shaze! Para naman iyon sa ikabubuti mo." Sabi naman ni Ma'am Heil.

ANO NAMAN PO IKAKABUTI KO KAPAG NAGKALOVELIFE AKO?! Sakit lang po iyon ng ulo Ma'am! Si Breeze pa nga lang po, stress na stress na ako. Paano naman po kapag dumagdag iyon?! Baka po ikamatay ko iyon.

"Nako Ma'am may tinawagan ka bang lalaki kagabi na hindi related sa iyo?" Tanong sa akin ni Ma'am Pil. Ano na naman kaya ang dahilan bakit niya ito tinanong? Sure ako, pang-iinis na naman ito.

"Bakit mo naman po tinatanong yan Ma'am Pil?" Sabi naman ni Ma'am Kells. I owe you one Ma'am Kells!

"Basta, bili na sagot na Ma'am Shaze! Consider this as a sign for your lovelife." Pursigidong sabi ni Ma'am Pil. Sign for my lovelife?! Naniniwala pala siya don? Siguro doon niya nakuha yung boyfriend niya!

"Ah wala naman po yung ti---." Napahinto ako sa pagsasalita nang marinig ko ang sunod niyang sinabi. Sure na akong mind-reader talaga si Ma'am Pil. Nababasa niya siguro yung nasa isip ko para inisin ako!

"Yung unang lalaki na nakausap mo kagabi, yun yung makakatuluyan mo whether ikaw ang tumawag or yung lalaki na iyon. So ang tanong sino ang maswerteng lalaki na iyon?! *tingin na mapanukso*" ANO DAW?! NAKO NAMAN SAWANG-SAWA NA AKO SA MGA SIGNS. Si Ma'am Pil talaga binibigyan na naman ako ng mga bagay na magpapaasa sa akin. Nakakaiyak!

Pero wait lang...

ISA LANG NAMAN ANG TINAWAGAN KO KAGABI?! AT KUNG MINAMALAS KA NGA NAMAN! KILALA NIYO NA! WALANG IBA KUNG HINDI YUNG LALAKING UBOD NG SUNGIT! SI BREEZE RYTE THEODON. Remember yung phone call namin kagabi na dahilan kung bakit hindi ako nakatulog ng maayos kagabi?! Bwisit kasi yung hator na iyon!

"SHAZE MERENE PIER!" Napatayo ako bigla dahil nagulat naman kasi ako sa pagsigaw nilang tatlo sa akin. Pwede namang kalabitin na lang ako pero sumigaw pa talaga sila, my goodness! Napatulala or should I say naghang na naman kasi ako. Sa lahat ng pang-iinis nila ngayon, doon lang ako nakapagreact ng ganoon. Paano ba naman kasi dagdag isipin na naman.

Dati kasi nung high school pa ako, palagi na lang ako nanghihingi ng signs if si Breeze na ba talaga yung para sa akin, may chance ba ako kay Breeze or magiging kami ba ni Breeze. Minsan humingi kami ng sign ng pinsan ko at nasa simbahan pa kami noon, nagkasala na agad ako! (A/N: Nasa simbahan pero kung ano-ano naman ang nasa isipan.) Sorry na nga author, nagsisisi naman ako doon. So ayun na nga, nasa gilid kasi kami ng simabahan na kalimitan pinupuntahan ng mga nagsisimba. Doon namin naisipan pumwesto kasi malamig. Sabi niya sa akin kapag daw may tatlong dumaan na babae sa may pwesto namin, it means magiging kami ni Barium. Syempre noong una hindi na ako umasa pa kasi simbahan yon, maraming tao ang dadating. Pero laking gulat ko din na may tatlo ngang dumating na babae at sunod sunod pa.

Ayon syempre lumipas ang panahon na hindi naman naging kami kaya minsan kapag sa mga signs, medyo hindi na ako naniniwala kasi halos araw araw ko na yatang ginagawa dati yon at lahat about kay Breeze pero ni isa walang natupad.

Ayos na siguro yon kasi narealize ko din ng dahil doon na tayo lang naman yung gumagawa ng tadhana natin. Maybe dapat hindi tayo dumedepende sa ibang bagay, we should trust Him more with all our heart sa lahat ng mangyayari sa buhay natin. But if gusto natin mangyari ang isang bagay, we should do our part with the best that we can para in the end, no regrets and sadness. Sabi nga nila, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

"Nako Ma'am Pil! Kahit naman po yung taong gusto ko yung tumawag or tinawagan ko kagabi, hindi na po aasa pa na makakatuluyan ko yon nang dahil lang po sa sign." Sinabi ko kay Ma'am Pil habang nakatayo pa rin. Wala lang feel ko lang tumayo! Pero yung dalawa, si Ma'am Heil na nakaupo at si Ma'am Kells na nakatayo din ay nakikinig at napatango sa sinabi ko.

