Chapter 1

Habang nagrerecess sila, ako naman ay nagreready na para sa next lesson which is addition. Involve kasi dito ang numbers na alam kong mahihirapan sila kaya naghanap ako ng way kagabi kung paano nila ito maiintindihan ng mas madali at para rin hindi nila makalimutan. Naglagay din ako ng videos para navivisual din nila yung mga bagay na ginagamitan ng numbers.

After 5 minutes tapos ko na itong ireview ulit kasi 5 minutes na lang din ang natitira sa recess time nila kaya inayos ko na lang ang mga gamit ko dito sa table, konti lang naman kasi yung gamit na nandito. Yung bag ko naman at yung iba pa na gamit ay nasa faculty.

"Gavin, do you want Teacher to open your snacks?" Nasa harap kasi siya ng table ko kaya tinanong ko siya. Nakatingin siya sa akin habang dala-dala ang snacks niya. Kaya naisip ko na baka hindi niya mabuksan yung pagkain niya.

"No need po Ma'am." Sabi niya na nagpakunot ng noo ko. He just gave me a warm smile.

"Then, is there anything that you need po?" I said habang tinitignan ang oras sa relo ko baka kasi tapos na ang recess nila.

"Nothing din po Ma'am, I just want to give you these po because you helped me po kanina." Napatingin ako agad sa batang nasa harap ko. Gusto kong matawa sa sobrang cute niya pero syempre ngumiti na lang ako kasi baka isipin niya na pinagtatawanan ko siya.

"How sweet of you Gavin! Thank you for these but always remember na ginagawa lang ni Teacher yung duty niya to teach and to guide all of you *pat his head*, now go back to your seat because malapit ng magtime. *turo yung seat ni Gavin*." Pagkasabing-pagkasabi ko pa lang noon ay agad na siyang umalis at umupo sa kaniyang upuan. At ako naman ay tumayo na rin dahil kailangan ko na ring sabihan ang ibang mga bata na linisin ang kanilang mga table and magready na for the next lesson.

"Kids, time is up! I will give you 5 minutes to clean your table and kapag maayos na ang lahat, we will proceed to the next lesson. Are you all ready?" Habang sinasabi ko ito ay halata mo sa mga mukha nila na naeexcite sila na linisin ang kani-kanilang mga table. Dahil sa sobrang kaexcite-an nila ay hindi na nga nila ako pinansin pa at nagsimula na sa paglilinis ng kani-kanilang mga table.

Yung iba malinis na yung table pero mamaya-maya pupunasan ulit, hindi titigil sa pagpupunas hanggang sa matapos ang 5 minutes, tapos yung iba naman madaling madali sa paglilinis dahil ayaw mahuli sa lesson, at yung iba naman ay aasarin yung ibang mga kaklase, lalagyan pa ng pagkain yung table ng isa para linisin ulit buti na lang kamo at mapagpasensya ang kak-----.

"Teacher si Terrence po nilagyan ng balat ng pagkain niya yung desk ko." Sabi ni Deli na bumaling pa kay Terrence at binigyan ito ng isang matalim na tingin at matinding irap. Kasama rin siya sa mga sinasabi ko na linis ng linis hanggang sa matapos ang 5 minutes. Akala ko pa naman ay hindi na sila mag-aaway dahil magkalayo na sila ng upuan pero ayun pa rin patuloy pa rin sa pang-aasar si Terrence. Akala ko lang pala na mahihinto na sila sa pag-aaway sa bawat araw pero mali pa rin pala ako. Hay!

Pumunta agad ako sa pwesto ni Deli at nakita ko na punong-puno nga ng kalat ang kaninang malinis na desk niya. Nasa tabi pa rin ni Deli si Terrence na tumatawa pa pero bigla itong yumuko noong bumaling ang tingin ko sa kaniya.

"Terrence anak *yumuko ng konti para makalevel si Terrence* before you go back to your seat, is there something that you want to say to Deli?" Saka naman ito nag-angat ng ulo at tumango ngunit nanatiling nakatingin sa ibaba.

"I am sorry Deli and promise ko that I will never do it again." Sinserong sabi nito at inabot pa nito ang kaniyang kanang kamay kay Deli para makipagkamay. Please accept his offer Deli!

