33-B [ miss ]


Kuya Eos?! Ngingiti ba ako o magugulat o maiiyak kasi ang tagal ko siyang hindi nakita?!

Nag-alinlangan pa ako kung yayakap ba ako nang guluhin ni Kuya ang buhok ko at niyakap ako.

"Hindi mo man lang itatanong kung kamusta na ako? Si Mama? Si Papa? Yan talaga yung tanong mo? Bakit ako nandito?"

Naluha na ako sa sobrang pagka-miss sa epal kong kuya. 

Nilayo ako ni Kuya sa kanya at kumunot ang noo sabay sapok sa akin. "Binasa mo 'yung damit ko!"

Natawa ako. "E bakit ka ba kasi nandito?"

"Uuwi na tayo. Nandito na sila Mama."

Tumigil sandali ang tibok ng puso ko.

"A-Ano?" tanong ni Art.

Napalingon kami ni Kuya kay Art na nasa may sofa. Nagulat ako sa balita pero bakit parang mas nagulat siya sa akin?

"Mag-impake ka na, sa labas lang ako," sabi ni Kuya.

Tumango na lang ako. 

Pagtingin ko kay Art, nakatingin siya sa akin at sinundan ako hanggang kwarto habang nag-iimpake. Nakatayo lang siya at nanonood tulad ng ginawa niya kanina.

Ngumiti ako at sinabing, "Last na dinner na pala natin 'yun, no?" sana pala tinagalan ko pa.

Hindi siya nagsalita. 

Hanggang sa nasa labas na kami ng BH, hindi pa rin siya nagsalita. Walang kahit ano. Nagpaalam ako sa boardmates ko at nag-iwan ng sulat para kay Kuya Angelo.

Wala pa ring kibo si Art nang pasakay na ako ng taxi. 

Nasasaktan ata ako na ewan. Ang gulo.

"Uhm, ba-bye na?" sabi ko.

Tinitigan lang talaga niya ako?!

Wala man lang tango. Walang reply. Titig lang talaga? 

Ngumiti ulit ako sa kanya pero wala pa rin akong nakuhang sagot kaya nagpaalam na ako. Walang yakap o shake hands o kahit ano. Walang hawak sa braso, walang pagpigil para umatras ako. Wala talaga. 

Umalis ako ng boarding house ng titig lang ni Art ang nakuha ko.

Ang empty ng feeling ko habang nasa byahe kami ni Kuya. Dapat masaya ako kasi uuwi na kami pero parang may naiwan ako sa BH na hindi ko na mababalikan.

"Sino 'yung lalaki?" tanong ni Kuya. Nilingon niya ako dahil sa likod ako nakaupo habang siya katabi ng driver. "Yung tumulong sa'yo."

"Ah . . . si Art."

Paulit-ulit sa utak ko yung ilang nangyari kanina.

"Boyfriend mo?" tanong niya. "Buti naman naka-move on ka na."

"H-Hindi ah."

"Saan ang hindi? Boyfriend o move on?"

"Boyfriend!"

Ngumisi si Kuya. "Oh, e bakit parang badtrip mukha nung paalis ka na?"

Napangiwi ako. "Lagi namang mukhang badtrip 'yun."

Tumango lang si Kuya sa akin at natahimik kami buong byahe.

Napangiti ako nang salubungin ako ni Mama at Papa ng yakap pagbaba namin ng taxi. Pumasok kami sa loob at nag-usap at nagkwentuhan. Tinanong nila ako kung anong nangyari sa akin sa ilang buwan na nawala sila. Kinwento ko sa kanila na nagluluto na rin ako.

"Dapat pala iniiwan ka namin para sumipag ka sa gawaing-bahay," sabi ni Papa.

Inirapan ko na lang si Papa kaya natawa siya.

Nakakatuwang nakauwi na ako sa bahay namin pero habang nakatitig ako sa kisame ng sarili kong kwarto, feeling ko may kulang.


PINAALAM ako ni Papa sa teachers ng one week absent muna dahil may pupuntahan kaming importante tutal tapos na ang exams. At ang importanteng lugar na 'yun? Tagaytay, Cavite, Laguna at ito nga, Enchanted Kingdom.

In the middle ng pagsasaya namin sa Enchanted Kingdom, napansin kong pinatitinginan ako ni Kuya Eos at ang girlfriend niyang si Ate Nuriko.

Pinanliitan ko sila ng mata.

