41-A [ farewell ]
HINAYAAN nila akong umiyak hanggang sa binuhat ako ni Papa mula sa sofa at dinala sa kwarto. Tulala lang ako kahit na pinahiram ako ni Kuya ng DVD para panoorin ang movie ng Spongebob Squarepants.
Lalo akong naiyak dahil may naalala ako sa movie na 'yan.
Lutang na lutang ako.
Hindi ko akalain na sa isang gabi lang, parang sasabog na ang utak at puso ko sa mga nangyari.
Napakalaking kalokohan.
Naniwala ako sa mga panloloko niya—nila.
Natawa ako. Mahal ako ni Art? Tae talaga, Ianne. Alam nating lahat na maganda ka pero hindi mo ba naisip si Xiara? Na mas maganda sa'yo? Eh iniyakan nga ni Art, 'yun eh.
Ang tanga ko.
Akala ko nagkaroon ng emosyon si Art dahil sa akin pero dahil lang pala sa pera ni Nate.
At 'yang si Nate—magbabayad para lokohin ako? Anong problema niya sa akin? Sasaktan ako tapos magbabayad ng iba para mas saktan ako?
Anong trip niya? Anong trip nila? Bakit nila ako niloloko? Bakit sila nagpapanggap? Bakit ayaw nila ako maging masaya, kahit isang beses lang?!
Bakit napupunta na naman ako sa tanong na 'anong nangyayari?'
Bakit ang sakit? Bakit nakakainis? Bakit nakakagalit?!
Hindi ko namalayan na hawak ko na pala ang unan ko habang kumakatok sa pinto nina Mama. Nakangiting pinapasok ako ni Mama.
"Gusto mong tumabi sa amin?"
Tumango ako.
Sumiksik ako sa gitna nila sa kama habang yakap ko ang unan ko. Nakahiga lang kami sa katahimikan. Namalayan kong tumutulo na ang luha sa mata ko. Sinusubukan ko pa ngang pigilan kaso . . .
"Sorry," bulong ko habang nakasubsob sa unan ang mukha.
Naramdaman ko na may humaplos sa buhok ko.
"Hmmm?" boses ni Mama.
"N-Nag mamadali kasi ako."
"Hindi ka naman masyadong nagmadali, saktuhan lang," sabi ni Mama.
Binaling ko ang tingin kay Mama, hindi na masyadong pinapansin kung tumutulo ang luha ko. "Pero bakit 'yung sakit, hindi saktuhan?"
"Bata ka pa naman din."
"Bata pa nga ako pero bakit sobrang sakit, Ma?" Niyakap ako ni Mama kaya bumuhos na lang ang iyak ko. "H-hindi ba pwedeng sakit na pambata na lang din maramdaman ko?"
"Ianne. . ." bulong ni Mama.
"Natural 'yan, nagmahal ka, e," sabi ni Papa. Nakapikit lang siya habang nagsasalita. "Dapat ba hindi na kita pinayagan magka-boyfriend? Pinag-usapan namin to ng mama mo. Gusto ka naming protektahan pero gusto rin naming maranasan mo ang lahat sa sarili mo. Ayaw kong ipagkait sa 'yo ang kabataan mo. Ang first heartbreak mo."
Naupo na ako dahil sa hirap sa paghinga.
"Pero bakit ganun, Pa? Dahil sa pera? Hindi ko matanggap. Si Art, kakausapin ako dahil sa pera?"
"Ang taong nangangailangan, nalulusaw ang pride," sabi ni Mama. "Natanong mo na ba kung bakit kailangan niya ng pera?"
Natahimik ako.
Dahil sa responsibility niya sa AFGeneration?
"Hindi pa rin sapat na dahilan yun para lokohin ako, e!"
"Madalas talaga, hindi natin naiintindihan ang iba, Ianne. Siya, hindi ka niya naiintindihan. Ikaw, hindi mo siya naiintindihan. Kailangan siguro natin ng paglipas ng oras at panahon para ma-gets natin kung saan ba nanggagaling ang bawat isa."
