41-B [ farewell ]


SIGURO tama nga sila.

Kapag sumabak ka sa gera ng relasyon, wala kang choice kundi lumabas nang sugatan at duguan. Malinis man ang itsura ko ngayon. Maayos man ang makeup ko at ang buhok ko. Ngumingiti man ako at nagpi-peace sign sa harap ng camera kapag tumututok, pagod pa rin ako.

Nakakapagod pala ang gera? Bakit di ako na-inform?

Pwede pala ang mga teenager sa mga ganong pahirap?

Nagsisisi ba ako na naging boyfriend ko si Nate? Nagsisisi ba ako na nakipagbreak siya sa akin? Nagsisisi ba akong hinayaan kong maging mahina sa harap ni Art? Nagsisisi ba akong nagkagusto ako sa kanya at hinayaan ko siyang saktan ako?

Hindi ko sure.

Pero ito na ang araw, ngayong graduation day, na nakapag-decide na ako.

Tama na.

Tigil na.

Naka-autopilot ata ang buhay ko bago ang graduation at ngayon lang ulit ako bumalik sa wisyo. Ang nakakainis pa, si Art ang unang nakita ko pagbalik ng normal na isip ko.

Nakatingin siya sa akin.

Umiwas ako ng tingin.

Ito ang naging senaryo namin sa buong graduation ceremony hanggang sa matapos.

Nagkaroon ng maraming picture taking. Hinatak ako ni Ellaine, nina Belle, ng mga kaklase ko. Marami rin ang napansin kong natakot pero lumapit pa rin kay Art at nagpa-picture sa kanya.

Nakita ko rin si Humi na tuwang-tuwa, nagpa-picture kay Art.

Hinayaan ni Art na pagkaguluhan siya. Hinayaan ko ring magpatianod sa iba't ibang batchmates.

Ang daming nag-iyakan pero ubos na ata ang luha ko kaya panay lang ang ngiti ko.

Nakakapagod kasing umiyak, e. Sawang-sawa na ako. Gusto ko na nga sana umuwi at inaaya ko na rin sina Mama pero makipag-usap daw muna ako sa mga kaklase ko. Maghihintay daw sila sa labas.

"Enjoy the moment!" sabi nila. Malaki raw kasi ang chance na hindi ko na sila makita pa.

Sana nga.

"Iannnneee!"

Napalingon ako sa tumawag.

"Erin?!"

Tumatakbo siya palapit sa akin at mabilis akong niyakap. 

Napangiti ako. "Namiss kitang bruha ka!" 

Pagkakalas namin sa yakap, sinabihan ko siya ng, "antagal mong walang paramdaman! Muntik ko nang malimutang may Erin pala!"

Tumawa ako at binatukan naman niya ako. Panay ang reklamo niya at na-miss ko ang kaingayan ni Erin. Ilang buwan din siyang nawala. Tiningnan ko ang tiyan niya, wala namang baby.

"Bakit ka nandito?"

"Ayaw mo ba, ha?!" Umirap siya. Nag-peace sign ako. "Basta, nako. Kasi 'yung Ulap ko, nag-break na kami. Leche 'yun eh, ayaw ko na makita!"

"Nag-break kayo?!"

"Ayaw ko na siya makita kasi lalo akong na-iin love!"

Ngek.

"Yo!"

Nilingon ko ang pamilyar na boses. Napangiti ako nang makita ko ang isang matangkad, head-turner at matipuno ang katawan na naka-shades. Akala mo, artista.

Ang una kong napansin sa kanya . . . "Bakit ka nagpa-black ng buhok?"

"It's needed. Papa-good shot ako sa pamilya ng babaeng 'to." 

Umirap lang si Erin sa sinabi ni Cloud. "Did you miss me?" Niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan ako sa bunbunan. "I missed you, Ianne-chan."

"Hala nagseselos ako," sabi ni Erin.

Kumalas ako sa yakap ni Cloud. 

Ngumiti si Cloud. "Pot ko, alam mo namang—"

"Oo alam ko, alam kong ako talaga dahil ang ganda ko."

Please explain, nasaan ang logic?! Jusko.

"Hindi, ah. Alam mo namang pampalipas lang kita at si Ianne talag—itai!" Napahawak si Cloud sa ulo niya nang batukan siya ni Erin. "Joke lang Pot ko." Hinalikan ni Cloud si Erin sa cheeks.

Ayun, natahimik si babae.

"Cloud mah laaavvss!"

Ang bilis lang ng mga pangyayari at napansin ko na lang na nakakabit agad si Humi kay Cloud na parang koala.

"Humi? Yo! Musta?"

Lumawak ang ngiti ni Humi. "Ito, poging-pogi pa rin sa kapogian mo. Why so pogi? You're so pogi with your black hair. Papa Cloud so pogi!"

