PILIT tumatakas ang luha sa mga mata ko.
"Tama na, ayaw ko na. . ."
Sa sobrang pagluha ko, feeling ko mauubusan na ako ng tubig sa katawan. Medyo tumutulo na rin ang sipon ko. Hirap na hirap na ako, hindi ko na kaya!
"Itigil na natin 'to, please," pakiusap ko.
"Pero kailangan natin 'to, e."
Bakit kailangan ako pa ang mahirapan? Bakit?
"Ikaw kaya? Huhuhuhu!"
"Kaloka ka, Ianne. Ako na nga maghihiwa." Tinulak ako ni Joy at tinuloy ang paghihiwa ng sibuyas.
Naupo ako sa tabi habang pinapahiran ang sipon ko. Kanina pa kasi ako iyak nang iyak, hindi na naawa 'tong mga babaeng 'to.
"Friend." Pinatong ni Merry ang kamay niya sa akin. "Kung iyakan mo 'yang sibuyas akala mo heartbroken. Nag-break lang 'teh? Nag-break?" natatawa niyang sabi.
Sumimangot ako habang tawa nang tawa ang mga kasama ko.
"Nako? Si Ianne, mabo-brokenhearted? Baka nambasag na naman ng heartkamo. Kakabasted lang nyan kay Jonas," natatawang sabi ni Sunny habang tinitiklop ang apron niya.
Inirapan ko siya habang natatawa.
"Wait, what?" pag-hysterical ni Merry na tinulak pa ako. "Binasted mo na si Jonas? Hawderyu. Kras ko pa naman 'yun."
Natawa ulit si Sunny. "Alam mo naman 'yang babaeng 'yan, bastedera since 2010."
Sumulpot si Mario—o Maria as he preferred himself to be called at parang nagde-daydreaming pa. "Alam niyo girls, ang love kasi ay parang gamble. There's no certainty of winning."
Nawala ang moment ni Maria nang sumigaw si Joy habang umiiyak. "Nakakaiyak nga 'tong sibuyas na 'to!"
Natawa na lang kaming lahat.
So, ehem.
Tatlong taon na rin ang nagdaan sa buhay ko at ngayon nga, college na ako. Marami na rin akong napagdaan sa nakalipas na tatlong taon at masasabi kong magkaiba ang college at high school. Hindi tulad nung high school kahit panay ang late at absent, hindi bumabagsak. Sa college, kanya-kanya dapat. Kami ang gumagawa ng destiny namin kung babagsak ba kami o hindi.
So far, so good ang akin dahil gusto ko ang course ko. Bachelor of Science in International Hospitality Management specializing in Culinary Arts and Kitchen Operations student, CAKO for short. Peaceful kahit magugulo ang mga kabarkada ko. Nawala rin kasi ang problema pagdating ng college.
Pwera na lang sa mga lalaking . . . umaaligid.
"Hi Janine," bati sa akin ni Hans. "Gusto mong mag-lunch?"
Ngumiti ako. "Sorry, busog ako, e."
"Boom, basted!" sigaw ng mga kaibigan niya na hindi ko na lang pinansin.
Pagkarating ko sa mga kaibigan ko, pinanlakihan ako ni Merry nang makalayo na kami kina Hans. "Pati si Hans, binabasted mo? Kung hindi lang kita kaibigan, maaasar na ako sa 'yo."
Tawa lang si Sunny.
Kumain lang ng fries si Joy.
At si Maria? "Kasi ang love, parang pagsha-shopping. Ang hirap piliin kung alin ang nararapat lalo na kung hindi maka-move on."
Kumunot ang noo ko. "Anong hindi maka-move on?"
"Ah!" sigaw ni Joy. "'Yung dalawang lalaki sa high school days niya? 'Yung nanloko sa kanya?"
Pinanliitan ko ng mata si Joy. "Isa pang salita mo ipapasak ko sa bibig mo 'yang hawak mong box ng fries."
