Chapter 1.4

Dumiretso na ako sa kwarto ko para kuhanin yung tuwalya ko dahil maglilinis ako ng katawan at syempre magtoothbrush. May banyo kasi kami dito sa itaas kaya hindi na kailangan pang bumaba at iwas late din kami ni Kale sa umaga kapag papasok dahil tig-isa kami ng banyo, ginagamit ko yung banyo sa baba tapos siya naman ay dito.

Bago ako pumunta ng washroom ay kinatok ko muna si Kale para sabihin sa kaniya na maglinis na siya dahil kung hindi mo siya pupuntahan, tiyak mamaya pa yan kikilos.

"Mauna ka na ate. Pagkatapos na pagkatapos mo, maglilinis na ako. Promise!" Sabi niya habang may kasama pang taas ng kamay na parang nagpapanata.

Pumunta na ako sa washroom at ginawa ang dapat kong gawin, toothbrush, hilamos, at linis ng katawan.

After 15 minutes tapos na ako sa routine ko tuwing gabi. Nakapagpalit na rin ako ng damit at syempre nagsuot ako ng pajama at black shirt.

Syempre nakagawian ko na rin na bago ako humiga sa kama ko ay inayos ko muna ang bag ko at nilagay ang mga dapat dalhin bukas. Pagkatapos noon ay bumukas ang aking pintuan at niluwa nito si Kale.

"Ate ayan hah, tapos na akong maglinis." Sabi niya sabay suklay ng buhok niya habang nakatingin sa body mirror ko. Magsasalita na sana ako pero umeksena na naman siya.

"Hindi tumawag sila Nanay?" Ani Kale habang nagsusuklay pa rin ng kanyang buhok. Nanay kasi ang tawag niya sa mother earth ko.

Diba nasabi ko sa inyo na wala dito sa Pilipinas sila Lola? Nasa Korea kasi sila nagbabakasyon and good for 2 months. Umalis sila last week lang kasi nga ang tagal ng visa na pinag-applyan nila. Sa aming pamilya, kami lang ni Kale ang naiwan dito dahil sa Christmas vacation na lang kami pupunta doon kaya possible na sa December 18 kami makakapunta doon.

Kasama nila Lola at Lolo doon ay ang tatlo niyang anak: si Marite, my mother and also the eldest among the three, she is with my father which is tatay Jom, si Tito Bill naman ang second eldest kasama si Tita Arly at older brother ni Kale na si Arqe, and at last si Ninang Celer na bunso sa kanila na pumunta doon together with Ninong Gio.

Si Arqe Van Sertew kasi kaya nakapunta agad sa Korea ay dahil sa ninong niya na nandoon, binigyan siya ng ticket papunta sa Korea dahil para daw makabawi yung ninong niya sa ilang taon na hindi na siya nabibigyan tuwing pasko. Sayang kasi yung ticket kaya sabi ng mama niya sumama na daw siya pero syempre hindi pa rin niya mapapabayaan ang education niya dahil habang nasa Korea siya for the mean time ay parang nag-aaral pa rin siya sa Pilipinas dahil ipapadala ng teacher niya yung mga homeworks, seatworks, quizzes, examinations, at activities through email. Maraming process ang isinagawa dito ng SJCS bago yan nangyari kaya nauna siya sa aming umalis. Kung isasama pa kasi si Kale baka hindi kami makapagcelebrate ng Christmas at New Year sa Korea, magiging useless lang ang pagpunta namin doon.

Sinagot ko na si Kale sa tanong niya kung tumawag daw ba si Nanay, gusto ko ring tanungin sa kaniya kung tumawag na ba si Tita Ly (tawag ko kay Tita Arly) sa kaniya dahil magkakasama lang naman ang mga ito sa iisang bansa. No doubt kapag hindi tumawag si Nanay ay hindi rin tatawag si Tita Ly kasi sa mga oras na ito masarap mamasyal sa Korea.

"Hindi baka nagpapahinga na ang mga iyon o kaya naman naglalakwatsa sa Myeongdeong ngayong gabi kaya hindi nagbubukas ng phone." Mas alam ko kasi ang Korea sa kanila kahit hindi pa ako nakakapunta doon.

Noong high school kasi ako dream ko talaga na makapunta ng Korea kaya lahat ng related doon, inaral ko. Kaso nga lang habang lumilipas ang panahon at maraming nangyayari na nakakastress kaya medyo nakakalimutan ko na yung ibang info.

