35 [ saved ]
MUKHANG walang balak si Art na kausapin ako.
Ilang beses ko siyang tinawagan pero walang sagot. Hindi na kami 'nag-usap' pa ulit dahil hindi siya pumasok kinabukasan. Nung pumasok naman na siya sa sumunod na araw, hindi na niya ako pinapansin.
Poker face ang emoticon . . . malamang, jino-joke time lang ako ni Art kaya hindi siya nagpakilala agad. At yang si Nate . . . yang lalaking yan. Hindi ko malaman bakit nandoon siya sa labas ng cafe na para bang hinihintay niya ako!
Dahil ba inaasahan kong siya nga ang nagte-text?
No! Ayoko nga, e.
Bakit kasi pinatawag pa niya ako na akala mo siya ang hari ng school na kaya niyang magkunwaring i-excuse ako para lang . . . para lang magsabi nun.
Kainis!
Ang absorbed ko pa ata sa sarili kong mundo dahil nalimutan kong mayroon nga palang tinatawag na Overnight LifeHack trip ang buong batch namin. Isa ito sa mga inaabangan ng lahat pero ayoko na lang sumama. Kaso, required sa aming graduating ito dahil tuturuan kami ng mga life skill buong araw tulad ng gardening, building, cooking, independency kaya overnight, etc.
Ang nakakainis pa, hindi ako nakapag-sign up agad para makapili ng roommate.
Kaya ang naging roommate ko . . . ?
"Hey, roommate, Janine, right? Okay ka lang naman na we're together, di ba? Dapat talaga si Nate ang kasmaa ko pero bawal daw so okay, no choice ako sa 'yo. Sana maging close tayo. Ciao!"
Si Irene.
PAGKATAPOS ng nakakapagod na araw sa LifeHack Trip, pinadiretso kaming lahat sa kanya-kanya naming kwarto sa rest house para magpahinga.
May isang double deck sa bawat maliit na kwarto sa rest house. Sa taas ako nakapwesto dahil tinulak ako ni Irene paalis nung uupo sana ako sa ibabang parte ng kama nung unang pasok namin sa kwarto. Literal na tulak talaga kaya asar na asar ako sa kanya nung umpisa ng activities namin.
Ang dahilan niya?
"Uhm, dito na lang ako sa baba. I'm not into heights kasi, e. Pwede?"
Kailangan talaga nanunulak agad? Ugh. Siya ang nagpabadtrip sa buong araw ko.
Na-enjoy ko naman din ang activities dahil nakakatuwa ring kasama sina Ellaine pero hindi pa rin ako pinapansin ni Art. Sobrang pansin dahil sina Ellaine ang kasama ko at dahil fansclub ni Art ang sinamahan ko, puro si Art ang pinag-uusapan nila.
Kung di ako nagkakamali, may isa roon na panay kuha ng litrato kay Art kahit mukha na siyang derp face.
At si Irene? Ayun, pinagchichismisan ng ibang batchmates namin.
"Sila ba ni Nate?"
"Grabe ang close nila."
"Ang sweet talaga. Pero balita ko, may nakita raw sa kanila sa—"
"Uy, baka marinig tayo ni Ianne."
Uhm, paanong hindi ko maririnig, nasa tabi lang nila ako?
Pero wala naman na talaga akong pakialam. Oo, tama. Tama.
Kaya pagkabalik sa kwarto namin ni Irene, tahimik lang ako. Nahiga ako sa kama ko sa taas at nagpahinga. Si Irene naman, nasa ibabang parte ng kama, may kausap sa phone. Makakatulog na sana ako nang may kumatok. Hindi ko pinansin at nanatiling tahimik at nakapikit.
Kaso panay ang katok kaya padabog na tumayo si Irene.
Tumingin pa siya sa akin nang masama as if kasalanan kong may kumakatok. E siya tong nasa ibabang kama. Ginusto niya yan, e.
Tapos inirapan niya ako bago buksan ang pinto? Seryoso ba? Ano bang problema nito, bakit naiinis siya sa akin? E dapat nga ako ata ang mainis dahil sila ang close ni Nate?
Wait, no. Hindi dapat ako mainis.
Hinga, Ianne.
"Art!"
Hindi ako tumingin. Pinikit ko bigla ang mata ko dahil bigla akong kinabahan. Bakit siya nandito? Dalawa lang yan. Dahil sa akin o dahil kay Irene. Narinig kong natataranta si Irene sa presensya ni Art nang may marinig akong sitsit.
"Psst."
Huh?
"Psst!"
Naninitsit ba siya?
"PSST!"