Tapos si Kuya, parang nang-aasar yung mukha!

O talagang nakakaasar lang talaga yung mukha niya?

Tumango si Kuya. At ito ata ang naging hudyat para lapitan ako ni Ate Nuriko. 

"Bakit ba pakiramdam ko. . ." Inakbayan niya ako habang nakangiti. "Hindi ka kasing saya ng inaakala naming dapat na saya mo?"

Ano raw?

"Ayos lang ako, Ate."

"Alam mo Ianne, kinwento sa akin ng Kuya mo 'yung tungkol sa lalaki." 

Lalaki?!

"Anong alam ni Kuya? Anong lalaki? Sino 'yun? At bakit niya dinadaldal ang buhay ko? Ha? Ang chismoso talaga nun!" sunod-sunod kong sabi.

"Kalma lang, girl," natatawa niyang sabi. "Ang defensive!"

"Anong sabi sayo ni Kuya?"

Nagkibit-balikat siya. "Pro tip na lang mula sa taong luhaan lagi, ehem," sabi niya sabay turo sa sarili. "Hindi masama na i-admit mo sa sarili mo ang isang bagay, okay? Ikaw lang din ang mahihirapan kapag tinago mo 'yan. Sige ka."

"Wala naman akong tinatago, ate."

"Sabi kasi ng isang chismoso sa tabi-tabi, parang hindi ka raw sobrang saya sa 1 week vacation n'yo. Nagsimula daw yan nung . . ."

Hindi niya tinuloy yung sasabihin niya. Alam niyang alam ko kung ano yung tinutukoy niya kaya sumimangot ako. Ang chismoso talaga ni Kuya!

"Basta, ha. Kapag masaya ka, wag mong pigilan dahil lang ang mindset mo is dapat malungkot ka. Just like pag in love ka, 'wag mo pigilan dahil lang sa galing ka sa heartbreak. Okay ka na, tanggapin mo yung pagiging okay.

"Ate . . ."

"Naaalala mo siya?" Si Nate? "Okay lang 'yan, naging parte siya ng buhay mo. Pero kung ikukulong mo ang sarili mo sa kanya dahil 'mahal' mo siya, paano ka sasaya ulit?" Lumapit siya sa akin lalo. "Ito ah, naghahanap tayo ng iba hindi dahil gusto natin makalimot pero makakalimot tayo dahil nahanap na natin 'yung taong para sa atin."

"Ate. . ."

Pero hindi siya nagpapigil! Diretso lang siya sa pagkwento.

"Bago dumating si Kuya Eos mo, in love ako sa best friend ko. Isa ako sa mga namroblema ng 'mahal-ko-ang-best-friend-ko-at-ang-sakit-sakit-na' cliche. Nandoon ako sa cage na yon hanggang sa sinabi ko sa sarili ko, wala nang patutunguhan 'to. Mahal ko siya pero para saan pa? Doon dumating si Eos." Ngumiti siya sa akin. "Mahal ko pa rin ang best friend ko. Hindi mawawala 'yun. Pero si Eos, nagawa niyang makiepal sa puso ko," natatawa niyang sabi.

"Epal nga talaga yang si Kuya."

"True."

Tumawa kami parehas.

"But look at us now. One year of taking risk. Sabi ko kasi sa sarili ko, okay lang naman siguro maging selfish at piliing maging masaya?"

Umepal si Kuya at inakbayan si Ate. "Napansin kong ang drama ng pinag-uusapan niyo. Share naman d'yan."

"'Wag kang epal," natatawang sabi ni Ate at ayun, naglambingan na sila.

Habang naglalandian—este lambingan sila sa harap ko, napaisip ako sa sinabi ni Ate. 

Okay lang maging masaya. Okay lang hayaan ang sarili sumasaya sa iba. Pero masaya naman ako ngayon, e.

Wala naman akong iba? Wala lang yung kay Art . . .

Natapos na ang bakasyon kong isang linggo. Sunday habang nakahiga sa kama, may nag-miss call na unknown number. 

Pagtanong ko kung sino, nag-reply siya agad.


unknown
Secret.


Tamad akong mag-text pero may pwersa na tumulak sa akin para mag-reply.


To unknown
Dingaaa? Sino ka?

unknown
Hulaan mo.

To unknown
Wehhh? Sino ngaaa?

unknown
:| ang isave mo.


Huh? Si Art ba 'to? 