Natapos na siyang magsuklay at palabas na sana ng kwarto ko kaso napatigil siya sa sinabi ko.

"Andie Kale Sertew, parang awa mo na matulog ka ng maaga hah dahil maaga tayong papasok bukas. Kung magpupuyat ka, maghanap ka ng pipirma sa RVR mo." Seryosong sabi ko sa kanya pero syempre nagjojoke lang ako para lang matakot siya. Pero di ko lang sure kung matatakot siya.

"Yes Ma'am Shaze! *sabay ngiti* Matutulog po ako ng maaga dahil ayoko ko pong mabuhusan niyo ako ng tubig bukas hehehe." Habang sinasabi niya ito ay dahan dahan siyang umalis ng kwarto at narinig kong tumakbo na siya papunta sa kwarto niya. Alam niya kasi na magsesermon na naman ako sa kanya. Kailan kaya matatakot sa akin to?!

Humiga na ako sa aking kama at kinuha ang cellphone ko para basahin na ang mga text na hindi ko pa nababasa. Syempre hindi lang naman text ang una kong tinitignan sa cellphone ko kung hindi pati na rin ang oras, sa ngayon nga ay 8:30 na.

Nakita ko na nagtext sa akin si Hact pero kanina pa ito, si mommy ni Gavin, at panghuli ay si Kale. Baliw talaga!

Binuksan ko muna yung kay Kale, nababaliw na talaga siya. Nasa iisang bahay lang kami at sobrang lapit na lang namin, dinaan pa sa text ang sasabihin.

Kale:
Ate nakalimutan kong sabihin na goodnight! HAHAHAHA. Matutulog po ako ng maaga at baka walang pumirma sa RVR ko. Goodnight and sana mapaniginipan mo si Bromine. Yieeeeeee! 💞

Me:
Matulog ka na, kung ano-ano na ang pinagsasasabi mo. Humanap ka talaga ng pipirma sa RVR mo kapag nagpuyat ka. Ichecheck kita mamaya kung tulog ka na kaya huwag mong subukan na magpuyat Andie Kale. Good night and sweet dreams!

Kapag school days ko lang naman siya pinagbabawalan na magpuyat kasi syempre pagod siya sa school kaya need niyang bumawi ng strength for their classes tomorrow.

Sunod ko namang binuksan ang text ni Hact.

Hact:
Okay lang naman ako. Hindi naman kita masigawan dahil baka akalain pa ng anak mo eh, nangangaliwa ka sa ama niya kaya I decided na itext na lang kita.

WHAT?! ANAK? AKO?! NANGANGALIWA? AMA?!

Inisip ko muna kung ano naman kayang pumasok sa isipan ni Hact at nasabi niya yon. Ni wala nga akong boyfriend at manliligaw tapos anak agad? Grabe naman to pinamumukha talaga sa akin na single ako. Pero single naman talaga ako!

Binalikan ko ulit ang text niya sa akin kanina.

"Sabi niya hindi na daw niya ako natawag kasi mukhang nagmamadali daw akong papuntang faculty?" Iniisip ko ang scene na iyon kanina. Kasama ko si Gavin kanina tapos papunta kaming faculty. Unting- unti na nagsink-in sa akin kung bakit nasabi ni Hact ang mga bagay na iyon.

Si Gavin! Tama akala ni Hact anak ko si Gavin dahil dala dala ko pa ang bag nito at pupunta kami sa faculty. Ang mga anak lang kasi ng teacher ang pwede sa faculty, pinapasok si Gavin kanina kasi understood naman iyon. Alam yon ni Hact kasi sa SJCS nga din diba siya nag-aral ng senior high.

Binasa ko muna yung dalawa pa niyang text bago ako magreply.

Hact:
Huy Shaze di mo man lang ako inimbita sa binyag ng anak mo. Kahit maging ninong niya ako okay lang sa akin pero ilan taon na ba siya?

Hact:
Btw, alam ko na pala kung sino ang ama niya. Ikaw ah! Hindi mo naman sinabi sa amin na may anak na pala kayo ni Breeze. Bakit hindi ko nabalitaan ang kasal niyo?

