After 12:00 AM
"eto eto, anong nauuna sa buntis pag naglalakad?"
"tiyan"
"mali"
"ano?"
"edi nguso, kasi aso yung buntis HAHHAHAHHAHAHHA"
"ayHAHAHHAHA"
...
"Nga pala, Taria, kung hindi mo naitatanong. Hehe"
Nagulat ako nang iniabot niya ang kanyang kamay. Kanina pa pala kami nag-uusap pero hindi pa namin kilala ang isa't isa. Magaan kausap ang isang 'to, sa totoo lang siya ang unang nagtanong kung bakit ako nandito at ang sagot ko naman ay dahil sa EX ko.
"Baka may balak ka magpakilala, pero kung wala ayos lang"
Ibababa na sana niya ang kanyang kamay nang binawi ko ito.
"Pits nga pala."
Natigilan ito at akala ko kung anong nangyari nang biglang...
"walanjo seryoso? WHAHAHHAHAHAHHA"
Nakakatawa ba 'yun? Tinitigan ko lang siya habang humahagalpak katatawa.
"Anong nakakatawa sa pangalan ko?"
"Gagi ambaho ng pangalan mo" natatawa nitong sagot.
"walang preno bunganga mo ha" pabiro kong sagot.
"'De, seryoso na. Pits, siguro..."
"siguro?"
"siguro kaya ka iniwan kasi amp--'
"aalis na 'ko"
Alam ko na ang kasunod nito kaya nag-amba na akong tatayo nang hilain niya ang kamay ko.
"Hindi ka naman mabiro"
"Eh kasi --"
"matampuhin ka noh?"
Hindi pa tapos ang sasabihin ko ng bigla niya itong pinutol. Bumalik siya sa pagiging mahinahon at umayos ng upo.
"Ano nga ba'ng nangyari sa inyo ng ex mo?"
Umayos ako ng upo at naghintay ng ilang segundo.
"Sa totoo lang matagal na 'yun"
"ano ngayon? Nasa'n na ba siya ngayon?"
"nandito" sabay hawak sa dibdib ko.
"so, mahal mo pa? Ilang taon kayong nagsama?
Tumingin ako sa langit at parang nag-flashback sa akin lahat ng nangyari.
"hindi ko na alam, basta mula Highschool kami na"
"Hmmm. Sayang naman... anong nangyari?"
Napalingon ako sa kaniya at nakita ko na natigilan siya saglit.
"ah --"
"'Di ba sinabi ko sa'yo kanina, kaya ako nandito dahil sa ex ko"
Kahit halatang naguguluhan ay tumango lamang ito.
" 2 years ago, nang maghiwalay kami. Ito 'yung eksaktong araw at lugar na pinangyarihan nu'n. 'Wag mo nang tanungin kung ano'ng oras 'yun kasi hindi ko na alam dahil na rin siguro sa pagkabigla ay hindi ko na napansin ang ibang bagay. Hindi ko maintindihan. Parang totoo na gumuho 'yung mundo ko ng mga sandaling 'yun."
"kung gano'n bakit bumabalik ka pa rin dito? Bakit bumabalik ka pa rin sa lugar na nagpapaalala sa'yo ng sakit?"
Napalingon ako sa kaniya at natigilan ako saglit dahil hindi ko rin alam kung bakit.
"H-hindi ko alam." napatungo na lamang ako.
"4 years ago nang mawala 'yung taong nagdala sa'kin sa lugar na 'to."
Natigilan ako sandali nang magsimula siyang magkwento.
"Pagkatapos nang nangyari bumabalik pa rin ako dito kahit mag-isa. Ilang buwan ko ring sinalubong ang umpisa ng buwan na umiiyak pero akala ko ganun na lang 'yun, hanggang sa unti-unti, na-realize ko na ilang buwan na pala akong nanonood ng fireworks display ng hindi nasasaktan. Wala nang sakit."
Tumingala siyang muli at hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, tila huminto ang paligid. Tumahimik sandali ang lahat, tanging ang mga paputok na lamang ang naghari. Alas dose na.
"Alam mo ba kung bakit tuwing katapusan ng buwan at saktong alas dose ng gabi may ganito?"
"b-bakit?"
"dahil hindi makikita ang fireworks sa umaga"
-_-
"'di joke lang HAHAHAHAHA"
"Ewan ko sa'yo"
Napatingala ako nang biglang nag hiyawan ang mga tao. Paputok na nagkorteng puso. Napalingon ako kay Taria at nakita ko ang ngiti niya na abot tainga. Para siyang bata na kumikinang pa ang mga mata. Ang sarap pagmasdan ng kanyang mga mata, kitang-kita ang sparks ng fireworks sa mga ito. Ang ganda.
"Tuwing katapusan ng buwan at alas dose ng gabi ito palaging ginagawa para ipaalala sa'tin na hindi lahat ng katapusan ay palaging hindi maganda, fireworks ang sumisimbolo na may magandang wakas. Pinapaalala nito sa'tin na may bagong pag-asang darating sa bawat katapusan. Kaya naman, kahit wala na 'yung taong palagi kong kasama rito, bumabalik pa rin ako hindi lang dahil marami rin namang nangyari sa'kin na maganda dito kundi dahil masarap lumaya at naniniwala ako na may pag-asa, kaya ikaw subukan mong palayain ang sarili mo sa kahapon."
_________
"And, that was the ending of the story class. Btw, Mae pakigising nga niyang katabi mo"
"Huy Gil gising lagot ka kay sir"
"sirrr bitiiinnnn"
"siiirrr neextt"
"Sorry class time na rin. If you guys are interested to watch fireworks display, today is the end of the month. Goodbye class, see you."
"goodbye sir"
"thank you sir"
"Btw, Kung manonood kayo, magpaalam o magsama kayo ng guardian, okay? Goodbye class.
_______
"Si sir ba 'yun? Wait lang Gil"
"Sir Theous!"
"Uy Mae buti pinayagan ka, sinong kasama mo?"
"Sila Gil po"
"oh, nasaan sila?"
"nandun po kasama po si ate ---"
"Andyan ka lang pala Mae"
"Uy Gil s---"
"Pits?"
"T-taria?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top