CHAPTER 17

Lumipas ang ilang oras at matagumpay namang naisagawa ang storytelling at feeding program sa org. Isa-isang pinasalamatan nina Lia at Lyn ang volunteers sa araw na iyon. Nagligpit din sila kaagad ng mga bagay na tapos nang gamitin bago magsiuwian.

"Sa susunod ulit na program, salamat Mr. Ozdemir sa paghatid ng volunteers pati na rin sa goods kanina," sabi pa ni Lyn bago pumasok sa kotse si Denmark. Tipid naman itong ngumiti. "Saan magpupunta ang mga bata pagkatapos nito?"

"Sa dorm ng college students sa bayan, pupunta kami doon kasama ko si Lia," tugon ni Lyn at nagmasid-masid sa paligid upang hanapin si Lia. "Nasaan na kaya 'yon?"

Tumikhim lamang si Denmark. "Sige. Mag-iingat kayo."

"Ah okay sige Mr. Ozdemir, salamat ulit."

Nang makaalis na ang kotse ni Denmark ay pumasok ulit si Lyn sa headquarters upang hanapin si Lia. Naabutan niya itong may kausap sa telepono.

"Sige po Mrs. Rivas, pasensiya na at hindi ako nakakapasok sa mansyon. Busy lang po kasi sa org. Pero tumutupad naman po ako sa usapan."

Naulinigan ni Lyn ang mga sinabi ni Lia sa kausap nito. Napailing na lang siya at saka siya nagpakita nang ibaba ng kaibigan ang phone nito.

"Nagagalit na naman sa'yo ang bruha?"

"Ano pa bang bago? Kasalanan ko rin, hindi ako nakapagsabi sa kanya," sagot ni Lia at napakamot sa ulo.

"Magkano pa ba ang utang mo sa kanila?"

"100 thousand pa. Kung pumasok sana ako nang buong isang buwan, mababawasan 'yon ng 15 thousand," nanghihinayang na pag-amin ni Lia.

Napabuga ng hangin si Lyn. "Grabe naman kasi, walang konsiderasyon ang pamilyang 'yan. Alam naman nila na wala ka nang magulang at hindi ka makapag-full time job dahil kailangan mong mamasukan sa kanila para mag-tutor sa anak niya at maging katulong sa kanila."

"Ano pa bang magagawa ko? May utang na loob pa rin ako sa kanila. Sila rin kaya ang nagpautang sa'min noon."

"Kung mayaman lang ako, natulungan na kita." Nagpakawala ulit ng malalim na buntong-hininga si Lyn. "Lia, tara na. Abutin pa tayo ng dilim sa daan. Naghihintay na sa van 'yong driver na maghahatid sa mga bata."

"Oo nga pala. Pasensiya na." Nagmamadaling isinukbit ni Lia ang backpack. Minabuti muna niyang nakakandado na ang lahat ng pinto sa headquarters bago sila pumasok sa van ni Lyn.

Tahimik ang lahat habang binabagtas ang daan papunta sa highway. Bigla namang huminto pansamantala ang sasakyan. Napansin ni Lia ang pag-iling ng driver dahil nasa front seat din naman siya nakapuwesto.

"Bakit po? Anong problema?" tanong niya.

"Kumatok 'yong makina eh. Paano kaya ito? Wala akong tools." The driver looks so worried about the slight mishap.

"Tatawagan ko lang si Mr. Ozdemir, baka matulungan ako."Kinuha ng driver ang telepono niya sa dashboard, tinawagan niya si Denmark at sumagot naman kaagad ang binata.

"Sir, baka pwedeng matulungan mo ako? Dito pa kami sa diversion road bago mag-highway. Mga limang kilometro na lang sana eh nasa high way na kami kaso kumatok ang makina eh. Baka puwedeng magpa-transfer ako ng mga sakay para lang makarating sa dormitoryo," saad ng driver.