"No need. Ako na sasaksak ng fries sa bibig ko."
Umiling na lang ako hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Nagsi-order na sina Joy, Sunny at Maria habang nakaupo lang kami ni Merry.
"Kamusta na pala?" tanong ni Merry.
"Ako? Okay lang."
"Hindi ikaw."
"Sinong ibang kausap mo na hindi ko nakikita?!"
"Hay nako, friend!" Ngumiti siya sa akin. "Hindi mo ako mapagtataguan ng secrets. Hinahanap mo pa rin si Emotionless Guy, ano?"
"Tumigil na ako! Ang busy kaya ng college days."
"Ows?"
Napangiwi ako. Chismosa talaga 'tong si Merry.
"Uhm. . ."
"Three years nang nakakaraan, hindi pa rin give up?"
"Tumigil naman ako, grabe. Nagpaka-busy naman ako ng ilang taon din . . ." Napasandal ako sa upuan ko. "Siguro gusto ko lang din mag-sorry. Or malaman kung ano nang nangyari sa kanya. Hindi kasi talaga okay yung nangyari sa amin, e. Mali ng ginawa ko."
"Anong nangyari kanino?" sabi ni Sunny nang binaba niya ang tray sa table namin. "Chismis naman d'yan. Ano yung maling ginawa mo?"
Umiling lang kami ni Merry kaya napanguso si Sunny.
"Madaya talaga 'tong dalawa. Ang daming secrets," pagmumukmok ni Joy.
Um-extra si Maria. "Ang love kasi parang baril 'yan. Traydor!"
Nataw akaming lahat.
Kung kukumparahin ko ang college at high school—ewan. Hindi maikukumpara, e. Kung anong ikinagulo ng high school life ko, 'yun ang ikinatahimik ng college life ko.
And now I therefore conclude, pampagulo talaga ang love life.
Haha.
Pagkarating namin classroom, mukhang wala nang balak dumating ang prof namin. Kaya ayun, nagkwento na lang si Sunny tungkol sa boyfriend niya.
"Binigay ko naman sa ang kanya lahat pero—hindi lahat na 'lahat', okay? Pero ayun nga, binalewala niya ako at pinalitan kaagad ako. Ang kapal, nakakainis!"
"Kupal kasi 'yang boyfriend mo, Friend," sabi ni Merry.
"Ex," pagtatama ko.
Narinig naming bumuntonghininga si Maria. "Alam mo, girl. Ang love parang computer sa isang internet cafe," sabi niya habang tini-twirl ang buhok niya.
"Bakit?" tanong ni Joy habang kumakain ng burger sa loob ng classroom.
"Kasi kahit i-extend mo nang i-extend ang time, darating din ang oras na matatapos ka at may uupong iba para palitan ka. Mapipilitan kang tumayo sa kinauupuan mo at minsan hindi ka pa nakakaalis, may nakaabang na para pumalit sa pwesto mo. 'Yun nga lang, literal na umupo ang kapali—arouch my hair!"
Natawa na lang ako nang si Maria ang nakatanggap ng sabunot mula kay Sunny.
"Sinabi ko sayo, friend—"
Natigil si Merry nang magsalita si Sunny. "Yes I know. Ito na nga, natuto na. The hard way nga lang," sabi niya.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa umuwi na kami. Ganoon lang palagi kami. Masaya lang. Magaan lang.
Pagkauwi ko sa bahay, ang dilim ng buong bahay. Mukhang wala pa sina Mama at Papa. Hindi ko naman ine-expect na makita si Kuya dahil minsan lang siya umuwi ng bahay.
Kaya bakit siya nandito?
Nakaupo siya sa sofa habang nakabukas ang TV. Sobrang dilim kaya binuksan ko pa ang ilaw.
"O, Kuya, anong ginagawa mo here?"