"Eh ano pa nga ba ang aasahan ko sa iyo?! Pagdating sa lovelife mo, napakanega mo." Sabi niya sa akin habang nakatayo na rin at nakapamewang pa. So si Ma'am Heil na lang ang nakaupo.

"Tama na yung chismisan mga Ma'am! Nakabukas na yung mga room niyo kanina pa. Tamang-tama pala at nakatayo na kayong tatlo." Sabi ni Ma'am Heil habang ginigising si Cher. Sa sobrang kadaldalan namin, hindi ko na pala namalayan na nakatulog na si Cher. Aga naman kasing ginising ni Ma'am Heil, mamaya pang 9:45 yung pasok nila.

Pagkasabing-pagkasabi ni Ma'am Heil ay lumabas na kaming tatlo para pumunta sa kani-kanilang mga room. Malapit din naman ang room namin sa faculty. Mga 10 na lakad siguro.

Magkakatabi lamang ang mga room ng pre-elem department. At madali mo itong makikita dahil malapit lamang ito sa canteen. Kapag pupunta ka sa room ng pre-elem ay makikita mo rin tuwing umaga ang court na kung saan ay ginaganap ang flag ceremony at mga events for elementary and pre-elem. May sarili din kasing court ang new building na for high school lang kaso covered ito at ang sa old building ay hindi.

Room arrangement

Ma'am Dei Canteen Ma'am Ap

Ma'am Heil

Ma'am Kells COURT

Ma'am Pil

My room

Faculty

Yung sa akin ay malapit sa faculty habang sa left side naman ay yung kay Ma'am Pil. Yung nakikita niyong space sa left side ko din sa baba ng name ni Ma'am Pil ang nagsisilbing daanan at labasan namin papunta sa new building and sa main gate. Tapos sunod doon yung room ni Ma'am Kelly, then yung room ni Ma'am Heil. Yung room ni Ma'am Deity and Ma'am Ap ay nasa magkabilang gilid ng canteen.

Nang makarating na ako sa tapat ng room ko, ay rinig na rinig mo ang flag ceremony na ginagawa sa labas. 7:15 kasi yung start nila at matatapos yan ng 8:00.

Binuksan ko na ang pintuan at saka binuksan ko na ang ilaw. Pagkatapos nito ay binuksan ko naman agad ang aircon at sinet sa med. cool. Nagwalis na din ako saglit dahil baka may alikabok na namamahay. After kong magwalis ay inayos ko na din yung mga upuan nila para mas maging maluwag yung space ng bawat isa. Wala naman kaming comfort room dito sa baba dahil nasa dulo ito ng second floor.

Pagkatapos kong gawin ang dapat gawin sa aking room ay bumalik na ako sa faculty dahil 7:30 na. 15 minutes na lang at magsisimula na ang aming meeting sa faculty. Pero noong saktong paglabas ko ay saka naman sila kumanta ng Lupang Hinirang kaya huminto muna ako at kumanta. Nakita ko na naman din na lumabas at kumanta sina Ma'am Pil at Ma'am Kells pati yung mga staff ng canteen.

Pagkatapos ng Lupang Hinirang ay saka naman ako nagsimulang maglakad papunta sa faculty. Noong papasok na ako ay nakita ko pa rin na bakante pa rin ang upuan ni Ma'am Ap at Ma'am Dei. Natraffic siguro sila kasi Tuesday ngayon, araw ng palengke. Pumunta na ako sa aking upuan at saka umupo. Hindi na rin ako napansin ni Ma'am Heil dahil busy din ito sa pagchecheck ng books ng mga estudyante niya.

"Ma'am Shaze! Good morning po!" Sabi naman sa akin ni Cher mula sa table ng mommy niya.

"Good morning too, Cher! Do you bring your favorite toy?" Tanong ko naman sa kaniya habang kinukuha ang bag ko sa lalagyan nito sa baba ng table.

"Yes, Ma'am Shaze! I won't tell you muna po why I brought this because it is a secret *lagay ng isang daliri sa bibig*. Gavin and I shared the same favorite toy po pero secret din po yung name ng toy *lagay ulit ng isang daliri sa bibig* Sorry po Ma'am Shaze." Cher told me while pouting. Ang cute!

At dahil diyan napaisip ako bakit kaya lahat na lang ng students ko cute pero yung teacher hindi cute?! I need an explanation and acceptable reason. Char!

"Okay save your explanation for the activity later, Cher. Good job!" Sabi ko sa kaniya at binigyan siya ng two thumbs up. At sa wakas ay nakuha ko na rin ang bag ko. Pero bago ko pa man din mabuksan ito ay nagsalita ulit si Cher kaya nilagay ko muna ito sa lap ko.

