2
After 10 Years..
2
Mai,
Panay ka text sa akin noon, Mai. Araw-araw, wala kang palya. Hindi naman ako nagre-reply kasi wala akong load. Isa pa, hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko saýo. Araw-araw, iba-iba ang kwento mo. Noong una ay medyo weird para sa akin na makinig sa mga kwento mo pero dahil nasanay na ako, hinahanap ko na lagi ang mga kwento mo.
Glenn, hindi ka talaga magre-reply? Gusto mo ba, loadan na kita para naman malaman ko kung ano ýong reaction mo sa mga texts ko? Mamaya niyan, hindi mo number 'to ha. O baka, hindi na registered sa mundo itong tine-text ko? Magparamdam ka naman.
Glenn, nandito ako sa wishing well. Nakatambay ako. Paulit-ulit akong nagtatapon ng piso sa wishing well na 'to. Alala mo pa ba kung saan ito? Lagi natin 'tong ginagawa dati bago tayo umuwi. Bata pa tayo noon pero tanda ko pa rin. Alam mo kung ano ýong hinihiling ko dito ngayon? Na sana mag-reply ka na.
Good morning, Glenn! Ayos ka lang ba dyan? Naghihintay pa rin ako ng text mo. Ang dami kong kwento pero hindi naman kita matawagan. Smart ka at Globe naman ako. Hay. Sana ay okay ka lang. I-text mo lang ako kapag kailangan mo ako.
Nagtaka ako noon at nag-alala, dalawang araw ka kasing hindi nag-text sa akin. Kinabahan ako noon, hinahanap ko ýong mga texts mo. Sa sobrang pag-alala ko, nagload ako ng regular 20. Wala na akong pake kung saan aabutin ýong load ko na iyon. Tinext agad kita. Hindi ko kayang hindi ko alam kung anong nangyayari sa iyo.
Mai, ayos ka lang ba? Bakit hindi ka na nagpaparamdam sa akin? May nangyari ba sa iyo? Pasensya ka na kung hindi ako nagte-text sa iyo. Hindi kasi talaga ako mahilig gumamit ng cellphone ko pero gusto kong malaman mo na nababasa ko lahat ng text mo para sa akin. Ituloy mo lang. kahit hindi ako mag-reply, nakikinig ako.
Nagreply ka after a week, sobrang nag-aalala ako sa iyo noon. Hindi ko alam kung anong pwedeng dahilan at hindi mo ako kinausap ng isang linggo. Galit ka na ba sa akin? Galit ka na ba sa akin dahil hindi ako nagre-reply sa iyo? Ayaw mo na ba i-kwento sa akin kung anong nangyari sa araw mo? Hindi ko alam. Buti na lang, sumagot ka pagkatapos ng isang linggo.
Glenn, sorry! Hindi na kita naitext kasi walang signal doon sa pinuntahan ko. Nakakainis nga. Alam ko, nag-aalala ka na. Okay naman na ako, sana okay ka na rin. Kapag pumunta ako dyan, ike-kwento ko sa iyo kung ano na ang nangyari sa akin ah?
Hindi na ako naka-reply. Wala na akong load at nalaman ko naman na okay ka kaya okay na rin ako. Pero bakit ganoon? Pagkatapos noon, hindi ka na nagparamdam ulit. Hinintay kitang umuwi dito sa probinsya pero hindi naman nangyari.
Pagkatapos ng ilang buwan, nag-text ka ulit. Hindi ko alam kung anong ire-react ko doon. Ang sakit. Parang nakalimutan mo ýong pangako mo sa akin na pagkatapos ng sampung taon eh ikakasal ka sa akin.
Sinabi mo sa text na kayo na ni Kane. Kaya rin hindi ka na nagparamdam sa akin kasi busy ka na sa kanya at sa school. Masakit pero tinago ko lang. Kaibigan mo lang naman ako eh. Wala akong karapatan na magalit. Wala. Pakiramdam ko noon, talo na ako kahit hindi pa ako nalaban Mai.
Nagpaka-busy ako sa mga bagay para hindi kita maalala. Hindi ko na rin hinintay ang texts mo. Tinanggal ko ýong sim card na iyon sa cellphone ko. Itinago ko na rin ýong cellphone na iyon. Hinayaan ko na lang na maging masaya ka kay Kane. Nagparaya na lang ako.
Dumaan ang ilang taon, bigla na lang akong tinanong ni Mama kung nakakausap pa ba kita. Sabi ko, hindi na. Nalaman ko na lang sa kanya na wala na kayo ni Kane dahil niloko ka niya. May ibang babae siya.
Agad kong sinalpak sa cellphone ko ýong dati kong sim card. Noong mga oras na iyon, galit na galit ako sa sarili ko. Bakit hindi ko na lang hinayaan na mabasa ang mga texts mo sa akin? Bakit sumuko ako sa pakikinig sa iyo? Paano kung ako na lang ýong kailangan mo pero wala ako?
Ang tanga ko. Ang tanga ko na hinayaan kong kainin ako ng selos. Akala ko, si Kane na ýong tao para sa iyo. Pagbukas ko ng cellphone ko, may ilan akong nabasa pero hindi mo na nasabi na wala na kayo ni Kane. Ang nabasa ko lang doon, ýong mga away ninyo.
Glenn, bigla na lang siyang nagalit sa akin. Kasalanan ko ba na makaramdam ng selos? Kasalanan ko ba na noong makita ko na kasama niya ýong babae, eh nagselos ako? Sabihin mo sa akin Genn, kasalanan ko ba?
Glenn, sinigawan niya ako. Deserve ko ba na masigawan? Sa ilang taon na nabuhay ako, never naman ako sinigawan ni Mama. Si Kane pa lang ang nakagawa noon sa akin. Naiiyak ako, Glenn. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Lalaban pa ba ako, Glenn?
Napatahimik na lang ako sa isang tabi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kitang puntahan sa Maynila at samahan sa problema mo pero hindi pwede. Hindi naman ganoon kadali. Sinuntok ko na lang ýong pader sa sobrang galit ko. Iyak ako nang iyak.
Narinig ni Mama ýon at tumakbo agad siya papalapit sa akin. Niyakap niya ako at kinausap. Sinabi ko sa kanya lahat. Sabi nga niya, pumunta na raw akong Maynila para samahan kita pero ang sabi ko, nahihiya ako sa iyo dahil huli na ako. Paano kung hindi mo na ako tanggapin dahil hindi kita sinamahan sa mga nangyari sa iyo?
Sa pangalawang pagkakataon, Mai. Naduwag ako. Hindi ulit ako sumugal kasi natakot ako. Gulong-gulo na naman ako sa sarili ko. Gusto ko na lang maglaho dahil hindi ko na naman pinayagan ang sarili kong maging masaya. Hinarangan ko na naman ang mga posibilidad dahil akala ko, iyon ang nararapat.
Glenn.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top