Ugh. bakit magmi-miss call sa akin yun? E wala namang paki sa mundo yun!

Naku, Ianne! Tigilan mo na tong pag-iisip kay Art, hindi nakakatulong sa crisis sa mundo, e.

Pero bakit naman kasi poker face yung gamit na emoticon? Gaya-gaya kay Art?

Ay, weh, Ianne? Pag poker face, Art agad? Di pwedeng . . . iba?

E sino naman.

Malay ko?! E di isipin mo na lang na si Art yan!

Cannot be carry one, Ianne!

Agh! Kinakausap ko sarili ko!


To unknown
Antrip mo? Haha!

unknown
Save mo na lang. Wag na maarte.


Ako naman si uto-uto, ginawa ang utos ni unknown.


:|
Nasave mo na?

To :|
Yea :| so sino ka ba ksi?


Bakit ba inaasahan kong sabihin niya ay Art? 

Haaayyy. Mababaliw na ata ako.


:|
Try to find out. Goodnight.


Hindi ako tinantanan ng text kinabukasan dahil umagang-umaga, siya ang bumungad sa akin sa text.


:|
Morning smiley emoticon.

To :|
Anong smiley emoticon? :o

:|
Dahil you need to smile more, ' :) ' ang pangalan mo sa contact ko.

To :|
Seryoso kba jan?

:|
Ha. Ha. Pumasok ka na, late na.


Paano niya nalaman na late ako?

Ayoko talaga mag-assume pero . . . sino ba kasi to?!

Pagkatapos ko maligo, mag-ayos, at habang nagbe-breakfast, tumunog ang cellphone ko. Agad ko yon kinuha at tiningnan ang. Text mula kay poker face.


:|
Kita tayo.


Napahawak agad ako sa dibdib ko. Bigla rin akong parang nahilo.

SINO BA TO?! BAKIT KINAKABAHAN AKO?

Nanginginig yung kamay ko, natatakot mag-reply nang tumunog ulit phone ko. Siya ulit.


:|
Hintayin kita sa labas ng KapeLibro.


Natatakot man sa kung sino ang makita ko, nag-reply ako.


To :|
Saan yun?

:|
Cafe bago school. Sa likod. 


Bago school?! Sa likod?! Schoolmates nga kami!?

Nakarating ako sa sinasabi na cafe pero imbis na sa loob, sa labas lang ako, sa gilid. Medyo malayo. Gusto kong malaman kung nandoon na siya, kung sino man siya, bago ako magpakita.

Kailangan ko pa hawakan yung dibdib ko dahil parang lalabas any moment yung puso ko. Kailangan ko saluhin, e. Damaged na, kailangan ingatan.

Sumilip ako. Nasa cafe ba siya? Papasok ba ako?

May mapansin akong lalaking lumabas ng cafe at uniform ng mga lalaki ng school namin ang suot. Kabado at gulat ako. Para rin akong sinaksak saglit nang makita ko si Nate. Nakatayo siya sa labas ng cafe na parang may hinihintay.

Nag-cellphone siya, tumawag, pero wala atang sumagot.

Ako ba yung tinawagan niya? Hindi ko dala ang phone ko dahil bawal sa school.

Siya ba? Siya ba si poker face?

Bakit niya ginagamit yung emoticon na para kay Art . . . ?

Lumingon siya sa kabila. Bago pa siya lumingon sa parte kung nasaan ako, nagtago agad ako. Pinapatay ng kaba habang naglalakad, nanginginig ang mga tuhod, papuntang school. 

Ginamit ba niya yung emoticon na yun para mag-reply ako? Kasi aakalain kong siya si Art? Mukhang alam na alam na niyang nagiging close na kami ni Art.

Nag-CR muna ako pagkarating sa school. Namumutla ang itsura ko. Sa simpleng text messages, sa simpleng pagkakita ko sa kanya sa meeting place namin, para akong kinuhanan ng dugo.

Bakit niya ako pinapunta doon? Anong gusto niyang gawin? Matapos niyang . . . hay. Pagpasok ko sa classroom, unang hinanap ng mga mata ko ay isang tao na matagal ko nang hindi nakita.

Wala siya.

Late?

Nagsimula na ang klase at sobrang empty ng feeling dahil wala 'yung taong hinahanap ko. May kung anong sinasabi si Ms. Verano bago magklase hanggang sa bumilis na ulit tibok ng puso ko. Hindi tulad ng kanina na masakit, ito parang pang lutang.