Sinisitsitan ba niya ako?
Hindi pa rin ako dumidilat kaya nagulat ako nang pagdilat ko ay nakatayo si Art sa may gilid ng kama ko. Mukha na lang niya ang nakikita ko dahil nasa taas ako ng double deck. Nakatitig siya sa akin. Sa may likuran, nanlalaki ang mata ni Irene, nakanganga pa.
Gusto kong matawa kung hindi lang nasa harap ko si Art.
"Tara."
"Aalis kayo?" tanong ni Irene.
Pero walang pumansin sa kanya sa aming dalawa. Hinintay lang ako ni Art na bumangon sa kama at bumaba.
Nagtataka man, ang saya ko dahil pinansin na niya ulit ako!
Ang kaso, isasara ko pa lang ang pinto ng kwarto, biglang sumigaw si Irene.
"Wait!"
Ako naman, lumingon.
Andami ko talagang maling desisyon sa buhay.
"Please, don't leave me here. I'm scared. Baka kainin ako ng monsters."
Punyemas Marimar Santasantisima! Paano niya kakainin ang sarili niya?
Hinawakan pa niya ang kamay ko. "Don't leave me, Janine. Please, dito ka lang. I'm really scared."
Gusto kong umirap tulad ng pag-irap niya sa akin kanina pero kailangan kong maging tao.
So sa dulo ng lahat, yes, I'm still stuck here. . . with the monster. . . Irene.
Sinabi ko na lang kay Art na mamaya na lang kami magkita ulit. At sa totoo lang, hindi ko alam bakit ako pumayag! Siguro ayaw ko ng gulo? Hindi pa ako handa na makasama si Art ulit? O antok lang ba ako kaya natulog na lang ulit ako sa kama?
Nagising ako sa bell. Hudyat na shower time na.
Nung inaya ko si Irene, hindi niya ako pinansin. Mauna na raw ako. Nagpanting ang tainga ko dahil may katawagan lang siya sa phone. Kaya bago pa ako lumabas ng kwarto dala ang mga essentials ko sa pagligo, nilingon ko siya at ngumiti.
"Irene!"
Lumingon siya. Nakataas kilay.
Gandang-ganda ako sa kanya dati. Ngayon, gusto ko na lang siya kalbuhin.
"Mag-ingat ka sa monsters, ah?" sabi ko. "Baka makain mo sarili mo eh," bulong ko.
Pagkatapos ko maligo at habang nagtutuyo ng buhok, papasok pa lang ako sa kwarto namin ni Irene nang matigilan ako sa nakita.
Time freeze.
Anong ginagawa nila. . . at bakit. . . bakit palapit sila nang palapit sa isa't isa?
Dapat umaalis na ako. Dapat tumatakbo ako palayo pero parang tanga lang ang mga paa ko at nadikit na sa lapag. Dapat tumitingin ako sa iba. Dapat pumikit na lang ako pero parang nadikit ang paningin ko sa kanilang dalawa.
Ang saya talaga ng buhay.
"I-Ianne."
Nakita niya ako, gulat. Natigil siya sa ginagawa niyang paglapit sa mukha ni Irene. Lumingon din si Irene, mukhang naguluhan, pero ngumiti.
Ayaw ko na umiyak.
Sinabi ko sa sarili ko dati na tama na, tigil na, pero anong nangyayari sa akin? Kahit anong pilit kong pagngiti, wala pa ring silbi.
Kailangan kong magpaka-plastic. . . pero hindi ko kaya.
"Oy." May nagtakip ng mga mata ko. "Kanina pa kita hinahanap."
Hinatak niya ako hanggang sa pakiramdam ko ay nakalayo na kami sa senaryo. Inalok ni Art yung panyong may naka-embroid na A. F. G.. Nung hindi ko kinuha, siya na mismo ang nagpahid ng panyo sa pisngi ko.
Nilagay niya ang panyo sa kamay ko. "Sa 'yo na to."
"B-Bakit? Dapa—"
"Para maalala mong mapupunasan ang mga luha." Kinuha naman niya ulit sa kamay ko at dinampi ulit sa mga mata ko.
Kahit na feeling ko, sinaktan ko siya. Kahit na dapat galit siya sa akin, kahit na paulit-ulit niyang sinasabi at paulit-ulit ko ring binabali, niyakap pa rin niya ako.
Tumango ako.
BAGO mag lights out, nakapaglibot pa muna kami ni Art sa buong rest house. Bago bumalik sa kanya-kanyang kwarto, tumambay muna kami sandali sa dining area at nakikain. May ilang mga tao na nandoon. At syempre, ang iba, gulat na nakita si Art. Syempre gulat din sila bakit ako ang kasama ni Art. Ako rin minsan, nagugulat pa rin, e.
