50-A [ afgitmolfm ]

no spoilers po sa chapters before this one please. mute / block ang magso-spoil sa early chapters. thanks!

//


NARAMDAMAN ko ang malakas na ihip ng hangin sa mukha ko. Ang una kong napansin ay isang lalaki na naka-uniform noong high school kami. Nakasandal siya sa puno.

Pagtingin ko sa paligid, nakapalibot sa akin ang mga puntod pero imbis na kilabot, kalmado lang ako.

Pag-angat ko ng tingin, nakita ko ang rooftop ng school ko noong high school.

Lumapit sa akin ang lalaking naka-uniform. Napangiti ako. Ang tagal na rin noong huli kong nakita ang mukha niya.

Ngumiti siya sa akin.

Iba na ang itsura niya ngayon kumpara noong namamayat at sobrang nahihirapan. Ngayon, walang bakas ng kahit anong nananakit sa kanya.

At kahit high school siya at isa na akong ganap na adult, mas matangkad pa rin talaga siya. Unfair.

Mukhang semi-kalbo na ang ginawa talaga niyang porma. Mayroong guhit na design sa gilid. May piercing din siya. Mukhang sanggano na talaga.

Tumawa kami parehas sa naisip ko.

Iniabot ko ang dalawang kamay ko sa kanya para sa isang yakap. Ngumisi muna siya bago siya lumapit lalo sa akin at niyakap ako. Pumikit para pakiramdaman ang ihip ng hangin. Ang payapa. Ang . . . kalmado.

Pagdilat ko, wala na siya sa harapan ko. 


NAGULAT ako nang may yumakap mula sa gilid. "Pinapagod mo sarili mo sa harap ng laptop?"

Minasahe ko ang noo niyang nakakunot. "Nagseselos ka?" nakangiti kong sabi.

"Ako? Selos?"

Natawa ako nang kaunti dahil napaka-in denial pa rin niya.

"Lahat nga pinagseselosan mo, eh. Kahit 'yong sibuyas na iniiyakan ko, nagseselos ka."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at lalong sumama ang tingin. "Kung iyakan mo 'yong sibuyas akala mo ang dami n'yong pinagdaanan."

Natawa na lang ako sa pinagsasasabi niya kaya napatawa rin siya.

"Tantanan mo ako, Art. Mas masakit ang ginawa mo sa akin dati."

"Sorry." Mabilis ang pagyakap niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Ano ba 'yang ginagawa mo?"

Mukhang hindi niya nga ako tatantanan kaya pinakita ko sa kanya ang title ng sinusulat ko.

"Ano 'yan?"

Kinurot ko ang pisngi niya dahil nang-aasar na siya. "AF-GIT-MOL-EF-EM."

Nag-scroll ako para makita niya pa ang iba.

"At first I thought love . . ." pagbabasa niya sa intro. ". . . is undefined."

"In the end . . ." patuloy kong sabi.

"AFGITMOLFM pala," sabay naming sabi.

Nakangiti lang ako sa kanya pero mukhang nagtataka pa rin siya. Akala ko pa naman matutuwa siya or something?!

"Bakit AFGITMOLFM? Anong ibig sabihin n'yan?" pagtataka niya.

"Secret!"

"Sabihin mo na . . ."

"Ang korni, e, 'wag mo na alamin."

"Ano nga?"

Nakailang ayaw pa ako pero ang kulit ni Art. Nakakaloka!

Hinalikan ko siya sa labi at sinabing . . .















* some text missing *












"Art Felix Go Is The Meaning Of Love For Me."

"Seryoso?" takang tanong niya.

"Oo, bakit?"

"Wala." Lumawak ang ngiti niya at hinalikan ako. "Masaya lang ako."

"Sigurado kang masaya ka? Bakit poker face ka pa rin?"

Ngumiti siya sa akin kaya kinilig ako. Nawala na naman kasi ang mga mata niya. Naging slant ulit. "Hindi ka pa ba masasanay?"

"Sanay na ako. Nung high school pa." Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Kumuha muna ako ng chocolate chip sa lamesa at kumagat tsaka nagtanong. "Paano ka nga pala nakasiguradong papayag ako sa supermarket noon?"