ANO DAW?! KASAL?! KAMI NI BREEZE? Kakakita pa lang namin kanina tapos KASAL NA?! Saka hindi mo talaga mababalitaan Hact dahil walang kasal ang mangyayari, sa imagination ko lang yon. Pero malay mo soon na pala. Char!

Sumasakit ang ulo ko dito kay Hact dagdag stress kaya napagdesisyonan ko siyang reply-an.

Me:
Hact! Ano naman ang pumasok sa isip mo at nasabi mong anak ko yung bata na yon? Aber?!

Akala ko hindi siya magrereply pero himala dahil nagreply ito agad sa akin. Wala sigurong magawa sa buhay niya ngayon kaya ako naman ang ginugulo.

Hact:
Ayy so kung hindi sa iyo? Nag-ampon kayo ni Breeze?!

Me:
Baliw! Kakakita nga lang namin ni Breeze kanina tapos malaman laman ko sa iyo na kasal na kami? My goodness! Buti ka pa alam na kasal na kami pero kaming dalawa hindi aware.

Hact:
Eh kung ganoon bakit nakita kong kasama ni Breeze yung bata na kasama mo kanina? Eh diba sa faculty, yung mga anak lang ng teacher yung pwedeng pumasok.

Me:
Pamangkin kasi yon ni Breeze. Natagalan lang siyang sumundo kay Gavin, yung batang kasama ko kanina. Sinama ko siya sa faculty kasi baka kung anong mangyari sa kaniya kapag iniwanan ko siya kung saan- saan. Alam mo naman yung mga bata, malilikot.

Sana ay naliwanagan na siya sa sinabi ko pero medyo nakakakilig yung sinabi niya.

Napaimagine tuloy ako na kasama ko siya hanggang sa tumanda. Yung future wedding dress ko tapos lalakad ako sa aisle, and then Breeze is wearing his suit infront and patiently waiting for me. Then we will build our own family. Fulfill our home with happiness, love, and contentment. We will live happily ever after.

Pero wala naman siguro na ganoon na happily ever after, sa mga fairytales lang siguro yon. Pero if you want to achieve that 'happily ever after' sa buhay mo, first thing that you need to do is to choose to be happy. Choose the things and people that will make you happy. Tayo lang naman kasi ang gumagawa ng happiness o sadness natin and that depends to our actions. Yes, maikli lang ang buhay at hindi mo rin masasabi kung kailan ka aalis but minsan we should consider our limitations on doing things that will make us happy kasi minsan hindi natin alam tayo na pala ang nagiging reason why others are being unhappy. Hay!

Hact:
Ayy ganoon ba? Ade future Tita ka pala nung estudyante mo na iyon? Merene, do you see what I see?

Baliw talaga to! Nagmomoment ako tapos eentrance na naman. Panira ng moment!

Me:
Tss. Ano naman iyon? Liwanag? Feel ko hindi ka pa lilisan sa mundo kasi masama kang damo. Char!

Hact:
Ade wow! Grabe after 5 years, di ka pa rin talaga nagbabago. Ang sungit-sungit mo pa rin kaya walang nanliligaw sa iyo eh. Bahala ka kapag tumanda kang dalaga, nako!

As if naman, syempre may plano pa rin ako sa future ko no. Ade kung tatanda ako na dalaga, mag-aampon na lang ako. Atleast, na share ko yung blessings ko. Hact? Ano ka ngayon?!

Pero masungit ba talaga ako? Anong pakialam ko eh ganoon na ugali ko. And besides if gusto ka talaga ng isang tao then he or she will accept you as a whole, including your imperfections. Because for me, love is something that will enables you to feel perfect kahit na may imperfections ka pa, because the first One who gave us love is perfect. Saka hindi naman sagabal ang imperfections sa isang relationship, in truth, in some cases, it becomes their source of strength and foundation of finding the real meaning of love.

Hindi man perfect ang concept ng love pero masasabi natin na as a human being, natural na sa atin ang magmahal kahit na paulit-ulit tayong nasasaktan.

Me:
Thank you for that beautiful compliment my dear friend. I really really appreciate it except sa part na tatanda ako na dalaga, pag naging kami ni Breeze nako humanda ka sa akin. Hindi kita iimbitahin sa kasal at binyag ng anak namin.

Natutuwa talaga kasi ako kapag naririnig ko na sinasabihan akong 'masungit' kasi feeling ko suitable talaga ako sa job ko. Pero hindi naman po lahat ng teacher ay masungit, yung iba lang.

