50-B [ afgitmolfm ]
Ang daming taon na rin ang nakalipas.
Sa hindi kalayuan, may sariling mundo sina Cloud at Erin. Pati ang anak nilang si Ai na fourteen years old, may sariling mundo sa pagte-text.
Nandoon din sina Humi at Toto na isa sa mga tatlong itlog na kabanda ni Nate noon. Napapangiti ako sa tuwing nakikita ko sila dahil para pa rin silang mga bata. May baby na sa tiyan ni Humi.
Hindi nawala ang Lem-Lem couple na may kambal na anak. Si Lemica at Lemiro. Ang tawag ko na sa kanila ay Lem-Lem family.
Si Kuya Eos, masaya na siya dahil tulad ko, nakamit na rin niya ang kasiyahan niya kasama ang asawa niya at tatlong anak. 'Yong isa, magde-debut na, 'yong isa, magka-college na at 'yong isa, pa-graduate na ng high school.
Ang mga kaibigan kong sina Maria at Sunny ay sa ibang bansa na nagtatrabaho. Si Joy ay naging food critic at si Merry ay nakapangasawa ng isang Chef sa Dubai.
Nakausap ko rin si Ellaine. May asawa na siya at anak. Natatawa nga ako nang balitaan niya akong 'Art' ang pinangalan niya sa anak niya. Kahit may asawa na, fangirl pa rin siya ni Art.
Si Leah? Sana . . . sana masaya na siya kung nasaan man siya ngayon.
Close the door, lay down upon the floor
And by candlelight, make love to me through the night
"Parang dati lang, ang liit pa niya, ano?" Tumingin ako sa katabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko. ". . . Art?"
"Naiiyak ka dahil maliit siya dati?" tanong niya.
"Hindi," natatawa kong sabi. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya habang nakikinig sa ceremony. "Naaalala ko kasi sila sa ating dalawa. Sa dinami-dami ng mga nangyari, sa kasal din ang tuloy."
"Ikaw kasi," sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw kasi. Amnesia-amnesia pa."
Kumunot ang noo niya. "Ikaw dahilan."
"Ako pa talaga?"
"Sinaktan mo ako."
"Ako pa ang nakasakit?"
"Ssshhh . . ." napatingin kami kay Grace na umiiling na nakatingin sa amin. "Ang ingay," sabi niya.
Natawa ako nang kaunti at tumingin kay Art. "Ikaw kasi, ang ingay mo," sabi ko.
"Ako talaga?" tanong niya.
"Alangan ako?"
"Sssshhhh . . . " si Erin naman ang tumingin sa amin. "Nilalanggam ako. 'Wag agawin ang scene ng kinakasal."
Napailing na lang ako habang natatawa. Nakita kong ngumiti si Art at binalik ang tingin sa altar. Hinawakan ni Art ang kamay ko. Napangiti ako dahil nakikita ko ang kamay namin na nakasuot ang wedding ring namin.
Ang sarap ma-in love.
NAG-PICTURE pa kami kasama ang newly wed couple tsaka nagtuloy sa reception. Nasa iisang table lang kaming magkakaibigan.
"Hay nako, Ai, gusto mo bang ipaputol ko 'yang postpaid mo? Kanina ka pa nagte-text," suway ni Erin.
"Ito na nga po, itatago na po," sabi ng anak nila na si Ai.
Nakita kong napangiti si Cloud sa mag-ina niya kaya napangiti rin ako dahil ang cute nila tingnan.
Pagkabigay sa amin ng pagkain, sabay na sumigaw si Cloud at ang anak niya. "Itadakimasu!"
Nakatitig lang kaming lahat sa kanilang dalawa.
"Nani?" tanong ni Cloud.
Nag-awkward smile si Erin sa amin. "Pagpasensyahan n'yo na 'tong dalawa, alien kasi. Tara, kain na tayo."
"Pansinin mo na ako, Humi."
Tumingin ako kay Toto na nasa right side ko. Mukhang may LQ pa rin sila ni Humi. Ang cute talaga, parang mga bata.
"Ba-ha-la-ka-sa-bu-hay-mo. H-M-P!"
"What happened to the both of you?" tanong ni X kay Toto.
"Hindi ko kasi na-kiss sa lips kanina, nagalit."
Nanlaki ang mga mata ni Humi sa sinabi ni Toto. "Hawderyu!" Umalis si Humi at hinabol siya ni Toto. Nagtawanan na lang kaming lahat sa act ng dalawa.
"They're so cute," nakangiting sabi ni X. Pinapakain niya ang 2 year-old baby nila. May isa pa silang anak pero sa ibang bansa nag-aaral. Bakasyon lang sila sa Pinas dahil sa America talaga sila nakatira.
"Guys, mauna na kami."
Sabay-sabay kaming napatingin kay Irene at sa anak niya na siguro ay nasa 10 years old na.
"Nako, Irene, mga bata pa kayo 'wag kayong mauna," natatawang sabi ni Erin.
