1
After 10 Years..
1
Mai,
Naaalala mo pa ba ýong una nating pagkikita? Naiyak ka noon kasi tinurukan ka ng vaccine ng doctor. Dahil nga umiyak ka, wala kang chocolate na premyo. Ako, meron kasi hindi ako iyakin tulad mo. Ayaw kitang umiyak noon kaya kahit hindi pa kita kilala, binigay ko saýo ýong chocolate na dapat sa akin. Nagtaka nga si Mama noon pero dahil bata pa tayo, hinayaan na lang niya akong ibigay sa iyo ýon. Naaawa din si Mama sa iyo, e.
After natin magpa-vaccine, nakita naman kita sa grocery store kung saan din kami mamimili ni Mama. Natutuwa ako kung gaano mo inaalagaan ýong chocolate na binigay ko sa iyo. Parang ayaw mo ngang kainin. Hindi pa kita kilala noon pero may pakiramdam ako na makikilala at makikilala kita ulit.
At tama nga ako, magka-klase tayo noong Grade 1 to Grade 4. Ang daya mo noon, Mai. Ang daya mo kasi iniwan mo ako. Pumunta ka sa Maynila at iniwan mo ako sa probinsya. Simula noon, hindi na ako nakipagkaibigan sa mga ka-klase natin. Hindi ko alam. Ayaw ko. Gusto ko lang laging mag-isa dahil nawala ka na sa tabi ko. Hindi ko alam kung paano tayo magkikita ulit.
First year highschool na ako noon, nagtataka ako kung bakit pinapa-uwi na ako ni Mama agad sa bahay. Excited na excited siya. Inis na inis pa nga ako noon eh. Wala akong maisip na dahilan kung bakit niya ako pina-uwi nang maaga. Hanggang sa nakita kita sa sala ng bahay namin, nakangiti ka sa akin.
Hindi agad ako nakakilos noon. Parang panaginip eh. Hindi ko alam kung paano kita lalapitan kasi highschool na tayo noon. Ang ganda-ganda mo na. parang hindi ka na nga iyakin eh. Agad mo akong niyakap noon. Ilang na ilang pa ako noon, hindi nga ako yumakap pabalik. Si Mai ba talaga 'tong nasa harapan ko?
Nalaman ko na lang na kaya pala nandito ka kasi birthday ng Tito mo. One week ka lang mamamalagi dito. Sa akin naman, wala lang iyon kasi ilang taon na rin naman tayong hindi nagkikita pero saýo? Tuwang-tuwa ka noon. Pasensya ka na sa akin kasi parang wala akong gana noong makita kita. Hindi ganoon ýon, hindi ko lang alam kung paano kita kakamustahin.
Sa one week mo rito, sinabi mo sa akin lahat-lahat ng balak mo sa buhay mo. Sinabi mo sa akin lahat ng pangarap mo at hindi ko alam kung ano isasagot ko noon. Wala pa naman kasi sa akin ýong ganoon, nag-aaral pa lang tayo kaya wala pa sa isip ko ýong mga pangarap na iyan.
Alam mo, nagulat na lang ako nang sabihin mo sa akin na after 10 years at single pa tayo eh papakasalan mo ako. Hindi ko ýon pinansin, bata pa tayo eh. Madami pang pwedeng magbago. Isa pa, wala sa isip ko noon na magiging tayo sa future. Ikaw ang nagturo sa akin na maging okay kahit mag-isa hindi ba? Ni hindi ko na alam ýong feeling na may kasama eh.
Ayaw kong pansinin kung ano ýong nararamdaman ko sa iyo, kasi alam ko na iiwan mo rin naman ako. Ayaw kong pansinin 'to kasi takot akong mahulog sa iyo. Ayaw kong dumating ako sa punto na ako na ýong naghahanap sa iyo kasi naranasan ko na iyon noong iniwan mo ako noong Grade 4 tayo.
Natatawa na lang ako na sinabi mong magtatayo tayo ng bahay dito sa probinsya dahil alam mong magiging asawa kita. Natutuwa ako kung gaano ka katapang sabihin sa akin ýon pero hindi ko lang pinakita. Ang dami mo nang na-kwento sa akin, pero ako, tahimik pa rin.
Tinanong mo ako noon kung bakit ayaw kong mag-kwento. Ang sabi ko lang noon, ayos lang ako. Alam mo, masaya akong nakikinig lang sa kwento mo. Siguro nga, namiss din kita pero hindi ko lang maamin sa sarili ko. Kasi nasa isip ko pa rin ýong pag-iwan mo sa akin noon.
Dumaan ýong ilang araw, panay kwento ka lang sa buhay na meron ka sa Maynila. Habang nakikinig ako sa iyo, may tumawag sa iyo. Sabi mo sa akin, si Kane ýon. Kaibigan mo sa Maynila. Kinakamusta ka. Hindi ko alam kung bakit may kirot sa puso ko noong mga oras na iyon. Sa huli, hindi ko na lang pinansin kung ano ýong nararamdaman ko.
Natapos na ýong isang linggo at nagpaalam ka sa akin na aalis ka na ulit. Ngumiti lang ako at pumasok sa loob ng bahay namin. Ginawa ko iyon dahil ayaw kong makita na aalis ka na naman. Iiwan mo na naman ako.
Nagulat naman ako dahil sumunod ka pala sa akin sa loob ng bahay. Kinulit mo ako kung bakit parang iwas ako sa iyo. Noong una ay hindi ako nagsabi sa iyo pero dahil hindi ka naalis at male-late na kayo, kinausap na kita.
Inamin ko sa iyo na nasaktan ako noong iniwan mo ako noong Grade 4 tayo. Alam kong ang babaw ko dahil nasaktan ako sa ganoong bagay lang. Wala akong magawa eh, iyon talaga ang nararamdaman ko. Ayaw kong takasan kasi alam kong babalik at babalik lang ýong saklt. Masakit sa akin kasi akala ko, sabay tayong mag-aaral at hindi tayo mag-iiwanan.
Sorry ka nang sorry sa akin noon. Niyakap mo akong mahigpit, doon ko lang napagtanto na naiyak na pala ako. Yakap-yakap na rin kita nang mahigpit. Sorry din ako nang sorry dahil iyon ang nararamdaman ko. Hindi naman dapat ganoon eh.
Para makabawi ka sa akin ay hiningi mo sa akin ang number ko. Sinabi ko sa iyo na hindi ako naglo-load pero kinuha mo pa rin ýong number ko. Wala na akong nagawa, binigay ko na lang din. Bahala na kung paano ako magre-reply sa iyo kapag nag-text ka sa akin.
Nang tawagin ka na ni Tita Mel at sabihan ka na late na nga kayo, nagpaalam ka na sa akin. Niyakap mo ako ulit. Bago ka umalis, pinaalala mo sa akin ýong plano mo after 10 years.. Ýong papakasalan mo ako kung single pa rin tayo after 10 years..
Ngumiti lang ako noon pero ang nasa isip ko, ang tagal naman ng sampung taon..
Glenn.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top