CHAPTER 12

Muling bumalik sa kasalukuyan si Carlos.

Tiningnan niya si Denmark, o dating si Adrian—na ngayon ay isa nang matikas at matalino, na parang tunay na bahagi na ng pamilya nila. Sa likod ng malamig nitong ugali at tusong ngiti, alam niyang may bahid pa rin ng hinanakit sa puso nito. Alam niyang hindi lang ito naghihiganti para sa kanya. Naghihiganti rin ito para sa sarili nito.

Ngunit ngayon, may isang problema—si Lia. At alam niyang kung hindi pipigilan si Denmark, baka mawala ito sa landas nila. Kaya kailangan niyang tiyakin na hindi na muling malilihis ang plano.

Matalim ang titig ni Carlos kay Denmark. "Huwag mong kalimutan kung bakit tayo nandito."

Tahimik lang si Denmark. Hindi siya sumagot.

Pero sa loob-loob niya, alam niyang kahit anong gawin niya, hindi niya basta-basta matatalikuran ang isang babaeng pilit niyang nilalapitan. Siya na mismo ang naglunod sa sarili niya sa isang panganib na siya rin ang may kagagawan.

***

Pagkauwi ni Lia sa bahay, hindi siya mapakali. Pilit niyang itinutulak palayo ang alaala ng nangyari, pero paulit-ulit iyong bumabalik—ang mainit na halik ni Denmark, ang paraan ng paghawak nito sa kanya, at ang hindi maitatangging kilabot na dumaloy sa kanyang katawan.

Iyon ang una niyang halik, at kahit pa marahas, may kung anong haplos iyon sa kanyang puso. Hindi niya dapat nararamdaman ito. Hindi dapat siya naguguluhan. Pero ang mas malaking tanong—bakit tila pamilyar ang lahat?

Parang may bahagi ng kanyang pagkatao ang gustong sabihin sa kanya na kilala niya na si Denmark. Na si Denmark... at si Adrian ay iisa.

Napailing siya. Imposible. Nawala si Adrian, maraming taon na ang nakalipas. Hindi ba't sinabi rin ni Sonya na si Denmark ay mula sa Turkey? Pero paano kung may itinatago sila? At kung ganoon nga, bakit siya ang target ni Denmark?

Pagkahiga niya sa kama, pilit niyang ipinikit ang mga mata, pero bumabalik pa rin lahat ng alaala kanina. Nakagat niya ang labi niya.

Bakit hindi ko ito matanggal sa isip ko?

Hindi ito tama. Hindi siya dapat naaapektuhan. Si Denmark ay tila isang estrangherong bigla na lang pumasok sa buhay niya—misteryoso, mapanganib, at alam niyang may ibang motibo.

Pero bakit tila may bahagi ng kanyang puso na nagsasabing hindi siya iba?

Muli rin niyang naisip si Adrian. Bata pa sila noon, pero hindi niya malilimutan kung paano ito ngumiti, kung paano ito tumingin sa kanya nang may pangakong babalik ito. Pero hindi ito bumalik dahil nga namatay na ito kahit ayaw niyang paniwalaan na iyon ang katotohanan.

At ngayon, may isang lalaking nagngangalang Denmark. Kahit pilit niyang pinapaniwala ang sarili niyang hindi ito si Adrian, hindi niya maiwasang makaramdam ng pagdududa.

At kung may itinatago nga ito, ano ang dahilan?

'Kailangan kong malaman ang totoo.'

Huminga siya nang malalim. Hindi siya pwedeng basta na lang malunod sa damdaming bumabalot sa kanya. Hindi siya pwedeng mahulog sa isang lalaking hindi niya lubos na kilala. Ngunit paano kung ito lang ang paraan para malaman niya ang katotohanan?

Napangiti si Lia. Isang matapang at mapanganib na plano ang pumasok sa kanyang isipan. Makikipaglaro siya kay Denmark. She will try to match his intensity.

***

Sa mga sumunod na araw, mas naging determinado si Lia. Kung kinakailangan niyang makipaglaro kay Denmark, gagawin niya. Nagpatuloy siya sa pagbisita sa mansyon nina Sonya.

Patuloy niyang dinadala ang mga bulaklak sa hardin, nag-aabot ng mga dokumento para sa volunteerism project, at nagkukusa pang mag-alok ng tulong sa mga charity works na hawak ng pamilya.

Alam niyang pinagmamasdan siya ni Denmark. At kung may isang bagay na natutunan niya sa lalaking iyon, ito ay ang pagiging mapagmatyag nito.

Sa tuwing nasa loob siya ng mansyon, ramdam niya ang mga tingin ni Denmark—malamig, tila inaalam ang bawat kilos niya. At ganoon din siya. Laro kung laro.

Hanggang isang araw, nagtagpo ulit ang landas nila. Nasa likod-bahay siya ng mansyon, tinutulungan ang isang hardinero na ayusin ang mga halaman, nang biglang dumating si Denmark. Naka-black shirt ito na bahagyang nakabukas ang ilang butones, at kahit anong pilit niyang iwasang tumitig, hindi niya napigilan ang sarili.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig ang tono ni Denmark.

Napangiti si Lia. "Nag-aalaga ng hardin, hindi ba halata?"

Umangat naman ang isang kilay ng binata. "Ngayon isa ka na rin bang naging gardener?"

"Bakit, bawal ba?" Tumayo siya at pinagpag ang kamay sa laylayan ng kanyang palda. "Besides, gusto kong maging involved sa projects ng pamilya ninyo. May problema ba doon, Denmark?"

Sa halip na sumagot, tumikhim ang binata at lumapit sa kanya. Sa bawat hakbang nito ay parang may dinadalang alon ng tensyon sa pagitan nila.

"Huwag mong isipin na hindi ko nakikita ang ginagawa mo," mahinang sambit ni Denmark, ngunit may lalim ang tinig. "You're trying to get close to me."

Napatitig siya rito. Imbis na magpatalo, pinigilan niya ang pagbilis ng tibok ng puso at pinakitang hindi siya madaling ma-intimidate. "Paano kung tama ka?"

Ngumiti si Denmark, pero hindi iyon simpleng ngiti. May bahid ng panunukso, pero sa ilalim noon, may kung anong misteryo.

"Then be careful, Lia," anito. "Because once you step into my world... you might never get out."

Hindi natinag si Lia sa hamon ni Denmark. Sa halip, mas lalo siyang naging mapanukso. "Paano kung gano'n pala ang gusto ko? Na pasukin ang mundo mo?"

Hindi siya sanay sa ganitong laro, pero dahil may gusto siyang patunayan, kailangan niyang panindigan ito. "Pwede bang hindi mo na ligawan ang babaeng nagugustuhan mo at ako na lang ang pagtuunan mo ng pansin?"

Nakita niya ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Denmark bago ito ngumiti. Isang mapanganib na ngiti—tila nasisiyahan sa hamon na ibinigay niya.

"Game on."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top