38-A [ date ]


HINDI mapakali si Art habang nakaupo sa upuan niya. Sa totoo lang, ako rin. Hindi ko alam kung paano ako magre-react pagkatapos ng nangyari sa prom. Ilang araw na rin ang nakakaraan at parang parehas naming sinusubukang huwag isipin at pag usapan yong nangyari.

Pero yung mga batchmate ko? Mukhang hindi ata nila nalimutang nagsayaw kami magdamag ni Art noong prom dahil panay ang tingin nila, ang sasama ng tingin. Isama pa si Irene.

Si Nate naman . . . hay, kinakabahan ako kapag iniisip ko pa lang siya.

Buti na lang hindi ko siya nakakasalubong o ano.

Mag-uuwian na nang mapansin kong lutang pa rin si Art. Para siyang natatae na hindi malaman.

"Uhm. . ." panimula niya.

"Hm?"

"A-Ano. . ." 

Luh, nauutal ba siya?

At hindi siya makatingin sa akin! Nakahawak pa siya sa batok niya!

Si Art ba to?!

Napangiti ako. "Sige Art, sabihin mo. Kaya mo 'yan."

Hindi pa rin siya nakatingin sa akin. "Pwede bang . . . pwede ba tayong lumabas?"

Nagtaka naman ako. Tumayo ako at hinila siya palabas ng classroom. "Ayan, lumabas na tayo. Ano na?"

Tumawa siya nang mahina at nag-face palm. "Hirap nito. Slow."

Tumaas ang kilay ko.

Bumuntonghininga siya.

"Friday. Ten ng umaga."

"Friday? Wala tayong pasok sa—"

Hindi na niya ako pinatapos at tumalikod. Hinabol ko siya bago pa siya makababa pero isa lang ang sinabi niya sa akin para ma-gets ko ang lahat.

"Totoo mga sinabi ko nung prom."

Ilang araw din naming iniwasan yon tapos biglang . . . ganon?

Jino-joke time ba ako nito?

Bakit ako kinakabahan?!


PAGDATING ng Friday, nagising ako nang maaga sa usual na gising ko. 9:30am. Parang excited yung katawan ko na gumising. Pero . . . wala namang sinabi si Art kung saan kami magkikita! Baka joke time lang.

Chineck ko yung phone ko. Wala rin siyang kahit anong text o paramdam. Ni hindi nga namin pinag usapan ulit kinabukasan nung sinabi niya yon.

Joke time lang siguro talaga.

Galing mag-joke ng emotionless na 'yon?!

Hindi niya sinabi kung saan kami magkikita kaya siguradong joke time lang 'yun.

"Ianne." Kumatok si Mama sa pinto ng kwarto ko. "Gising na. Breakfast."

Hindi ako sumagot. Magpapanggap pa sana akong tulog pero hindi siya tumigil sa pagkatok hanggang sa tumayo na ako at nagsabing susunod na.

Pababa ako ng hagdan nang halos madulas ako sa nakita ko.

Nakaupo. Siya. Sa. Sofa? NAMIN?!

"B-bakit ka nandito sa bahay?"

"Hi."

Si Art!

HALA.

Yung puso ko ang sakit! Ano to bakit ganyan anong nangyayari!

"Ay, nalimutan ko. Breakfast at bisita. May bisita ka," sabi ni Mama habang nakangiti. 

Pinanlakihan ko ng mata si Mama pero hindi niya ako pinansin at nakatingin lang kay Art na nakasimpleng white shirt, black skinny jeans, at black chucks ang suot.

Sobrang simple pero ang lakas ng dating. Unfair.

"Ba-Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Sinusundo ka."

"Yie." 

Luh. Adik ni Mama, o. Bumungisngis pa.

"Ako po si Art. Art Felix Go," pakilala ni Art kay Mama. Nakipag-shake hands pa!

Ngumiti si Mama. "Ang gwapo mong binata, Art Felix. Ako naman si Tita Jo, nanay ni Ianne."

"Gusto ko po sanang ligawan si Ianne." Ngumiti rin si Art. "Papayagan niyo po ba ako?"

Literal kaming napanganga ni Mama sa sinabi ni Art. Anong pinagsasasabi ng lalaking 'to?!

Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Nagmadali akong umakyat at pumuntang kwarto. Nanghina ako sa narinig ko.

