CHAPTER 16
Napapitlag si Lia nang bumalik siya sa reyalidad. Naputol ang kanyang malalim na pag-alala kay Adrian nang isang alaala ang biglang sumulpot sa kanyang isip—ang birthmark sa likod ni Denmark.
Nakita niya iyon nang hindi inaasahang nagkasalubong sila sa restroom ng mansyon. Nakahubad ang pang-itaas ng binata, tanging twalya lamang ang nakatapis sa kanyang baywang. Noong una, hindi niya ito binigyan ng malalim na kahulugan, pero ngayong naalala niya ulit ang birthmark ni Adrian noong kabataan nila, hindi na niya kayang ipagkaila ang katotohanang sumisigaw sa kanyang isipan—si Denmark at si Adrian ay iisa.
Habang mas pinagmamasdan niya ang birthmark noon, hindi niya napigilang mapako ang tingin sa matipunong katawan ni Denmark na nakatalikod sa kanya. Napalunok siya, pilit na itinatanggi sa sarili ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso kapag naalala niya ang gano'n nilang tagpo. Para bang intensyonal siyang tinutukso ng binata, parang sinasadya nitong lituhin siya.
At hindi lang iyon—lalo siyang naguluhan nang maalala niya ang mga halik nito. Hindi lang ang una nilang halik ang sumagi sa kanyang isip, kundi pati ang halik na nasundan pa sa charity gala. Ang init ng labi nito, ang paraan ng paghawak nito sa kanya—lahat ng iyon ay nakaukit na sa kanyang alaala, parang isang sumpang hindi niya matanggal. At ang pinakagumulo sa damdamin niya ay ang pagtanggap niya sa proposal nitong magpakasal silang dalawa.
Napapikit siya, habang pilit nilalabanan ang emosyon. Ang kasunduang iyon daw ay para naman sa kanya, para mabayaran niya ang utang niya kay Selma. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso, may ibang dahilan kung bakit hindi siya tumanggi. Kahit anong tanggi niya, gusto niyang maramdaman ang bagay na iyon—ang bagay na higit pa sa halik. At iyon ang pinakamalaking delubyo na maaaring bumalot sa kanyang puso.
***
"Dumating na ba ang mga bata?" tanong ni Lia sa isa niyang kasamahan sa org. Ngayon kasi ang nakatakdang feeding program at storytelling sa mga batang anak ng kababaihang biktima ng pang-aabuso. Pansamantala nilang kinupkop ang mga bata habang sumasailim pa sa therapy ang mga magulang nila. It wasn't easy as they think, kaunti lang ang manpower ng org at iilan lamang ang volunteers na dumating.
"Nandyan na sila, nailista ko na rin ang mga pangalan," tugon ng kasamahan ni Lia bago ito nagpatuloy sa paghahanda ng pagkain para sa mga bata.
Naging abala rin si Lia sa pag-aayos ng upuan sa silid na gagamitin upang mapakain ang mga bata. Bigla niyang naalala na kulang na rin pala ang stocks ng pagkain at may naka-schedule na delivery sa kanilang headquarters ngayong araw.
"Teka, matawagan nga ang courier." Kinuha niya ang cellphone at idinial ang number ng delivery driver. Sumagot naman ito kaagad.
"Ms. Lia, nasiraan kasi kami. Pero na-transfer na namin ang goods. Kinuha na ng isa sa mga volunteer. Pasensiya na at hindi kami nakapag-update kaagad dahil nireremedyuhan namin ang van kanina pero malapit na kami," paliwanag ng driver.
"Okay, sige. Medyo maaga pa naman, hihintayin ko na lang dito. Salamat at mag-iingat kayo." Pagkatapos tumawag ay lumabas muna ng silid si Lia upang mag-head count na lamang ng mga bata habang wala pa naman ang hihihintay niyang stocks.
"Okay, mga bata. Ang tatawagin ko ay lumapit sa harap," anunsyo niya at tumalima naman ang lahat, nakuha niya ang atensyon ng mga ito. Pero hindi pa siya nakakapagsimula, may dumating na isang sasakyan sa tapat ng headquarters. Baka iyon na nga ang volunteers na sumalo ng delivery. Siya na mismo ang sumalubong sa kotse nang maka-park na ito. Sa driver's side siya pumwesto.