Tumawa kami sa kakulitan ni Humi nang matigil sa pagtawa si Erin, tapos si Cloud, na nakatingin sa akin. Nagtaka ako kaya lumingon ako.

Si Art.

Kinabahan agad ako. Ito ang unang pagkakataon na lumapit siya sa akin ulit matapos ng ilang araw na hindi kami nagkikibuan at panay lang ang tingin. Akala ko wala na siyang pakialam sa akin. Ang sakit nga, e, ha-ha. 

Tapos ngayon . . . 

Ang sakit sa puso! Ang sakit ng tibok ng puso ko!

Ang unang reaction ko ay maglakad palayo, umiwas, pero hinawakan niya agad ang kamay ko kaya mas lalo akong nanghina.

"Mag-usap tayo."

Hindi ko alam kung sakit o galit ba ang naramdaman ko sa sinabi niya.

Nag-excuse ako ng, "Aalis na kam—"

"Ano 'yun Humi? Magpi-picture tayo? Sige tara."

Nagulat si Humi sa sinabi ni Cloud pero lalong humigpit ang kapit niya kay Cloud. "Yay tara, Papa Cloud so pogi!"

Ngumiti si Erin kay Art. "Sige lang, sa'yo na si Ianne! Magchochorva lang kami ni Cloud—este magpi-picture-picture. Bye, take your time!"

At iniwan na nila akong tatlo.

Ang daming tao sa paligid pero mukhang pinili nilang huwag kami pansinin. Feeling ko tuloy, kaming dalawa ang nandito. Nakatayo, magkarahap. Walang ingay. Nawala ang gulo.

"Ianne . . ."

Huminga ako nang malalim. Nahihilo na agad ako, boses pa lang niya.

Pero hindi.

Kinuyom ko ang kamao ko. Tama na.

"Bakit?" tanong ko.

Napatitig ako sa suot niyang kwintas na may pendant na singsing. Agad naman akong napatingin sa daliri niya, may suot ding singsing. Mukhang yung singsing na binigay niya sa akin ang kinwintas niya.

Sigh.

"Mag-usap tayo . . ."

Gusto pa ata niyang umalis at lumayo pero pinigilan ko siya.

"Nag-uusap na tayo ngayon. Anong gusto mong sabihin?"

"Binayaran ako ni Nate para kausapin ka, alagaan ka." 

Nag-init agad ang mata ko sa narinig ko. Kapag pala talaga sa kanya galing ang mga salita, mashaket.

"Nagtrabaho ako sa greenwhich dahil gusto kong sundan si Xiara sa ibang bansa. Pero kinailangan ko ng pera, kailangan ko—"

"Oo, alam ko. Kailangan mo ng pera," mariin kong sabi.

"Kailangan ako ng ampunan."

Okay . . .

"Binalik ko sa kanya yung pera. Unti unti kong binalik sa kanya . . . Pinag-ipunan ko, binayad ko ulit sa kanya."

Gusto kong maniwala, pero ganon ba yon kabilis? Yung binigay mo ang tiwala mo sa tao tapos sisirain niya? At bakit ngayon lang? Alam kong hindi ko siya pinapansin at umiiwas ako pero bakit ngayon lang siya nagpapaliwanag?!

"Tapos ka na ba?"

Natigilan siya sa sinabi ko.

Tama na talaga ang sakit.

Graduation na. Kailangan ko na grumaduate sa highschool drama na 'to.

Ngumiti ako sa kanya kahit ang totoo ay gusto ko na lang talaga umiyak. Walang isip-isip na nagsalita ako. "Wala na akong pakialam, Art."

Nagulat ata siya sa sinabi ko. Pero nagtuloy ako sa sinasabi ko.

"Ang dami nang nangyari. Hindi pa ba kayo sawa masaktan? Ako lang ba talaga yung nasasaktan? Nababawi ba talaga lahat ng sakit sa isang sorry?"

Hinayaan kong hawakan niya ang kamay ko. Hinayaan kong hatakin niya ako palapit sa kanya. Hinayaan kong yakapin niya ako sa gitna ng ingay ng pagtatapos ng graduation ceremony.

"Ganon na lang ba talaga ganon kadali ang lahat? Pabayaan ko na lang yon? Maging masaya na lang ako? Ngingiti na lang ako matapos nyo akong lokohin? Paglaruan?"

"Mahal kita, Ianne. . ." bulong niya.

Napakagat ako ng labi pero di ko na napigilan ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha ko. Gusto kong yakapin siya pabalik. Gusto kong itigil ang oras, huwag nang matapos ito. Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang patawarin . . . 

Pero pakiningshet. 

Sakit pa rin ang nararamdaman ko.

Hinigpitan pa niya lalo ang yakap niya.

Hinayaan ko.

