47-A [ memory ]


Mali yatang nandito ako sa charity event.

Mali yatang nag-suggest ako sa kanila noon.

Mali yatang nakaupo ako sa audience area at ilang metro lang ang layo ko kay Art na nakaupo rin sa bandang dulo.

Napahigpit ang hawak ko sa panyo ko. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko habang pinapanood ang play na ginawa ng mga bata.

Demon and the Maiden . . .

Slip of the tongue ko lang ito noong nag-uusap sila sa gagawin ng mga bata sa AFGeneration. Sabi nila, dapat daw may grand event. Na-share ko lang naman 'yong nangyari nung 3rd year high school na nakasali ako sa play, na about 'yon sa demon and maiden, na malaki ang nakuhang pera doon.

Ni-recreate nila.

Kaya pala hindi nila ako sinasama sa mga practice nila. Kaya pala ilang beses akong sinabihan na mag-focus lang sa pagluluto, na mayroong mumunting regalo ang mga bata sa akin kapalit ng mga luto ko.

Kaya pala . . .

Hindi man ito kasing enggrande ng ginawa namin nung high school, at naging musical with comedy ang play nila ngayon, pero bakit?

"Naaalala mo ba ako, Binibini?"

Bakit kailangang maluha ako?

Simula nang dumating ako sa venue at nagluto ng pagkain sa kitchen, hindi ako lumabas ng kusina. Panay lang ang luto ko at pagtulong. Hindi ko pinapansin na minsan, pumapasok si Art sa kusina para ibigay 'yong mga biglaang pinapabili.

May time na napansin kong napatingin siya sa akin, pero agad kong iniwas ang tingin ko.

May part din na tumulong siya nang may masagi ako pero agad akong nagpasalamat at 'yon na 'yon, hindi ko na siya nakausap pa. Hindi na rin niya ako nilapitan ulit.

Nahihiya ba ako? Hindi ko rin sure.

Kaya nung nagsimula ang play at napilitan na akong lumabas sa kuweba ko, pinipigilan kong tumingin kay Art kahit ilang upuan at audience lang ang layo namin.

Pero napatingin ako sa kanya nang bigla siyang tumayo. Nakatalikod siya sa akin, naglalakad palayo, at hawak ang gilid ng ulo niya. Dinaluhan siya ni Tsang, mukhang nag-aalala.

"Nakikita mo na ba ako, Binibini?"

Tumingin ang Maiden ng play sa Demon na nakaupo at nagpapatugtog ng violin. Lumapit si Maiden kay Demon at hinawakan ito sa pisngi.

"Mister Demon, ikaw nga!"

Pagbalik ko ng tingin kung saan nag-uusap sina Tsang at Art, wala na siya.

Nagpalakpakan ang mga audience pagkatapos. Nagsitayuan sila pero nanatili akong nakaupo at yumuko saglit para magpahid ng luha.

Ikaw ba, Art . . . kailan mo ako maaalala?

Tumayo ako nang wala sa sarili. Nabunggo ko pa ang katabi ko. Humingi ako ng sorry at dumiretso palabas ng audience area para hanapin siya. Nang hindi ko siya mahanap sa garden area, nilapitan ko si Tsang.

"Nasaan po si . . ."

Bakit ko ba siya hinahanap? Akala ko ba nandito ako para sa charity event? Ianne naman . . .

"Si Art ba?" Ngumiti sa akin si Tsang. Tahimik lang ako, hindi ko sure kung tatango ba ako o hihindi. Pero bago pa ako magsalita, sinabi na niya ang kasunod. "Aba'y napagod yata sa pagmo-motor sa initan. Pinapasok ko muna sa isa sa mga van at sumasakit daw ang ulo niya."

Imbis na tumanggi, wala akong ibang nasabi kundi, "Thank you po."

Sumasakit na naman ang ulo niya. Sa initan ba o dahil sa play? May naaalala na ba siya? Naaalala na ba niya ako? Kami?