Pero hindi ko rin alam kung saan lupalop ng mundo ko nakuha yung idea na magiging kami ni Breeze at may kasal at anak pang kasama. Malala ka na teh! Ewan ko ba pero kapag sa ganito ang lakas ng confidence ko.

Hact:
Kung mangyayari man yon kasi naman napakamahiyain mo. Anyway, I see an oppurtunity! Student mo yung pamangkin niya diba? So it means may chance na magkikita kayo pero huwag ka munang umasa hah. Tapos Gavin ba yung name nung nephew niya? I heard from my tita, Ma'am Apple, that he will be the candidate of SJCS for Mr. PISA Pre-elem department.

AND MY WORLD STARTS TO SHATTER! Sabi ko na nga ba eh kaya parang ang lakas na naman ng confidence ko kay Breeze kasi magiging malapit na naman ako sa mga related sa kanya and worst baka pati sa kanya. Instant kahihiyan na naman to.

Hindi ko na lang nireply-an pa si Hact pero tita niya pala si Ma'am Apple, bakit hindi ko alam yon? (A/N: Malamang kasi wala kang alam, pero kapag about kay Breeze, ang daming alam) Hindi naman masakit author. Slight lang medyo tumagos kasi sa puso ko eh kaya slight lang talaga. Pasalamat ka author ka ng story na ito kung hindi nako! Tss.

Matutulog na sana ako kasi 9 na pero tumunog ulit ang cellphone ko. Grabe naman si Hact nangiistorbo na nga, nangiinis pa.

Kaya ang ginawa ko tinawagan ko na lang siya. Hindi ko na tinignan pa ang cellphone ko kasi alam kong si Hact lang naman ang nagtext kaya inislide ko na ito para tawagan siya.

"Hact?! Kung wala kang magawang matino sa buhay mo, magpatulog ka naman ng iba no? Nandadamay ka pa eh. Mana pa kung si Breeze ka eh pero hindi kaya tu-----" Dire-diretso kong sabi sa kanya dahil gustong gusto ko na talagang matulog at makita si Breeze sa panaginip ko na palaging nakatingin sa akin ng masama, ganoon kasi palagi ang tingin niya kapag napapaniginipan ko siya. Ewan ko ba kung sign na ba yon na sinasabi niya sa akin na lumayas na ako sa buhay niya or ano.

Pero mukhang ako nga ang kusang lalayas sa buhay niya dahil sa kahihiyan na ginawa ko na naman ngayon, hindi ko alam kung nananaginip na ba ako at kasama siya sa panaginip ko dahil naririnig ko mismo ang boses niya sa kabilang linya. As in alam ko yung boses niya kasi fresh pa sa akin yung scene kanina. Naghead bang ako ng isa para maiba naman, to check kung gising pa ba ako kasi alam ko pagod na ako pero parang nagising nga ako sa katotohan dahil ng mismong pagkahead bang ko, tumama ang ulo ko sa kama. My goodness kaya ayaw ko nang malapit kay Breeze eh, nagiging clumsy ako jusq!

["Excuse me? It is nice of you to call but my ate said that you need to choose for that is her gift to you. If you are wondering why I answered this call, she asked me to do so kasi pinapatulog na niya si Gavin."] Seryosong sabi niya sa kabilang linya. My goodness ano daw? Alam ko naman at nakakaintindi naman ako ng English pero bakit pag sa kanya parang wala akong maintindihan? Parang naging blangko ang utak ko.

Hindi pa man din ako sumasagot ay nagsalita na ulit siya. Ganito ba siya kapag may kausap sa phone? Hindi man lang binibigyan ng chance yung kausap niya magsalita. Tss!

Never kasi kami niyan nagkaroon ng phone call kasi syempre wala namang kami at hindi na ulit kami naging magkaklase simula noong grade 8. So walang dahilan para tawagan niya ako at ganoon din naman ako sa kanya.

Pero alam ko yung number niya nung grade 7 pa kami at nung senior high kami. Pero never ko itong tinext or isipin na iprank sya, kahit gustong gusto ko siya at magkaroon kami ng communication, syempre nakakahiya din kasi malay mo busy pala siya tapos nang-iistorbo ako.

