Prologue
This story includes scenes of violence. Reader discretion is advised.
***
Sa madilim at amoy-dugong basement ng isang illegal fighting ring, isang binatilyong halos hindi pa ganap ang edad ang nakatayo sa gitna ng bilog na arena. Sugatan, bugbog sarado, at hingal na hingal—pero hindi siya pwedeng bumagsak. Si Adrian, isang underage underground fighter, ay muling humugot ng lakas mula sa matinding galit at desperasyon. Hindi siya lumalaban para sa sarili niya. Hindi para sa pera. Lumalaban siya para mailigtas ang kanyang ama, ang lalaking natatanging pamilya niya—mula sa pagkakakulong.
Subalit, kahit anong laban ang ipanalo niya, tila wala pa ring saysay ang lahat. Dumating ang araw ng hatol, at ang kanyang ama ay tuluyang nasentensyahan ng habambuhay na pagkakakulong. Masyadong makapangyarihan ang kanilang kalaban. Sa loob ng korte, tahimik niyang pinanood ang galit na galit na ama ni Lia—ang kanyang kababata at first love, habang mariing idiniin nito ang kanyang ama bilang kriminal. Sa tabi nito, ang pamilyang Rivas, na matagal nang may balak kamkamin ang kanilang ari-arian, ay lalong nagpasidhi sa kaso.
Durog ang puso ni Adrian, hindi lang para sa kanyang ama kundi pati na rin sa sarili niya. Ang matalik niyang kaibigan, ang babaeng una niyang minahal, ay hindi man lang lumingon sa kanya nang dalhin palayo ang kanyang ama. Wala na siyang kakampi. Wala na siyang dahilan para manatili pa.
Sa mga sumunod na linggo, tuluyang naglaho ang kanyang sigla. Lumaban siya sa ring nang walang takot, walang ingat, at halos wala nang pakialam kung mabubuhay pa. Sa bawat suntok at sipa na kanyang natanggap, unti-unting nagdilim ang kanyang paningin. Isang malakas na suntok sa sentido ang nagpabagsak sa kanya, at sa malamig na sahig ng ring. Malapit na siyang nawalan ng malay.
Sa pagitan ng dilim at liwanag, isang estrangherong boses ang narinig niya.
"Ayokong mamatay ka rito, bata."
Isang lalaki ang yumuko sa kanya at nag-abot ng palad nito, isang taong hindi niya kilala—si Carlos Ozdemir. Ilang buwan matapos siyang isalba mula sa tiyak na kamatayan, isang mas masakit pang balita ang dumating kay Adrian—pumanaw na ang kanyang ama, si Senon Laurel, sa loob ng kulungan. Ayon sa ulat, isang malubhang karamdaman ang dahilan ng pagkamatay nito. Gusto niyang tumakbo patungo sa labí ng kanyang ama, gusto niyang makita ito sa huling pagkakataon, kahit na isang saglit lang. Ngunit pinigilan siya ni Carlos Ozdemir.
"Hindi mo na kailangang puntahan ang tatay mo. Delikado. Ako nang bahala na kunin ang labí nito. Gagawin ko ang makakaya ko."
Denmark Ozdemir. Iyon na ngayon ang pangalan niya. Hindi na siya si Adrian Laurel, ang dating batang lumalaban para lang mabuhay. Hindi na siya ang dating walang muwang na naniniwalang may hustisya sa mundong ito. He was named after a country, dahil doon sila maninirahan pagkatapos ng sigalot na ito. Naroon ang negosyo ni Carlos Ozdemir na napakalayo sa nature ng pagsusugal.
"Kung gusto mong ipaghiganti ang ama mo, huwag kang magpakita. Hinahanap ka pa rin ng mga taong gustong gamitin ka bilang isang tauhan sa illegal fighting rings. Kapag nalaman nilang buhay ka, hindi lang ikaw ang mapapahamak. Masisira ang lahat ng pinaghirapan natin. Gagawa tayo ng iba pang paraan, na maiisip nilang patay ka na."
Masakit para kay Adrian—o Denmark, kung paano na siya tinatawag ngayon, ang hindi man lang makita ang kanyang ama sa huling hantungan nito. Pero sa puntong iyon, isa lang ang malinaw sa kanya, hindi pa tapos ang laban.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top