"Pero sinaktan niya ako, Ma! Nila!"
"Masakit talaga yan," sabi naman ni Papa. "Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal."
"Ayoko nang magmahal."
Nahiga ulit ako.
Ang sakit-sakit kasi.
Niyakap ako ni Mama. "Kailangan mo lang magpahinga, Ianne."
Hinalikan ako sa ulo ni Papa.
Tumahimik kaming lahat at hinayaan lang nila ako umiyak. Hindi na sila nang-usisa hanggang sa pati ako, napagod na rin sa pag-iyak. Tulala ako dahil paulit-ulit sa isip ko yung nangyari.
Para akong binaril sa puso. Ang biglaan . . .
Tulog na ata sila nang bumulong ako ng thank you po.
Sa gabing 'yun, sa dami ng nangyari, mahirap man pero nakatulog ako nang mahimbing sa tabi ng mga magulang ko.
"HOY, panget! Gumising ka na."
Hirap akong dumilat dahil sa pamamaga ng mata ko.
Nabadtrip ako dahil umagang-umaga, si Kuya agad nakita ko.
"Anong klaseng pagmumukha 'yan, ha?" Tumawa si Kuya.
Pagtingin ko sa paligid, nasa kwarto ko na ako.
"Bakit ka ba nandito?" iritable kong tanong. Humarap ako sa kabilang side pero hinila niya ako para humarap sa kanya. "Ano ba? Bakit mo ba ako ginugulo?"
"Tumayo ka at 'wag kang makupad, panget." Hinila niya ako patayo pero nagpupumilit akong humiga.
Nawala na ang antok ko pero tinatamad akong gumalaw.
Syempre, masakit pa rin.
Hindi naman overnight ang moving on process, e.
"Heartbroken lang, tinamad ka na bumangon?"
"Hindi ako heartbroken," sabi ko.
"Hay nako." Umupo siya sa gilid ng kama pero nakatalikod sa akin, hindi nakatingin. "Ayaw kong may ibang nagpapaiyak na lalaki sa 'yo pwera sa akin, ha."
"Ang panget mo na nga, lalo ka pang pumapanget." Tinuktok ako ni Kuya sa noo.
"Aray ko!"
"Itsura mo kagabi, hindi maipinta para kang natatae. Gusto ko, ako lang may karapatan magpapanget sa 'yo, ha?!"
Hindi ko tuloy sure kung nila-lighten ba niya ang mood o binabadtrip lang niya ako sa pang-aasar niya.
"Bakit mo hinayaan na papangitin ka ng iba?"
"Nang-aasar ka ba?"
Pinitik niya ang noo ko. "'Wag ka na umiyak, babangasan kitang panget ka."
Pagkalabas niya ng kwarto, as if on cue, umiyak ulit ako. Pero hindi ako umiyak dahil sa sakit, naiiyak ako dahil sa kaepalan ng kuya ko.
Hindi kami masyadong close ni Kuya pero kaming dalawa ang nag-uusap kapag sikreto kina Mama at Papa. Madalas kaming mag-away at mag-asaran kaya nakakatuwang inaasar niya ako at the same time, pinapagaan ang loob ko.
Yiee, ang landi ng kuya ko.
Pagkababa ko, una kong nakita si Kuya na nasa sofa at kumakain ng chichirya. Napatingin siya sa akin at ngumisi.
"Oh, buti naisipan mong—"
Hindi pa siya tapos magsalita, binatukan ko na siya.
"Anong problema mo?"
Ngumiti ako nang yakapin ko siya at kiniss sa cheeks. "Thank you, Kuya kong pinaka panget."
Nanlaki ang mata niya at tinulak ang mukha ko. "Aaahh ano ba 'yan!" Pinahid niya ang pisngi niya na parang nandidiri. "Kadiri ka! Lumayo ka sa akin."