"Okay! You are forgiven *with a smile*" She said while accepting Terrence hand. Hay salamat naman at bati na ang dalawa to. Sana lang pangmatagalan na ang pagiging bati nila dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag mag-aaway na naman sila bukas.

"Okay Deli, now let's clean again your desk." Tinulungan ko na lang si Deli sa paglilinis ng desk niya and while we are cleaning, tumulong na din si Terrence sa paglilinis dahil kasalanan naman daw niya yon. And therefore I conclude na talagang cease-fire na sila. Sa wakas!

After ng scene na iyon, pumunta na ako sa harapan at sinimulan na ang next lesson namin dahil lahat sila ay malinis na ang desk at makikita mo na ready na sila dahil nakalabas na ang mga math notebook, book, at pencil nila.

"Kids, kindly carefully open your book on page 80." Agad naman nilang binuksan at makikita mo rin na nagpapaunahan pa sila sa paghanap kaya sinabi ko na 'carefully' dahil sa sobrang bilis maglipat ng ilan sa kanila. Pero laking pasasalamat ko nang walang napunit na pahina ng libro.

"Okay so kids, when you do addition, all you need to do is to add, kaya po siya tinawag na addition kasi magdadagdag ka lang. So for example kapag mayroon akong 1 apple tapos may 2 oranges *drawing sa blackboard*, how many fruits do I have now? Let us count." At sinabayan nga nila ako sa pagbibilang. Nagbigay lang ako ng ilang mga example hanggang sa nakuha na nila ang concept ng addition.

Manunuod na sana sila ng video nang biglang may kumatok sa pinto.

"Okay kids, please behave while I am outside. Teacher will be back okay?" Sabi ko sa kanila at sabay sabay naman silang tumango. Pinlay ko na ang video para habang nasa labas ako ay may natutunan pa rin sila at para din sulit ang tuition fee na binabayad ng mga magulang nila. Cartoons naman ang dinownload ko kaya alam kong magugustuhan at mag-eenjoy sila at the same time matututo rin sila.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad na bumungad sa akin si Ma'am Apple. Medyo nasa mid-40's na si Ma'am Ap. Siya yung pinakahead namin sa pre-elementary department which is consist of Kindergarten and Preparatory. Bawat department may pinakahead for example sa Elementary si Ma'am Perge, Junior High si Ma'am Fila, and at last sa Senior High naman ay si Ma'am Anix.

"There would be a meeting after classes by 1 on our faculty. See you there Ms. Pier." At dali dali na siyang umalis para sabihin siguro sa iba naming co-teachers sa aming department.

Bago ako pumasok ay tinignan ko muna kung anong oras na, 10:40 na pala. So it means 5 minutes na lang and second subject na nila.

"Okay, did you learn something from the video? Raise your right hand if you want to answer." Nasa harapan na ako habang sinasabi ko ito. Pinatay ko na rin ang T. V dahil hindi naman na namin ito gagamitin. At mismong pagkapasok ko pa lang kanina ay saktong tapos na ang video na pinanood nila at nakahinga ako ng maluwag dahil walang umiyak o anumang gulo ang nangyari habang wala ako. Ibig sabihin lang noon, naenjoy talaga nila ang pinapanood nila at dahil sa sobrang enjoy nakalimutan na rin nila na asarin ang bawat isa.

Sa totoo lang nakakapanibago sila ngayon. Napakaenergetic at active!

Lahat sila ay nagsitaasan ng kanang kamay at hindi ko na rin alam kung sino ang pipiliin ko. Pero sa huli, lahat naman sila ay nakapag recite at hindi ko ba alam kung matutuwa ako o hindi dahil dugtungan lang ang ginawa nilang recitation. Kokopyahin yung sinabi ng isa tapos dudugtungan lang din ng susunod na sasagot hanggang sa makapagrecite silang lahat. Pero masaya ako atleast may natutunan silang lahat and nagenjoy. And take note, bata pa lang ang mga ito pero nagpapakita na ng teamwork.

Is it good news or bad news?!

Next subject nila ay Science, nagdiscuss lamang ako tungkol sa body parts. Sa oras na iyon, lalo silang naging active dahil mas naiintindihan nila iyon dahil medyo alam na nila ang mga tinuturo ko. Dahil 11:40 na at bago mag 11:45 ay binigyan ko sila ng task na, dalhin bukas ang kanilang favorite toy na may kinalaman sa body parts. At dito nagtapos ang kanilang last subject.

