39-B [ heartbeat ]




SA WAKAS! Tapos na rin ang final examination namin. Kaunting kembot na lang at malapit na ang graduation practice! Libre raw ako ni Art bilang premyo dahil natapos ko raw ang examination week nang buhay pa. Proud daw siya sa akin dahil isang luha lang daw ang pumatak mula sa mga mata ko.

Nagpalibre ako sa kanya ng fishball. Habang kumakain kami, parang nang-aasar siya nung mapaso yong dila ko.

"Ano pa gusto mo?"

Napansin kong napapa-double look yong iba naming schoolmates kay Art. Mukhang gulat na gulat silang nandito si Art, kumakain ng fishball.

"Wala na talaga," sagot ko. "Okay na ako dito."

"Ano pa nga?"

Sumimangot ako.

Ayaw ko na kasing magpalibre pa sa kanya dahil alam kong kailangan niya ng pera para sa AFGeneration. Mukhang ayaw din niyang umuwi muna kami kaya ang nangyari, nagpunta kami ng SM at naglaro sa arcade.

Nag-away pa kami kung sinong manlilibre ng tokens. Mukhang natakot siya sa pagbabanta kong hindi ako mag-aaral mag-bake ng cookies para sa kanya kaya hinayaan niyang ako ang magbayad.

Ang ayoko lang ay itong drums na laro!

"Bakit ba ang hirap nito?" Kanina pa ako nagpapalo ng drums pero laging fail! "Sira ata 'tong laro, e."

Tumawa si Art kaya sinamaan ko ang tingin ko sa kanya.

Porke't alam niyang gwapo siya sa pagtawa niya, lagi na niyang gagawin para asarin ako?! HOW DARE HE.

"Anong tinatawa-tawa mo?"

Ngumisi siya. "Hindi ka marunong."

"Wow, magaling ka? Yabang."

Kinuha niya sa akin ang drum stick at pang-asar na ngumiti. Naghulog siya ng token. Napansin ko namang may mga taong tumigil para manood kay Art. May sumigaw pang babae habang tumitigil.

"Ang galing-galing mo, kuya!"

Nyeh. Wala pa nga, e. Eksayted lang, teh?

May mga sumigaw pa na ang gwapo raw ni Art blah, blah, blah. Ngayon lang nakakita ng lalaki? Sige na. Kanilang-kanila na. Nahiya naman ako hindi pa nga nagsisimulang mag-drums, e.

Pero nung tumugtog na ang Canon Rock?

PERFECT. PERFECT. PERFECT. PERFECT.

O di siya na perfect.

Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos. Anyareh, may concert ba?

Napansin kong hinanap ako ni Art dahil nasiksik na rin ako sa dami ng mga babae kaya lumayo ako sa likod. Nung nakita niya ako, humawi yung mga tao para makapunta siya sa akin.

"Gawa mo dyan?" Hinatak niya ako palabas ng arcade. "Nakita mo? Talo ka, ah?"

Inirapan ko siya. "Kailangan ko lang ng practice, okay?" Natawa siya sa sinabi ko kaya pinalo ko siya sa braso. "Ang sama ng ugali mo."

Pero natigilan ako nang hawakan niya yong kamay ko na pinalo siya sa braso.

Napatitig ako sa singsing sa kamay niya.

Suot niya . . . yong kapareha ng singsing na binigay niya sa akin. Nang umangat ang tingin ko sa mukha niya, hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa kaya natawa na rin ako sa kaadikan niya.

"Sana lagi kang ganyan."

Suot niya yong singsing . . .

Tinaas ko ang kilay ko. "Na ano?! Talunan?!"

Ngumiti siya. "Masaya."

Ito na naman ang puso ko. Hayy.

Ganito ba talaga siya at front lang niya yong tahimik na parang walang paki na parang mangangain? Pero kung iisipin ko nga rin nang mabuti, mabait siya sa AFGeneration. Sa school lang siya ganon ka . . . scary?

