34 [ pain ]
NEWS flash: Bumait lalo si Art . . . ?
Nagulat din ang mga kaklase namin sa pagiging mabait niya. Paano, imbis na black aura ang nakabalot sa kanya, gray aura na lang!
Kaya ayun, lalong dumami tuloy ang nagka-crush sa kanyang lower year at dumami ang kinilig.
For example? Ang presidente ng fans club ni Art: si Ellaine.
Nasa canteen ako para bumili ng TofiLuk nang hilahin ako ni Ellaine papuntang food court para samahan siyang kumain ng lunch.
Pero ang totoo, gusto lang niya ng update.
"Alam mo napapansin ko, ang close n'yo ni Art," sabi niya.
Pumasok sa utak ko yung yakap namin ni Art kahapon. Pagkatapos kasi nung pagyakap na yun at pag-amin kong nami-miss ko rin siya, bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Hawak pa yung magkabilang balikat ko at tumitig sa akin.
Tapos biglang nanlaki yung mata niyang singkit!
Sabay alis ng room?!
Nabigla ako pero parang mas nabigla ata siya, e.
Kaninang umaga, parang normal ang lahat na umupo siya sa tabi ko, tumingin sa akin nang wala lang, tapos dumiretso sa pagtulog sa desk. Ang weird?!
Kaya ang sinagot ko ay, "Sakto lang."
Sinimangutan ako ni Ellaine. Mukhang di niya gusto ang sagot ko dahil sa mga tingin niya, parang inaakusahan niya akong pumatay.
"Sakto lang pero lagi kayong magkasama kapag nadadaan kayo sa classroom namin?"
"Coincidence lang."
Hindi namin kaklase si Ellaine. Ang kulit nga dahil nung nalaman niyang konting kembot na lang at malapit na ang room ng section niya sa room ng section namin, gusto niyang magpalipat. Nung tinanong anong dahilan, true love daw.
Niyugyog niya ako. "Coincidence lang? Sigurado ka! 'Wag mo akong pinagloloko!"
"Coincidence," natatawa kong sabi.
"Sigurado ka? E bakit 'pag dumadaan kayo sa classroom namin, napapansin kong naiirita si Nate kapag nakikita kayo? Paanong coincidence kung nakikita kong apektado si Nate?! Naaapektuhan din ako!"
"A-Apektado siya?"
Pero parang di niya ako narinig at dumiretso siya sa panlulumo niya tungkol kay Art.
"Masakit, Ianne! I tot wer prens pero ano itong kataksilang ito." Umupo siya nang maayos at uminom ng juice. "Ito na ba ang panahon para magparaya na ako ng pag-ibig ko kay Art?"
"Grabe naman, Ellaine Wala namang—"
Dinikit niya ang hintuturo niya sa labi ko. Ngumiti siya at umiling. At yung mata niya, ba't nangingintab! Naiiyak ba siya?
"Simula noong nakita ko si Art noong unang taon ko sa highschool, alam ng puso ko na iba na. Ito na ang real deal. Mahal na mahal ko si Art, at sa katunayan, inilaan ko ang buong lakas at lahat ng free time ko para palaguin ang fans club namin, pigilan ang chaos kapag maraming sabak sa kanya, at pagsulat ng love letter na galing sa aking puso . . . Pero sabi nga nila, if you love that person, you have to set him free . . ."
"Bakit naman may setting free nang nangyaya—"
"Kung saan man siya masaya." Inangat niya ang ID niya. Napataas ang kilay ko nang mapansin kong sa tabi ng ID picture niya ay isang sticker ng picture ni Art. "Masaya na rin ako for him . . ."
Napakamot na lang ako ng noo.
Umubo siya at hinawakan ako sa mukha. "Huling habilin ko lang, Ianne . . ." Umubo siya ulit. Napatingin ako sa paligid. Hindi naman siguro mamamatay si Ellaine sa harap ko, no? "Ang huling habulin ko ay paligayahin mo siya sa birthday niya gamit ang iyong . . ." Tumingin siya sa mukha ko, tapos bumaba sa may harap ko, tapos bumaba ulit, at nagkamot. "Wala. Hindi mo siya mapapaligaya sa lagay na yan. Anyway, mag-seventeen na siya sa November 11, ingatan mo siya, Friend."
