Epilogue
After 10 Years..
Mai,
Si Samantha na 'to. Kamusta? Sa totoo lang, hindi ko pa rin lubos maisip na sinadya ni Kuya Glenn na gawin iyon dahil sa iyo. Dahil wala ka na. Mas pinili ni Kuya Glenn na makasama ka. Siguro, kayo talaga ang para sa isa't isa, ano? Ika-musta mo na lang ako kay Kuya Glenn dyan. Miss ko na ýong kapatid ko. Gusto kong magalit sa iyo kasi dahil sa iyo, nawalan ako ng kapatid. Pero paano? Paano naman ako magagalit kung alam kong iyon na lang ang naging daan ni Kuya Glenn para makasama ka?
Ang daya mo, Mai. Sinabi mo pa sa Kuya Glenn ko na after 10 years ay ikakasal kayo pero hindi naman umabot ng sampung taon ýon. Ang daya mo dahil kung kailan nakabili na si Kuya Glenn ng singsing ay saka ka naman bumitaw sa kanya.
Sana sinabi mo agad na malubha na ýong Leukemia mo. Sana napakasalan ka ni Kuya Glenn nang mas maaga at naging mag-asawa pa kayo sa huling araw ng mga buhay ninyo.. Sana, naging masaya pa ang Kuya ko.
Pasensya ka na kung ngayon ko lang nabasa itong diary ni Kuya Glenn para sa iyo. Pasensya na rin kay Kuya dahil nagsulat ako dito sa diary niya nang walang paalam.
Salamat, Mai. Salamat sa pagmamahal mo kay Kuya Glenn, that made him alive but ýon din ang pumatay sa kanya. Salamat dahil natutong magmahal ang Kuya ko. Actually, may secret akong sasabihin sa iyo. Ikaw lang ang minahal ni Kuya. Kahit may mga babae sa paligid niya noon, pinanghawakan niya ýong 10 years..
Naniwala siya na pwede, naniwala siya na mangyayari. Kaya sobra na lang ýong pagmamabilis niyang bumili ng singsing noong malaman niyang pwede kang mawala anytime sa kanya. Umasa siya na kahit ilang saglit, magiging kayo hanggang dulo. Kaso, hindi na nangyari.
Dyan na siguro kayo kinasal, ano? Sayang naman at hindi ko na nakita. Ang ganda mo siguro at ang gwapo ni Kuya, 'no? Mai, oo nga pala. May nakita kami sa kotse ni Kuya noong binangga niya iyon sa poste.
Nakatago ito sa pitaka niya. Isusulat ko na rin dito para mabasa mo. Sigurado akong matutuwa at malulungkot ka at the same time. Kasi, kami ni Mama ay iyak nang iyak noon.
Mai,
Mahal na mahal kita. Mahal kita kahit na hindi mo tinupad ýong pangako mo sa akin. Hayaan mong ako naman ang tumupad ng pangako na iyon sa iyo. Sasamahan kita hanggang dulo, Maii. Pasensya ka na sa akin kung ito ang pinipili ko. Gustong-gusto lang kitang makasama. Kung wala ka na sa mundong ito, ayos na rin ako. Mahal ko, maghintay ka lang.. Magkikita na tayo.
Glenn.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top