"Bakit ako?" tanong ko. "Sa lahat ng mga babae . . . si Irene noon . . ."

Hinawakan niya ako sa ulo. Ngumiti siya.

"'Wag mo na alamin."

Naglakad siya kaya sumunod ako. Napalingon siya sa akin at ilang segundo lang, bumagal ang paglalakad niya at sumabay na sa pacing ko.

"Bagal," reklamo niya.

"Pero sinabayan mo ako, yiee," panunukso ko.

Kumunot ang noo niya pero napapangiti rin. Tinatago lang.

Nararamdaman kong dumadaplis ang kamay namin sa isa't isa kaya kinakabahan ako. Habang nagtitingin sa paligid, natigil ako sa paglalakad at napanganga sa nakita ko.

"Spongebob Squarepants the Movie!" sigaw ko. "Now showing!"

Tumapat ako sa life-size Spongebob. Pagkabaling ko kay Art, parang nandiri siya.

Haaayst.

No one understands my fangirl heart.

Pinilit kong ngumiti kahit durog na durog ang puso ko. Gusto ko panoorin ngunit pero datapwat hindi ko pwedeng iwan si Art dahil nililibre niya ako. This is so saddening!

"Tara na," aya ko. Lumayo na tayo dito dahil habang patagal nang patagal, nasasaktan akong di ko mapapanood ito.

Masakit man, tinalikuran ko na si Spongebob. I'm sorry Spongebob but not now. But soon, I promise. I'll be with you soon. Sumasakit ang puso ko habang naglalakad palayo pero napansin kong wala si Art sa tabi ko.

Asan na 'yon?

Sinacrifice ko ang hindi pagnood ng SBSP para hindi siya maiwan tapos mawawala siya? Pabalik na ako sa may sinehan nang may ibigay si Art sa akin.

"Oh."

Tickets! Dalawang ticket ng SBSP the Movie.

"Bakit ka bumili?!"

"Kung gusto mo, gusto ko na rin."

Feeling ko nagniningning ang mga mata ko. Hulog ng langit!

"Ito bayad, o," sabi ko, binibigay yung bayad ko.

"Ako na."

"Bayaran ko na, please!" Ito na naman, e.

"Libre ko nga, di ba?"

"Huwag na kasi."

Tumitig siya sa akin na para bang tumigil na ako, libre niya ito. Kaya bumuntonghininga na lang ako. "Ako bibili popcorn, dyan ka lang."

Hinayaan niya ako. Habang nakapila, di pa rin ako makapaniwala na bumili siya ng ticket. Hanggang sa makarating kami sa loob ng sinehan, in-shock pa rin ako.

I mean, ang isang Art Felix Go, manonood ng SBSP the Movie? May himala!

Pagkaupo namin, nilantakan na agad niya ang popcorn. Hindi ako nagpahuli kaya kumain na rin ako habang nanonood ng trailers. Natatawa nga ako dahil kami lang ata ang teenagers sa sinehan. Puro bata na may kasamang matanda kasi ang nasa paligid.

Sorry talaga sa pagka-diehard fan.

Sa gitna ng trailers, may tumawag sa phone ni Art. Nagpaalam siya na kakausapin niya lang muna yon. Medyo narinig kong babae yong boses ng tumawag.

Gusto ko sana tanong kung sino 'yon pero mabilis siyang nakaalis.

Pagkabalik niya, simula na ang movie. Wala pang sampung minuto, natutuwa na ako pero kitang-kita ko na bored na si Art.

"Huy, okay lang matulog, a," sabi ko habang nakatingin sa screen.

"Sinong inaantok?" tanong niya.

Napailing na lang ako at natahimik.

Habang patagal nang patagal ang movie, hindi na mapakali si Art. Parang any moment, sasabog na siya sa boredom dahil naubos na rin ang popcorn. Nakonsensya na talaga ako pagtitiis niya.