Pero bakit ako pupunta sa kanya? Gagaling ba ang sakit ng ulo niya kung magkita man kami? O ako ang maging dahilan ng lalong pagsakit n'on?

Huminga ako nang malalim at kumuha ng pinakamalapit na pagkain sa lamesa. Habang naglalakad palapit sa parking area, lalo akong napahinga nang malalim.

Chocolate chip cookies.

Pagkarating ko sa parking area na medyo mabato, may napansin akong van na nakabukas ang pinto at may naka-hang na legs. 'Yong kalahati ng katawan ng may-ari ay nandoon sa loob at mukhang nakahiga sa upuan.

Sa skinny jeans at sa chucks na suot, mukhang si Art nga ang nandoon.

Pero teka.

Dapat bang lumapit? Kapag lumapit ako, anong sasabihin ko? Matapos ko siyang iwasan sa buong magdamag, lalapit ako sa kanya?

Anong klaseng . . .

"G-gusto mo ng cookies?"

Wala na. Nakalapit na ako. Nakapagsalita na ako.

Nakahiga siya sa upuan at nakapatong ang braso niya sa may mata niya. Pagkarinig niya sa boses ko, napaangat ang braso niya at tumingin siya sa akin na nakaalok ang bag ng cookies sa kanya.

Nakailang kurap pa si Art. Mukhang hindi niya yata na-gets 'yong nangyayari bago siya napaupo bigla. Dahil sa lapit ko rin sa may pinto, muntikan kaming magkauntugan pero agad akong napalayo. Hindi ko sure kung good thing 'yon dahil sa paglayo ko, na-out of balance ako patalikod!

Nagulat na lang ako nang hatakin niya para sana mapigilan 'yong pagdiretso ko sa lupa pero mas malakas ang gravity sa pagka-out of balance ko. Imbis na matulungan ko siya, nahila ko siya mula sa pagkakaupo niya sa van.

Nauna akong bumagsak bago siya pero imbis na tumama ang ulo ko ay natungkod niya ang siko niya sa batuhan at naalalayan niya ang ulo ko.

ANG SAKIT.

"O-okay ka lang ba?!" agad kong sabi kay Art na napapikit.

Bumalikwas siya at napahiga sa lupa. Ako ang unang tumayo sa aming dalawa. May kirot akong naramdaman sa braso ko pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang braso niya!

"N-nagdudugo 'yong siko mo! Pati 'yong side ng kamay mo!" halos pasigaw kong sabi. Ang daming dugo! "OMG! Sorry!"

Sinubukan ko siyang alalayan patayo. Pero imbis na makatulong, nahatak ko pa siya sa brasong may sugat kaya napaaray siya at OMG! Sobrang hindi ko na alam paano kumilos sa harap niya!

Pinulot ko 'yong bag ng cookies. Nilapag ko sa upuan. Isasara ko sana 'yong pinto ng van pero natigil din dahil bakit ko nga ba isasara ang van? Dapat aalis na ako para kumuha ng gamot pero kailangan ko tulungan si Art, pero nasasaktan ko siya, at omg talaga 'yong dugo sa braso niya!

At ngayon pa nawala 'yong panyo ko, seryoso ba? Ang daming dugong lumalabas! Parang hindi ko na alam 'yong gagawin ko kaya napatitig na lang ako nang hawakan niya ako sa braso at doon ako tumigil sa panic.

"Ikaw, ayos ka lang?"

Nakaupo na pala siya sa lupa mula sa pagkakahiga.

Napatingin ako sa kanya na nakatingala at nakatingin sa akin.

Ngayon lang kami naging ganito kalapit. Bakit parang hindi na ako humihinga? Gusto ko bang kumurap? Baka kapag pagpikit ko at pagdilat, wala na siya sa harap ko? Imagination ko lang ba 'to?

Napatingin ako sa hawak niya sa braso ko. Nararamdaman ko 'yong hawak niya.

Ngayon lang ulit niya ako nahawakan nang ganito.

