Glenn

Madalas, nagiging isa tayong Glenn. Takot sumugal. Hinaharang ang mga posibilidad na nakapalibot sa atin. Madaming pumapasok sa isip natin. Mga tanong, mga paano. Alam mo kung paano natin masasagot iyon? Sumugal ka. Kapag talo, tuloy ang buhay. Ang mahalaga, sumugal at lumaban. Sinubukan. Hindi tulad ni Glenn na kahit nasa kanya na ang panalo, hindi pa rin niya sinugal ang lahat.

Hindi lang 'to sa pag-ibig pero sa buhay na rin. Hindi mo malalasap ang panalo kapag hindi ka sumugal. Alam niyo, kapag sumugal naman tayo sa buhay ay panalo pa rin tayo kahit may sakit sa dulo eh. Kasi kahit saglit, naging masaya tayo. Kahit saglit, naging tama ýong desisyon natin. No regrets. Iyan dapat lagi ang nasa isip mo. Huwag kang magpakain sa mga negatibo. 

Malay mo, pagsugal na lang pala ang gagawin mo at nandoon ka na sa panalo mo pero hindi mo pa rin sinubukan. Doon papasok ýong regrets. Doon papasok ýong sayang. Wag ka na umabot doon. Kung nasa iyo na, ilaban mo na.

Athena Beatrice

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top