5
After 10 Years..
5
Mai,
Hi Mai! Habang sinusulat ko ito, nandito ako sa tapat ng puntod mo. Isang linggo na rin ang nakakalipas nang mawala ka sa amin. Kamusta unang linggo mo dyan? Ayos ka naman ba? Ang ganda-ganda mo siguro dyan 'no? hay, miss ko na makita ang mukha mo habang nakangiti sa akin. Pasensya ka na pala kung ang kulit-kulit ko ha? Araw-araw akong nagdadala ng sunflower sa puntod mo.
Oo nga pala, nasa tabi ko lagi sa kama ýong singsing na binili ko para sa iyo. Sayang, hindi mo na nasuot pero pangako ko sa iyo, masusuot mo rin ýon soon. Mai, kapag ba sumunod ako dyan, magagalit ka sa akin? Kapag ba, tinapos ko ýong sarili kong buhay, mawawala ka na sa akin?
Alam mo, habang sinusulat koi to ay nakikita ko ang mga alaala nating dalawa. Ýong mga panahon na nakikinig lang ako sa kwento mo. Ýong mga panahon na tuwing nakikinig ako saýo ay natutulala na lang ako sa mga ngiti mo. Sana kaya pa nating ibalik ýon ano?
Kahit sa panaginip man lang, sana magawa natin. Ang daya mo kasi, lagi naman kitang iniisip pero hindi ka nagpapakita sa panaginip ko. Bakit? May tampo ka ba sa akin? Sorry na. Sorry na kung lumabas ako ng ospital noong araw na iyon, gusto ko lang naman na pasayahin ka eh. Ang daya mo, pinalungkot mo ako.
Pero, hindi ako susuko. Alam kong makakasama na ulit kita. Malapit na ýon. Hintayin mo ako ha? Konti na lang.
Salamat Mai ha? Salamat sa pagturo sa akin ng napakalaking bagay. Iyon ay ang magmahal nang wagas kahit hindi pa tayo nagsisimula. Sayang, hindi ko nalaman kung ano ba ang talagang nararamdaman mo para sa akin. Ni hindi mo na nga nabasa 'tong diary ko para saýo. Balak ko sanang ibigay saýo 'to eh. Hindi nga lang umabot.
Mag-iingat ka lagi, Mai. Mukhang ito na ýong huling dalaw ko sa puntod mo kasi magkikita na tayo pagkatapos nito. Sabik na sabik na akong makita ka ulit. Miss na miss na kita. Wala na sigurong sakit na mararamdaman dyan kaya sasama na ako. Mahal na mahal kita.
Glenn.
''Glenn? Nandito ka na! ang tagal kitang hinintay. Akala ko, hindi ka na darating eh. Namiss kita!''
''Pwede bang hindi ako dumating? Ako kaya si Glenn at ikaw si Mai. Iisa tayo kaya dapat lang na nandito ako. Medyo nahuli nga lang ako. Kamusta ka na, Mai? Okay ka naman ba rito?''
''Okay naman ako, habang wala ka ay puro lakad lang ang ginagawa ko. Lagi ko lang tinitingnan ýong mga sunflower na nandito. Ang gaganda nila!''
''Kahit gaano kadami at kaganda ýang mga iyan ay wala pa rin tatalo sa kagandahan mo, Mai. Ang saya-saya ko ngayon kasi kasama na kita. Makakasama na kita palagi, di ba?''
''Oo naman, wala na 'tong katapusan. Dito, puro saya na lang tayo. Hindi na kita iiwan dito, okay?''
''Ay, oo nga pala. May naalala ako. Hindi ko 'to nagawa noon eh. Gagawin ko ngayong may pagkakataon na ako.''
''Ano ýon?''
''Ito. Alam kong hindi na kita mapapakasalan dito pero gusto ko lang na matupad ko ýong matagal ko nang gustong gawin. Mai, papakasalan mo ba ako kahit nandito na tayo?''
''Glenn, tinatanong pa ba iyan? Syempre naman, oo. Tutuparin natin ýong sinabi ko noon. Papakasalan kita. Hindi na nga lang after 10 years pero at least ay hindi na natin kailangang maghintay pa. Oo nga pala, pasensya na kung hindi ko natupad ýon ha?''
''Ayos lang. Ako naman ang tutupad noon ngayon. At least ngayon, magkasama na tayo di ba? Kaya na natin gawin ang lahat ng gusto natin. Mai, ang tagal-tagal ko nang gusto na sabihin sa iyo ito.''
''Alin?''
''Mahal na mahal kita, Mai.''
''Mahal na mahal din kita, Glenn.''
THE END.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top