Tinted ang sasakyan at hindi naman kaagad nagbukas ng car door ang diver kaya napilitan so Lia na katukin ang bintana ng kotse at bumukas naman ang shield nito. And unexpectedly... Her world stopped again, as she recognized the driver's face. Kung gano'n totoo nga ang sinabi ni Mrs. Sonya na willing tumulong ang pamangkin nito sa org.
"Magandang umaga," alanganing bati ni Lia kay Denmark. "Hindi umimik ang lalaki at matalim na namang tingin ang pinupukol sa kanya habang nagsasalubong ang makapal nitong kilay. He was so unpredictable. Kagabi lang, pinaramdam nito sa kanya na sobrang mahalaga siya at siya na ang pinakamaganda sa buong mundo, pero ngayon? Umaarte na naman ito n parang hindi siya kilala.
"Itatanong ko lang sana kung kayo ang may dala ng pagkain para sa mga bata?" Napilitan tuloy siyang magtanong dahil hindi naman siya nito kinibo, para tuloy may nagawa siyang mali o sadyang galit lang talaga ito sa kanya sa 'di malamang dahilan.
Tumango lang si Denmark at bumaba sa kanyang kotse. Lulan din pala ng kotse niya ang ilang volunteers at abogadong kakalap ng ebidensya para sa isasampang kaso ng mga biktimang dumudulog sa women's org.
"Nasa compartment, no need to help them kaya na nilang ibaba 'yan," sagot pa ni Denmark. Mabilis siyang umalis sa kotse at pumasok na sa opisina ng org. Lia were left speechless and felt quite uneasy. It was— awkward.
Hindi makapaniwala si Lia na biglang susulpot si Denmark sa feeding program nila. Akala niya ay nagbibiro lang si Sonya nang sabihing willing itong tumulong sa kanilang organisasyon. Pero heto siya ngayon, kasama ang ilang volunteers at abogado—isang indikasyon na hindi lang basta laro ang ginagawa nito.
***
Nagsimula nang dumami ang mga bata sa loob ng hall. Ang ilang volunteers ay abala sa paghahanda ng pagkain at pag-aasikaso sa kanila. Ngunit bago pa tuluyang magsimula ang programa, biglang lumapit si Denmark kay Lia at kinuha ang pagkakataong makausap siya nang masinsinan. Pinagmasdan siya nito nang mabuti, saka may mapanuksong ngiti na bumungad sa labi ng binata.
"How's your sleep last night, my fiancée?" bulong nito, sapat lang para siya lang ang makarinig.
Nanlaki ang mga mata ni Lia at mabilis siyang lumingon sa paligid. Mabuti na lang at abala ang lahat.
"Denmark, ano ka ba?" inis niyang bulong pabalik. "Nakakahiya! Ang lapit mo. Makikita ka nila! Nakalimutan mong may mga bata rito!"
Pero hindi natinag si Denmark. Sa halip, mas lalo pang inilapit ang sarili sa kanya. "So what?" anito, "This charitable activity was also possible because of me."
Sinamaan siya ng tingin ni Lia. Alam niyang hindi dapat siya magpapadala sa panunukso ng binata, pero bakit parang nasasanay na siya sa presensiya nito?
Itinulak niya ito nang marahan palayo. "Kung nandito ka para lang mang-asar, umalis ka na lang."
Ngunit hindi umalis si Denmark. Sa halip, tinignan siya nito nang seryoso. "Nandito ako para tumulong. At nandito rin ako para bantayan ka."
Nagpanting ang tenga ni Lia. "Bantayan ako? Para saan?"
"Para siguruhing hindi ka mapapahamak," sagot nito na parang may ibang kahulugan. "You don't know how dangerous this job is, Lia. Alam mo ba kung anong klaseng mga tao ang nakabangga ng organisasyong ito?"
"At ano naman ang alam mo?" tanong niya, hindi makapaniwala na tila mas alam pa ng binata ang sitwasyon kaysa sa kanya.
Tumawa nang mahina si Denmark at lumapit ulit. "More than you think, fiancée."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top