Ilang saglit pa ay ngumiti naman ito, marahil sa magandang response mula sa kausap, kalauna'y natapos din ang pag-uusap ng dalawa.

"Bakit po si Denmark ang hiningian n'yo ng tulong?" nagtatakang tanong ni Lia.

"Kasi may background sa mga piyesa ng sasakyan 'yon si Mr. Ozdemir, nagmekaniko na siya dati at siya rin ang umayos ng delivery truck na dapat magdadala ng pagkain kanina. Si Mr. Ozdemir na ang naglipat ng mga pagkain sa kotse niya tapos ginawa niya rin ang sasakyan ng delivery driver. Ang bait nga eh, hindi na naningil tapos nag-abot pa ng kaunting tulong," nakangiting salaysay ng driver at ikinatuwa naman iyon ni Lydia.

"Ang bait pala ng pamangkin ni Mrs. Sonya, di ba Lia?" nakangising tanong ni Lyn. Napilitang ngumiti si Lia at tumango-tango na lang.

Sa loob-loob ni Lia, humahanga na siya sa simpleng "act of kindness" ni Denmark pero hindi ibig sabihin no'n ay mababago na nito ang hindi magandang impression niya sa lalaki.

"Sabi ni Mr. Ozdemir, pupunta na siya pagkatapos niyang mahatid ang staffs niya. Magpapadala na lang daw siya ng isa pang sasakyan na maglilipat sa staffs," anang driver.

"Mabuti kung gano'n, madiskarte pala si Mr. Denmark," komento pa ni Lyn.

Sampung minuto lamang ang hinintay nila at dumating na nga ang sasakyang minamaneho ni Denmark. Lumiwanag ang muha ng pobreng driver at magiliw na sinalubong ang binata.

"Pasensiya na talaga sa abala Mr. Ozdemir," mapagpakumbabang wika ng driver.

Tipid na ngumiti si Denmark as he doesn't really like to be formal when talking to an ordinary employee. "Denmark na lang po ang itawag ninyo sa'kin."

"O-okay Denmark," kibit-balikat na tugon ng driver. Bumaba naman sina Lia at Lyn sa sasakyan para i-guide ang mga batang ililipat sa kotse ni Denmark.

Matapos maglipat ng mga pasahero ay ibinigay ni Denmark ang susi ng kotse sa driver, dahilan kung bakit rumehistro sa mukha nito ang lubos na pagtataka. "Denmark? Bakit mo binigay ang susi?"

"Kayo na muna ang magmaneho papunta sa dorm, kabisado mo naman ang daan di ba?"

"Pero Denmark, baka kasi masira ko ang sasakyan mo. Mukhang mamahalin pa naman—"

"Don't worry, kung masira man hindi ako maniningil. Kung gamit lang ang nasira, napakadaling ayusin. Mas maiging maningil sa mga taong nananakit ng damdamin at sa mga taong mahilig magsinungaling. Tama po ba ako?" May ibig patamaan si Denmark habang nilalabi iyon at alam niyang narinig ni Lia.

"Tama ka nga sa sinabi mo. Salamat talaga."

Hinugot muna ni Denmark ang wallet sa kanyang bulsa at inabot ang one thousand bill sa driver.

"Para saan naman ito?"

"Pangmeryenda ninyo. Mag-ingat kayo huh?" habilin ni Denmark.

Lumapad ang ngiti ng driver at halos maiyak na sa tuwa. "Naku Denmark, sobra-sobra na ang ginawa mong tulong. Hindi mo naman kailangang gawin ito."

"I have to. Masyado nang inconvenient sa inyo ang delay dahil nasira ang sasakyan ninyo. Ako nang bahalang umayos dito. Saglit lang naman gumawa ng makina."

"Sige, mag-iingat ka rin. Lia at Lyn, pasok na sa loob," sabi pa ng driver. Sumunod naman kaagad ang dalawa ngunit natigilan sila nang biglang magsalita si Denmark.