"Two years ago pa 'yon."

"Dali na kasi."

Kumuha rin siya ng cookies at kumain. Naging favorite snack na kasi namin itong dalawa. Nang maubos namin ang cookies, iniangat niya ang ulo ko at tinitigan ako, eye to eye.

"Nakita kong ako ang mahal mo."

"Wow, ang yabang matapos—"

"Nawala man ang photographic memory ko, sigurado ako sa memorya ko; hindi tayo nagkahiwalay."

Naglakbay ang utak ko para hanapin ang memorya kung kailan kami nag-break pero 'not found' daw sabi ng utak ko.

"Oo nga 'no? Kaya ka ba nakipagkuntsaba kina Cloud?"

Napag-alaman ko kasing matapos ng pangyayari sa gallery, kinausap na niya sina Cloud at Erin para magpatulong sa surpresa sa akin. Nagtagal ang suprise dahil nag-ipon pa siya. Sa isa't kalahating taon na hindi kami nagkita, lagi siyang nagpapabalita kina Cloud at Erin. Nalaman ko rin na si Mr. Tah Ho ay si Art din mismo.

"Para surprise. At sa sobrang tagal na ng relasyon natin . . ."

Natawa ako sa sinabi niya. Sa tagal ng relasyon namin? Pero mas matagal ang 'wala-lang-ang-sakit-lang-nitong-nararamdaman-ko-dahil-andaming-nangyari-at-hindi-pa-niya-ako-maalala-kaya-iyak-to-the-max-ang-drama-ko' eh.

". . . Dalawa lang ang kahahantungan natin; maghihiwalay o magtutuloy-tuloy."

Hinawakan niya ang tiyan ko at ngumiti. Tinitigan niya ako sa mata at unti-unti siyang lumapit sa mukha ko hanggang sa ilang centimeters na lang ang pagitan ng mukha namin sa isa't isa; mga 2.1711 cm.

"At pinili ko ang huli," with that, naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko.


KAPAG nagmahal ang isang tao, never expect anything. Never expect extravagant things. Sa totoo lang, hindi kasalanan ng fairy tales ang mga 'paasa' moment na nangyayari, eh. Sa katunayan, para sa akin, ang fairy tales ay nagbibigay sa atin ng pag-asa na kahit gaano pa kasakit ng mga nangyayari, kahit gaano pa kagulo at nakakaloko na ang lahat, laging may pag-asa. Laging may happy ending.

Kung hindi pa masaya ang nangyayari, hindi pa 'yon ang ending.

'Wag bitter.

Kapag nagmahal kasi, expect two things; the good side and the bad side. Parang combo meal lang; hindi pupwedeng isa lang—dapat dalawa. Saya at lungkot, buy one take one. When you buy love, you need to take everything all-together. No more, no less.

Once na natanggap na natin ang saya at lungkot na hatid ng pagmamahal, siguradong ready na tayo.

Ako? Alam ko sa sarili ko, ready na ako.


https://youtu.be/NfTS7gM7zQ0


The day we met,
Frozen I held my breath
Right from the start
I knew that I'd found a home for my heart


Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi na ako makapaniwala sa mga nangyayari. Parang dati lang ang ilap niya, tapos ngayon . . . ito na?

Nakakatuwa lang na habang naglalakad ako sa aisle, naaalala ko ang lahat. Bumabalik sa akin ang lahat.

Ang weird ko na nga ata dahil umiiyak ako habang naglalakad. Nakaka-emo kasi 'yong kanta. Ang ganda pa ng boses ng nagdu-duet.


Beats fast
Colors and promises
How to be brave?

How can I love when I'm afraid to fall


Tumingin ako sa taong naghihintay sa harap. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti at parang ninenerbyos.

Ang gwapo talaga niya. Dati ang liit pa niya pero ngayon, mas matangkad na siya sa akin, makisig, maputi—in short, ang gwapong lalaki. Nakakaiyak dahil ang bilis ng panahon.