Eh kung umalis na lang kaya kami?

EEEeehhhh, gusto ko matapos 'to.

Naglalaban ang fangirl at kunsensya ko nang mapansing nakapatong ang kamay ni Art sa armrest na parang naghihintay. Alam ko na 'to. Hindi ako manhid. Hinihintay niya ang kamay ko. Pinatong ko ang siko ko sa armrest para mang-asar. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtingin ni Art sa kamay ko na nakataas lang.

Ahihihi kinikilig naman daw ako ahihihi.

Medyo nangalay na ako kaya pinatong ko ang braso ko sa armrest pero minake sure kong may space sa gitna ng braso at kamay namin.

Sorry ah, nangalay lang ako pero hindi ako malandi huhuhu hindi ako malandi.

Sobrang kinabahan ako nang hawakan ni Art ang kamay ko. Ilang beses na niyang hinahawakan ang kamay ko pero itong sitwasyong to, iba na. Napansin kong ngumiti siya habang nakatingin sa screen.

Napangiti na lang din ako.

Siguro kasi, ito na eh, ito na talaga.

Wala nang paligoy-ligoy pa.

Oo na. Gusto ko na siya.

Gustong-gusto ko si Art.

Kahit hindi siya masyadong magsalita, nagagawa niyang pakalmahin yong pagkatao ko. Kahit sa mga maliliit na bagay, nagagawa niyang mapangiti ako. Parang ang lalim ng kung anong mayroon kami kahit sa maikling panahon lang? Siguro dahil tumira kami sa iisang bubong, siguro dahil kasama ko siya sa pinakamahina kong sitwasyon papunta sa kung ano na ako ngayon.

Nung una, naiinis pa ako sa kanya sa sobrang cold niya. Nakakaginaw sa sobrang cold, parang Winter. Pero iba na ngayon. Imbis na Winter ang maramdaman ko, naging Summer, Spring at Fall.

At oo, naramdaman ko ang fall sa kanya.

Ay, ano ba yan. Ang korni ko!

Pinisil niya ang mga kamay ko at lalo akong kinabahan as if first time naming magkahawak ng kamay. Syaks, ang cheesy lang. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay kaming napangiti. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang nakita ko mga mata niya na kumikislap na nakatingin sa akin.

Na-realize ko na lang na papalapit. . .

. . .nang papalapit. . .

. . .nang papalapit. . .

. . .nang papalapit. . .

. . .na ang ending ng SBSP the Movie.

Hindi pa rin ako tumatayo nang mag-roll na ang credits.

Refund!

Wala akong masyadong naintindihan sa movie! Ang laking distraction kasi ni Art, e. Naku, next time na manonood ako ng Spongebob movie, hindi ko talaga isasama si Art.

(Wow parang ako nagbayad ng ticket.)

"Tumayo ka na," sabi niya.

Dahil sa kasungitan niya, nagka-idea tuloy ako.

"Ito na nga, tayo na nga."

Ilang segundo pa bago ako tumayo at ngumiti pero no expression siya.

Ay, okay. Snob?

Naglakad na kami at nagtaka na ako sa nangyayari—hindi ba niya na-gets? Seryoso? As in? Ang slow?

Dismayado ako pagsakay ng jeep hanggang sa naglalakad na kami papunta sa bahay. Ang talino nga, may photographic memory nga—slow naman. No one is perfect talaga! Haist.

Pagdating namin sa may gate, pinalayas ko na siya.

"Papasok ako para malaman ng Mama mo na ako kasama mo."

"What? No."

"Yes."

Nagtalo pa kami pero siya na ang nasunod. Napangiti ako habang naglalakad—una: karamihan ng lalaki, takot sa magulang ng babae at pangalawa: nauuna pa siya sa akin eh ako anak ng may-ari ng bahay na 'to, jusko.

Hindi rin nagtagal si Art kasi pinipilit ko nang paalisin. Si Mama lang talaga 'tong ayaw paawat.