"Ianne," boses ni Mama habang kumakatok sa pinto. "Mag-prepare ka na, naghihintay ang manliligaw mo."

"Ma naman!" sigaw ko.

"Aheheheks, pogi e. Pinayagan ko ah? Geh, good luck sa date aheheks."

Wala na talagang pag-asa ang nanay ko.

Binilisan ko ang pagligo, pagbihis at pag-ayos. Hindi ako excited pero nakakahiya kay Art na naghihintay. Akswali, hindi ako masyadong nag-ayos. Ginaya ko lang ang get-up niya; White shirt, black jeans at chucks.

Wala lang, para hindi na ako mag-isip ng damit.

"Wow, couple get-up!" sigaw ni Mama pagbaba ko.

"H-Ha? Hindi—T-Teka magpapalit ak—" Paakyat na sana ako nang magsalita si Art.

"'Wag. Okay na 'yan. Maganda."

"Ahihihi ahihihi ahihihi!" bungisngis ni Mama.

Pinanlakihan ko ng mata si Mama pero parang hindi niya na-gets. Haaay, buti na lang wala sila Papa at Kuya.

"Delikado ang motor kaya doble ingat, okay? 'Wag lalayo." Tinulak naman ako ni Mama palabas. Hinalikan ako ni Mama sa pisngi at ngumiti. "Ingat."

"Salamat po, Tita Jo," nakangiting sabi ni Art.

"Salamat din, Art," nakangiting sabi ni Mama.

May pinag-usapan ba sila habang nag-aayos ako kanina?


"READY ka na?"

"T-Teka—teka!"

"Tara."

"Te—AAAAAHHHhhhhh!"

Omaypakingahd! OMAYGAHD! Ang puso ko! Naiwan ko ang puso ko sa taas omaygahd ang puso ko! Nag-bungee jumping kami ni Art! BUNGEE JUMPING. Halos 100ft ang taas juskopo! Ang sakit-sakit ng puso ko pero tawa ako nang tawa sa sobrang kaba. Mababaliw na ata ako!

"Isa pa?"

"Isa pa?" Pinanlakihan ko ng mata si Art habang nanginginig pa ako. "Isang suntok, gusto mo?"

"Tsk. Mahina ka pala."

Inirapan ko siya. 

Sa totoo lang, gusto ko pa ulit pero hindi na ata kakayanin ng puso ko ang lahat.

Lumabas kami ni Art at hindi ko akalain na ito ang sinasabi niyang 'labas'. Labas nga. Outdoor activity at nakakamatay pa! Hindi ko rin inaakala na may ganito pala sa Manila na parang forest-ish outdoor activity na ang pangalan ay "Forest Manila".

Inaya pa niya ako sa ibang activities. Rappelling. Rock climbing. Wood climbing. Lahat na ng climbing, ginawa na namin.

Ang saya pero ang sakit na rin ng katawan ko!

Nung mag-lunch, na-amaze ako dahil hindi lang basta-basta lunch ang ginawa namin. Kami pa ang nagluto ng kanin at nag-ihaw ng chicken.

"Grabe ka, akala ko pa naman uupo lang tayo. Bakit parang nag-PE tayo?" tanong ko habang kumakain. Nakakamay rin kami dahil walang utensils. Ang cool.

"Ayaw mo ba?"

Kumuha ako ng maraming-maraming kanin at ulam tsaka sinubo sa kanya.

"Hindi ko ayaw. Gustong-gusto ko nga, e."

Natawa ako nang umubo siya. Pero umubo siya nang umubo. As in. As in parang 'mamamatay-na-siya' ubo. 

Sobrang nag-panic ako kaya kumuha agad ako ng baso ng tubig at pinainom siya.

"Ang cute niyo. Ilang years na kayo?"

Kung ako lang ang umiinom, baka nabuga ko na ang tubig pati pagkain sa sobrang pagkagulat.

"A-Ah ano, hindi kami," sabi ko nang lumingon ako sa nagtanong. Staff pala na babae at mukhang college student lang.

"Ay, ganun?" ngumiti si Ate kay Art. "Soyong nomon."

Pagkatapos namin kumain, nag-canopy ride kami tapos superman ride. Nag-free fall interactive rin kami at sobrang saya talaga!