"Erin talaga, oh."
Umalis na si Irene kasama ang anak niya. Napilit lang talaga namin siya sa kasal pero pupunta siya sa airport para sunduin ang asawa niyang Seaman.
Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko, nakita ko si Art liit—wait, hindi na siya maliit so Art na lang.
"Kamusta kayo? Kuya Art," nag-apir si Art at si Art—wait, ang gulo. Ulitin ko. Nag-apir si Art at ang asawa ko (ahihihihi kilig!). Binaling ni Art ang tingin sa akin. "Salamat pala sa discount dito sa restaurant mong may napaka-unique na pangalan, Ate."
Tumango ako at ngumiti. Ang reception kasi ng kasal ni Art at ng asawa niya ay dito sa restaurant na pinatayo namin ng pamilya ko noon.
"May discount pala 'to, more food! More food!" sigaw ni Erin.
"Ate Erin talaga . . ." nakangiting sabi ni Art. "Si Nathaniel?"
"Parating na 'yon, may project kasi," sagot ko nang mapatingin ako sa may entrance. "Speaking of."
"Sorry late ako!" Humalik siya sa pisngi ko.
"Buti dumating ka pa," sabi ng asawa ko (ahihihihi kilig!) habang nakatingin kay Tan.
"Eh, Pa." Nagkamot ng batok si Tan. "Sa sobrang gwapo ko nagka-heavy traffic sa EDSA kaya natagalan 'yong bus. Sorry na."
Humalik si Tan na anak ko sa pisngi ng tatay niya na asawa ko (ahihihihi kilig!) at umupo sa tabi ni Art na asawa ko (ahihihihi kilig!).
"Hi, Ai," pagbati ni Tan sa anak nina Erin.
"Uy, Tan, may bagong labas na game ngayon," sabi ni Ai. Nagkaroon na ng sariling mundo sina Ai at Tan.
"Nako, Art, bakit ang hangin ng anak mo?" natatawa kong tanong sa asawa ko (ahihihihi kilig!).
"Saan ba magmamana 'yan? Sa pinangalanan mo." Umirap ba naman sa selos? Ang cute talaga ng asawa kong 'to. (Ahihihi, kilig!) Kinurot ko ang pisngi niya at napansin kong nandidiri ang itsura ni Tan habang nakatingin sa amin.
"Mahiya naman kayo sa mga tao," natatawang sabi ni Tan.
Sinamaan ko ng tingin ang anak ko at binalik ang tingin sa asawa ko (ahihihihi kilig!) na napapangiti. If I know, kinikilig din 'yang si Tan para sa amin. Pa-cool lang kasi teenager.
Nawala ang atensyon ko sa asawa ko (ahihihi, kilig!) dahil nag-iingay na ang mga tao para manghingi ng kiss sa bagong kasal.
"Bago ang lahat, may tanong muna ako." Naka-mic si Art habang nasa gitna at hawak ang baywang ng kanyang asawa. "Anong meaning ng love?"
Napatingin agad ako sa asawa ko (ahihihihi kilig!) at napangiti nang nakatingin na pala siya sa akin.
"Nung una, wala akong ideya. Sabi sa dictionary, love is a passionate attraction and desire: a passionate feeling of romantic desire and sexual attraction. A strong liking for or pleasure gained from something. Sobrang nakaka-nosebleed na meaning," natatawang sabi niya. Natawa rin kaming nakikinig. "Kaya ang tanong ko, anong meaning ng love para sa inyo?"
Nagsimulang lumapit si Art sa mga tao. "Ate Jara, sa 'yo, anong ibig sabihin ng love?"
Ngumiti ang tinawag na Ate Jara ni Art. "Alam mo Art, love is loving you even if it's killing me. Ang sakit-sakit kasi, inimbitahan mo pa ako sa wedding mo. I thought we had something."
Natawa ang mga tao sa sinabi nung Jara.
"Lakas mo talaga."
Naghanap pa ng ibang tao si Art. "Ate Caresse, bago ka magpaka-vain, anong meaning ng love?"
Napatigil si Caresse sa pag-selfie at ngumiti. Nag-picture muna sila ni Art bago siya sumagot. "Love is like a beanboozled candy. One may look like the other, but neither has the same feature as the other. The first may have a good flavor in it, while the latter has the mysterious taste in it."
"Aw, nosebleed," natatawang sabi ni Art habang nagpupunas ng ilong. "Ikaw, Majenn." Nilapitan niya ang isang babaeng kumukuha ng dessert.
"Love? Uhm . . . ano. . . ah. Love is a game of tug of war. You keep on pulling to win the game. But no matter how hard you try or don't, you end up bruising yourself. On the other hand, bruising and winning 'coz you pulled harder is much better than bruising and losing 'coz you gave up trying."
"Isa pa 'tong nosebleed," react ni Art.