"Bye Art, papogi ka lalo, a?" sigaw ni Mama.

Sinamaan ko ng tingin Mama pero inirapan lang niya ako. Bakit ba mas teenager sa akin si Mama?!

Ngumiti naman si Art. Nako, feel na feel ang pambobola sa kanya ni Mama?

"Sige ho, salamat po."

Wow, ang galang.

"Labas na tayo, baka bigla ka pang i-adopt ni Mama, e," natatawa kong sabi.

Pagkabalik ulit namin sa gate, hinawakan niya ang pisngi ko at kinurot nang kaunti. "Ingat ka."

"Nasa bahay na ako kaya ikaw ang mag-ingat."

"Kita tayo sa school," sabi niya ulit.

"Saan ba dapat tayo magkita?" natatawa kong sabi.

Pabiro niya akong pinitik sa noo.

Nung palakad na siya, napasimangot ako. Hindi talaga niya na-gets 'yung kanina sa sinehan. Nakakainis lang.

Sasabihin ko ba? O sasabihin? Ano na?

"Art!" Tumakbo ako palapit sa kanya. Nilingon niya ako at nanlaki ang mga mata niya nang yumakap ako sa kanya. Tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi. "Good night."

Natatawa ako dahil natulala siya pagtakbo ko palayo. Ang sabog ng itsura niya! Nakahawak pa siya sa pisngi niyang hinalikan ko.

Mga 19.3492 meters na ang layo namin, sumigaw ako. "Tayo na! Hindi na uupo," natatawa kong sabi. "Ba-bye!"

Tumalikod ako nang nakangiti. Pabalik na ako sa bahay nang magulat ako sa bigla kong paglipad. De joke, may bumuhat sa akin at nagpaikot-ikot pa ako. Pagkababa sa akin ni Art, ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Seryoso?" tanong niya.

"Oo, wag na uupo."

"Tayo na." Hinawakan niya ang mukha ko at lalong ngumiti. "Wala nang bawian." Pinagdikit niya ang noo namin sa isa't isa habang magkatitigan. Nakakaduling nga, e. ". . . kahit kailan."

Nagulat ako nang hinalikan niya ako sa labi.

Napansin ko rin na nagulat siya sa ginawa niya.

Ay ano 'to, gulatan portion lang?

Mukhang gusto niya bawiin yong ginawa niya kaya ako na lang ang bumawi. Hinalikan ko siya sa gilid ng labi niya para mawala ang ilang niya. Ngumiti siya nang malawak kaya napangiti rin ako lalo. Niyakap niya ako nang mahigpit sabay bulong ng sobrang nagpakilig sa akin sa gabing 'to.

"Ang saya. Sobrang saya ko. Salamat."

Tinulak ko siya nang kaunti at tiningnan ang poker face niyang expression. "Weh, hindi ka naman mukhang masaya."

"Hindi mo lang nakikita pero nagsasayaw na ako sa isip ko."

"Hindi nga?" natatawa kong tanong.

Ngumisi ulit siya.

Natawa na lang ako. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganitong klaseng saya. Ang sarap sumigaw! Sumayaw! Imagine ko lang na sumasayaw ang poker face na si Art, kinikilig na ako.

Sana lang, hindi na bawiin ang sobrang sayang pangyayari na 'to. Sana lang talaga!






note:

hello!!!

antagal ko palang hindi nakapag-update! sobrang naging busy the past few days huhu. but here is the next part of chapter 39! sana worth the wait kahit papaano hihi.

thank you for all of the comments! lahat ng respectful comments, lahat ng nakakaaliw na comments, lahat ng suporta, sa pagbabasa. maraming salamat!!


this chapter is dedicated to halfbloodchao kasi naaliw ako sa comment niya sa low budget hahaha tapos after niya matapos yong buong chapters, nagsend pa siya ng message sa message board ko na talaga namang nakaka-touch. huhu.

thank you!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top