#AFGITMOLFM (last a/n)


IT. IS. DONE. FINALLY.

012522

2019 ang taon nung naisip kong i-revise ang AFGITMOLFM. 

to be honest, nung nawala ako sa wattpad world dahil nagkaroon ako ng maraming ganap sa layf nung 2017, nawalan na ako ng pakialam sa wattpad.

lumalayo na ako sa mundo ng fiction writing. and it sucks.

isa sa mga dahilan kung bakit napapalayo na ang loob ko dahil sa namumuong hatred sa comment section xD -- ewan ko ba, nung dumami ang readers ng afgitmolfm, dumami rin ang spoilers. dumami ang mga nagko-comment ng mga spoilers. tapos andami ring nagmumura sa characters dahil lang sa nagkamali sila.

ang toxic, beshy. ayoko nuah.

then i decided nga nung 2019, enough is enough. ayoko na magpatapak sa mga readers. porke't binabasa nila ang story ko, hahayaan ko na sila magkalat ng toxicity sa mismong page ko?

i decided to unpublish all of afgitmolfm's part para mawala na lahat ng comments.

may mga spoilers pa rin. may mga may anger issues pa rin na binibigay sa characters. pero imbis na isawalang-bahala tulad ng ginawa ko noon, nagwa-warning na ako. kapag sumobra na, diretso mute.

i want a clean readers community. (and nakuha ko naman ngayon. yay) 

isa rin sa dahilan kung bakit wala na akong paki sa afgitmolfm wattpad version kasi andami nang nagbago talaga sa story. mas gusto ko ang book version, ito na ang gagawin kong official.

so ayern, book version na itong nababasa ninyo.

kinalimutan ko na ang nakaraan xD

pero imbis na post lang ang gawin, nag-edit din ako. napansin ko kasing marami pa ring hindi nagme-make sense sa book version hahaha so i tried editing them a bit. onti lang naman. but better kasi talaga.

pero hindi rin masabing super better. saktong better, ayan xD

nung pandemic, binalak kong ituloy-tuloy ang update hanggang ending. kaso, sa mga naghintay nung ongoing ito, by chapter 46 -- natigil ako. FOR 1 WHOLE YEAR. mapapansin ito sa chapter 46 kasi andaming reads. ibig sabihin, pabalik-balik yung mga naghihintay ng update. naipon sila doon.

(huhu sorry and thank you!)

but na-realize ko kaya natigil ako ay dahil sa nawala talaga ako sa wisyo sa pagsusulat.

from scratch ang chapter 47 . . . at dahil from scratch yong chapter, hindi ko na alam kung ano ang susunod. hindi ko mahanap yong voice. walang scene na pumapasok sa akin. nahirapan talaga ako. 

hindi ko namalayan, 1 year na ang nakalipas.

nabalik ang confidence ko sa storytelling ng fiction stories noong natapos ko ang isang epistolary novel nitong 2021 -- siklab na may sakdal laya (check my profile to read!) -- ito yong naging turning point ko sa buhay na nag-spark sa pagkagusto ko ulit sa fiction stories.

kaya nung 2021 din, i was decided.

isusulat ko na ang bottleneck na chapter 47 at tatapusin ko this 2022 ang afgitmolfm (dapat nga 2021, kaso di ko kaya haha).

january 1, i started writing chapter 47 . . . and then i wrote . . . and wrote. . . and wrote . . . and deleted a lot.

 it's not working, mga beshy. 1 week akong nagsulat nang nagsulat for just 1 chapter.

ang hirap makabalik.

ibang tao na ako.

i wanted to give up. D:

dito ko na-realize na afgitmolfm is not the story i wanted to write now. hindi na ako ang 16 years old na nakaisip ng plot twist ng story. hindi na ako ang 19 years old na nagrewrite ng story para maayos ang wattpad reading. hindi na ako ang 20 years old na nag-overhaul ulit para sa book version.

28 years old na ako, mag 29 this year (2022).

iba na ang mga paniniwala ko sa buhay.

iba na ang klase ng stories na gusto ko isulat.

iba na ang writing style ko, ang storytelling ko in general.

ang hirap na makabalik kay ianne, art, at nate na 2009 pa sinulat.

dati, friendster lang 'yong pinag-uusapan. wala pang emoji noon.

ngayon, hindi na alam ng iba ang friendster. ginagamit na rin ang emoji kahit sa professions.

andami na nagbago talaga.

pero pinush ko pa rin. kahit na ubos na ubos ako, sinubukan ko pa rin hanggang sa ilang rewriting, delete, add ang ginawa ko sa chapters at nagawa ko na nga ang chapter 47 onwards.

inayos ko ang mga tingin kong need ng major ayos pero the rest, hinayaan ko na. kapag kasi pinush ko pa nang pinush ang rewriting, mawawala na ang essence ng afgitmolfm noon.

i needed to stop before i ruin afgitmolfm. so stop, i did. 

hinayaan ko na ang kabuuang kwento as it is.


ngayon ko lang na-realize, ang AFGITMOLFM (2019 version) ay collaboration ng mga ss:

● 16 yrs old self ko (creative corner version)

● 18 - 19 yrs old self ko (wattpad version)

● 20 yrs old self ko (book version)

● 26 - 28 yrs old self ko (this version)

anuna, self? nabaliw ka na ba? xD


honestly, i don't think makakabalik pa ako ulit sa pagre-revise ng afgitmolfm if ever sa future. i don't think babalikan ko pa ito ulit. siguro babalik as a reader na lang, pero not as a reviser or rewriter. hindi ko na kaya. hindi na ito ang story for me.

but this story is for you -- who's new to my writing. who likes teen fiction. who is into nostalgic high school stories.

para ito sa dating ako, na nagtamang trip lang sa pagsusulat. at dahil sa story na ito, andami kong nakamit. andami kong nagawa. andami kong nasulat pa. andami kong na-meet. andito ka, binabasa itong note.

2017, ito ay excerpt ng A/N ko nung unang natapos ko ang AFGITMOLFM sa wattpad:

ito yong a/n ng author na gusto lang isulat ang kwento sa wattpad para mabasa ng marami. hindi niya alam na magiging libro ang story niya. hindi niya alam na magkakaroon ito ng tv movie. hindi niya alam na magkakaroon ng million reads ang story niya. hindi niya alam na dahil sa story niyang ito, maraming friendship na nabuo.

hindi rin niya alam na ire-revise ng future self niya ang afgit kasi hindi pala okay ang version na nirewrite niya xD

kung mapapansin, nilapag ko as 'sub title' sa part 1 at 2 ang ephoria at nostalgia.

kasi yon ang mga salitang nagde-describe ng afgitmolfm para sa akin. this was my happiness. this is my memory.

at tulad ng nilagay ng 2017 self ko sa a/n,


watch this music video kung bet mag-soundtrip (kasi ang ganda ng kanta huhu + the visuals HUHU!! ako nag-edit nito kasi fangirl ako nito hu hu): SPOILER ALERT!!!

https://youtu.be/BQPfCtEwfOs

do not watch if iba-bash lang, oki?


thank you, agan and again and again, for holding afgitmolfm's hands through the years.

~ rayne (pilosopotasya)


ps: tatapusin ko muna ang #YChronicles (epistolary series) before uncensored. tenkyow.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top