49-C [ rekindle ]
"NAE-EXCITE na ako! Wooh!" sigaw ni Erin habang ngiting-ngiti. Hindi siya mapakali habang nasa kotse kami.
"Pot ko," tawag ni Cloud. Nasa driver's seat si Cloud at si Erin ay nasa tabi niya. Nasa backseat ako kasama si Humi na nakatitig sa cellphone habang nakangiti.
Papunta kami sa supermarket na suggestion sa akin nina Cloud at Erin na pwedeng partner sa restaurant na ipapatayo namin. Sabi nila, baka raw makasundo ko ang may-ari kaya push na raw.
Oo na lang ako.
"Pot, grabe ka ma-excite. Parang ikaw ang magbubukas ng restaurant, ah?" napapailing na sabi ni Cloud.
"Sorry kung excited, ah? Excited na kasi akong kumain. Free food!"
Ako ang nag-react. "Anong free food? Restaurant ang ipapatayo ko, hindi Sagip Kapamilya o Kapuso Foundation," natatawa kong sabi.
Ngumuso si Erin. "Hmp. Naging restaurant owner lang, naging madamot na."
"Wala pa, 'wag mo masyadong batiin baka hindi matuloy," natatawa kong sabi.
Isa't kalahating taon na rin ang nakalipas simula nang g-um-raduate ako. Nagtrabaho muna ako bilang Chef de Partie at nag-ipon para makapagpatayo ng resto.
And yes, natupad din ang pangarap namin nina Mama at Papa at sige, isama na natin si Kuya Eos. Next three months na ang grand opening ng restaurant namin. Sana.
Pinag-isipan pa namin ang pangalan ng restaurant.
'Kahit Saan' Restaurant.
Napaka-unique.
Pagpasok namin sa supermarket, na-amaze ako kung gaano kalaki, kaayos at kaaliwalas ang buong lugar. Sobrang saya siguro ka-partner nito sa business.
Hinatak ni Cloud si Erin at ngumiti sa akin. "May pupuntahan lang muna kami sandali."
Tumango ako nang umalis na sila. Tahimik ako habang nagtitingin sa paligid. Tahimik lang din si Humi dahil mukhang busy siya sa cellphone niya. Ngiting-ngiti pa.
"Sinong ka-text mo?"
"Ay bastos!" Napatalon si Humi sa sobrang gulat.
Tumawa ako sa reaksyon niya. Ang epic.
"Ano ba, Ate Ianne, papatayin mo ba ako sa gulat?" Napahawak pa siya sa puso niya. "Magkaka-heart attack ata ako sa 'yo, eh."
"Grabe. Sobrang tutok ka kasi sa cellphone mo," nakangiti kong sabi.
"Hindi kaya." Tinago niya ang cellphone niya kaya lalo akong natawa.
Something's fishy with Humi.
"Hindi raw, eh mukhang mamamatay na sa kilig," bulong ko.
"Anong sabi mo?"
Lalo akong natawa dahil sa guilty niyang itsura. Dumating na sina Cloud at Erin kaya nagsimula na kaming maglakad para maglibot at para tumingin ng mga ingredients at mga utensils.
Nakakapagtaka lang dahil walang ibang customers kahit open ang supermarket. Weird.
https://youtu.be/yeDRmZALIAI
I was not so happy being lonely living without you
So I prayed so hard for your love in my heart I needed you
Then I looked up in the sky and I'm thinking why oh why,
These are all the many changes in my life
"Ang kulit ng soundtrip," sabi ni Humi habang nagte-text ulit. Napailing na lang ako dahil hindi na ata mawawala ang cellphone sa tabi ni Humi.
Pero oo nga, anong meron sa soundtrip nila? Makaluma na.
"You must be Miss Santos?"
Lumingon ako at nakita ko ang isang lalaki na siguro ay mas bata sa akin ng ilang years. Teenager pa ata siya? Hindi ko sure. Naka-suit siya at mukhang disenteng tingnan.