"Aaahh, grabe. Feeling ko nabuhayan buong kalamnan ko sa mga sinakyan natin!" sabi ko habang hinahawakan ang tuhod na nanginginig.

"Masaya ba?" tanong ni Art na poker face lang. 

Grabe to. Parang walang epekto sa kanya ang lahat.

"Oo. Nakakatuwa, first time ko ma-experience lahat!"

Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Good."

Paalis na sana kami dahil pagabi na nang pigilan kami ng staff na nagbabantay sa exit.

"Ate, Kuya, picture po."

Tinuro niya ang booth ng picture taking machine. 

Pagbaling ko kay Art, natawa ako dahil parang natakot siya sa salitang 'picture.' Hinatak ko siya papasok sa picture booth. Natatakpan ng tela ang entrance kaya hindi kami kita sa labas. Sa harap namin ay isang malaking screen na parang webcam ng computer.

"Ayaw ko mag-picture."

Hala, parang bata 'to.

"Ang arte. Tatlong pose lang, e."

Ako na ang pumindot ng button na 'game' para magsimula ang countdown para sa first picture. Pagkatapos namin mapiktyuran, natawa ako dahil sobrang poker face at awkward ng mukha niya.

"Ngiti-ngiti rin," sabi ko. "Hindi ka ba marunong ngumiti?" Hinawakan ko ang pisngi niya at hinatak pataas. "Ayan, ganyan. Ganyan ngumiti."

"Hindi ko kaya," diretso niyang sabi. 

Sumimangot ako at sinamaan ang tingin sa kanya. 

"Hindi ko nga kayang ngumiti."

"Ngumiti ka na kaya last time."

"Hindi ko kaya ang pilit."

Bakit parang nasuntok ata puso ko saglit sa sinabi niya.

Tumingin ako sa screen para tingnan ang itsura niyang poker face. Ang awkward talaga niya tingnan! Nagsimula na ang countdown pero straight face pa rin siya. So ang ginawa ko, umatras ako at mula sa likuran, hinawakan ko ang pisngi ni Art at hinila ko pataas.

Tawa ako nang tawa sa itsura niya nang mag-picture na ang machine.

"Uy!" reklamo niya. 

Ang talas ng tingin sa akin. Scary!

"Ngumiti ka na nga kasi," pagpilit ko.

"Oo na."

So sa last shot, ngiting-ngiti ako habang naghihintay ng countdown. Nagulat ako nang halikan ako ni Art sa pisngi. Napalayo ako sa kanya na gulat pa rin. Nakangiti naman siya sa akin.

PSHOINK!

"A-Ano 'yon?"

"Hindi ako marunong ngumiti nang pilit."

Nang ma-print na 'yong tatlong pictures, wala pang isang minuto sa kamay ko, kinuha agad ni Art.

"Akin na 'to."

"Iyong-iyo na. Panira 'yong pangatlong picture!"

Ngumisi lang siya.

Paano ba naman kasi, kitang-kita sa reaksyon ko sa picture ang gulat. Hindi nasakto sa kiss pero nasakto siya sa magkatinginan kami na ako, may epic face at siya nakangiti.

Badtrip.

Lumabas na kami ng Forest Manila at nagpunta sa parking ng motor nang magkaroon ng problema: nasira ang gulong.

"Commute na lang tayo," suggestion ko. "Ayos lang mag-commute. Tara na."

So nag-bus kami para makauwi nang hindi ko sinasadyang mapahikab. Pagod talaga ako sa dami ng ginawa namin.

"Gusto mo matulog?"

"Hindi ayos la—" Kinabahan ako nang hawakan niya ang ulo ko at ipinatong sa balikat niya.

"'Wag ka na mahiya. Matulog ka na, malayo pa tayo."

Ewan ko ba pero napangiti ako at pumikit na lang. Akala ko nanaginip ako ilang minuto ang nakaraan nang maramdaman kong may humalik sa bunbunan ko.

"I . . . you."

drawing not mine -- ito po yung nasa pin up ng afgitmolfm part 2: nostalgia. this is popfiction owned. illustrated by my tropa :)


note: chapter is dedicated to CrunchyBubibu for these comments. naaliw lang me. thank you for moving forward! tuloy tuloy lang ~


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top