"Patawarin mo ako . . ."

"Ang hirap, Art. Ang hirap," bulong ko.

Ayaw kong mapansin niyang umiiyak ako kaya agad akong kumalas at nakayukong tumalikod, umiwas agad. Naglakad na ako palayo nang magtanong siya.

"Mahal mo ba ako?"

Napatigil ako. Hindi ako lumingon pero gusto kong lumapit sa kanya at sumigaw ng 'oo, mahal na mahal kita, Art! Sobrang mahal kita pero sobrang sakit ng ginawa mo! Hindi ko makalimutan 'yung sakit, nahawa na ata ako sa photographic memory mo!' pero hindi ko kaya.

Napatakip ako nang bibig dahil tulo na nang tulo ang luha ko. Diretso lang ako sa paglalakad nang tawagin niya ulit ako. Hindi ako lumingon.

Iiwan ko na ang lahat sa high school life ko.

Hindi na ako lilingon pa.

Pagkalabas ko ay agad kong hinanap ang mga magulang ko at sina Kuya Eos at Ate Nuriko pero si Cloud ang nakita ko, naghihintay. Mukhang ako ang hinihintay niya dahil lumapit siya sa akin nang nakangiti pagkakita niya sa akin.

Agad niyang pinunasan ang mga luha ko at ngumiti.

"Bakit hindi mo tinupad ang pangako mo sa akin? Bakit ka umiiyak ngayon?"

"Parang alam mo yung . . . teka lang." Kumunot ang noo ko. "Alam mo bang mangyayari 'to? Simula pa nung umalis ka?"

Natigilan siya. Natahimik.

Nagtuloy ako sa sinasabi ko. "Alam mong mangyayari sa amin ni Nate 'yun? Alam mong makikipag-break siya sa akin?"

"I—"

"Cloud, ano? Tama ba naaalala ko? Na sinabihan mo ako noon na last time na iyak ko ay kinabukasan, tapos anniversary namin yun. Alam mo yon?! Cloud?" 

"I did the best I could—"

"So alam mo nga ang lahat?!" Hindi ko malaman pero napuno na ata ako ng galit nang tinulak ko siya nang malakas.

Pag-iwas lang ng tingin ang ginawa niya.

"Anong nangyari, Cloud?! Anong ginawa nyo? Bakit nangyari yon? Anong ginagawa nyo saking lahat?"

Ang sakit-sakit ng dibdib ko! Hindi naman talaga lumalaki!

"Hindi mo alam . . ."

Tinulak ko siya lalo. "'Yun na nga nakakaloko, e! Hindi ko alam kasi hindi niyo pinapaalam! Ano, maghuhulaan tayo? Ginugulo nyo ako, bakit nyo ginagawa 'to? Sabihin nyo sa akin, sobrang nasasaktan na kasi ako, Cloud! Nasaan si Nate! Bakit nyo dinamay si Art? Bakit gusto nyong umiiyak ako?!"

Nagpumiglas ako nang yakapin niya ako pero nanghihina na ako. "I'm sorry. Gomenesai, Ianne-chan. I did what I could do best. Gomenesai."

"Anong best! Ang saktan ako?!" Pinalo-palo ko siya sa dibdib. "Bakit ba kayo sorry nang sorry? Napapagaling ba ako ng mga sorry nyo? Iba ibang version ba ng sorry ang maririnig ko? Para saan ba yan? Sa lahat ng sakit na nararamdaman ko? Cloud naman, para na akong patay na pinipilit na lang mabuhay!"

"Ianne. . ."

"Ang kapal ng mukha nyong magmukhang walang alam. Grabe," nanghihina kong sabi habang inaaalala ang lahat. Ano ang totoo doon? Ano ang hindi? Ano ang pera lang ang dahilan? Ano ba talaga ang pagmamahal? "Hindi ko na alam paniniwalaan ko."

"Sorry. . ."

"Ginugulo nyo akong lahat. Hindi ko akalain . . ."

"I'm sorry, Ianne-chan."

Anong magagawa ng napakaraming sorry sa sugat na sinugatan pa lalo?


note:

omg!! ang drama ng chapter na ito. i didnt want it to be too much dramahan but at the same time, kailangan ilabas ang feelings ni ianne kaya feeling ko ang struggle nitong chapter hahaha.

thank yoouuu for waiting for the update. ang cute na may new readers talaga at may mga old readers din na rereading!

kadugtong ito ng last chapter. antagal lang ng update kasi naging busy ako at marami-rami ang binago ko rito. tingin ko ay 85% ay rewritten sa chapter na itech.

next chapter, yun na ang simula ng countdown. Kung N era ang first part, A era ang second part, sa susunod ay pupunta na tayo sa I era.

Ang era ni janine anne "ianne" santos.

:)

~ rayne

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top