40-A [ consequence ]

Let's have a little game! Inline comment kayo sa team n'yo at ilagay ang dahilan. Convey your thoughts without spoilers. STRICTLY NO SPOILERS PLS! 

Team Nate?

Team Art? 

---


:|

Saan ka na?

To :|

ito na pooooo D:

:|

Bilis.


Pagpasok ko sa Kapelibro Cafe, naamoy ko agad ang pinaghalong amoy ng libro at kape. Napangiti ako sa bumungad na mga taong nagbabasa, nagre-relax at nagkakape kung saan-saan. May mga nakaupo sa carpeted floor at may ilan na nakaupo sa upuan at couch. Imbis na pader, bookshelves ang nakapaligid. Kahit sa hagdan, may mga libro.

Pagkasagot ko kay Art, the next day; dinala niya ako sa Kapelibro. 

Dumiretso ako sa paboritong spot ni Art: second floor, right side, sa may malaking bintana at tapat ng aircon. Nakita ko siyang nakaupo habang nagbabasa ng libro. Napangiti ako kasi napansin kong patingin-tingin siya sa cellphone niya at nakasuot din ng eyeglasses.

Ampogi ni Art sa salamin niya. Ahihihi.

Kakaupo ko pa lang sa upuan sa tapat niya, nagsalita siya agad nang hindi nakatingin sa akin. "Bakit ang tagal?"

Napangiwi ako. "Gumapang kasi ako, e."

Tiningnan niya ako nang masama na para bang kakainin niya ako ng buhay.

"Joke lang. Ikaw naman, so serious," natatawa kong sabi. "Naghanap pa kasi ako ng notes na pagkokopyahan."

Tumango siya sa sinabi ko. 

Bumalik siya sa pagbabasa habang nagsimula na akong magsulat para matapos na ang notes ko. Ito na naman kasi, pahirapan sa lectures at clearance.

May dumating na waitress sa amin at naglapag ng baso ng kape.

"Oh." Binigay niya sa akin ang kape. "Malamig na kape."

Napangiti ako dahil alam niyang hindi ako nagkakape lalo na kung mainit. Pagkainom ko nga lang, sumakit bigla ang ulo ko.

"Ugh, brain freeze." 

Minasahe ko ang ulo ko.

"Kapag nagka-brain freeze," panimula niya, "hindi masyadong ginagamit ang utak."

Napasimangot ako. "Anong point mo?"

Nawala na ang mata niya dahil sa pagngisi na parang nang-aasar.

Watdahek, Art! Kailan ka pa naging smiling face?

Bakit ang pogi?!

Nanahimik na lang ako at nagsulat ulit. Matapos ng ilang minuto na ata, hindi ko na siya inintindi. Napansin ko naman na patingin-tingin sa akin si Art habang nagsusulat siya sa sarili niyang notebook nang nakatago sa akin.

"Bakit ka tumitingin?" tanong ko.

Ngumiti siya at umiling. 

Napatingin naman kaming dalawa sa phone niya nang tumunog yon. May tumatawag. Imbis na sagutin sa harap ko, tumayo siya at naglakad palayo. Dala pa niya yung notebook na pinagsusulatan niya kanina.

Nakatingin lang ako sa kanya habang may kausap siya sa phone.

Sino kaya yung tumatawag sa kanya?

Bakit parang laging tumatawag sa kanya?

Nagkatinginan kami ni Art habang may kausap siya sa phone sa malayo. Ilang segundo lang, natapos na ang tawag. Tumaas ang kilay ko habang palapit ulit siya sa akin.

"Sino yon?" tanong ko. "Siya yung laging tumatawag sayo?"

"Oo. Si X."

Natigilan ako sa iniinom kong kape. Hindi lang ako na-brainfreeze. Kumirot din sandali yong puso ko.

"Si . . . X? As in . . .  X na, si X na childhood friend mo?" Yung mahal mo? Yung childhood friend mo na kasama mo simula pa noong umpisa? Nung wala pa ako? Yung babaeng minahal mo nang sobra?

"Oo."

Dahek.

Nakatayo pa rin siya sa gilid ko. Napahawak ako sa noo ko dahil nananakit sa pagka-brainfreeze. Gusto kong magtanong. Gusto kong tanungin kung bakit sila magkausap. Matagal na ba silang magkausap ulit? Akala ko ba wala na silang connection ulit?

Binukas-sara ko ang kamao ko.

Gusto kong ngumiti pero nanginginig yung labi ko.

Ah, shocks.

Anong nangyayari? Nagseselos ba ako?

Nagulat ako nang imbis na umupo, pumunta si Art sa likuran ko at tinulak ang noo ko para mapatingala sa kanya na nasa likuran ko.

"Kausap ko siya dahil . . ."

Minasahe niya yung noo kong nananakit. Hindi ako makatingin sa kanya. Parang gusto kong umiyak. Gusto ko rin pamasahe sa kanya yung puso ko. Sumasakit din, e.

" . . . may binibigay siyang clients."

"Clients? Ha?"