Hindi siya lumingon. Bastos talaga, o.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya pero hindi pa rin siya lumilingon. Pagpunta ko sa harapan niya, nawasak ang puso ko nang makitang tumutulo ang luha niya. Namamaga at namumula at mukhang walang tulog.
Umupo ako sa tabi niya sa sofa.
"Anong nangyari?"
Hindi niya ako kinausap. Tulala lang siya kaya lalo akong nasaktan. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
Ganito . . . kawasak.
"Nagda-drugs ka ba?" tanong ko.
Kumunot ang noo niyang tumingin sa akin pero tahimik lang siya. Tulo lang nang tulo ang luha niya kaya walang atubiling niyakap ko siya. Nagulat pa ata siya sa ginawa ko pero naramdaman kong niyakap din niya ako pabalik.
Nararamdaman kong pumapatak ang luha niya sa damit ko.
Ew! Joke.
"P-Pinalaya ko na siya," basag ang boses niyang pabulong. Parang hirap na hirap siyang magsalita. "Pinaubaya ko na siya sa mahal niya."
Humigpit ang yakap niya sa akin kaya naiyak ako. Naaalala ko yung ganitong iyak ko noon. Ganito yon, yung sakit, yung nakakamanhid . . . Sobrang basag ng boses niya at hindi ako sanay.
Niyakap niya ako kaya siguradong wala siya sa tamang katinuan niya.
"Kuya . . ." sabi ko habang hinihimas ang likuran niya.
'Yung araw ko, okay na okay pero kay Kuya, kulang na lang maglupasay sa sahig habang umiiyak.
Simula nang araw na 'yun, hindi na niya ako masyadong inaaway dahil madalas siyang wala sa sarili. Tahimik.
KINUWENTO ko sa mga kaibigan ko ang nangyari sa Kuya ko at tawa na lang ako nang tawa nang si Merry ang nangunguna sa pag-angkin kay Kuya.
"Sabi ko sayo, friend. Ako ang magiging sister-in-law mo, e."
Umirap si Sunny. "Nakipag-break talaga ako sa ex ko para sa kuya mo, Ianne. Para pwede na kaming dalawa."
"Ehem, ehem," pagpapapansin ni Joy sa amin habang kumakain ng ice cream. "Kami ang nagkita ni Eos in person. Finder's keepers, mga girls."
"Tse! Kumain ka na lang d'yan," sabi ni Sunny.
Um-extra si Maria na ngiting-ngiti habang nagbu-beautiful eyes. "Ang pag-ibig parang tubig, mahalaga pero naaaksaya lalo na ang pagmamahal niyo kay Eos dahil kami ang nararapat."
Napatingin kaming lahat kay Maria at tumayo isa-isa at saka lumabas ng classroom.
"Ang love parang kayo. Mang-iiwan!" sigaw niya sa amin kaya natawa na lang kami.
Nagpatuloy ang usapan namin hanggang sa cafeteria. Nagsasaya lang kami hanggang sa naglapag ng maraming papel sa mesa si Leah na ngayon lang namin ulit nakita.
"May recipes pa tayong lulutuin kaya bakit nagsasaya na kayo?"
Stressed na stressed ang itsura niya.
Napangiti na lang ako dahil ang Leah na kaklase ko nung high school ay seryoso pala talaga sa pag-aaral. Kaya pala laging top one sa klase nila.
Tumayo si Mario—este Maria at hinawakan si Leah sa balikat. "Alam mo ba ang love, parang KitKat."
Kumunot ang noo ni Leah. "Anong pinagsasasabi mo?"
"Have a break!" ngiting-ngiti na sabi ni Maria.
Binato ko siya ng tissue. "Korni, tigil mo na 'yan," sabi ko kaya natawa rin sila Joy, Merry at Sunny. Kahit si Leah, napangiti rin.
Umupo si Leah sa tabi ko at nagsimulang sabihin sa amin ang recipes na iluluto sa Sabado.
Ang saya magluto pero ugh, stressful magkabisado talaga!