Natawa na lang ako hanggang sa tinawag kami ni Mama para kumain. Nakangiti sina Mama at Papa sa akin tapos diring-diri pa rin si Kuya nang mag-lead ako sa pagdarasal.
"Lord, salamat po para sa pagkain namin at salamat din sa family ko."
Nagsimula na kaming kumain at nag-usap na parang normal lang ang lahat. Sila siguro ang least sa ine-expect kong makakatulong sa akin dahil wala silang alam sa nangyayari pero sila ang unang nagpagaan ng loob ko.
DIRETSO ako sa upuan ko sa room pagpasok kinabukasan. Panatag lang ako dahil hindi pumasok si Art nitong mga nakaraang araw pero nagulat ako nang makita ko siyang papalapit sa akin.
Bago pa siya makaupo sa tabi ko, nilagay ko na agad ang bag ko.
"May nakaupo," diretso kong sabi.
Tinanggal niya ang bag at naupo sa upuan.
"May nakaupo sabi, e."
"Oo, ako ang nakaupo."
Bakit ba siya lumalapit sa akin? Matapos ng nangyari sa playground? At suot pa niya yung singsing? Hah! Sa sobrang pagkainis, tumayo ako at lumipat sa ibang upuan at nakipag-usap sa iba. Kailangan kong lumayo para hindi niya ako maapektuhan. Ayoko na manghina pa. Baka lokohin lang niya ako, nila ako.
Tumayo naman siya at lumabas ng room. Pagkatapos ng ilang segundo, pumasok siya at dumiretso sa akin. Napatigil sa pagsasalita yung mga kaklase namin dahil sa paglapit ni Art.
"Ianne," sabi niya nang hawakan niya ang braso ko.
Tumayo ako para hindi gumawa ng kumosyon. Pero nang makalayo na kami sa mga kaklase namin, inialis ko ang hawak niya sa akin. Gusto kong manahimik na pero ang unang lumabas sa bibig ko ay, "'Wag mo akong hawakan."
Nagulat siya doon.
Nagulat din ata ako.
Pero galit ako. Naiinis talaga ako.
Lumabas ako ng room para mahimasmasan. Akala ko makakahinga na ako pero nakita ko pa si Irene sa hallway na masayang-masaya. Lalo akong nainis. Umakyat agad ako para makalayo. Namalayan ko na lang na nagpunta ako sa rooftop. Iniisip ko pa na susundan ako ni Art pero . . . ayaw ko rin siyang makita. Ayaw ko siyang makausap.
Nakakapagod.
Pinakiramdam ko ang hangin habang nakaupo sa gilid. Ang peaceful ng paligid—nagko-contrast sa gulo ng puso ko.
Lumapit ako sa may railing at tumingin sa ibaba. Ang unang pumasok sa isip ko ay si Nate nung sabihin niyang ako lang dadalhin niya rito. Nung anniversary namin. Tapos yung iyak ko nung nakipag-break siya sa akin at hinihintay ko siya.
Paano niya nagawang gawin sa akin lahat ng yon? Na para bang wala akong feelings . . . Na para bang hindi ako tao? Tapos aakto siya, sila, na para bang hindi nila ako ginago?
Bakit pinaglalaruan nila ako? Pasa-pasahan? Bola ba ako?
Ako naman, nagpauto sa dalawang yun! Nakakainis! Andaming signs, e. Na pwedeng magkakilala pala talaga sila. Na magkausap pala sila kasi pero ito ako, bulag sa feelings. Puro feelings na lang ako!
Hindi ka kasi nag-iisip, Ianne!
Tumulo na naman ang luha ko.
Ano ba kasing nangyari? Bakit nila ginawa sa akin 'to? Bakit kailangan pang mangyari lahat ito? Bakit kailangan kong maging masaya tapos sisirain lahat ng yon sa isang gabi lang?
Kung gusto mo akong saktan nang paulit-ulit, bakit dinamay mo pa si Art, Nate?
Inubos ko muna ang iyak ko pero natawa rin. Naisip. Nauubos ba ang luha?
Sana.