Pagkabalik, wala na si Nate sa kwarto namin. Buti naman.
Nagpaalam ako kay Art. Nakailang pasalamat, saka pumasok sa kwarto.
Ang gaan sa pakiramdam ko kahit papaano dahil okay na ulit kami. Nung nagbadya akong mag-sorry, "so" pa lang nasasabi ko, pinatigil na niya agad at change subject raw.
Nirespeto ko na lang desisyon niya.
Gusto ko talaga siya yakapin ulit sa pag-aalaga niya sa akin. Kailangan ko na nga talagang bonggahan ang gagawin ko para sa birthday niya para naman makabawi sa lahat ng stress niya sa akin.
Nakatulog ako nang gabing yun nang hawak ko ang panyong binigay sa akin ni Art.
Pagkagising ko ay tulog pa si Irene. Nang mag-bell na for breakfast time, hindi ko siya ginising dahil ayoko na ring ma-stress pa sa kanya.
Ang kaso, pagkalabas ko ng kwarto, nadatnan ko si Nate na nakatayo sa harap.
Hindi, wala.
Wala akong nakikita.
"Ianne."
Wala to.
Wala akong naririnig.
Pumunta ako sa CR ng girls dahil alam kong hindi siya makakapasok. Pinagtitinginan na nga kami dahil nagtataka silang bakit may lalaki sa hallway ng kwarto ng mga babae. At mas nagtataka bakit ang mag-ex na ito ay naghahabulan.
Kaso pagkapasok ko sa CR, gulat kaming lahat na nasa loob nang pumasok din si Nate.
"Mag-usap tayo."
"Umalis ka nga, CR 'to ng mga babae."
Hinawakan niya ako sa braso. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo nag-uusap."
Pinagtitinginan na talaga kami ng ilang babae kaya mahina ko siyang tinulak para makalabas. Naglakad ako pabalik sa tapat ng kwarto namin ni Irene. Mukhang tulog pa ang mahal na prinsesa.
Tinitigan ko si Nate. "Ano na?"
"Yung sa kagab—"
"Wala akong pagsasabihan, don't worry."
"Hindi—"
"Hindi rin sasabihin ni Art, wag kang mag-alala. Napakatahimik nun, siguradong dadalhin niya ang lahat ng alam niya sa kamatayan niya."
"Ianne, hindi. Mali kasi—"
"Anong mali?" medyo natatawa kong sabi. Sana lang hindi niya mahalatang nanginginig ang labi ko. "Walang mali. K-Kung nagmamahal ka, bakit kailangan pang—"
"Ano ba!" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko. "Makinig ka nga sa akin!"
Nagpanting ang tainga ko. "Huh?" Ako pa talaga . . .?
Huminga siya nang malalim at mahinahong sinabi ang, "Sorry."
Tinanggal ko ang hawak niya. "Sorry sa?"
"Yung nakita mo kasi. . ."
"Hindi mo kailangan mag-explain sa akin."
Naiinis ako dahil baka kapag nag-explain siya, magkaroon ako ng sobrang pakialam. Ayaw ko mangyari yun.
"Wala na akong paki, Nate. Matagal nang wala 'to. Ilang buwan na, ano pa bang big deal?"
Napaigtad siya. Mukhang nasaktan. Napansin kong nangintab din ang mga mata niya.
Nasaktan din ata ako sa sinabi ko. Pero ito ang tama. Kailangan kong magpakatatag.
Tahan na nga, di ba?
"Ianne . . ."
Kaso . . . si Nate.
Halos lumubog ang puso ko nang maingat niyang hinawakan ako sa pisngi. Ang sakit-sakit ng tingin niya sa akin. Naninikip ang dibdib ko kahit hindi naman lumalaki.
"Anong . . . anong nagawa ko?" sabi niya.
Napakuyom ang kamao ko. Andaming nasa utak ko na masasakit na ginawa niya, paanong tinatanong niya sa akin ito?
"What the?!" sigaw ni Irene. Bigla niya akong tinulak palayo. "How dare you!"
Pinigilan ni Nate si Irene sa pagsugod sa akin. "Irene!"
"Tama lang na I hate you! Ang flirt mo talaga!"
Gusto ko magsalita pero nang tingnan ako ni Nate, parang sinabihan niya ako na wag akong pumatol. Na tama na 'to. Na aalis na lang sila.
Pero hindi pa rin tumigil si Irene.