"Buyers ng paintings. Pangtustos."

"Sa AFGeneration?"

Tumango siya.

Napa-ow na lang ako.

Alam kong marami siyang responsibility sa bahay-ampunan. Hindi ko lang siguro naisip na marami ngang kakilala si X at marahil, siya yung tumutulong kay Art para sa pagbenta ng artworks.

Magtatanong pa sana ako tungkol sa AFGeneration at sa paintings niya pero nagulat na lang din ako nang yumuko si Art at bigla na lang. . . hinalikan niya ako sa labi.

Upside down kiss.

Hindi pa siya masyadong nakakalayo sa akin, binulong niya sa bibig ko ang, "I love you."

Bago pa ako makapag-react, ngumiti siya sa akin.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. 

Bago siya umupo sa sarili niyang upuan sa tapat ko, nilapag niya ang notebook niya sa table. Pagtingin ko sa notebook, napangiti ako sa nakita ko. 

Ini-sketch niya yung mukha ko habang kumokopya ako ng notes.


THE next few days, hindi ako masyadong makatulog dahil binalita sa akin ni DC na masu-suspend daw ako. Marami raw akong 'accumulated lates' na kailangan kong pagbayaran bago ako makasali sa practice ng graduation.

Kaya sa araw bago ako ma-suspend, sobrang sabog ako at antok na antok. Diretso ako sa upuan ko. Lutang na lutang at kinakain ng antok. Nasa tabi ko si Art, natutulog din.

Inggit ako!

Papunta na sana ako sa dreamland nang sumigaw ang napakapamilyar na boses.

"Santos!" Si Ma'am Verano sa harap.

"Ma'am!" Napaupo nang maayos at napadilat ako kahit hilong-hilo pa ako. 

Nagtawanan ang ilang kaklase ko.

"Kung masama ang pakiramdam mo, pumunta ka ng clinic."

"Sorry po." Yumuko ako at napatingin sa katabi ko. Tulog din naman ah?! Tinuro ko si Art na nakasubsob ang ulo sa armchair. "Ma'am, natutulog din po?"

Ngumiti si Ma'am Verano. "Matalino siya."

Luh.

Favoritism?!

Unfair sa mga tulad kong normal lang na estudyante!

Kaya ayon, buong araw akong antok at nagtitiis kahit na 'yung katabi ko ay sleeping pretty.

Pinatawag ako sa DC bago pa matapos ang araw.

In-explain sa aki kung anong mga gagawin habang 3-day suspension ko. Kinabukasan, nagsimula na nga ang suspension. 

Natawa pa nga ako. Chineer ako nina mama. Galingan ko raw sa suspension.

Okaaayyyy.

Masaya naman ang suspension pero nakakapagod dahil kung saan-saan ako nagpupunta para sa mga utos ni DC. Bigay ng papel dito, kuha ng something doon. Linis ng lamesa ni ganito.

Tambay ako sa isang bench sa gilid ng grounds habang nagtatago kay DC. Pag-angat ko ng tingin sa hallway ng fourth years, nakita ko si Art na nakatingin sa akin.

Kumaway ako. Tinaas niya sandali yung kamay niya.

Ang pogi naman ng gesture na yon.

Hihi.

Napatalikod naman siya dahil mukhang may tumawag at kumausap sa kanya. Mukhang lalaki dahil sa buhok pero hindi ko masyadong maaninag dahil ang liit nila sa view ko, ang layo pa. Hanggang sa ayon, nawala na siya sa paningin ko.

Tumingin ako sa grounds sa harap ko.

Ang tahimik ng school kapag nasa classroom lahat.

Ilang minuto ang nakaraan, lumingon ulit ako sa parte ng hallway namin, kung saan nakita ko si Art na nakadungaw.

Pero imbis na si Art ang nakita ko . . . si Nate. Nakatingin. 

Napatingin naman ako sa may stairs sa building. Bumaba si Art at lumapit sa akin.

"Bakit ka nandito? May practice ng graduation songs, ah?" tanong ko.

Umupo sya sa tabi ko sa bench. Nakatingin din siya sa grounds sa harap.

"Nakakatamad. Wala ka," diretso niyang sabi.

Inirapan ko lang siya sa kalokohan niya pero napangiti nang patago. Ang cheezy tologo. 

Kahazar.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. "May tiwala ka ba sa akin?"

"Ba't mo natanong?"

"Kapag may nalaman ka, maiintindihan mo?"

Nagtaka na ako.

Para akong natatakot sa pagseseryoso niya bigla? I mean, lagi siyang seryoso pero iba ang feeling ngayon.

"Ano ba yun? Pa-mysterious effect ka na naman, e," natatawa kong sabi para mapagaan ang aura namin.

"Basta, tandaan mo," seryoso niyang sabi. Hinawakan niya ang pisngi ko. Tinitigan niya ako sa mga mata ko. "Tumigil na ako."

Kumunot ang noo ko. "Tumigil sa?"

"Ianne!"

Sabay kaming napalingon sa tumawag.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top