CHAPTER 19
"Mrs. Selma, natulungan ko na sa project sina Dayne at Chelsea, nalinis ko na rin ang kuwarto ninyo," bungad ni Lia kay Mrs. Selma habang nagbabasa ito ng magazine sa pool area.
Iniangat ng ginang ang tingin kay Lia.
"Magtatapon ka pa ng basura at ipuwesto mo sa frontgate para ma-pickup na mamaya," sagot ni Mrs. Selma at mas tumalim ang tingin niya kay Lia. Ilang saglit pa ay binitawan niya muna ang magazine at taas noong tumindig.
"Nakita ko na ang report card ni Chelsea, gusto muna kitang makausap sa labas. May bisita ang asawa ko eh," sabi pa ni Mrs. Selma at hinatak ang braso ni Lia palabas sa gate kung saan nakalagay ang mga basura. Walang pasabing itinulak niya doon si Lia kaya nasubsob ang mukha nito at nagalusan pa siya sa braso.
"Lia, very considerate ako sa'yo. In fact, pinagbigyan kitang hindi pumasok nang ilang araw dahil dyan sa lintek na pagiging active volunteer mo sa women's org. Pero sana naman gampanan mo ang trabaho mo bilang tutor ni Chelsea! Bakit pasang awa ang grades niya huh! Hindi mo ba tinuturo lahat ng lessons?" paangil na tanong ni Selma.
Natameme lamang si Lia at nag-isip ng palusot. Siya kasi ang madalas na pinagagawa ni Chelsea ng homeworks nito kaya paniguradong wala itong natutunan. Si Chelsea ay senior high school student pa lamang.
"Baka po may problema ang anak ninyo. Pero maniwala kayo sa'kin, matalino rin si Chelsea at nakikinig naman po—"
Napaigik si Lia at muling natumba dahil sa sakit ng sampal ni Selma. "Anong karapatan mong ipahiwatig na wala akong kwentang ina at hindi ko siya tinatanong sa problema niya? Huh!" paghuhuramentado ni Selma at halos pinigil niya lamang ang sarili na hindi hablutin ang buhok ni Lia. Napabuntong-hininga siya at padabog na ihinagis sa harap ni Lia ang garbage bags.
"Umuwi ka na Lia, at itapon mo na 'yan sa labas! My God, hindi ako pwedeng ma-stress dahil may bisita kami." Inirapan siya ni Selma at muling bumalik sa mansyon nito.
Gano'n ulit, halos pigilin na naman ni Lia ang pagluha niya habang isa-isang dinampot ang garbage bags upang ilagay sa front gate ng village. Without her knowledge, someone's staring at her secretly.
Matapos niyang ilagay sa tamang lagayan ang basura ay umalis na siya sa village. Papunta na siya sa malapit na terminal nang may bumusina habang siya ay naglalakad.
Agad naman siyang napalingon at huminto rin ang sasakyan. At gaya ng una nilang pagkikita, hindi na naman nabigo si Denmark na gulatin siya. Tumalikod siya uit at kumuha ng panyo sa sling bag para punasan ang luha sa mga mata. Nang makahuma ay hinarap niyang muli si Denmark. "Ikaw pala, tagarito ba ang nililigawan mo?" wala nang maisip na itanong si Lia at naiinis siya sa sarili nang dahil doon.
Hindi sumagot si Denmark at walang pasabing hinatak niya si Lia papasok sa kotse. Lia even tried to escape but Denmark already closed the car door beside her. Nang makasakay si Denmark sa loob ay ikinabit na niya kay Lia ang seatbelt.
"Ano ba 'tong ginagawa mo? Harassment ito!" Lia yelled. Umiling si Denmark at pinaandar ang sasakyan.
"Wala naman akong ginawa sa'yong masama kumpara sa pananampal ng babae sa'yo kanina," sikmat ni Denmark at mas binilisan pa ang pagpapatakbo sa minamanehong kotse.
"Nakita mo 'yon? Huwag mong sabihin na sinusundan mo ako?" natatakot na paniniguro ni Lia.
"Fyi, kung ikaw lang naman ang susundan ko, de bale nang mag-stay na lang ako sa bahay. You look boring," pang-asar ni Denmark nang hindi man lang pinapakita ang pagtawa.
"Boring?" tanong ni Lia.
"Yup. Boring, mukhang walang alam sa kama. As in— boring!"
Tila nagpantig ang tainga ni Lia sa nilabi ni Denmark kaya nasampal niya ito habang nagmamaneho.
"Ang kapal ng mukha mo!" angil ni Lia habang patuloy na hinahampas ang braso ni Denmark kaya hindi ito maayos na nakakapagmaneho.
Denmark decided to stop the car, mahirap na kasi at baka maaksidente pa sila dahil sa ginagawa ni Lia.
Nagniningas ang mga mata nito at parang gusto na siyang patayin sa pamamagitan lamang ng tingin.
"Ano bang gusto mong mangyari huh!" Napaiyak na si Lia dahil parang sasabog na siya sa sobrang inis niya kay Denmark.