Tumingin ako sa expression ng mukha niya. Nasasaktan ba siya? Kumusta ang ulo niya? Hindi ba nananakit? Pero mukhang walang kakaibang nangyayari sa paghawak niya sa akin.

Tinulungan ko siyang tumayo gamit ang paghila sa braso niyang hindi sugatan.

"Ang daming dugo . . ." sabi ko habang nakatingin sa braso niya. Gusto kong hawakan pero ayoko ring madumihan pa ito nang sobra. Nasaan ba 'yong panyo ko?!

Tumingin siya sa braso niya. "Makirot nga."

Tapos ang ginawa niya? Tumawa siya kaunti.

Tumawa siya. Bakit ang guwapo? Agh, Ianne! Tama na! Nagdudugo 'yong braso ng kaharap mo, puro feelings mo naiisip mo?!

"Wait, teka, sorry, tara, linisin natin sa--!" Hinila ko siya pero agad niya akong pinigilan. "Bakit?"

"Baka makita ni Tsang."

"'Yong sugat mo? OMG. Malalagot ba ako kapag--hala. Nasabi nga niyang hindi ka na niya pinapadapuan kahit sa lamok, tapos, ngayon . . . nasugatan kita. Napahawak ako sa ulo ko. "OMAYGAHD."

"Okay lang ako." Tumawa siya ulit pero agad siyang natigilan na para bang . . . nasaktan? "H-hindi na ako bata."

"D'yan ka lang," ang sabi ko. "Babalik ako. Wait."

Kukuha ako ng tubig para malinis ko 'yong sugat, tama. Tsaka gamot! Sana may first aid kit! Hindi ko na pinansin 'yong pagtawag sa akin ni Art ng miss, diretso na ako sa paglalakad pabalik sa venue. Dapat pala nagdala ako ng tubig. Nagdala ako ng cookies nang walang panulak! Malay ko bang magkakaaksidente nang gano'n?

Ang bilis ng mga pangyayari . . .

Hindi ko sigurado kung paano ako nakapaglakad papunta sa mismong event mula sa parking area nang hindi napapaupo dahil sa panghihina ng tuhod at hirap sa paglalakad sa batuhan.

'Yon yata ang pinakamatagal na interaction namin ni Art simula nang nalaman kong nasa AFGeneration siya. At nakakabwisit dahil nasaktan pa siya dahil sa akin!

Kung hindi ba emotional o mental pain, physical pain ang naibibigay ko sa kanya?

Pero doon ko lang din siya nakita nang malapitan talaga.

Matured at manly ang dating niya at walang kupas pa ang kagwapuhan. Naging maamo talaga ang mukha niya, naging mas magaan ang aura.

Ibang-iba na siya . . .

Binilisan ko ang paghahanap ng tubig, cloth, gauze, at gamot. Baka kung ano nang sakit ang nararamdaman niya, eh.

Lakad-takbo akong bumalik sa kanya pero napatigil ako nang makitang nakaupo siya sa upuan ng van pero nakaharap sa labas. Tine-tape na niya ng gauze 'yong nalinis na niyang sugat.

Umangat ang tingin niya sa akin at ngumiti. Tinapos niya ang pag-tape ng gauze sa sariling sugat.

Ito na naman 'yong mabigat na pakiramdam.

Hindi ko siya nagawang tulungan sa sugat niya . . . Sobrang tagal ko ba kaya siya na mismo ang gumamot sa sarili niya?

Tumayo siya at lumapit sa akin. Mahina niya akong hinatak at lutang yata akong pinaupo niya sa upuan ng van habang nakaharap sa labas. Kinuha niya sa akin 'yong dala ko at binaba sa sahig ng sasakyan.

Kinuha niya 'yong braso ko at doon ko naalalang kumikirot nga pala 'yon. Maingat na twist ang ginawa niya para makita naming dalawa 'yong sugat ko sa braso na nagdudugo na rin.

"Dumiretso ka rito nang hindi mo nagamot 'yong sarili mo . . ." halos pabulong niyang sabi.

