42-B [ refresh ]


PAGKALABAS na pagkalabas namin ng school premises, sumigaw si Joy ng, "We're free!" Nag-uunat niya na para bang nakalabas sa preso. "Ang sarap-sarap kumain pero ang hirap i-perfect lutuin. Muntikan ko nang makalimutan 'yung soy sauce kanina!"

"Pero at least, natapos na natin," masayang sabi ni Sunny.

"Sa wakas," sabi ni Leah habang nakangiti.

Naglakad sa gitna namin si Maria. "Ang love parang grades yan, pwedeng pasado, pwede ring bagsak. Pero ganun talaga hindi ba? Sabi nga ng prof natin, 'for you to pass, you should learn.'"

"In fairness bakla, nagkaka-sense ka na," sabi ni Merry.

"Ang love parang . . . hmmm, wait. Wala akong maisip. Basta, I know right!" sabi ni Maria sabay kindat.

Napagdesisyunan naming gumala para makapag-relax nang mag-vibrate ang phone ko. Sinenyasan ko sandali ang mga kaibigan ko para mauna na sila. Pag-check ko sa phone ko, unregistered number na tumatawag.

Kinakabahan ako.

Pagkasagot ko, nag-e-expect ako ng pamilyar na boses ng lalaki pero babae ang nagsalita.

"Ianne." (eeyan)

Lalo akong kinabahan.

"Sinong tumatawag?" tanong ni Joy.

"S-Sino 'to?" tanong ko. Sobrang kinakabahan na talaga ako.

"Please meet me at our alma matter, ngayon na. I'll wait for you there. Sa tapat ng gate."

Bago pa ako makapagsalita, binabaan na agad ako ng phone nung babae. Tinagawan ko pero hindi siya sumasagot hanggang sa mag-out of reach na.

"Anong sabi?"

Napahigpit ang kapit ko sa cellphone ko.

"Aalis muna ako."

"Weh? Seryoso?" sabi ni Sunny. "Sino ba 'yun?"

"Nahanap na siya, friend?" tanong ni Merry.

"Hindi ko alam, e."

"Sinong nahanap?" pagtataka ni Leah.

Ngumiti ako sa kanila at nagpaalam. Halos patakbo na akong umalis sa sobrang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano. Hindi ko rin alam kung sino 'yung tumawag pero sana . . . sana.

Sana makita ko na si Art.

"Go, Ianne! Iwan mo lang kami, ganyan ka naman! Run, run like the wind!" sigaw ni Joy.

"Girl tandaan mo ang love parang paggigitara 'yan, hindi ka matututo hangga't hindi ka nasasaktan!"

Narinig kong nagtawanan ang mga kaibigan ko sa sinigaw ni Maria. Kahit ang ibang tao, natawa rin. Nakangiti akong nagpara ng bus at naupo sa may bintana. Sobrang kinakabahan ako habang nakatingin sa labas nang manlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Isang pamilyar na side view ng isang lalaki.

"A-Art?"

Nalaglag ata ang puso ko. Tinitigan ko siya nang maigi. Naglalakad siya. Naglalakad siya habang may hawak na canvas na para sa painting.

"Art!"

Tumayo ako para makalabas sa bus pero ang daming taong pumapasok. Sumiksik ako habang sinusundan ko ng tingin si Art na naglalakad lang.

"Teka, bababa po ako."

Pinigilan ako ng kundoktor, "Ay Miss, loading lang po rito. Bawal ang unloading."

"Pero kuya." Hindi na ako mapakali! Lumingon ulit ako sa may bintana para tingnan si Art at halos mabaliw ako nang tingin ko ay nagtama ang tingin namin sa isa't isa kahit imposible. "Kuya! Kailangan ko na bumaba. Kailangan ko talaga bumaba!"

Halos nagwawala na ako pero ayaw pa rin nila ako pababain.

"Miss, mahuhuli tayo ng MMDA. Dun pa ang unloading. Maupo po muna kayo."

"Pero kuya. . . 'yung ano ko, 'yung. . ."

"Miss, 'wag kayo magwala sa bus. Nagpapahinga kami rito, oh!" sigaw nung isang babae.

"Oo nga. Ang ingay-ingay, natutulog 'yung tao."

"Paano kasi, sasakay tapos bababa. Mga kabataan talaga ngayon."

Napaupo ako nang wala sa oras dahil sa mga reklamo. Ang sasama ng tingin nila sa akin kaya tumingin na lang ako sa bintana. Akala ko makikita ko pa rin si Art pero nawala na siya.

Napasandal ako at nagbuntonghininga.

Ang mga tao talaga, hindi supportive sa love life. Nakakainis.

Pero si Art ba 'yun? O baka nagha-hallucinate ako?

Buong byahe ako nag-isip tungkol sa nangyari kanina. 

Nang bumaba ako sa bus, ang sama ng tingin sa akin ng ilang tao. Grabe. Galit na galit sila sa ingay? Hay, ewan ko.

Pagkababa, napatingin ako sa harap ng school ko na na-renovate na ang gate. Mas tumaas ang harang at mas gumanda ang mala-garden na harap.

Pagkarating ko sa tapat ng gate, walang tao. Bigla akong napatigil. What if ki-kidnapin pala ako? Wait! Ano ba Ianne, hindi na ba common ang common sense ngayon? Bakit ako pumunta at mag-isa pa ako?! Pwede ko namang isama yung mga kaibigan ko, ah?!

"Akala ko hindi ka na darating."

Pagkalingon ko, nagulat ako nang makita ko ang isang babaeng hindi ko kailanman ninais makita.

"Irene?"

Ngumiti siya sa akin pero nawala rin ang ngiting niya. Lalo siyang gumanda at nagmukhang model. Pero hindi ko pa rin malilimutan ang mga kalokohan niya sa akin nung highschool.

"Ikaw 'yung tumawag sa akin? Bakit?"

"Kailangan ka niya."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.

"Nino?"

"Tara."

Sinundan ko siya pero napatigil din dahil papasok siya sa sementeryo sa tabi ng school namin.

"T-Teka, Irene. Saan ba tayo pupunta? Sinong pupuntahan natin. . ." tumingin muna ako sa paligid ng sementeryo bago ko sinundan ng, "dito?"

"Si Nate."

"What! 'Wag kang magbiro ng ganyan, ha."

Tumingin siya sa akin at parang natuyuan ako ng dugo dahil ang seryoso ng mukha niya.

"I wish I was joking, but I'm not, Ianne."

"Pinapahiwatig mo bang patay na si Nate?!"


note: NO SPOILERS!!!

Thank you sa inyong pag-abang sa mumunting kwento nina ianne, nate, at art kahit na hindi sila masyadong nakahumalma sa kung ano ang uso noon (gangsters, bad boy) at uso ngayon (billionaire, mafia). yieee. kiligz ako.

maraming salamat!! <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top