Pagkatapos mag-pause ng mga luha ko, pinagpag ko na ang uniform ko at huminga nang malalim. Dumiretso ako sa CR para maghilamos at tumingin sa salamin. Kailangan ko ngumiti kahit masakit. Kailangan ko magpakatatag kahit na sa bawat araw na nakikita ko si Art, nanghihina ako.
Kailangan ko lang talaga magpahinga.
Hindi si Art ang solusyon ng broken heart ko.
Malapit na rin naman ang Graduation Day. High school pa lang ako at marami pang mangyayari sa buhay ko sa susunod.
Aayos din ako.
Oo, tama. Gagaling din yung sakit. Tiwala lang.
Pagkabalik ko sa classroom, ayaw ko man pero unang hinanap ng mata ko si Art pero wala siya. Napatingin naman sa akin ang ilang kaklase ko na para bang gulat na gulat.
Alam kong namamaga ang mata ko pero ang OA naman ng itsura nila? Akala mo naman tinubuan ako ng isa pang mata?
"Nag-away ba kayo?" tanong ng isa kong kaklase.
"Bakit?" tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ako sure ah pero parang nakita kong namumula mata ni ano, parang paiyak na, e."
"Oo, nakita ko nga parang nagpunas tapos dumiretso alis ng room."
Ano raw?
Galit ako sa kanya pero . . . agh! Sinubukan kong ngumiti, kunwari okay lang, pero di ko mapigilan ang kamay kong naging kamao. Nahihilo ako sa sakit. Nahihilo ako sa panghihina.
"Uy, Ianne, ayos ka lang? Namumutla ka."
Nag-okay sign lang ako pero nagpunta rin ako sa clinic. Heartbroken lang naman ako pero bakit pati katawan ko, nanghihina? Napapagod?
Nung tinanong kung anong masakit sa akin, gusto kong isagot na puso at kailangan ko ng soup para gumaling pero ang korni siguro pakinggan nun kaya yung ulo ko na lang. Pinag-stay ako sa kama ng clinic. Di ko napansin na nakatulog na pala ako. Ginising na lang ako ng kaklase ko na nag-aaya na mag-SM daw kaming magkakaklase.
Aayaw sana ako pero siguro nga, kailangan ko ng ibang tao na makakasalamuha kaya umokay ako.
Pagkarating namin sa SM, naglaro kami sa quantum. Habang naghihintay ko ang time ko para makalaro, may tumabi sa aking babae na may buhat na baby.
Pamilyar sa akin 'yung babae—si Grace?!
Ano na naman ba to? Sinasadya ba talaga ng universe ang lahat? Ano ba?!
"Buti naabutan kita dito," sabi niya. "Ianne, tama?"
Pumikit ako at huminga nang malalim. Lalayo na dapat ako para lumapit sa iba kong kaklase nang hawakan niya ang braso ko. "Mahal ka ni Nate. Ang kailangan mo lang ay intindihin ang lahat."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ang alin? Na babae ka niya at anak niyo si Baby Angel? Na sinasaktan niya ako paulit-ulit?"
Tumawa siya onti. Nang-aasar ba to?!
"Sabi ko na nga ba, ginamit niya ako as excuse."
Tumaas ang kilay ko.
"Kung ano man 'yung alam mo, 'wag ka maniwala sa mga nakikita at naririnig mo, Ianne. Ang paniwalaan mo ay yung tinitibok ng puso mo."
Anong pinagsasasabi nito?
"Magpinsan kami ni Nate. At si Baby Angel," nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa baby na hawak niya. "Ay baby ko lang."
Mas lalo akong naguluhan sa mga sinabi niya.
~
NO SPOILERS PLS!!
And thank yoouu sa lahat ng patuloy na nagbabasa at nagko-comment. You're the one fueling me to finish this revision. Malapit na tayo matapos!!!!
10 chapters to go na may 2 - 3 parts each chapter. Hihi.
<3
dedicated to itsmemoriahhh coz teen years to adult life yehey!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top