Dahil may 15 minutes pa sila ay pumunta na ako sa aking table at kinuha ang mga notebooks na chineck-an ko kanina dahil ididistribute ko na ito sa kanila dahil need nila ito para sa subject nila na Reading and Writing.

"Kids, pagkabigay sa inyo ni Teacher ng mga notebook niyo, lagay po agad sa bag para hindi mawala at magkapalit. Okay?" At sabay sabay naman silang tumango.

Napamigay ko na lahat ng notebooks nila at tapos na rin ang 10 minutes free time nila kaya ngayon ay nakapila na sila para umuwi.

"Okay kids, try to study again the lesson that we have for today and huwag kakalimutan yung task niyo. Okay? See you tomorrow and be safe!" At hinatid ko na nga sila sa gate para sunduin sila ng mga sundo nila pero halos lahat sila ay sinundo na pwera na lang kay Gavin.

Nasaan naman kaya ang tito niya?

Baka naman nakalimutan kaya niya na sunduin si Gavin?

Kaya kinuha ko muna si Gavin at bumalik na sa room para linisin ito. Mahirap na baka kung ano pang mangyari sa kanya at isa pa responsibilidad ko siya. Kung ano man ang mangyari sa kanya, ako ang mananagot kaya mas mabuti na isama ko muna siya sa room.

Habang naglilinis ako ng room ay bigla naman nagsalita si Gavin.

"Ma'am Shaze, do you have kids na po ba?" Bigla naman akong napatigil at naubo sa sinabi ni Gavin.

"Do Teacher Shaze look like a mother na Gavin?" Sabay turo sa aking mukha.

"No po Ma'am but it seems like you will be a good mother to your future children po. And you are young and beautiful nga po eh and mabait pa. Sana po katulad niyo po yung magiging girlfriend ng tito ko." Naoverwhelmed naman ako sa sinabi niya na maganda daw ako. Maniniwala ako dahil bata ang nagsabi, may kasabihan kasi tayo na ang mga bata ay hindi nagsisinungaling. Pero minsan nanguuto lang. Hay!

"Gavin, thank you for saying those compliments pero me being a mother, not sure about that (sa isip ko: wala ngang nanliligaw sa akin Gavin eh) and maybe someday your tito will meet someone better than me." I gave him a warm smile. Pero nagnod lang din sya and patiently wait for me kasi isasama ko siya sa faculty.

Natapos na ako sa paglilinis at maayos na rin ang lahat sa room namin. Bago umalis ay chineck ko muna ang aircon at ibang electric appliances dahil pag naiwanan ito, patay ako!

After kong macheck lahat ay lumabas na kami ni Gavin at sinara ang pinto. Tinanong ko rin siya kanina if nagugutom ba siya and he said no. Syempre as his teacher, binuhat ko na rin yung bag niya. Habang papunta kami sa faculty ay nagulat ako dahil konti na lang ang tao doon. Mostly mga elementary department na lang and si Ma'am Heil at Ma'am Deity na lang sa pre-elementary department. I check my watch to see if late na ba ako pero advance pa nga ako ng 2 minutes. Wala na kasi yung gamit ng iba.

"Shaze! I forgot to tell you, tomorrow na lang daw yung meeting natin sabi ni Ma'am Apple. Tomorrow morning na daw so bali ang unang class daw ng mga students natin ay 9:45 and pakisabi na rin daw sa mga magulang nila na mag heavy breakfast na kamo yung mga bata dahil extended yung class nila until 1:20." Sabi ni Ma'am Heil na pinapalitan ng damit ang anak niya na si Cher, student ko.

"Okay Ma'am! Thank you sa info." Sabay punta sa pwesto ko. Ang pwesto ko kasi nasa dulo. Pag pumasok ka sa pinto start na ng bilang ng 5 tables and ayun na. Ang set-up naman ng tables namin ay parang pa exam. So may 4 rows and may 6 columns.

Faculty Arrangement:

Door

M. Ap M. Bail M. Perge S. Sind
M. Heil M. Tear S. Mior M. Paige
M. Ferr M. Ad S. Axis M. Adison
M. Piler S. Fur M. Des S. Ato
M. Deity M. Gut S. Gio S. Luke
Me M. Kelly S. Cop S. Lion

So ayan ang arrangement namin sa faculty. M stands for Ma'am and S stands for Sir. Medyo malayo ang desk ko pero gusto ko doon. Nakipaglaro muna si Gavin kay Cher, yung anak ni Ma'am Heil.

