36 [ thanks ]
[ no spoilers! lessen the curses. thank you! maraming nadagdag bawas sa chapter na itech. hihi. ]
BIRTHDAY na ni Art!
Pagkarating ko sa boarding house aka BH, sobrang na-miss ko ang lahat! Nagtaka pa nga yung iba, anong mayroon, bakit ako nagbalik. Mukhang hindi nila alam na birthday na ng ka-boardmate nilang parang hindi nag-e-exist.
Tinanong ko kung nasaan si Art, at ang sagot nila, "Hindi lumalabas ng kwarto yung emotionless na lalaki, eh."
Hindi na ako nagtaka.
Nabalitaan ko ring wala na pala si Kuya Angelo sa BH. Na-sad naman ako dun. Hindi na ako mano-noseblood ulit. Sayang.
Nilagay ko muna sa ref yung ginawa ko at nakipagchikahan sa mga nandoon. Natapos na ang dinner at lahat, hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Art.
"Seryoso bang nandoon siya sa kwarto?"
Tumango sila.
"Baka lumalabas lang yon kapag wala nang tao."
"Allergic ata sa amin yon, e."
"Maligo ka kasi! Hindi ka naliligo. Naaamoy ka siguro nun mula sa kwarto niya."
Nagtawanan kami.
Nang magsialisan na ang iba at pabalik na sa kanya-kanyang kwarto, nakatitig ako sa pinto ng kwarto ni Art. Wala pa rin talaga?
Kinatok ko na ang pinto niya pero walang sumasagot.
Ba't ganon?! Birthday na birthday, napakabatugan!
May napansin naman ako sa sahig na pink stationary envelop na may glitters. Mukhang kanina pa ito at hindi pa rin nakikita ni Art? Pagkuha ko at pagtingin sa likod, mula kay Trinie na batang naoperahan sa mata.
Nilakasan ko ang katok ko sa pinto.
"Hoy, Art! Uubusin ko lahat ng chocolate chip cookies mo kapag hindi ka lumabas d'yan!" pagbabanta ko.
Biglang bumukas ang pinto at parang nagkagulatan pa ata kaming dalawa. Parang di ata siya makapaniwala na nandito ako o baka nagalit siya sa pagbabanta ko sa cookies niya?
Either way, napangiti ako dahil na-miss ko ang pambahay get-up niyang malaking shirt, shorts at nakapaa lang. Idagdag pa ang messy hair na mukhang hindi alam paano magsuklay.
"Bakit ka nandito?"
Ay, ang cold ni koya.
Napatingin ako sa loob ng kwarto niya. Una kong napansin ay isang malaking painting ng babae na hindi pa tapos. Nabigla ako nang itulak ni Art ang mukha ko palayo at sinara ang pinto.
"'Wag mong tingnan kwarto ko."
Sinimangutan ko siya. Pasalamat siya, birthday niya. Hay nako.
Binigay ko sa kanya yung stationary. "Kanina pa ata to sa may pinto mo, hindi mo kinukuha."
Kinuha niya at itatago dapat niya pero sabi ko, basahin niya. Nagpilitan pa kami bago siya nag give up at binuksan ang mabangong pink at glittery na stationary.
Nakisilip ako sa sulat.
Happy birthday po!! Malinaw na po panginin ko.
Lumilinaw na din po future kong magpapakasal tayo kuya Art!
Trinie
"Ano bang gayuma binigay mo kay Trinie? Ang bata-bata pa nun, ah?"
Inirapan lang niya ako. At aba! Gusto pa niya akong pagsarahan ulit ng pinto pero hinila ko na siya papuntang kusina. Kumuha ako ng kandila at nilabas ang cake na ilang days kong pinag-aralan i-bake mula sa ref.
"Tenen!"
"Ano 'to?"
"Uhm . . . . cake? Pwede ring salamin."
Napakunot-noo siya.
Tumawa ako.
"Happy Birthday!" sabi ko sabay ngiti nang malawak.
Nakatitig siya sa design ng cake na poker face emoticon. Kung makatitig siya, para bang ngayon lang siya nakakita ng cake sa talambuhay niya. Nawala ang ngiti ko dahil hindi pa rin siya kumikibo.
"Huy, anong reaction yan? Nakita mo ba sarili mo sa cake—aw!"
Pinitik ba naman niya ako sa noo!
"Masakit?"
"Ano sa tingin mo?" naiinis kong sabi.
Kinuha niya ang cake sa kamay ko at nilapag sa lamesa. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.
Ugh. Ugh this heart. Itapon na nga 'to!
Bago niya ilayo yung labi niya sa noo ko, bumulong siya ng, "Salamat, Ianne."
Nakangiti siya sa akin.
At ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa ngiti niyang 'yon.
Nawala lang kami sa titigan ata namin nang may isa kaming boardmate na pumasok sa kusina para kumuha ng tubig. Nakangiti lang siya buong pag inom ng tubig tapos ang tagal din, parang sinasadya.
