3
After 10 Years..
3
Mai,
Ilang taon din ang lumipas pero naaalala pa rin kita. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa iyo kasi hindi ka na nag-text doon sa number ko. Gusto ko man itanong ýon kay Mama pero hindi ko magawa. Nahihiya ako. At saka, hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko sa iyo kung sakali man na mag-usap tayo.
Pero, kamusta ka na? Ano kaya ang ginagawa mo ngayon? Masaya ka kaya? Malungkot? Huwag naman sana. Sana ayos ka lang. Sana, kahit may problema ka ay kinakaya mo pa rin. Hindi man tayo nagkakausap na, sana alam mo na lagi kitang naaalala.
Nasa kwarto ako noon, iniisip kita. Nagulat na lang ako nang pumasok bigla si Mama sa kwarto ko. Naiiyak siya. Agad ko naman siyang niyakap noong makita ko iyon. Tinanong ko siya agad kung anong problema. Ang sabi niya, na-ospital ka raw.
Biglang gumuho ang mundo ko noon. Tulala lang ako. Bakit ka nasa ospital? Na-aksidente ka ba? May sakit? Anong nangyari? Bakit hindi mo inaalagaan ang sarili mo?
Mas lalong gumuho ang mundo ko nang malaman na may Leukemia ka raw kaya ka na-ospital. Leukemia? Ibigsabihin, pwede kang mamatay? Pwede kang mawala at wala na akong magagawa para maibalik ka? Tahimik lang ako noon pero ang daming tumatakbo sa isip ko.
Paano kung mawala ka na sa akin tapos hindi mo pa rin alam kung anong nararamdaman ko para sa iyo? Pilit kong winaglit ýon sa isip ko. Hindi naman ýon mangyayari di ba? Malakas ka eh. Lalaban ka. Kilala kita eh. At saka, tutuparin mo ýong pangako mo sa akin di ba?
Ýong pangako na pagkatapos ng sampung taon ay papakasalan mo ako. Ang tanga ko ba para maniwala pa roon? Wala eh, ikaw kasi ang may sabi. Syempre, kahit alam kong malabo ay tataya pa rin ako. Umaasa ako na kahit konti, totoo ýong sinabi mo.
Nang kumalma na ako, nagpaalam ako kay Mama para lumabas. Ang sabi ko, mag-iisip isip lang ako. Totoo naman iyon pero may isang bagay pa akong gustong gawin. Iyon ay ang magpa-load. Ang simpleng bagay pero hirap na hirap ako. O baka dahil hindi ko naman talaga gawain iyon kaya ganito kahirap ang nararamdaman ko. Nang makapagpa-load na ako ay agad kitang tinext kahit walang kasiguraduhan kung sasagot ka ba sa akin.
Mai, nabalitaan ko kung anong nangyari saýo. Ayos ka lang ba? Pasensya ka na kung matagal bago ako nakapagparamdam. Alam kong kaya mo ýan. Ikaw pa ba? Malakas ka kaya. Malalagpasan mo ito, ha? Kung kaya mo, sabihin mo sa akin ang lahat ng nangyayari sa iyo dyan. Kung kaya mo lang naman, kung hindi ay ayos lang naman sa akin. Pagaling ka ha?
Glenn.
Para akong tanga na naghihintay sa reply mo. Kilala kita eh. Kapag nag-text ako sa iyo, magre-reply ka agad sa akin. Saka, ang dami mo nang hindi nake-kwento sa akin kaya alam kong naipon mo na ýan. Ilang araw din akong naghintay sa text mo.
Sobrang saya ko noong nabasa ko ang pangalan mo sa inbox ko. Kahit hindi ko pa iyon nababasa ay para bang nagkaroon ako ng pag-asa na makakausap ulit kita. Kahit gaano man kaiksi na pag-uusap iyon ay tatanggapin ko. Basta ikaw.
Glenn, I'm sorry. Mama ni Mai ito. Ako na ang sumagot sa iyo dahil hindi pa kaya ni Mai na sumagot ngayon. Hinang-hina siya sa therapy. Pasensya ka na ha? Huwag kang mag-alala, sasabihin ko naman sa kanya na nagtext ka. Hayaan mo, lalaban ang anak ko. Malakas siya. Alam naman natin ýan, hindi ba? Salamat sa pangangamusta sa anak ko. Sa totoo niyan, matagal ka na niyang hinihintay Glenn.
Noong nabasa ko ýon, may halong saya at lungkot ang naramdaman ko. Saya dahil kahit paano ay okay ka naman dyan sa ospital pero malungkot dahil nalaman kong totoo ýong sinabi sa akin ni Mama. May Leukemia ka nga at wala akong magawa dahil nasa malayo ako.
Ilang oras din akong nag-isip. Hindi ko alam kung tama pero ito ýong nararamdaman ko eh. Lalakasan ko na lang talaga ang loob ko para makasama at makita ka. Bahala na kung anong mangyari. Basta, gusto ko ay nasa tabi mo ako ngayon. Gusto kitang alagaan kahit na alam kong mahihirapan ako.
Agad akong nagpaalam kay Mama kung payag siya na lumuwas ako papuntang Maynila. Akala ko noong una ay hindi niya ako papayagan pero nagulat ako nang sinabi niya sa akin na ayos lang. Alam naman daw niya na sobra akong nag-aalala sa iyo kaya payag siyang samahan kita sa ospital.
Masaya ako noon dahil sa wakas ay makakasama na kita at maaalagaan pero may takot pa rin sa puso ko. Ano na nga ba ang madaratnan ko roon sa Maynila? Tanggap mo pa kaya ako bilang kaibigan? Kilala mo pa kaya ako? Mga ganoong tanong ang nasa isip ko.
Ito na naman ako, nagtatanong pero hindi ko naman sinasubukan. Nagtatanong pero uurong naman. Pasensya ka na ha? Pasensya ka na kung natagalan bago ko nasabi sa sarili ko na handa na akong sumugal.
Sana, hindi pa ako huli. Sana ay may oras pa ako para maparamdam saýo na mahal kita. Pangako, kahit gaano kaliit ang pagkakataon na iyon ay tatanggapin ko nang buong-buo. Kahit alam kong walang kasiguraduhan kung paano ito magtatapos, susugal na ako.
Pasensya kung ngayon ko lang naisip. Pasensya dahil ngayon lang ako natauhan kung kailan pwede ka nang mawala sa akin kahit na anong oras. Ganoon siguro talaga ano? Malalaman mo lang na ready ka na palang sumugal kapag pawala na sa iyo ýong bagay na iyon.
Pero noong nasa iyo pa nang buong-buo, hindi mo nagawang sumugal dahil ang dami ng tanong sa isip mo. Ang dami mong nakikitang dahilan para hindi yakapin ýon.
Nagsisisi ako, Mai. Nagsisisi ako na hindi ko naumpisahan ito nang maaga, kahit madami naman akong pagkakataon para gawin iyon. Wala eh, nandito na tayo. Ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay ilaban ito kahit sigurado akong pwede akong masaktan sa huli.
Glenn.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top