Naglibot pa si Art at nagtanong pa sa iba. "How about you, France?"
Nagsalita ang babaeng mukhang foreigner. "Well, obviously, love is an everlasting feeling. It makes you stutter when you speak, blush like a tomato, feel the small wings of butterflies in your stomach, and smile like a madman. Love is just a simple word but it makes you see and feel the most impossible things in the world."
Napahawak si Art sa ilong niya. "Hindi ko na kaya. Masakit na sa ilong."
"Ako, ako! Gusto ko rin sumagot!"
Natanaw ko ang isang babae na singkit at maliit na lumapit kay Art. Kinuha niya ang mic kay Art at nagsalita, "Hi ako si Jasmine at ang meaning ko po ng love? Don't look to your left or right if you're looking for true love, just look up and search for God."
"Amen," nakangiting sabi ni Art.
Lumapit si Art sa amin. "Ikaw, Ate Erin, anong meaning ng love para sa 'yo?"
Nataranta si Erin dahil kakasubo lang niya ng pagkain tapos na-spotlight siya. Ubo siya nang ubo kaya natawa ako.
"Wrong timing ata ako," natatawang sabi ni Art kaya natawa rin ang ilang bisita. Dumating sina Humi at Toto sa table. "Ah, ito. Ate Humi, ikaw?"
"Ha? Anyare?" pagtataka ni Humi.
"Anong meaning ng love?"
"Love is a feeling that you feel when you think that the feeling you feel is like a feeling you have never felt before," diretsong sabi ni Humi. Walang hinto. Ang tanging nasabi na lang ng mga tao ay 'ano raw?'
"Ang cute mo talaga, Ate Humi." Bumalik sa gitna si Art habang hawak ang kamay ng asawa. "Maraming ibig sabihin ang love at base sa mga bisita, iba-iba ang meaning. Lahat totoo pero ano nga ba ang pinaka-applicable na meaning?"
Lumapit sa akin si Art at inalalayan ako tumayo. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong trip niya mangyari kaya napahawak ako sa kamay ng asawa ko. (Ahihihi, kilig!)
"Ang babaeng ito ang nagmulat sa akin kung ano ang totoong meaning ng love. Siya ang kaisa-isang tao na iba ang sagot sa tanong ko. Ate Ianne, kung okay lang. Anong meaning ng love para sa 'yo?"
Nagkangitian kami ni Art. Nahihiya man ako, pinatayo ko ang asawa ko (ahihih, kilig!) at si Tan.
"Si Art at si Tan . . ." Tinuro ko ang asawa ko (ahihihi kilig!) at ang anak ko. "Sila ang ibig sabihin ng love para sa akin."
Nagsimulang pumalakpak ang mga tao sa paligid. Pagtingin ko kay Tan, nakangiti siya na sobrang awkward. Pagtingin ko sa asawa ko (ahihihi, kilig!), nakangiti siya sa akin.
Nakipalakpak si Art at ngumiti sa akin. "You never fail to amuse me, Ate Ianne."
Umupo na kami ng asawa ko (ahihihi kilig!) at ang anak ko nang bumalik si Art sa gitna kasama ang asawa niya.
"You will know the real meaning of love when you fall in love, quote unquote, Mrs. Janine Anne Santos - Go, AFGITMOLFM." Napangiti ang mga tao sa akin. "At ako? Epal na at gaya-gaya pero ang meaning ng love para sa akin?" Hinalikan ni Art ang kanyang asawa at ngumiti. "Ang asawa ko."
Naghiyawan at palakpakan ang mga tao sa reception.
Pagtingin ko sa asawa ko (ahihih, kilig!) nakangiti siyang lumapit, hinalikan ako sa noo at bumulong, "Mahal na mahal kita, Ianne."
"Seryoso?" tanong ko.
"Hindi, nagbibiro lang ako," kunot-noo niyang sabi.
"Weh, bakit hindi ka mukhang nagbibiro?"
Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang ilong ko. "Alam mo na ang sagot."
"Hindi ko alam, ano nga?"
Nagsukatan kami ng tingin nang palapit na sana kami sa isa't isa nang magsalita si Tan na nakangiwi.
"Ma. Pa. Kadiri kayo."
"Hindi kami kadiri, Tan. Korni kami," natatawa kong sabi. "In love kasi kami."
"Ma! Tama na!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata.
"Nope. Hindi kami titigil. Mahal namin ang isa't isa. Mahal na mahal na mahal na mahal . . ." Natatawa na ako dahil nagtakip ng tainga si Tan. Natawa na rin ang mga kasama namin sa table pero hindi pa rin ako tumigil. "Mahal na mahal na maha—"
Natigil ako nang halikan ako ni Art sa labi. "Tama na, paiyak na ang anak mo."
Natatawa akong tumango.
Ang saya kasi ma-in love.
At asarin ang anak.
note:
may epilogue pa ~
thank you kay d_lavigne para sa technical edits ng chapter na ito :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top