Nakuha ko yung number niya nung grade 7 kasi may group project kami noon and guess what? Magkagroup kaming dalawa and they chose me as their leader. Syempre hindi ko pa siya nagustuhan noon kasi naging crush ko siya ng patapos na ang school year ng Grade 7. Yung project namin na yon ay role play at pwede naman daw na magpractice sa bahay kaso magpaalam daw sa parents. So nakuha ko yung number niya ng dahil sa bahay namin sila magprapractice kasi sinabi ng Ma'am namin na kuhanin daw yung number ng members namin. Pero sadly, hindi siya umattend.

Sa Senior High School naman ay, sa curricula vitarum ng research nila. Nakita ko kasi yung research nila sa group chat namin for research. Nalaman ko lang din na nagbago na pala siya ng number dahil iba ito sa number niya nung Grade 7 pa kami.

["Excuse me? Is Ms. Pier still on the line?"] Sabi nito sa kabilang linya. Kanina pa pala ito nagsasalita kaso sabi sa inyo eh, nalutang na talaga ako. Boses pa lang yan hah! Paano pa kaya kapag kaharap ko na ulit sya?!

"Ah yes, i-im still on the line. Who is this po ba?" Syempre kahit kilala ko na kung sino ito ay tinanong ko ulit kung sino ito. Wala lang pantakip lang sa kahihiyan ko ngayon. Medyo kinabahan ako pero dapat hindi ako magpahalata sa hator na ito.

["Glad you are now back at earth, Pier. I know that you know who are you talking with and you even said my precious name a while ago eh *whine* when you thought that you called Hact *hina ng boses*"] Bwisit na ito! Back on earth daw eh, ano ako alien?! Tss. Bwisit ka talaga Breeze! Pero ang gwapo niya kanina nung sinasabi niya na kilala ko daw siya. AT NGAYON LANG DIN SA AKIN NAGSINK-IN NA NARINIG PALA NIYA YUNG SINABI KO KANINA! MY GOODNESS!

BAKIT BA KASI HINDI KO TINIGNAN YUNG TINATAWAGAN KO?! Sabi ko na eh, stress lang din ang dala ni Hact.

"Ah sino po ba ito? Gavin ikaw ba yan?" Ano ba naman tong kabaliwan na ito?! Magpapalusot na lang, mali mali pa. Bakit ba kasi parang wala laman yung utak ko? BREEZE RYTE THEODON NAKAKABUWISIT KAAAA!

["*Laugh* Still the old you, you never changed, Pier. Do you want me to introduce myself again for you?"] Habang sinasabi niya ito ay naririnig ko na parang may sinasalin sya. Tinawanan pa ako! Buwisit talaga to. Hindi na kailangan dahil kilalang-kilala kita, boses pa nga lang eh.

"Ah-----" Napakaeksena din pala ng isang to kapag kausap mo sa phone. Hindi pa ako tapos magsalita eh!

["This is Breeze."] Jusq walang preno man lang ang bibig Breeze? Hindi ko alam pero tumibok na naman ng pagkabilis-bilis ang puso ko. Kung kanina ay parang antok na antok na ako nung kausap ko si Hact pero ngayon bigla nagising ang diwa ko dahil lang sa kausap ko siya. Ang lakas talaga ng tama ko sa kanya!

"Ah hello Breeze! How are you?" Jusq napahello pa ako ng wala sa oras. Nakakahiya!

["Tss. You know what Pier, I'm very happy that we are talking to each other right now but I'm still disappointed on you because the first thing that I heard from you is his name not my name."] Medyo parang nanlamig ako sa sinabi niya kasi masaya daw siya na nagkausap kami. Alam niyo ba nakangiti na ako kaso napasibangot agad ako sa huling sinabi niya.

Bakit naman siya nadisappoint eh akala ko naman kasi talaga si Hact yung kausap ko kanina. Edi sana pala tinignan ko talaga yung kausap ko kanina.

TEKA LANG!

Eh bakit naman ako nageexplain at aber siya pa talaga ang nadisappoint. Ano naman sa kaniya kung si Hact yung unang binanggit ko eh sa akala kong siya yung kausap ko. Saka alam ko ba na siya yung kakausapin ko ngayon at hindi yung ate niya?! Edi sana tumawag siya sa akin para yung pangalan niya yung unang narinig niya sa akin at hindi iba.

