44 [ artist ]
HINANAP ko si Art magti-three years ago na. Sinubukan ko siyang contact-in mga ilang months after ko mahimasmasan nung graduation pero off ang cellphone niya. Sinubukan kong pumunta ng boarding house pero hindi pa raw umuuwi si Art.
Akala ko joke time lang lahat pero halos isang buwan na akong pabalik-balik sa BH, naka-lock lang ang kwarto niya. Naging busy ako sa college pero pabalik-balik ako ng ilang buwan doon. Nakilala ko na nga yong ibang bagong nakatira.
Nahihiya man, bago matapos ang first semester sa college, nagpunta ako sa AFGeneration para tanungin kung nandoon ba si Art. Hindi pa raw bumabalik.
Naging busy ako sa school. Nakabuo ng barkada. Nakakilala ng ibang mga lalaki na malayo sa dalawang inikutan ng mundo ko noon.
Ilang schoolmate at classmate na nga rin ang pinagtanungan ko kung nasaan si Art, kung naging schoolmate ba nila sa university nila, pero wala raw.
Nag-message na nga rin ako kay X sa Facebook, e. Nung una, kinamusta ko lang siya. Pero nung tinanong niya kung kumusta kami ni Art after how many years, doon ko na-realize na hindi rin niya alam kung nasaan si Art.
Kaya ewan ko kung ano bang mafi-feel ko ngayong nakatitig ako sa isang art gallery na nakasulat ang LEMON Gallery kung nasaan daw si Art. Kung nandito nga siya . . . ipinagpatuloy pala talaga niya ang art.
Huminga ako nang malalim. Sasamahan daw ako ni Erin pero naging busy siya kaya ako lang mag-isa. Nanginginig ang mga paa ko nang pumasok ako sa gallery. Bahala na.
Hawak ko ang panyong binigay sa akin ni Art noon. Sabi niya, sa akin na lang daw itong panyo para maalala niyang siya ang tagapunas ng luha ko.
Pero bakit ito ang ginagamit ko sa mga luhang dahil sa kanya?
Tumambad sa akin ang isang maliit na parang pader sa gitna na may nakasulat ng pangalan at code name ng artists.
Zuberu. Erilsa.
Lemon. Onatism.
Plsptsya.
Olie. Seta. Fangs.
AFG.
Hindi ako mapakali at nagtingin-tingin sa paligid para hanapin kung nasaan siya. Ang daming paintings at installations. Sa may gilid, tinitigan ko isa-isa ang paintings pero mas tinitingnan ko ang artist names.
Natigil ako sa isang painting na abstract. May pirma na AFG.
Lalong humigpit ang hawak ko sa panyong hawak ko. Nagtanong ako sa isang staff kung sino at nasaan yung artist ng painting.
"Ah, miss, nag-CR lang 'yung artist. Baka bumalik na 'yun mamaya," sabi sa akin.
Sa bawat segundong lumilipas, hindi ako mapakali.
Gusto kong tumakbo palayo pero hindi na ako makaalis sa kinatatayuan ko sa tapat ng painting. Ilang beses akong napalunok na kulang na lang, lunukin ko pati bibig ko sa sobrang kaba. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang bigat ng bawat pintig. Pinagpapawisan na rin ako.
Kapag nakita ko siya, anong mangyayari? Anong sasabihin ko? Yayakapin ko ba siya? Shake hands? Ngingitian? Tatanguan? Kakamustahin?
Matapos mo siyang iwan nung graduation, kakamustahin mo siya?
Matapos mong magpalamon sa galit, ganon na lang yon?
Sa tingin mo ba, ngingitian ka niya?
Adik ka ba, Ianne?
Oo ata.
Hindi ko naman gustong ngumiti siya sa akin . . . gusto ko lang naman din siyang kilalanin ulit. Ano nang nangyari sa kanya? Pinagkakaabalahan?
Titig na titig ako sa AFG na pirma sa painting. Sobrang kinakabahan na ako lalo na nang marinig ko ang boses ng lalaking nagbabantay.
"May naghahanap ho sa inyo. Ayun, 'yung babae."
Napapikit ako at napakagat ng labi.
"Miss, nandito na po ang artist."