Natameme ako.

Pinanood ko lang kung paano niya buhusan ng tubig ang sugat ko sa braso.

"Ikaw ba 'yong gumawa ng cookies?"

Marahan akong tumango.

Pinanood ko lang kung paano niya lagyan ng betadine at maingat na dinampi ang bulak sa balat ko. Hindi siya tumitingin sa akin. Hindi niya inaangat ang tingin niya sa akin.

"Alam mo bang paborito ko 'to?"

Oo.

"Talaga?"

Hindi ko nalimutan.

Nakatitig lang ako sa paghatak niya ng tape, at kung paano niya pigtasin ito gamit 'yong ngipin niya. Nilapat niya 'yong tape sa may gauze para takpan ang sugat ko.

"Masarap . . ."

Napakagat ako ng labi ko sa naramdamang kung ano sa puso ko. Para akong sinuntok ng memorya ko na sinabi rin niyang masarap 'yong ginawa kong cookies.

Bakit kahit hindi mo ako maalala, ako pa rin ang ginagamot mo?

Pinanood ko lang siya sa lahat ng ginawa niya habang pinipigilan ang sarili kong hawakan siya sa mukha, at titigan siya nang sobrang tagal sa mata habang humihiling.

Sana maalala mo ako.

Please, alalahanin mo ako . . .

Tumingala siya at tiningnan ako. Ang una kong napansin ay 'yong pagkunot ng noo niya, nagtu-twitch, na para bang sumasakit. Pero hindi niya sinasabi sa akin. Hindi niya iniinda. Tinitiis lang niya.

"Ayos ka lang?" Nanlaki ang mga mata niya sa akin. "M-masakit ba?"

Hindi ko sigurado . . .

Nagulat ako nang ibigay niya sa akin 'yong panyo kong kanina pa nawawala. Nang napatitig ako roon, pinahiran niya ang pisngi ko.

Luha.

Tumutulo ang luha ko.

At siya na naman ang nagpahid nito kahit hindi niya ako maalala.



note:

thank you for still waiting kahit after 1 whole year na walang update ito. tbh, hindi ko masyadong namalayan na isang buong taon na ang nakaraan. ang bilis ng taon???

also, nahirapan ako rito dahil this update is 100% new scene pero masaya akong nakalagpas din ako sa wakas. D:

last update, 27 years old ako.

this update, 28 years old na ako.

pramis, next update, 28 pa rin ako. xD

just to inform you, ito ang mga nangyari sa akin for 1 whole year:

- chronic physical pain (to the point of can't move for a day or two) every month since january 2021 until december 2021. ansaya. :D)

- job at wattpad! yes, as in, nagwo-work ako under wattpad. as in, sumusweldo ako hindi bilang author kundi bilang staff! yay

- binalik ko mula sa hukay ang guilty reads, my community where i help authors with their storytelling and mindset, at lagpas 1 year na itong ongoing!

- nakatapos ako ng isang epistolary novel! (siklab na may sakdal laya) check it out sa aking wattpad acct: pilosopotasya

- after kong matapos i-post ang kabuuan ng afgitmolfm, i will continue my epistolary novel series under #YChronicles (Kabulastugan Boys Series) -- "kung nakuha man sa dahas" at "hango sa rupok ng puso".

- nagka-covid ako somewhere in between xD

- first time kong mapunta sa mundo ng mga boygroups at ang una kong napuntahan na hell hole ay sb19 (at gagawa ako ng fanfiction nila next time)

- hindi ako into kpop talaga pero na-discover ko habang may covid ang god's menu at lumubog na rin ako sa stray kids (baka sila rin, gawan ng fanfic haha)

ikaw, kumusta? 

kilig ako na hinihintay mo pa rin ang update na ito. hihi.


salamat d_lavigne para sa technical edits ng chapter na ito :D


this one is dedicated to this awesome reader, tenrixtae, for being the first one to open afgitmolfm's new update after a year of no update. yiee.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top