After all the caring and the laughter, no one is like you
I am not a preacher with a sermon, I'm so in love with you
'Cause to live without your love like the sun that shines above
Is the magic of the changes in my life
"Yes, why?"
Ngumiti sa akin 'yong lalaki. "I'm sorry, I'm Nate—"
"A-ano?"
Parang nagtaka siya sa pagkabigla ko. Pero teka, ano naman kung Nate ang pangalan niya? Ay ewan ko sa 'yo, Ianne.
"Sabi ko po, I'm sorry, I'm late. Ako po ang secretary ni Mr. Go."
"Go?"
And I'll never forget your love
You and I we were meant to be
Sweet as rain falling from the sky
You and I
These are all the many changes in my life
Ngumiti ang lalaki at feeling ko nawi-weird-uhan na siya sa reaksyon ko. "Mr. Ho. Secretary po ako ni Mr. Tah Ho, may-ari nitong supermarket."
"Ah, yes."
Bakit ba ganito 'yong naririnig ko?
Nag-shake hands kami ng lalaki. "Janine Santos, but you can call me Ianne."
"Art po."
Wait, what?
"Art?"
Hinawakan niya ang balikat ko at ngumiti. "Miss Santos, mukhang marami ka pong iniisip. Iba-iba kasi ang naririnig n'yo," natatawa niyang sabi, "Mart po ang pangalan ko. Art with M sa harap."
Tumango ako at gusto ko na kaagad magpalamon sa sahig sa sobrang kahihiyan.
Nilibot niya ako sa grocery habang napapansin kong parang paulit-ulit na ang soundtrip nila. Napansin ko rin na wala pa ring mga tao sa paligid at . . .
"Hala, nasaan na 'yong mga kasama ko?"
Nilingon ako ni Mart. "May kasama po kayo?"
"Oo. 'Yong dalawang naglalandian at 'yong isang ngiting-ngiti sa cellphone niya."
Iniwan ba nila ako? Watdahek, nasaan sila?
Listen to these words I want to give you on our love so true
Don't forget I love you and I need you, I'll always be with you
So just looked up in the sky and you'll find out why oh why
These are all the many changes in my life
"Dalawang naglalandian," natatawang bulong ni Mart. "Isang ngiting-ngiti sa cellphone."
Lumapit sa akin si Mart at nagulat ako nang ipatong niya ang kamay niya sa ulo ko sabay ngiti. Napakaamo ng ngiti niya na kahit dapat mainis ako dahil pambabastos itong gesture niya ay hindi ako makapag-react.
"Ang cute n'yo po, Ma'am."
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Mart. Lumayo ako sa kanya at mukhang nagulat din siya sa ginawa niya kaya inayos niya ang sarili niya.
"Pasensya na po."
Natahimik ulit kami ni Mart habang pinapakita niya sa akin ang bestsellers nila. Nakapagkwentuhan din kami kaya nalaman kong part-time chef siya sa isang restaurant sa Makati.
"Tanong ko lang, Mart, bakit paulit-ulit ang soundtrip n'yo rito? Ano 'to, isang araw, isang kanta?"
Natawa siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa? Halos five times na kasing umuulit. Na-LSS na ako.
"Bakit walang tao sa paligid? Open kayo, hindi ba?"
"Alam ko po nirentahan ang buong lugar na 'to," sagot niya. "Hindi n'yo po ba—"
"Ianne!"
Naputol ang sasabihin ni Mart nang tawagin ako ni Cloud. Lumapit sa akin ang Hapon na mang-iiwan na parang hindi mapakali. Magtatanong na sana ako kung saan siya galing at nasaan sina Erin at Humi nang bumulong siya.
"Tulungan mo ako."
"Ha? Saan?"
"Proposal."
And I'll never forget your love
You and I we were meant to be
Sweet as rain falling from the sky
You and I
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Halos mawasak na ang labi ko sa sobrang lawak ng ngiti ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagtatatalon na sa tuwa.