Parang nang-aasar!
Bago umalis sa kusina, yung itsura ng boardmate ko kung makangiti sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata. Pinanlakihan rin niya ako ng mata. Mukhang napansin ni Art yon kaya tumingin siya sa boardmate namin na talagang nanlaki na ang mata, hindi na sa pang-aasar kundi sa takot kay Art.
Natawa ako.
Nung kami na lang ulit ni Art ang natitira sa may kusina, bigla kong naalala. "May isa pa akong regalo!"
Kumunot na naman ang noo niya. Bakit ba siya ganito, parang hindi sanay sa regalo? Hinila ko siya para maupo siya.
"Ito yung pasasalamat ko sa 'yo. . ."
Nagulat siya nang bigla kong hawakan ang noo niya. Ang dami nang wrinkles o! Panay kasi ang kunot ng noo.
Sabi ko, kumalma lang siya.
Minasahe ko siya sa noo. "Para sa bawat stress dahil sa akin."
Minasahe ko siya sa balikat. "Para sa pagbubuhat ng mga emosyon ko."
Minasahe ko ang kamay niya. "Para sa bawat paghawak sa akin nang mabuti."
Hindi ako makatingin sa kanya habang ginagawa ko ang mga yon. Natakot ako tingnan siya at makita kung anong itsura niya . . . pero ito lang ang tanging way na naiisip ko para maibsan ko yung lahat ng mga pagod niya para patahanin ako.
Since day 1 ata, nandoon siya, na para bang alam na alam niyang kailangan ko ng taong mase-stress para sa akin, tutulong para pagaanin ang emosyon ko, o hakawan ako sa tuwing kailangan ko ng agapay. Siya rin minsan ang umuuntog sa akin para magising na ako sa tuwing nabubulag ako ng emosyon.
Ang galing. Para siyang may telepathy.
Haaayyy.
Sa sobrang kaba ko, nilamutak ko ang pisngi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinanliitan ng mata. "Para saan naman 'yon?!"
Ngumisi ako. "Wala. Kyut, e."
Napalunok siya. "Cute?"
Teka . . . BAKIT KO SINABI YON!?
"Luh, naniwala naman to."
Ngumisi lang siya sa akin na parang inaasar niya ako.
Hindi rin siya tumigil sa pang-aasar sa akin sa ginawa kong cake. Pero sa dulo, napapayag ko rin siyang sabihin niyang masarap ang cake. Yay.
Nung uuwi na ako, nagpaalam ako pero imbis na saraduhan niya ako ng pinto at gate, sinamahan pa niya ako? Nung una akala ko hanggang kanto lang pero sumakay din siya ng jeep?!
Nakatitig ako sa kanya habang nasa jeep.
"Saan ka punta" tanong ko.
"Sa inyo."
Ihahatid ba niya ako?
Nung magbabayad na ako, kinuha niya yong pera na ibabayad ko sana tapos yung bente niya ang binigay niya. Nung tinanong kung saan yon, nag-panic pa ako nang kaunti. Sinabi ko kung saan. Nung tinanong kung ilan, si Art mismo nagsabi na dalawa.
Binigay niya sa akin yong pera ko.
Pinapakiramdaman ko siya buong byahe. Tahimik lang siya at nakatulala sa may bintana. Pagkababa, naglalakad kami sa kanto papuntang bahay sa ilalim ng madilim na langit. Medyo nahihiya pa rin talaga ako. Ayaw ko pa nga sana magpahatid sa mismong tapat ng bahay pero ayaw niyang paawat. E, medyo malayo-layo pa yung lakad, hindi na ako mapakali.
Nagsimula na lang ako ng topic.
"Bakit mo ako tinutulungan?"
Hindi ko lang sigurado kung tama bang ito ang topic.
"Sa?"
Huminga ako nang malalim. "Sa lahat. Simula nung . . . nangyari 'yon."
"Yon?"
"Kainis naman to, gusto mong sinasabi ko pa talaga sa 'yo. Break up namin." Hindi ko sinabi ang pangalan ni Nate.
"Hindi naman kita tinutulungan."
"E anong ginagawa mo?"
"Hindi na kita tinutulungan."
"Inuulit mo lang sinasabi mo, e."
Tumahimik siya sandali, tapos tumigil sa paglalakad. Napatigil din tuloy ako.
"Paano bang boyfriend si Nate?"
Hindi ako na-inform na ganito ang tanong niya.
"Bakit . . . hindi ka maka move on sa kanya?"
Napayuko ako, tumingin sa lupa. Napakuyom din ang kamao ko.
"Siguro hindi lang ganon kadali tulad ng inaasahan nating lahat?" sabi ko. "Pero hindi pa ba ako nakaka-move on? Paano ba masasabing nakapag-move on na?"
Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamao ko. Siya naman ang nagmasahe nito hanggang sa sinubukan niya buksan ang kamao ko nang hindi pinupwersa.
"Kapag hinayaan mo nang buksan ulit ang puso mo para sa iba."