Saka siya nagligpit ng pinagkainan niya at tumayo na. Napatayo na rin tuloy ako at sumabay sa kanya paalis ng food court.
Ilan siguro sa mga misteryo sa mundo ay una: magkapatid ba si Humi at Ellaine? Pangalawa: paano nalaman ni Ellaine ang birthday ni Art? At pangatlo: Mayroon kayang nilulutong gayuma si Art sa kwarto niya sa BH kaya ganito na lang kahumaling yung mga tao sa kanya?
At ako ba, nagayuma na rin niya?!
Wait. Gayuma? Nahumaling na ba ako sa kanya?
Ah, ano ba tong pinag-iisip ko!
Nasanay lang ako sa presence niya. Oo tama, nasanay lang sa presence niya. Nami-miss ko rin naman sina Kuya Angelo at yung gulo ng iba kong housemates. Nagkataon lang na mas naging connected kami dahil magkaklase kami . . . ? Tsaka parang tinutulungan niya kasi ako.
Pero November 11 ang birthday niya . . . dalawang linggo mula ngayon.
Anong gagawin ko para sa kanya?
Wait, what? Bakit nag-iisip ako ng gagawin para sa kanya?
Juicecolored, nahawa na ata ako kay Ellaine!
Pagkarating sa bahay, hindi ako tinantanan ng utak ko. Ayaw mapakali! Isip nang isip kung anong gagawin ko e hindi nga ako gagawa ng kahit ano para sa birthday ng lalaking 'yun! Hindi ako gagawa.
Walang gagawin. Wala. Kunwari hindi ko alam na birthday niya.
Hanggang sa natigil ako sa pag-iisip nang may mag-text.
:|
Oy.
Bigla akong kinabahan.
Nate . . .
Ano na namang trip niya?
Nanginginig yung mga kamay ko. Hindi ko sure kung magre-reply ba ako o hayaan ko na lang. Pero sa utak ko, gusto kong malaman kung bakit niya ito ginagawa sa akin? Bakit siya nagpapanggap na si Art — well, hindi naman talaga siya nagpapanggap. Hindi naman niya sinabing siya si Art, pero ginagamit niya yung emoticon na bagay na bagay kay Art.
Bumuntonghininga ako at pikit-matang nag-reply.
To :|
O pokerface? :D
:|
Di ka nagpakita sakin a? Kilala mo na ako?
Oo, Nate. Kilala na kita.
To :|
Clue?
:|
Tao.
To :|
ORILY? DI KO LAM YUN HA.
:|
Ngayon alam mo na.
Nahiga ako sa kama at tumitig sa text niya . . . at nakikita ko ang mukha ni Nate na nakangiti sa akin. Pinagtitripan ako.
Ugh.
To :|
Bat ka ba kasi nagtetext sakin ha?
Inis na ako sa kanya kaya natanong ko na agad. Hindi ako naghintay ng reply. Nakatulog ako. Nagising ako nang hawak ko ang phone ko at tumutunog ito.
Tumatawag si siya.
Kinakabahan man, sinagot ko ng, "H-Hello?"
Walang sagot.
Nanlalamig ang mga kamay ko sa kaba.
"Hello?" pag-ulit ko.
Hindi pa rin siya nagsalita at binabaan ako ng tawag.
To :|
tumawag ka tas di ka naman nagsalita
:|
Gusto ko lang marinig boses mo.
Napatitig ako sa screen ng cellphone ko. Ilang beses binasa ang message.
"Ano bang gusto mo mangyari, Nathaniel?!"
Hindi na ako nag-reply dahil nafu-frustrate na talaga ako!
THE NEXT DAY, napapaiwas ako ng tingin kapag nakatingin sa akin si Art dahil sa kunsensya. Pakiramdam ko ang sama-sama ko kahit wala akong ginagawang masama. Dahil ba nakaka-text ko si Nate at nagi-guilty ako?
Bakit nagi-guilty ako kay Art?
Napalingon ako nang may kumalabit sa akin. Napaatras naman ang mukha ko sa biglang pagpindot ni Art ng pisngi ko.
Watdahek, anong trip niya?
"B-Bakit?" kinakabahan kong tanong.