"Hindi nga, Cloud?" Pinalo ko siya. "Ang saya ko para sa 'yo!"
"H-ha? Ah, oo." Ngumiti siya sa akin. "Kaya ano, tutulungan mo ba ako?"
"Oo naman!"
These are all the many changes
These are all the many changes
These are all the many changes in my life
"Kuhanin mo 'yong nasa package counter."
Binigay niya sa akin ang package number: 0312.
0312.
Bakit parang naaalala ko si Art sa number na 'to?
Napangiti ako nang maalala ko kung ano 'yon. Araw namin. March 12. Ugh, Ianne. Tigilan mo na 'yan. Lahat naman kasi naaalala mo sa lalaking 'yon. Ikaw lang 'tong hindi niya maalala! Kalungkutan dot com nga naman oh.
Tumango ako at niyakap siya. Gusto kong maiyak sa sobrang saya para sa kanila ni Erin.
"Sa 'yo magdedepende ang proposal kung mangyayari o hindi," sabi niya sa akin. Tumango ako sa sobrang saya.
"Hoy, Ulap ko! Bakit ang tagal mo, tara!" sigaw ni Erin kaya napangiti ako.
"Ganbatte!" sigaw sa akin ni Cloud bago siya umalis.
"Anong meron?" Ang clueless ni Erin.
Ako? Kinikilig ako.
And I'll never forget your love
You and I we were meant to be
Sweet as rain falling from the sky
You and I
Magpapasama sana ako kay Mart pero nang matauhan na ako, paglingon ko sa paligid—wala na si Mart. Iniwan ba naman ako? Ang bastos lang.
Pasalamat siya nasa good mood ako, nako.
Masaya akong nagpunta sa package counter kahit nauurat na ako sa paulit-ulit na kanta.
Ngumiti ang nagbabantay sa package counter pagkarating ko. Pagkabigay ko sa kanya ng number, binigay niya sa akin ang isang box na kita ang nasa loob pero napasimangot ako.
Wala 'yong singsing.
"'Yong singsing?" tanong ko ro'n sa lalaki. Nagkibit-balikat siya. Tinitigan ko nang masama si Kuyang Bantay. "Nasaan 'yong singsing?"
Naba-bother na rin talaga ako sa soundtrip na parang mas lumalakas ang sound at mas lumalapit.
These are all the many changes
These are all the many changEeh-ehem
Napatigil ako sa pagtitig kay Kuya nang marinig kong parang pumiyok ang kumakanta. At bakit nawala ang music?
"Nasa akin . . ."
Kinabahan ako nang marinig ang boses na parang naka-mic pa. Nakangiti sa akin si Kuyang Nagbabantay kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"Janine . . ."
Napatigil ako sa narinig kong pamilyar na boses.
"Anne . . ."
Lumingon ako. Huminto ang buong mundo nang makita ko ang taong naglalakad palapit sa akin habang may hawak na mic.
"Santos."
Hindi ako makapagsalita. Nabitiwan ko ang hawak kong box dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Wala pang ilang segundo nang halos kaunti na lang ang espasyo sa pagitan namin ay tumulo ang luha sa mga mata ko. Nakita ko ang pagngiti niya pero hindi ko alam kung ngingiti ba ako dahil nanghihina na ako.
Naramdaman ko na lang, nagdampi na ang labi namin sa isa't isa.
SHING SHING SHING SHING
Tumutulo ang luha ko. Hinawakan niya ang kamay ko nang lumayo siya nang kaunti. Feeling ko sasabog ako sa iba't ibang emosyon na nararamdaman ko.
"Totoo ka ba?" natatawa kong sabi.
Hinawakan ko ang mukha niya para pakiramdaman kung totoo ba siya o hallucination ko lang ang lahat pero naramdaman ko ang pisngi niya. Ramdam ko ang init ng balat niya.