Wala naman akong dapat na alalahanin dahil sa tabi ko lang sila naglalaro, mukha lang kasing masikip sa pinakita ko pero maluwag ang space ng faculty.

Habang nag-aayos ako ng mga gamit ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa aking bag at nakita ko na mommy pala ito ni Gavin. I open her message and she said:

Gavin's Parent:
Hello Ma'am Shaze! I am sorry if nalate ng pagsundo yung kapatid ko at naabala pa po kita. Pero don't worry po dahil nandyan na po sa Main gate yung tito niya. Kagagaling lang po kasi sa work ng tito niya and gusto syang isurprise. I hope you understand po. Thank you Ma'am!

Me:
Hello po Mrs. Gior! Okay lang po Ma'am. I understand naman po. Medyo nalibang naman po siya sa kakalaro at tinanong ko naman po kung nagugutom na po ba siya, hindi pa naman daw po. Hahatid ko na po siya sa gate. Thank you din po Ma'am!

At pagkatapos kong magtext sa mommy niya ay agad agad kong sinabi kay Gavin na nandyan na ang sundo niya.

"Gavin say bye to Cher, nandyan na daw yung sundo mo sabi ni mommy." Nalungkot naman siya sa sinabi ko dahil naglalaro pa sila ni Cher pero agad din naman silang nag bid ng bye sa isa't isa. Same age lang kasi sila and typical kids na hindi napapagod sa kakalaro.

Nauna nang lumabas si Gavin papunta sa Gate. Mabilis siyang makakapunta dahil diretso lamang ang daan papunta sa Main Gate mula sa aming faculty. Ako naman ay nasa likod lang niya at dala dala ang bag ko at ang bag niya. Hindi ko alam pero bigla na lang siyang tumakbo ng mabilis bigla sa main gate at nang papunta na ako sa main gate ay nagring naman ang cellphone ko. Pero nung bubuksan ko na ito ay saka naman pinatay ng pinsan ko na kasing age ko lang, si Jei. Siya kasi yung tumatawag. Pagkatapos inilagay ko na ulit ang cellphone ko sa bag at naglakad na ulit ako papunta sa main gate.

Nung papalapit pa lang ako ay narinig ko ang pangalan na matagal ko nang hindi naririnig. Mabilis na tumibok ang puso ko na parang nakikipagkarera sa sobrang bilis. Hindi ko alam kung bakit para akong naestatwa sa kinalalagyan ko. Natulala na lamang ako at biglang bumalik lahat ng alaala ko sa kanya simula nung magkita kami sa eskwelahan na ito. Simula ng mahulog ako sa kanya pero ang masakit hindi niya alam ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Bumalik lang ako sa wisyo ng tawagin ako ni Kuya Guard.

"Ma'am Shaze! Eto na yung sundo ni Gavin. Sigurado akong kakilala mo yung sundo niya diba dito ka rin nag-aral nung high school?" Tanong niya sa lalaking gustong-gusto ko noon.

Pero gusto ko pa rin ba siya hanggang ngayon?

"Opo since pre-elem po." Mas lalong lumalim ang boses niya. Alam kong boses niya yon kahit na nag-iba dahil kahit sa pagtulog ko dati, naririnig ko ang boses niya kaya hindi ako pwedeng magkamali at dahil sa boses niya mas lalo akong napatigil sa paglakad papunta sa main gate dahil sa narinig ko.

"Tito, I am glad that you are here, you can personally meet my favorite teacher. I hope that you would be nice to her. She is smart and quite just like what you have told me about your crush when you were in high school." Narinig kong sabi ni Gavin na nagpalambot sa mga tuhod ko. Ayoko mag-assume kaya kahit nahihiya ako at naghihina ako, pinagpatuloy ko ang paglakad ko hanggang sa salubungin ako ni Gavin at hinatak ako nito papunta sa harap mismo ng tito niya.

Ngayon ay naniniwala na ako na siya nga ang lalaking gustong-gustong ko noon, ang lalaking iniyakan ko kahit walang kami, ang lalaking pinaasa ako kahit alam kong hindi niya alam na umaasa ako, at ang lalaking tito ng estudyante ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top