Pinindot niya ulit ang pisngi ko. "Wala lang."
Ginagaya ba niya pagpindot ko ng pisngi niya last time?
Binalik ko na lang ang tingin sa board. Nakikita ko naman sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin at sobrang kinakabahan na ako.
Medyo natigil ang klase nang may kumatok sa pinto ng room. Pinapatawag daw ako. Bago ako makaalis, sinabihan ako ni Art ng, "mag-usap tayo mamaya."
Nagtataka man, tumango ako.
Dumiretso kami sa Discipline's Office, nagtataka kung bakit ako pinatawag. Nginitian ako ng lower year na tumawag sa akin at pinapasok ako sa loob. Naiwan siya sa labas.
Pagpasok ko, gusto ko na pala ulit lumabas.
"Ianne . . ."
Walang ibang tao sa office kung hindi si Nate na naka-civilian, nakaupo sa isa sa mga upuan.
Bakit siya nandito? At bakit hindi siya naka-uniform?
Naalala ko yung pag-text at pagtawag niya. Nabu-bwisit ako!
"Si Ma'am?" iwas tingin kong tanong sa kanya. "Pinapatawag kasi ako."
"Wala siya."
Kumunot ang noo ko. Siya ba ang nagpatawag sa akin? Pinamukha niyang DC ang tumatawag sa akin? Ganon lang kadali sa kanya manloko kahit yung teacher namin? Tulad ng pagte-text niya at pinamumukha niyang siya si Art?
Ugh! Gusto kong magwala sa galit pero pinanatili ko ang pagkalma.
"Okay," sabi ko kahit gusto ko nang mangagat sa galit. "Alis na ako."
Natigilan ako nang hawakan niya ang braso ko. Nilingon ko siya. Nakangiti siya. Nainis ako sa ngiti niya.
"Musta ka na?"
Anong karapatan niyang tanungin kung kumusta na ako kung siya ang sumira sa akin?
"Okay lang." I . . . I . . . I can't breathe. Joke. "Okay na ako," bulong ko sa sarili ko.
Tumayo naman siya kaya mas naramdaman ko ang tangkad niya sa akin, kung paano niya ako napapaikot nang ganon kadali, kung paanong isang ngiti lang niya at hawak sa kamay ko . . .
Ayaw . . .
Humigpit ang hawak niya sa akin.
Ayaw ko.
Hinatak niya ako palapit sa kanya.
Ayaw kong isa lang.
Pinilit niyang tumingin ako sa kanya.
Ayaw kong isa lang ang gawin niya.
"I miss you, Ianne."
Mahalin ko na naman siya.
At niyakap niya ako nang mahigpit.
Kahit ang sakit.
Parang nawala lahat ng galit ko at nanginig ang bibig ko sa yakap niya. Gusto kong yakapin siya pabalik. Nanghina ako.
Sinubukan ko siyang itulak dahil naaalala ko yung sakit, yung galit, yung pagpapaalis niya sa akin nung nagpunta ako sa kanya, yung mga araw na wala siya kapag kailangan ko siya, yung mga araw na imbis na magkasama kami ay may iba siyang babaeng kasama . . .
. . . pero hindi ko siya matulak dahil naaalala ko yung ngiti niya, yung kabaliwan niya, yung mga masasaya naming alis, yung mga makukulit niyang banat.
Tumulo ang luha ko nang biglang may kumatok sa pinto.
Siguro dahil sa rush na yon kaya nakakalas agad ako. Pagkabukas ng pinto para makaalis na rin, si Art ang tumambad sa akin. Muntik na siyang ngumiti nang nawala ito dahil tumingin siya as gilid at nakita si Nate.
Bakit parang mas masakit?
"Uwian na," sabi niya. "Tara."
Hinatak ako ni Art. Nagpahila ako habang pinupunasan ang luha, sinusubukang tumigil sa pag-iyak, hanggang sa tinigil niya ang paghatak pero sumunod ako sa kanya, sinabayan siya sa paglalakad habang binibigay niya ang bag kong dinala niya. Tumigil kami sa isang bench sa grounds at naupo roon.