"Totoo ka nga." Lalo akong naiyak nang ngumiti siya sa akin.
Pakiramdam ko mahihimatay ako nang lumuhod siya sa harap ko. Kinuha niya ang singsing sa bulsa niya na binigay niya sa akin nung high school.
"Ianne . . ." Kinuha niya ang kamay ko. Umiiyak siya nang halikan niya ang kamay ko. "Will you be the meaning of love for me?"
Tinayo ko siya kahit nahihirapan akong tumayo. Niyakap ko siya nang sobrang higpit.
"Naaalala mo na ako?" naiiyak kong tanong.
Naramdaman kong niyakap din niya ako. "Dati pa," naiiyak niyang sagot. "Sa gallery pa lang. Pinipigilan ko lang ang sarili ko."
"Paano?"
"May isang painting ng babae sa Lemon Gallery na natitigan ko. Napakapamilyar. At parang mahika, bumalik sa akin ang mga alaala ko."
"Dahil lang sa painting? Na-trigger ang memories mo dahil sa painting?"
"Isang painting na ako mismo ang nagpinta na hindi ko natapos. Isang painting ng babaeng mahalaga sa akin. At 'wag ka na magtanong, ikaw 'yon."
Lalo akong naiyak kaya sinubsob ko ang ulo ko sa leeg niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad na naaalala mo na ako?"
"Natakot akong hindi mo na ako mahal."
Tawa-iyak ang nangyari sa akin. Hilong-hilo na ako pero cloud nine ang feeling. "'Wag ka matakot, Art."
"Kaya nga . . . pero hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko."
Kumalas ako sa pagkakayakap at tiningnan siya sa mga mata. Tulo nang tulo ang luha niya. Hindi na rin ako makapaniwala sa mga nangyayari dahil parang panaginip lang ang lahat.
"Bakit ako hihindi?" nakangiti kong sabi.
Kumunot ang noo niya. "Um-oo ka na lang."
Natawa na lang ako dahil nagbalik na nga si Art. "Oo na. Oo ang sagot. Oo talaga. As in, oo!"
Parehas kaming nakangiti nang isuot niya sa akin ang singsing. Niyakap ko ulit siya at nakita ko sina Erin at Humi na umiiyak pati si Cloud na nakangiti. Napailing na lang ako. Akala ko kasama ako sa surpresang magaganap, ako pala ang masu-surprise.
Sinubsob ni Art ang mukha niya sa leeg ko at niyakap ako nang sobrang higpit.
"Hindi na kita papakawalan pa," bulong niya.
Ngumiti ako at hinigpitan ang kapit sa likuran niya. "Dapat lang, Art, dapat lang."
"Mahal kita, Ianne."
"Ows," natatawa kong sabi.
"Sagutin mo," utos niya.
Kumunot ang noo ko. "Hindi naman siya tanong."
Kumalakas siya sa yakap namin at tinaasan ako ng kilay. Lalo akong natawa sa sobrang saya na nararamdaman ko dahil nagbalik na nga talaga siya. Nagbalik na ang Art na masungit, weird at cold na lalaki.
"I love you, Emotionless Guy," nakangiti kong sabi.
"Ayusin mo."
Sinimangutan ko siya. "Poker face?"
Nakakunot ang noo niya. "Isa."
"Straight face?"
"Dalawa."
"Ang bossy mo pa rin."
"Tatl—"
Bago pa niya matapos ang pagbibilang niya, hinalikan ko siya sa labi at binulong ang matagal na niyang hinihintay (so clingy).
"I love you, Mr. Art Felix Go."
Napangiti ako nang makitang gulat na gulat ang itsura niya.
Hanggang ngayon, kahit ilang taon na ang nakalipas—iisa pa rin ang tibok ng puso namin. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito.
Everything was so magical.
note:
1 CHAPTER TO GOOOOO + epilogue!!!
thank you kay d_lavigne para sa technical edits ng chapter na ito :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top