"And so? You know what Mr. Breeze Ryte Theodon, I do not know why are you being disappointed with me but I think there is no problem with that if I said his name first." Mahinahon na pagkakasabi ko sa kanya pero di ko alam kung anong espirito ang sumanib sa akin para masabi ko sa kanya ang mga salita na iyon.

["Tss. Save your reasons, Pier. And with that I am truly disappointed with you be-----"] Naputol ang sasabihin niya nang biglang may narinig ako na kumuha ng cellphone muna sa kamay niya at ayun ay ang ate niya.

["Hoy Breeze! I told you to ask Ma'am Shaze kung ano ang gusto niya between cookies and cake hindi para daldalin sya at istorbohin. Akin na nga yan!"] Akala ko hindi sumisigaw si Mrs. Gior pero parang ako pala ito kapag nanenermon. Pero parang hindi pa rin niya ito binibigay sa ate niya.

["She never said anything at first because she was very mesmerized when she heard my voice."] ANO DAW?! AKO MESMERIZED SA BOSES NIYA?! NAHIHIBANG NA BA SIYA AT TALAGANG SINABI NIYA PA SA ATE NIYA! My goodness! Nakakahiya kay Ms. Gior!

Gusto kong magsalita na para naman maprotektahan ko at maipaglaban ang pangalan at reputasyon ko na sinira ng bwisit na Breeze pero bubuka ko pa lang ang bibig ko, nagsalita naman si Mrs. Gior.

["Breeze ano ba! *sigaw na pabulong* Nakakahiya kay Ma'am Shaze. Kung ano-ano na ang lumalabas diyan sa bibig mo."] Sabi ng ate niya sa kaniya pero mahina lamang ito dahil baka siguro magising si Gavin dahil sabi nga ni Breeze pinatulog na daw ito ng ate niya kaya siya yung sumagot sa cellphone ng ate niya.

["Who cares? She always love to hear any words that coming from my mouth especially if it is all about her right Pier?"] He confidently said. Aba, who cares daw?! ANONG LOVE ESPECIALLY IF IT IS ALL ABOUT ME?! SAAN NAMAN NIYA NAKUHA YON?! Pero totoo naman yon, paano niya nalaman yon? At grabe buti na lang at phone call lang ito dahil nararamdaman ko na namumula ang tenga ko. Hindi kasi ako nagblublush eh, malay ko din kung bakit.

"No. If you will excuse me, I will end this call." Sabi ko sa kanya dahil feeling ko hindi siya yung kausap ko. Masyadong mahangin at confident sa sarili.

My gasoline! YUNG LOAD KO! Naalala ko na ako nga pala yung unang tumawag. Jusq baka maubos ang load ko! (A/N: Kunwari lang na iniisip yung load pero gustong gusto naman na kausap at naririnig ang boses ni Breeze. In denial!) Tse! Nako humanda ka talaga sa akin author. Isa ka talagang kampon ng mga hator!

Alam ko lang na madaldal ka Breeze pero hindi ko alam na sobrang daldal mo pala. At dahil sa sobrang kadaldalan mo baka maubos ang load ko. Kapag humirit ka pa, masasapak na talaga kita kapag nagkita tayo ulit!

["And no as well, if you will end this call, my heart will break into pieces. Do you want that to happen, Pier?"] ANO BA TALAGA ANG NANGYAYARI SA LALAKI NA ITO?! KUNG MAY NAKAKAALAM NAMAN PO PARANG AWA NIYO NA PO PAKI EXPLAIN NAMAN PO SA AKIN DAHIL GULONG GULO NA AKO. AT HINDI KO ALAM KUNG DAPAT NA BA AKONG TUMAWA KASI MUKHANG NAGPAPATAWA SIYA. I'M SO STRESSED BECAUSE OF YOU THEODON!

Nasa ate na niya yung phone kasi narinig ko na nagrereklamo pa siya na cellphone daw niya yon bakit daw kinukuha ito ng ate niya. Eh hibang na nga talaga siya, sa ate niya yon eh paanong magiging kanya?

["Hello Ma'am Shaze? Nandyan ka pa po ba?"]

"Yes po Mrs. Gior, about po doon sa text niyo po, no need na po for doing that. Okay na po ako na malaman na safe na nakauwi si Gavin. Ayos na po yon. Thank you po!"