"Maiwan ka muna Lia," utos ng binata.

Napalingon si Lia at tiningnan nang masama si Denmark. "Bakit ako?"

Siniko naman kaagad ni Lyn si Lia. "Huwag ka nang umangal baka need niya ng tagatutok ng flashlight sa makinang aayusin."

Napilitang ngumiti si Lia. "Sige, mag-iingat kayo papunta sa dorm."

***

"Inconveniences seemed like bringing us closer."

Halos mapatigil sa paghinga si Lia nang marinig ang mapanuksong tinig ni Denmark. Dapat ay inaayos na nito ang makina ng van, pero sa halip, binuksan nito ang pinto ng kanyang sasakyan at marahan siyang itinulak papasok.

"Ano bang ginagawa mo? Ayusin mo na ang makina!" inis niyang sabi habang pilit na lumabas, ngunit mabilis na nasaraduhan ni Denmark ang pinto at kaswal na tumabi sa kanya sa loob.

"I need a moment to stare at my fiancée," anito habang nakasandal sa upuan at nakapamulsa.

Napairap si Lia at pilit umiwas sa titig ng binata. "Denmark, wala tayo sa laro mo ngayon. Kung gusto mong sirain ang sasakyan mo, gawin mo. Basta ako, aalis na."

Inabot niya ang door handle para buksan ang pinto, pero mas mabilis ang kamay ni Denmark sa pagharang dito.

"Bakit ba lagi kang nagmamadaling lumayo sa akin?" tanong nito, bahagyang nakayuko upang mas lalong mapalapit sa mukha niya.

Muling umirap si Lia. "Bakit ba gusto mong lagi akong nasa tabi mo?"

Ngumiti si Denmark, isang nakakalokong ngiti na tila ba alam na niya ang sagot sa kanyang sariling tanong. "Because, my dear fiancée, you are the most interesting inconvenience in my life."

"Tumigil ka na nga sa pagtawag sa akin ng fiancée!" sigaw niya, pero hindi siya pinansin ng binata.

Sa halip, inilapit nito ang mukha sa kanya, halos magdikit na ang kanilang mga ilong. "Kailan ka titigil sa pagtanggi, Lia?"

Napalunok si Lia. Hindi niya alam kung dahil ba sa kaba o sa inis. Pero isang bagay ang sigurado—hindi niya gusto ang paraan ng pagtitig ni Denmark sa kanya. O baka naman... gusto niya talaga?

"Denmark, ayusin mo na ang makina. Hindi tayo pwedeng—"

Hindi niya naituloy ang sasabihin nang biglang hinaplos ni Denmark ang pisngi niya gamit ang daliri nito.

"You always look away, but your eyes tell me a different story," bulong nito.

Napalunok ulit si Lia. Bakit parang hindi siya makahinga? Bakit parang bumibigat ang paligid tuwing napapalapit ito sa kanya?

"Bakit ba napaka-arogante mo?" asik niya, pilit na binabalik ang dating sigla ng kanyang boses.

Ngumiti lang si Denmark. "Bakit ba lagi kang defensive?"

Muli niyang sinubukang buksan ang pinto, pero naramdaman niyang mahigpit na ang pagkakahawak ni Denmark sa kanyang kamay.

"Denmark!" babala niya.

"Hmm?"

"Bitawan mo ako."

Umiling ito. "Not until you admit that I make your heart race."

Nang mas lalong mapikon si Lia, hindi na niya napigilan ang sarili, dinagukan niya si Denmark sa balikat. "Ang kapal ng mukha mo! Mag-ayos ka ng sasakyan o tatawagin ko ang driver pabalik!"

Natatawang hinaplos ni Denmark ang sariling balikat na tinamaan. "Sige na, sige na. I'll behave. Pero tatandaan mo ito, Lia—hindi ka na makakatakas sa akin."

At sa unang pagkakataon, hindi alam ni Lia kung paano siya tutugon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top