SOBRANG paspasan ang pagluluto namin dahil kailangan namin ma-perfect ang lahat. Appetizer, entree, main dish, dessert, at drinks. Nawala ang ngiti sa mga labi namin ng mga kaibigan ko hanggang sa matapos ang exam at inisa-isa kaming tinanong.
Dahil ako ang dessert, ako ang sunod sa huli.
"What is this called?" tanong ni Chef Lao habang sine-serve nina Maria ang dessert na ginawa ko.
Kinakabahan pa ako dahil nakatingin din si Chef Gutierrez na adviser namin dito sa subject.
"It's called Jardin d'amour: White chocolate, caramel and berry plate, Chef," nakangiti kong sabi.
Ngumiti sa akin sina Sunny habang naka-thumbs up. Magaganda ang feedback sa kanila at magkakagrupo kami kaya sana . . . sana maganda rin ang sa akin!
"Oh, I love the art in this dessert. The best plating for the day."
Napangiti ako nang matuwa si Ma'am Teodoro sa plating ko.
"Let's taste it?"
Kinakabahan ako habang tinitingnan ang paglapat ng bibig ng mga judges sa maliit na kutsara. Sa bawat segundong lumilipas, feeling ko mamamatay na ako sa sobrang kaba.
Jusko po. Sasabog na ako.
"So Ms. Santos, why did you took this course? Is cooking and pastry your passion?"
Pero sa tanong ni Chef Lao, naalala ko ang isang tao na naging dahilan para mapunta ako sa kinatatayuan ko.
"No Chef," nakangiti kong sabi habang naaalala ko kung bakit nga ba ako nagluluto. "I didn't like cooking—I just liked eating."
Tumawa sila sa sinagot ko.
"When I was in high school, I burnt a lot of food . . . but there's one person who would eat it kahit na sunog." Hindi ko na kinaya, nano-nosebleed na ako. Mukha nakikinig sila kaya nagpatuloy ako. "Dumating ako sa point na tinanong ko kung anong gusto ko sa buhay ko at naisip ko ang taong 'yun. Gusto kong magluto para sa mga may sakit—sa puso. Pwedeng literal pero mas figurative."
"Sa mga brokenhearted?" tanong ni Ma'am Teodoro.
"Pwede? O para sa mga malulungkot. O lonely. Naging goal ko na po ang mapangiti ang mga taong kakain ng niluto at ginawa ko."
Tumango-tango sila sa sinabi ko.
Ngumiti sa akin si Chef Gutierrez. "You're doing a great job on making people smile with your work, Ms. Santos."
"Chef?"
"This dessert is making me smile right now."
Napangiti ako sa sinabi ni Chef.
Narinig mo 'yun, Art? Masarap na akong magluto.
note:
pagod na tayo sa drama kaya fresh restart na tayo sa buhay ni ianne!!! she's in college na. yay!
fun fact:
wala ito sa pinakaaaa original version ng afgitmolfm. yung 2008 - 2009 version. highschool lang kasi ako noon tapos wala rin akong alam masyado nung highschool. sa pagkakaalala ko.
kung mapapansin nyo rin, 3rd year college na si ianne dito. bakit? dahil 3rd year college na rin ako nitong nirerewrite ko ito noon sa wp. waha. so, kung iisipin nating mabuti -- sumusunod ang afgitmolfm sa school year ko. 3rd year highschool ako nung una kong sinulat ang afgit kaya 3rd year highschool din sina ianne nung umpisa ng story. tapos, itong restart na dinagdag ko sa afgit, 3rd year college na sina ianne dahil 3rd year college ako nung nirewrite ko ito sa wattpad.
antagaaaaal ko nang sinusulat ang afgit. 10 years ko na itong sinusulat. rewriting revision reworking. kaloka. last na to nako.
xD
chapter dedicated to guzeeen dahil sa comment niyang ito. grabe, thank you for appreciating the fun facts!! kilig ako knowing that readers are reading this <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top