Bumilis ang paghinga ko. Gusto ko na mag-backout. Nanghihina na ang tuhod ko.
"Miss?"
Nagulat ako sa narinig kong boses. Paglingon ko, nakita ko na ang artist ng painting na 'to.
At gusto ko na mahimatay na lang sa sobrang kaba. Akala ko nagha-hallucinate lang ako pero hindi, eh.
Babae talaga siya.
Hindi siya si Art.
"Hi, hinahanap niyo raw ako?" Ngumiti sa akin yung babae.
"Ahm, A. F. G. kasi . . ."
Lalo siyang ngumiti. "Yes po, ako 'yun. Alexa Frea Guevarra. Bakit po?"
Napatulala ako saglit. Ngumiti ako kahit hirap na hirap na akong kumilos.
"Ah, ang ganda kasi," sabi ko na lang. "Sorry, naistorbo ko pa ata kayo."
Nagpasalamat siya.
Sinubukan kong makipag-small talk pero wala pang 5 minutes ay nag-excuse muna ako para makalayo. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Sobrang bigat lalo sa feeling na nasayang ang lahat.
Pero . . . ready nga ba talaga ako?
Kung nakaupo ako ngayon dahil nanghihina ang tuhod ko, at para akong nahihilo, ready ba talaga akong makausap o makita man lang siya?
Ilang minuto rin akong naupo para pahupain yung feelings ko.
Paalis na sana ako ng gallery nang mapalingon ako sa tagong parte ng gallery. Kinuha ng atensyon ko ang isang pamilyar na painting pero hindi tapos dahil walang kulay at details ang nasa ibaba. Ang tanging nakikita ng lubusan ay ang matang nakatingin sa akin at mga labing nakangiti na para bang kinakausap ako ng painting.
Pamilyar na mukha.
Wait.

Ako 'yung nasa painting! Alam kong mukha ko 'yun!
Lalapit pa lang ako sa painting nang harangan ako nung nagbabantay.
"Ma'am, bawal po."
"Teka kuya, titingnan ko lang 'yung painting," sabi ko.
"Hindi po kasama sa exhibit 'yan, miss."
Tiningnan ko si kuyang nagbabantay sa mga mata. "Pero bakit nandyan? Kanino galing?"
"Dinonate lang po ng isang art enthusiast."
"Sino?"
"Ay ma'am, hindi po pwede sabihin e."
"Sino na lang po ang artist?" tanong ko.
"Hindi po namin alam, dinonate lang dahil nawala raw ang artist." Nakatingin ang dalawang bantay sa painting. Tumingin sa akin si kuya tapos sa painting tapos sa akin ulit.
"Ay, ma'am, parang kahawig niyo 'yung painting, ano? Hindi ba, Rayne?" tawag nung lalaki sa isang babae.
"Hmm, medyo. Pero parang mas bata 'yung nasa painting," sabi ni Rayne tapos tumingin sa akin. "Pero ma'am, bata kayong tingnan, ah. Mas bata lang tingnan 'yung sa painting. Parang teenager?"
Tumango ako habang kinakabahan. Nakatitig ako sa painting nang magtanong ako ng alam kong sasagot sa katanungan ko.
"Kailan niyo nakuha?"
"Kailan nga ba?" tanong ni Kuya kay Rayne. "A year ago ba 'to?"
"Mga two years na ata? Mga ganun po, Ma'am," sagot ni Rayne.
Ngumiti ako sa dalawang bantay at nagpaalam na kung pwede ay picture-an ko. Umayaw pa sila pero nagulat sila nang lumuha ako—kahit ako, nagulat, pero ang luhang 'yun ang naging dahilan para payagan nila ako.
Habang nasa byahe, nakatingin lang ako sa picture ng painting.
Ang mukha kong naka-paint sa isang canvas. At sigurado ako . . . sigurado akong si Art ang nagpinta nito.
Pero nasaan siya?
As if if on cue, sinagot ako ng universe.
Nakatingin lang ako sa kawalan nang may napansin akong lalaking naglalakad na may hawak na canvas. Pumara siya ng bus pero lumingon muna at nagulat ako sa nakita kong mukha.
Si Art.
Si Art ang nakita ko.