"Thank you po Ma'am Shaze! *ngiti ng malaki* Mommy *kalabit sa mommy niya* Ma'am Shaze told me 'Good job' with two thumbs up *proud na sabi*." He said while giving his mother the brightest smile his mother could ever seen.

Tumigil naman sa pagchecheck si Ma'am Heil at kiniss ang anak sa pisngi. Sweet!

"Very good my Cher! When we come back at home, say thank you to daddy. Okay?" Sabi niya sa anak niya na hawak pa ang ulo nito.

"Yes Mommy! Thank you and I love you." Sabi nito sa kaniyang mommy at pagkatapos ay binuksan ang isang tinapay na nasa harap niya.

"I love you too sweetie!" Kainggit! Ang cute nilang tignan.

Naalala ko tuloy yung eksena nung kinder din ako. Katulad ni Cher, anak din ako ng teacher kasi si Nanay ay teacher for pre-elem. Ang kaibahan lang namin ni Cher ay naging teacher ko si Nanay. So, palagi kong tinatawag si Nanay na Nanay sa school kasi akala ko binabantayan niya ako pero noong minsan umuwi kami pinagalitan niya ako at sinabi sa akin na dapat daw "Ma'am" ang tawag ko sa kanya. Dahil matigas ang ulo ko at hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit bawal siyang tawagin na "Nanay" sa school ay pinagpatuloy ko siyang tawagin na "Nanay" sa school.

Simula bata pa lang nakita niyo na, baliw na talaga ako no? Ako din narealize ko din yon. Pero my mother serves as my inspiration kung bakit ako naging teacher. Hindi dahil sa teacher siya at nakita ko kung paano siya maging teacher but because she gave me the best lessons that I need to my life as I grow up, to guide me and to teach me. Siguro dahil sa pagiging strict niya as my teacher and mother, hindi ko siguro naachieve ang lahat ng mayroon ako ngayon. That's why I owe her everything in my life. Siya din kasi yung kasama ko noong bata pa lang ako, si Tatay kasi ay isang OFW kaya hindi ko siya nakakasama noon.

Nako hindi ko na itutuloy ang kwento ko about sa kanila kasi baka maiyak pa ako at sabihin pa sa akin ni Ma'am Heil ay nababaliw na ako at isipin pa na ako pa ang nabusted. Kaming dalawa lang kasi dito plus si Cher, remember? Hindi pa rin kasi bumabalik sina Ma'am Pil at Ma'am Kells. Wala pa rin hanggang ngayon sina Ma'am Ap and Ma'am Dei. At hindi pa rin tapos ang flag ceremony kaya wala pa yung elementary teachers.

Habang naghihintay ay binuksan ko na ang bag ko at kinuha yung cellphone ko, titignan ko kasi kung ano yung chat ni Breeze kanina baka kasi mamaya aabsent si Gavin or ano pa man. Kung iniisip niyo na nagpapalusot ako nagkakamali kayo! (A/N: Bakit naman si Breeze yung magtetext na aabsent yung pamangkin niya, eh pwede naman na mismo ang nanay niya ang magtext sa iyo? Sabihin mo kinilig ka lang kasi nagchat siya sa iyo after five years!) Hindi kaya! Syempre malay mo kasi author busy yung ate niya kaya pinasabi niya? Author kasi nilalagyan agad ng malisya. Hay nako!

Nakuha ko na ng cellphone ko pero hindi ko pa man din napipindot ang power button ay saka naman dumating sina Ma'am Ap at Ma'am Dei. Ay nakalimutan ko sa inyong sabihin na sa iisang subdivision sila nakatira at medyo may kalayuan pa. Baka sumabay si Ma'am Dei kay Ma'am Ap kaya sabay silang dumating. At kasunod nilang pumasok sa ay sina Ma'am Pil at Ma'am Kells na ngayon lang natapos kumain sa canteen. Paano ba naman kasi dumating si Ma'am Pil na sumasakit daw ang tiyan niya dahil nabusog daw siya sa pagkain sa canteen.

Medyo kinakabahan ako sa meeting namin pero excited din at the same lalong lalo na about sa mga events na mangyayari next month. And ofcourse, trip to Korea!

Author's Note:
Hello guys! To my silent and active readers, thank you for being with me since day 1 of this book, hala sobrang thankful ako sa inyo. Sobrang thank you and sorry dahil ngayon lang po ako nag-update. I hope you understand po : ( By the way, from the bottom of my heart, I would like to greet you all merry Christmas and have a prosperous and happy new year. Hoping that until the end of this book, you will be with me. Thank you and God bless everyone 💛

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top