"Anong . . . ginagawa natin dito?" tanong ko
Ano na kaya ang iniisip niya ngayon? Galit ba siya sa akin? Naiinis na ba siya sa akin dahil sobrang hina ko?
Ang tahimik niya.
Nagtagal kami ng halos kalahating oras nang hindi nag-uusap.
Tumayo siya at hinarap ako. "Mag-usap ulit tayo bukas."
"Ha? Pero hindi naman tayo nag-usap, ah?"
Pinatayo niya ako. Napaatras ako nang ilapit niya ang ulo ko at ilapat niya ang tainga ko sa dibdib niya.
Ewan ko ba pero namuo ang luha ko nang marinig ko ang mahinahong tibok ng puso niya.
Bumulong siya sa akin ulit. "Mag-usap tayo bukas."
RINIG ko pa rin ang tibok ng puso ni Art e nasa bahay naman na ako. Mag-usap? 'Yun ba ang pag-uusap para sa kanya? Parinig niya sa akin ang tibok ng puso niya?
Pero si Nate . . . ano bang balak niya?
Nakakainis!
Naiinis ako kay Nate dahil ang gulo niya.
Naiinis ako kay Art dahil pinapagulo niya lahat.
Naiinis ako sa sarili ko dahil ang gulo-gulo ko!
:|
Oy.
Sa isang text lang, sa dalawang letrang text lang niya, parang pinapatay na ang epekto niya sa akin.
Ano bang trip mo, Nate? Gustong-gusto mo akong ginugulo!
To :|
O?
:|
Ha, lamig ah.
Duh.
To :|
Sakto lang. . . hahaha.
:|
May problema?
Duh?!
To :|
Ikaw ang problema ko.
:|
???
:|
Anong ginawa ko?
Bakit ba siya nagpapanggap? Bakit ba kailangan niyang bumalik? Nang bumalik? Nang bumalik paulit-ulit?!
To :|
Hindi kasi kita kilala hahaha sino ka ba?
:|
Kilala mo ako.
DUH?!?!?!
Nafu-frustate na talaga ako. Gusto ko na ibato ang cellphone ko sa sobrang pagkainis. Nagdadabog na ako sa kama ko.
Huminga ako nang malalim.
To :|
Paano mo nlman # ko?
:|
Alam ko lang.
To :|
Wow, nakatulong.
:|
Sungit. :P
To :|
Text ka kasi ng text!
:|
:)
"Ewan ko sa 'yo!"
Binato ko ang cellphone ko sa tabi ko sa sobrang inis. Syempre mahirap na kung mabato ko talaga, wala akong pera pamalit. Pagagalitan din ako nina Mama at Papa. Pero iritang-irita talaga ako!
"Tama na, Ianne," sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko. "'Wag ka na kasi umiyak." Bakit ba kasi kailangan iyakan yang lalaking yan! Sayang ang luha!
:|
Tulog? Goodnight.
Nakatitig ako sa cellphone ko. Hindi ko na napigilan sarili ko sa pagte-text.
To :|
Tigilan mo na ako!!! Pls lang!! Wag mo na ako guluhin nagmamakaawa ako!
Tinago ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko. Wala na akong pakialam kung mag-reply pa siya or what. Gusto ko na lang magpahinga sa emotional stress! Pero mukhang hindi niya ako hahayaan dahil tumawag siya!
"Nate ano ba?!" ang sabi ko imbis na regular na hello.
"Nate?"
Napakunot-noo ako.
"Iniisip mo pa rin siya . . ."
Natigilan ako sa narinig.
"Siya pa rin . . ."
Ang lamig. Ang lamig ng boses. Hindi 'to pwede. Seryoso ba? Anong . . .
Hindi pa ako nakakapagsalita ulit, binaba agad niya ang tawag.
Napatitig ako sa call ended with :|. Sigurado akong nakita ko si Nate sa cafe pero bakit . . .
"A-Art?"
Mababaliw na ata ako.
~
note: salamaaaat sa pagbabasa at sa comments!! <3 marami akong dagdag bawas sa mga chapter di tulad last time na nagtuloy tuloy ako sa update ng 10 chapters kaya mas maraming energy ang nakukuha nito at mas tumatagal ang update.
amsorreh. di na ako mangangako sa 10 chaps update but imma try my besssttt ~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top