Hahabulin ko sana ang bus pero umandar na kaya nagpara na lang ako ng taxi at pinasundan kung saan man patungo ang bus. Pagkababa ni Art, bumaba na rin ako.
Kinakabahan at nanginginig ang buong katawan ko habang sinusundan ko siya. Ito na ba talaga?
Sumakay siya ng jeep sa may harap at sumakay naman ako sa likod. Nakatitig lang ako sa likod niya, tapos sa salamin sa taas ng jeep.
Nang mapansin kong napatingin siya sa salamin, napatago ako ng mukha.
Siya na ba talaga yon?
Huminto ang jeep habang nakatingin ako sa labas ng bintana dahil pamilyar itong lugar. Nagulat na lang ako nang pagbalik ko ng tingin sa harapan ay wala na si Art. Nagmadali akong pumara at nakagulatan pa kaming lahat sa jeep.
Pagkababa, hinanap ko kung saan si Art. Sumakay siya ng tricycle na paalis na.
Agad akong sumakay at binayaran nang buo at pinasunod sa sinasakyan ni Art. Bumaba siya after ilang minutes. Kitang-kita ko ang likuran niya habang naglalakad. Halos ilang metro na lang ang layo namin. Pinipigilan ko ang sarili kong yakapin siya nang tumigil kami sa isang napakapamilyar na gate.
AFGeneration.
Sabi ni Inang, wala raw si Art dito pero bakit . . . bakit dito pupunta si Art? Tinatago ba ni Inang si Art sa akin?
Nawala ako sa isip ko nang makita kong lumingon sa akin si Art. Tumigil panandalian ang pagtibok ng puso ko saka bumilis ito nang bumilis. Pinagpapawisan ako nang napakalamig kahit hindi ako natatae.
"A-Art," bulong ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko na parang sasabog na ako any moment. Gusto ko tumakbo palayo. Gusto ko magpalamon sa lupa. Gusto ko na lumipad pero natigil lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa tingin niya sa akin.
"A-Art . . ." tawag ko ulit. Nararamdaman ko na ang pagbabadya ng luha sa mga mata ko.
"Uhm . . ." Ang boses niya . . . narinig ko na naman ang boses niya. Sobrang sarap pakinggan. "Ano hong kailangan nila?"
Natigilan ako. Napakunot ang noo.
Anong nangyari?
Bakit sobrang galang niya?
note:
hi!! kamusta?? sorry kung ang tagal na naman ng update ko? dapat tatapusin ko na to ng september pero bakit hindi ko siya natapos?! huhu.
pwera sa busy, nalilimutan ko kasi mag-wattpad. minsan, nalilimutan kong nagsusulat pala ako haha charot. anyway! can you help meee? kapag 5 days and above na at wala pa ring update, kindly tweet me at @ulaaaann on twitter. ito ay pangangalampag pero please in a nice way at huwag sana demanding!
pwedeng simpleng "hello ate 5 days na po. pa-update afgit thank you harthart" haha. wag din sarcastic, okiii? use a respectable emoji rin. do not flood din. okay na ang once a day. :))
thank you!! thank you rin sa nag-aabang. nagmemessage. nagko-comment. harthart po :">
ay, onga pala. ayan na si art!!! haha.
ps: may nagcomment last time na wala naman daw bago sa afgit (i think reader hates me kasi ang salty ng pagkakacomment niya haha). ang reply ko dito: tama ka, reader! wala ngang masyadong bago rito at normal lang na kwento ito haha ito po ay dahil gawa ko pa ang kwento nung 2009 at isa lang itong slice of life story na walang masyadong plot. kumbaga, you're just here for the ride sa buhay ng ating bida na si ianne. kung naghahanap po kayo ng grabehang plot twist na mala-teleserye, wala po atang ganon dito sa afgit. xD
this is just a coming of age story . . . na may ilang external at internal conflict waha.
tsaka . . . kailan ba ako gumawa ng kakaibang story? huhu. cliche ang lahat ng sinusulat kong kwento. i think. wag masyadong malaki ang expectation. nakamamatay. :))
ALSO, NO SPOILERS PLS.
dedication to DarkMindedDaughter dahil sa comment niyang ito.

Thank yoouu for appreciating both teams!
meet you all soon! keep safe muna us. *hugs
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top