["Ma'am Shaze in behalf of my brother, I just want to apologize po for what he said about you a while ago. Hindi ko kasi alam na umiinom pala siya ng beer while I'm upstairs. Sorry po talaga sa inasal niya and I don't know kung bakit siya uminom, maayos pa naman siya kanina. Anyway, I'll just buy cookies and cake na lang po Ma'am. Is it okay to you Ma'am Shaze?"]

"But Mrs. Gi-----"

["No buts Ma'am. I'm sure Gavin will be sad if his favorite teacher will reject our gift hehehe."]

"T-thank you po Mrs. Gior for the gift. Kahit alinman po sa dalawa ay okay na po ako."

["No it's okay. I really want to thank you Ma'am Shaze for taking care of my son. Thank you Ma'am Shaze and by the way, you can call me Ate Celine or Ate Line."]

"Thank you po ulit Mrs. Gi-- I mean Ate Line. Sorry po. You can call me Shaze din po or Merene."

["*Laugh* It's okay and to be honest the way you called me ate is making me feel like you are my real sister pero I just want to ask this, is that okay Ma'a-- Shaze?"]

"Okay po Ate Line, ano po ba iyon? Pass po ako kapag sa Math."

["Ikaw talaga! Ayoko din ng Math kaya pass din ako doon. I just want to ask if...."]

MY GOODNESS! Para akong nahot-seat sa tanong na iyon ni Ate Line. Dahil sa mga salita kasi ni Breeze, ayan tuloy nagconclude ng matindi si Ate Line. At ayun ay dahil sa kalasingan niya.

Flashback

"Ikaw talaga! Ayoko din ng Math kaya pass din ako doon. I just want to ask if there is something going on between you and my younger brother? Or mayroon kayong past? It is okay if you will no--"

"There is nothing going on between us po and I do not know din po kung saan niya nakuha yung mga sinabi niya kanina pero baka nga po dahil sa beer. And even sa past po, wala. We were just pure batchmate and schoolmate lang po."

"Ah ganoon ba Shaze? Akala ko pa naman mayroon na. Sayang akala ko pa naman magkakatita na si Gavin ko. Anyway, alam kong pagod ka na at titignan ko rin si Breeze sa taas baka sumusuka na iyon kung saan-saan. Good night Shaze and sweet dreams!"

"Po? Good night din po Mrs. Gi-- Ate Line!"

Nakita niyo na? Nakakalambot ng binti no? Lasing din kaya ang ate niya? Kung ano-ano rin kasi ang pinagsasasabi.

PERO ANG TANONG...

Ano naman kaya naisip ng lalaki na iyon at uminom siya tapos talagang sinabay pa na kausap ako. Kaya pala malakas ang loob niya na sabihin sa akin iyon!

Umaasa na naman ako para sa wala dahil bukas makakalimutan naman niya yon. At huwag sana kaming magkita bukas dahil baka magkasakit ako the other day.

10:15 na pala. Kaya need ko nang matulog baka kasi ako pa ang malate sa aming dalawa ni Kale. Hindi ko na rin nacheck si Kale dahil kay Breeze pero nakita ko na patay na ang ilaw niya. Alam kong hindi na siya nagcecellphone sa mga oras na ito dahil yung lampshade lang niya ang nakabukas.

I guess dito na nagtatapos ang nakakapagod at nakakastress na araw na ito. At ito na siguro ang pinaka-nakakastress na araw sa buhay ko dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang mga pinagsasasabi sa akin ni Breeze. Yes, dala lang siguro yon ng kalasingan niya pero bakit niya pa sinabi ang mga iyon? Ayan tuloy umaasa na naman ako!

Feeling ko din alam na niya na gusto ko siya pero hindi pa rin ako sure. Malay ko ba kung nagjojoke lang yon o kaya naman nang-iinis lang. Pero kahit ano pa man ang dahilan sa likod ng mga salita na iyon, masaya ako kasi kinausap pa rin niya ako. Kaya nga lang mas lalo niya pa akong pinahihirapan na kalimutan siya.

I'm Shaze Merene Sunville Pier, the daughter of Mrs. Marite Pier and Jomer Pier, has the existence of 24 years on this world and counting, no siblings, a licensed teacher and currently working at St. James Catholic School, president of the club NBSB or No Boyfriend Since Birth, and certified loyal to the one and only Breeze Ryte Theodon, is now signing off for this day.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top