"Ganyan, nagagalit ka. Para kang dragon pero kanina, sinasaktan at iniinsulto ka na, hindi ka man lang lumaban," pakli ni Denmark at inilapit ang mukha niya kay Lia."Sana kung gaano ka katapang sa'kin, ganoon ka rin sa mga taong tunay na umaalipin sa'yo! Sige sampalin mo ako ulit."
Lia wiped her tears and looked at the side mirror. "Hindi mo kasi alam, paano ko magagawang depensahan ang sarili ko eh may utang pa ako sa kanila? Hindi ko na nga alam kung paano ako makakapagbayad, dumarating na sa punto na gusto ko nang magbenta na lang ng katawan!"
litanya ni Lia habang hinihilot ang sintido. Nanghihina tuloy ang tuhod niya at wala nang lakas ng loob para bumaba sa kotse ni Denmark.
Denmark let out a deep audible breath. "Kung sino man ang walang dangal, sila 'yon na ginagamit ang salapi upang apakan ang mas mababa sa kanila— sila na walang awang umaalipusta ng kapwa. Tandaan mo 'yan Lia."
"Ano bang pinagkaiba mo sa kanila? Arogante ka rin namang tao," pang-uuyam na tanong ni Lia pagkatapos siyang magkaroon ng lakas ng loob na salubungin ang magagandang mata ni Denmark na may nais ipahiwatig.
"Umalis ka na sa lugar na 'yon," anang binata na hindi pa rin makuhang ngumiti.
Natahimik si Lia, hindi makapaniwala sa sinabi ni Denmark. Ang mga salitang binitiwan nito ay tila isang suntok sa buwan—isang bagay na hindi niya inakalang maririnig mula sa kanya.
"Fiancée na kita. Kaya susundin mo ako. Babayaran ko ang utang mo." Kinuha ni Denmark ang panyo at marahang pinunasan ang luha ni Lia. Kahit paano, ayaw niyang makita itong umiiyak, pero hindi niya rin kayang ipakita na may sarili siyang motibo sa lahat ng ito.
"Ano 'to, isang biro? Nagpapatawa ka ba, Denmark?" Napahagikhik si Lia kahit pa nanghihina siya sa pagod at emosyon. "Anong mapapala mo kung gagawin mo 'yan?"
Hindi agad sumagot si Denmark. Alam niyang hindi pa ito handang marinig ang tunay na dahilan. Ayaw niyang ipaalam kay Lia na may sarili siyang plano laban sa pamilya Rivas.
"Alam mong hindi ako nagbibiro." Malamig ang tono niya. "May utang ka sa kanila? Ako ang magbabayad. Pero kapalit nun, ikaw ang magiging fiancée ko."
Nanlaki ang mga mata ni Lia. "Denmark, alam mo bang parang binibili mo lang ako sa sinasabi mo?"
"Kung gusto mong isipin 'yan, bahala ka." Pinagmasdan ni Denmark ang mga matang may bahagyang poot. "Pero mas gusto mo bang manatili sa bahay na 'yon? Pahintulutan silang ituring kang katulong kahit tutor ka lang dapat? O mas gusto mong lumaya?"
Napasinghap si Lia. Hindi niya alam kung paano sasagutin ito. Sa totoo lang, gusto niyang makalaya, gusto niyang umalis. Pero hindi siya makapaniwalang si Denmark ang nag-aalok ng daan palabas.
"Pero... bakit ikaw? Bakit mo ginagawa 'to?" Nanginginig ang boses niya.
Hindi sumagot si Denmark. Alam niyang hindi ito ang tamang oras para sabihin ang tunay niyang dahilan—na may paghihiganti siyang gustong gawin sa pamilya Rivas. Hindi ito tungkol sa awa lang kay Lia. It was more than that.
"May iba pa akong dahilan. Pero sa ngayon, Lia, ito lang ang dapat mong malaman—hindi kita pababayaan."
Nanatili silang tahimik sa loob ng sasakyan. Nakatitig lang si Lia sa kanya, tila sinusuri kung nagsasabi ba ito ng totoo.
"Isipin mo na lang 'to, Denmark," napabuntong-hininga si Lia. "Fiancée mo? Hindi mo naman ako mahal. Hindi kita mahal. Wala itong patutunguhan."
Denmark smirked. "Bakit? Gusto mo bang matuto ako na mahalin kita?"
Halos mapasigaw si Lia sa sagot nito. "Denmark!"
Tumawa si Denmark nang bahagya, pero halata sa dalaga na seryoso siya sa alok niya. "Okay, okay. Hindi mo pa kailangang sumagot ngayon. Pero isang araw, Lia, tatanggapin mo rin ang alok ko. At kapag dumating ang araw na 'yon, huwag mong sabihin na hindi kita binalaan."
Habang ini-start ni Denmark muli ang kotse, hindi mapakali si Lia. May kung anong kaba sa dibdib niya—hindi lang dahil sa alok nito, kundi dahil sa kung anong maaaring mangyari sa kanila pagkatapos nito.
At ang pinaka-kinatatakutan niya? Baka isang araw, hindi na lang ito isang kasunduan. Baka mahulog siya sa isang taong hindi naman nararapat sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top