"Ex ka na lang, ha?"
"Irene!"
"Totoo naman, e," sabi niya kay Nate. Tumingin ulit si Irene sa akin. "Isa pa, Di ba may iba ka na ngang nilalandi? Bakit kailangan mo pang makiepal sa amin ni Nate?"
"Tara na!" sigaw ni Nate, hila-hila si Irene.
Napatitig ako sa kanilang dalawa na naglalakad palayo. Napatingin naman ako kay Art na nakatayo lang sa may entry ng hallway. Sinundan siya ng tingin ni Nate nang maglakad siya . . . nakakainis talaga.
Sinasabi kong okay na ako pero ni hindi ko napansin na nandoon pala si Art. Na baka napanood niya lahat ng nangyari.
Lumapit sa akin si Art at yumuko, nilapit ang mukha sa akin na para bang may chinecheck siya. Napalingon ako sa biglang may nag "ayi!" sa gilid. Si Ellaine na hindi mapakali, na tinutulak na ng iba niyang kasama.
Nahiya ako bigla.
Pero magaan ang kamay ni Art na pinunas ang hintuturo sa ilalim ng mata ko.
Tinitigan niya yung mumunting tubig na nasa hintuturo na niya.
Hindi ko napansin na namumuo na naman ang luha ko sa mata.
Seryoso ba ako? Na ganon kadali ang pagluha ko dahil lang hinawakan ako sa balikat ni Nate? Dahil nag-sorry siya? Dahil parang nakita kong nahihirapan siya? O dahil sa inis ba ito? Sa nangyayari? Kay Irene? Kay Nate? Sa sarili?
"Mukhang hindi pa rin talaga . . ." Pinatong niya ang kamay sa ulo ko at hinimas ang noo ko gamit ang hinlalaki niya. "Kailangan ko pang doblehin ang kayod."
Pinanliitan ko siya ng mata. "Nagjo-joke ka ba."
Ngumisi lang siya sa akin na parang nang-aasar o ganun talaga ang ngiti niya. Inabutan din niya ako ng KitKat mula sa bulsa niya.
"Magpahinga ka rin."
Naluha ako sa sinabi niya. Bigla siyang kumunot-noo at hinawakan ang pisngi ko. Parang na-stress siyang lumuluha ako.
Hawak yung KitKat na bigay niya, napasabi ako ng, "Ano bang nagawa ko?" Para maging tagapagligtas kita, Art?
Tumaas lang ang kilay niya.
"Wala." Ngumiti ako. Sumisinghot pa ng sipon sa iyak. "Basta. Thank you."
Ito ata ang unang pagluha ko na hindi dahil sa sakit.
note:
edited a lot from this chapter pero itong ito pa rin yung pinaka nangyari. may mga bago at siniksik na detalye. stronger chapter ito kaysa sa book version. feel ko. pero feelingera ako kaya baka charot lang. haha!
buuuutt, tbh, mas gusto ko ang characterization ni Art sa version na ito. not that different sa book pero mas pa rin, u kno? mas kilig siya at mas may care, mas sandalan, mas may sense. mas may justice siya dito. hihi.
pansin ko lang din, buong chapter ata naiiyak si ianne dito?? gusto ko nga sana palitan or iklian kasi nagmumukha siyang mahina (tho wala akong problema sa umiiyak, na-feel ko lang na maja-judge siya ng ibang readers kasi umiiyak siya lagi at ang rupok--ganito kasi sa ibang stories D:) pero ito kasi talaga nafi-feel niya, ihhhh. nauubos na pala talaga si smiling at makulit na ianne sa first part ng story na walang paki sa iba. yung ianne na kahit papatayin na siya ng teacher niya sa panaginip niya, nagjojoke pa rin siya :(
bugbog si ianne ngayon emotionally and she's so honest with her feelings na sira nga siya. huhu. ngayon ko lang na-realize ito habang nag-e-edit. ang sakit pala talaga ng journey niya as a teenager na gusto lang naman pumasa sa school. bebi gone tru a lot :c
nate kasi ih!!!
wag ka nga, koya, nagmu-move on na si ianne. stahp dat >:(
art, o! si nate :(( char.
shoutout to KyleIvyPriolo sa comments na mga itooo ~ (shoutout talaga e no? haha nabigyan ko na kasi ng dedic last time, pero naaliw kasi ako sa reaction niya sa bawat character haha.)
ito kay nate:

gets naman bakit ganyan ang reaction di baaaa. kasi si nate talaga huhu.
ito naman kay art:

hahahaha ang kyuti talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top