Naaalala ko pa ang nakaraan. Simula kay Nate na hindi ko malilimutan ang saya at lungkot na naramdaman ko sa relasyon namin, kay Art na grabeng hirap at sakit bago napunta sa saya at ngayon . . . may ganito na.


But watching you stand alone?
All of my doubt suddenly goes away somehow
One step closer


Saan nga ba dapat magtapos ang isang kwento?

Pumunta ako sa pwesto ko at nakangiting naluluha. Napatingin ako sa humawak at pumisil ng kamay ko.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya.

"Hindi ko rin alam," nakangiti kong sagot. Pinahid ko ang luha ko gamit ang panyong binigay sa akin ni Art noon. Ang may initials niyang A. F. G. "Masaya siguro ako."


I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more


Sa isang kasal. Sa isang kasal matatapos ang isang kwento para makagawa ng panibagong kwento na magkasama.

Dahil ang buhay? Hindi tumitigil. Siguradong may susunod na pahina. Punitin man ang isa, siguradong may susunod. Hindi natatapos.


Time stands still

Beauty in all she is
I will be brave

I will not let anything take away


Dati, akala ko tapos na ang kwento ko. Dati akala ko, wala na ang kwento ko. Hindi na magpapatuloy. Masakit, eh. Grabe. Umiyak ako na kulang na lang ay dugo na ang tumulo dahil naubusan na ako ng tubig.

Akala ko noon, tapos na ang lahat.

Hindi pa pala.

"Ma, anong meaning ng love?" Narinig kong tanong ng isang bata sa nanay niya.

Napangiti ako.


What's standing in front of me

Every breath
Every hour has come to this


Ito rin ang tanong ko sa sarili ko nung teenager pa ako. Naaalala ko nung sumabak ako sa love life na 'yan, nagkandaletse-letse ang buhay ko. Akala ko kasi makukuha ko ang totoong sagot sa tanong ko.

Hindi ko alam kung nakuha ko ang totoong sagot. Ang sa akin lang, nakuha ko na ang gusto ko. Tama man o hindi, wala na rin akong pakialam. Basta, kuntento na ako.


I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more


Ang pag-ibig ay hindi isang laro na kung sino ang unang mai-in love, talo. Sa pag-ibig, lahat tayo panalo. Masaktan man, panalo pa rin sa experience at lessons na magiging daan para matuto sa mga susunod na pagsubok.

Tulad ng lalaking nasa harapan ng mga tao, tulad ko—nakaramdam siya ng pagmamahal kaya siya nandito. Kasi natuto siya. Kahit nasaktan siya ng ilang beses, sumubok siya at piniling manalo.

Nag-iba ang tugtog kaya sabay-sabay kaming napalingon sa likuran kung saan manggagaling ang pinakahihintay ng lahat.

Ang bride.


https://youtu.be/YRpspwvZmd8


Say it's true, there's nothing like me and you
Not alone, tell me you feel it too
And I would runaway
I would runaway with you


Kinilabutan ako nang marinig ko ang bagong singer na ang pangalan ay Lyric. Napakalamig ng boses niya. Ang sarap pakinggan. Sobrang sarap tingnan ng bride habang sinasabayan ng kanta.

Pagtingin ko sa groom, nakangiti siya at naluluha.

Marami na akong napuntahan at nadaluhang kasal pero bakit sa kasal na 'to, napakaapektado ko?

"Umiiyak ka na naman . . ."

Napangiti ako sa katabi ko. Sorry na po. Affected much lang.


Cause I have fallen in love
With you, no never have
I'm never gonna stop falling in love, with you


Natutuwa kasi talaga ako. Sobra. Masaya ako para sa kanya. 

Para sa kanila. 

Para kay Art . . .

Lalo na ngayong ikakasal na siya sa babaeng minamahal niya.



note:

ito na po ang meaning!!! o di ba, tama yong nasa story description nito sa wattpad? xD

no spoilers po sa chapters before this one please. let's respect the new readers na gustong ma-experience ang afgitmolm. lahat po ng maglalapag ng meaning ng afgit sa chapters before this one ay automatic mute / block.

thank you kay d_lavigne para sa technical edits ng chapter na ito :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top