Nakatitig kaming dalawa sa kamay ko na nakabukas-palad, at sa kamay niyang nasa ilalim ng kamay ko, nakaalalay. Para akong nakikiliti at nakukuryente sa bawat paghimas ng hinlalaki niya sa palad ko.
Para rin akong natatakot.
"Ganon ka rin ba kay X?" sabi ko sabay tingin sa kanya. "Naka-move on ka na?"
Inangat niya ang mukha niya at tumingin sa akin. Kahit madilim, para akong aatakihin sa puso dahil kitang-kita ko yung kaunting pagngiti ni Art sa akin. Gusto kong bawiin yung kamay ko, dahil ang laki ng takot na gumapang sa akin.
Nawawala ata ako sa ulirat. Kinailangan ko pang kumurap nang ilang beses at mabigla sa mga batang biglang nangaroling sa amin. Pero imbis na bitawan agad ni Art ang kamay ko, binaba niya ang kamay namin nang hawak pa rin niya.
"Sa maybahay ang aming bati. 'Merry Christmas' na maluwalhati~"
Hindi ko ma-gets tong mga batang 'to. Mukha ba kaming bahay at sa amin sila nangangaroling? At November 11 pa lang, ah! Excited ba sila?
Pero itong si Art, binigyan ng limang piso ang mga bata para umalis na pero hindi pa rin sila umaalis. Mukhang nantitrip nga dahil naupo pa yong mga bata at nanood sa amin.
Sumigaw yung isa. "Bagay kayo!"
"Adik kang bata ka," natatawa kong sabi.
"Aw ate, hindi po ako adik. Malinis po ako! Pramis!"
Tinukso na kami ng mga bata at kung anu-ano na ang sinabi. Pinapaalis ko na rin si Art dahil mukhang sa kanya talaga susunod ang mga bata.
"Ayan na yung bahay namin, yang gate na yan, kaya okay na ako dito."
Pinisil niya saglit ang hawak niyang kamay ko bago bitiwan. Hindi rin ako nagkamali sa mga bata dahil nung umalis si Art, sumunod na rin sila. Mukhang dahil sa AFGeneration, iba ang hatak ni Art sa mga bata.
Minsan na rin niyang hawakan yung kamay ko, nahalikan na nga niya ako sa pisngi, pero bakit ganito ngayon. Mas nagli-linger?
Dahil ba birthday niya?
Bubuksan ko na sana ang gate ng bahay namin nang may batang tumakbo palapit sa akin. Akala ko mangangaroling ulit pero napangiti ako sa sinabi niya.
"Sabi ni kuya, ang ganda daw ng ngiti mo!"
Binalik ko ang tingin kay Art na malayo na sa paglalakad. Mukhang alam niyang nakatingin ako kaya tinaas niya ang kamay niya na parang nagpapaalam.
Napangiti ako. Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan siya, naka-unli call naman ako. Nung sinagot niya, diretso lang siya sa paglalakad, hindi siya lumingon sa akin.
"O?"
Cold naman!
"Happy birthday ulit!" bati ko.
Tumigil siya sa paglalakad. Pero sandali lang, saka siya nagpatuloy. Habang nakatingin ako sa likuran niya na papalayo, unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ko.
"Thank you, ha? Sa lahat-lahat."
"Ianne . . ."
Habang pinagmamasdan ko ang likod niya, hindi ko namalayan na namumuo na ang mga luha sa mata ko. Habang hinihintay kong mawala siya sa paningin ko, parang nasasaktan na agad ako.
"Hm?"
Kapag nagpatuloy pa 'to, bibigyan ko na siya ng pagkakataon para masaktan ako.
"Salamat din. Sobra pa sa sobra."
Takot na akong masaktan pa ulit.
note:
hello! thank you po sa lahaaaat ng nagbabasa ng afgitmolfm. thank you sa mga comments, messages, at tweets. nakakakilig na inaabangan nyo po ang update nito.
but pls know na i have a lot of things to do kahit na may pandemic. may work po ako, at hindi office based kaya continuous lang po ang ginagawa ko. iwasan po nating sabihin na wala akong ginagawa sa buhay ko at nasa bahay lang ako so i must update kasi hindi pa ganon huhu. may responsibilities ako beyond wattpad.
kung pwede nga lang na magfocus na lang ako sa pagsusulat. sa pag-post ng update. sa pag-interact sa readers. huhuhuhu.
iwasan po natin mag utos, hindi lang sa akin, pero kahit sa iba rin. <3
lastly, thank yoooooooooooouuuuu pa rinnnnn sa pagbabasa!!!!! sana na-enjoy nyo ang chapter na ito.
dedicated to pa panogawingblankoto pero hindi na ito ang un niya kaya dedicate ko na lang sa acct at wag na i-tag haha.
special mention to DaydreamerStarr kasi ankyut nitong comment!! a tap on the back para kay Art. naging worth it na ba sila sa isa't isa? haha yay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top