4
After 10 Years..
4
Mai,
Pagdating na pagdating ko sa ospital ay lumapit agad ako sa iyo. Pagod na pagod ako noon pero noong nakita kita? Nawala lahat ng iyon. Nakatingin ka kasi sa akin at nakangiti noong pumasok ako sa kwarto mo. Nakain ka ng orange noon.
Kinamusta agad kita at niyakap. Sorry kung medyo napahigpit ang yakap ko sa iyo noon. Excited kasi ako eh. Nandoon din si Tita at nagpasalamat siya sa pagdalaw ko. Wala raw kasing kaibigan moa ng nadalaw doon, puro kapamilya mo lang daw.
Tinanong kita kung pati si Kane ay hindi ka binibisita. Ang sabi mo, oo kasi nasa ibang bansa na siya kasama ang new girlfriend niya. Alam kong kahit nakangiti ka noon at patawa-tawa ay nasasaktan ka pa rin sa nangyari. Ngumiti na lang din ako sa iyo at sinabi kong aalagaan kita.
Araw-araw, nandoon ako sa tabi mo. Lahat ng pwedeng tulong na ibigay ko sa inyo ni Tita, Masaya ako na makita ka laging nakangiti. Pinangako ko sa sarili ko noon na lagi na kitang papasayahin hanggang sa gumaling ka.
Isang araw, habang inaalagaan kita eh bigla mo na lang ako kinausap noon. Nagulat nga ako kasi bigla mo na lang akong tinanong kung tanda ko pa ba ýong pangako mo sa akin na tayo ang ikakasal pagkatapos ng sampung taon.
Ang sabi ko naman, oo. Hindi naman talaga ýon nawala sa isip ko. Kaya nga rin siguro ako nandito kasi gusto kong patunayan sa iyo at sa sarili kong kaya kong maging asawa mo. Syempre, hindi naman maganda na bigla na lang tayong ikakasal na wala man lang tayong nararamdaman sa isa't isa. Ang gusto ko naman eh paghirapan ko kahit konti ýong pwesto na iyon sa buhay mo kasi, asawa ýon eh.
Mas nagulat ako noong sinabi mo pabiro sa akin na siguro kaya ako nandito sa Maynila ay dahil gustoi kitang ligawan. Dahil sa sinabi mong ýon, niloko na din kita na oo, liligawan nga kita. Kita ko ang gulat saýong mga mata pero pinilit mong itago ýon.
Ang hindi mo alam noon Mai, nag-uumpisa na akong ligawan ka. Lahat ng oras na hindi ko nabuhos noon, gagawin ko na ngayon. Gusto kong bawiin lahat ng oras na nawala sa atin eh. May oras pa naman ako di ba? Hindi pa naman siguro ako huli?
Sa araw-araw na kasama kita, nakikita ko ýong saya at lungkot mo kapag ginagamot ka nila. Sa tuwing nasasaktan ka sa mga tinuturok nila sa iyo, nakahawak lang ako sa kamay mo kasi sabi mo, kahit papaano ay nawawala ang sakit noon kapag hinahawakan ko na ang kamay mo.
Isang araw, lumabas muna ako ng ospital. Natutulog ka pa noon kaya kay Tita ako nagpaalam. Ang sabi ko, magpapahangin lang ako kasi lagi na akong nasa loob ng ospital. Kailangan ko naman ng konting hangin at gusto ko ring mag-isip isip.
Pero sa totoo niyan, balak ko nang mag-propose sa iyo. Bumili ako ng sunflower at ng singsing. Ýong singsing na binili ko noon, hindi naman mahal pero pinag-ipunan ko talaga iyon kasi naniwala ako na pagkatapos ng sampung taon ay tayo pa rin.
Nasa ika-walong taon na tayo eh. Dalawang taon na lang, ikakasal na tayo sa isa't isa. Habang naglalakad ako pabalik sa ospital ay iniisip ko na kung ano ang magiging reaksyon mo, Mai. Ano kaya ang isasagot mo sa akin? Yes kaya? Alam mo, kahit ilang beses mo nang sinabi sa akin na tayo ang ikakasal ay kinakabahan pa rin ako.
Hindi ko alam kung bakit. Ang nasa isip ko na lang noon ay ýong ngiti mong matamis kapag nakikipagbiruan ka sa akin. Ýong mga tawa mo na ang sarap pakinggan kahit ang lakas-lakas ng tono. Alam mo ba, pati ýong kung paano ka maglalakd sa simbahan ay naisip ko na rin? Ganoon na ang mga nasa isip ko.
Nawala ang mga nasa isip ko nang tumunog ang cellphone ko. Nag-text sa akin ang Mama mo. Doon na gumuho ang mundo ko.
Glenn? Nasaan ka na? Bilisan mo. Hindi na okay si Mai. Nire-revive siya ng mga doktor ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa loob pero pakibilisan para makapagpaalam ka pa sa kanya. Sana, lumaban pa siya Glenn. Sabihin mo naman sa kaibigan mo, lumaban siya para sa atin.
Glenn, wala na si Mai. Wala na ang anak ko. Wala na ang kaibigan mo.
Ang bilis kong tumakbo. Ni hindi ko na nga alam Mai kung paano ako nakapunta sa ospital eh. Nakita ko na lang si Tita sa labas ng kwarto mo. Tinanong ko siya nang tinanong kung nasaan ka na pero tahimik lang siya at naiyak.
Wala na akong choice. Pumasok na ako sa kwarto mo. Nakita ko na nakahiga ka roon, may takip na. Doon na pumasok sa akin na huli na talaga ako. naibagsak ko sa sahig ýong sunflowers na dala ko.Mai, bakit? Bakit ang daya-daya mo pa rin hanggang huli? Bakit hindi mo ako hinintay?
Parang hinintay mo lang akong lumabas ng ospital para hindi ko na makita ýong paghihirap mo. Tinanggal ko ýong takip sa mukha mo at hinalikan kita sa noo. Ang ganda mo pa rin kahit hindi ka na ngingiti.
Naiyak ako habang nakangiti kasi alam kong hindi ka na masasaktan. Hindi ka na masasaktan sa mga turok nila, hindi ka na maiirita sa mga gamot na iniinom mo. Ayos ka na.
Pero alam mo ýong sakit na nararamdaman ko noong mga oras na iyon? Parang pinagdamutan ako ng Diyos ng pagkakataon. Ito na eh, nasa akin na ýong singsing. Itatanong ko na ýong mahiwagang tanong. Nasa isip ko na kung paano mo sasagutin. Kung paano tayo magiging masaya pagkatapos ng marriage proposal.
Ang sakit-sakit, Mai. Sa isip ko na lang kasi lahat ýon makikita. Hindi na ýon mangyayari kahit anong gawin kong pagwawala rito. Ang daya-daya mo, sabi mo pagkatapos pa ng sampung taon pero ngayon ay wala ka na. Ano na ang gagawin ko ngayon? Paano ko ipo-proseso na ýong hinihintay ko ng sampung taon ay hindi na darating?
Glenn.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top