Dumating na siya.

Nagkatinginan kami pero umiwas siya ng tingin. Napakunot-noo ako.

Imbis na sa tabi ko, sa dati niyang upuan siya umupo. Napatingin sa akin ang ilang kaklase namin pero hindi ko na lang pinansin. Anyareh, galit ba siya sa akin?

Diretso ang tingin niya sa board. Anong nangyari? Bakit hindi siya namamansin? I mean, lagi namang hindi siya namamansin at lagi rin siyang cold pero . . . bakit ganon?

Ano bang expect ko? Pagpasok niya, tumatalon-talon pa siya sabay sabi ng, "Hi, Ianne! Good morning sa 'yooooo, ex-boardmate!"

Jusko. Naalibadbaran ako. Hindi bagay!

Sobrang bothered ako pero mas na-bother ako nang sinabi ni ma'am na malapit na ang clearance signing at hindi kami magmamartsa hangga't hindi tapos ang mga lecture sa notebook namin.

Kaya tinanggal ko muna ang lahat ng gumugulo sa isipan ko. Buong araw akong naghabol sa notes dahil hindi talaga ako palasulat, sorry naman.

Uwian na, sobrang busy pa rin ako sa pagkopya ng lecture sa kaklase at naiwan sa room mag-isa.

TUGS TUGS

Napalingon ako nang makarinig ako ng ingay. Nasa may pintuan si Art at parang nagulat na nandito ako sa room. Nginitian ko siya at binalik ang atensyon ko sa pagsusulat.

TOINK TOINK

Tumalbog sa sahig yung ballpen ko dahil nabitawan ko bigla.

"A-Art. . ."

Bakit . . . bakit niya ako niyayakap mula sa likuran? Ang sakit ng puso ko sa sobrang bilis ng tibok lalo na nang ibaon niya ang mukha niya sa may leeg ko at hinigpitan pa lalo ang yakap.

Hinawakan ko yung braso niya. Hindi ko alam sa sarili ko kung gusto ko bang alisin yung yakap niya sa akin o gusto ko lang siyang hawakan.

"Hayaan mo muna akong mayakap ka."

Natahimik kaming dalawa habang nagwawala yung puso ko sa sobrang kaba.

"Hindi ko kaya. . ." bulong niya. "Hindi ko na kaya."

"A-Ano?"

"Ang tagal kitang hindi nakita."

Kumalas ako sa kanya at tumayo. Napansin ko na nangingitim ang eyebags niya at mukhang stressed. Dahil ba sa akin kaya parang pagod na pagod siya?

Hindi ko malaman bakit pinindot ko yung pisngi niya.

Para bang iniisip ko kung totoo ba siya o hallucination ko na lang ito dahil wasak na ako sa pagsusulat ng notes.

Nagulat naman siya nang yakapin ko siya, at sa totoo lang, nagulat din ako sa ginawa ko. Gusto kong bawiin 'yung yakap pero niyakap na rin niya ako pabalik kaya binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.

Bakit . . . ang gaan?

"Nawalan ako ng gana umuwi sa boarding house," bulong niya sa bunbunan ko. "Na-miss kita."

Hinigpitan niya ang yakap sa akin. Namumuo na ang luha sa mga mata ko.

Hindi ako malungkot—sa totoo lang, ang saya ko kahit na may nangyari hindi ko gusto kaninang umaga. Walang kahit anong pagpipigil ngayon. Masaya ako ngayon.

Ang sarap pala malamang nami-miss ako ng taong nami-miss ko.

"Na-miss din kita, Art."



note:

sa lahat ng naghihintay at nagko-comment, salamat!!! 

andami nagbago sa buong chapter 33, infairness. tina-try ko kasi i-flesh out pa yung mga pangyayari. patatagin ang mga dapat patatagin. sana nagwo-work. mehe.

unfortunately, though, i couldn't update 10 chapters right now and i know na antagal ng update amsorreehh, naging busy kasi me huhu but here's a 2-parts chapter sa gitna ng gawain. 

stay safe and healthy!


( hopefully, sa susunod na mag wattpad ako, makapag-update ako ng 10 chapters. crossed fingers!!!! )


dedicating this chapter to Moraxxie because of her cute anecdote at yung takot sa ttls kaya natakot din sa afgit. hahaha. don't worry you'll be safe here. nga ba? haha charot. thank you reading at sa kyuti na comment!! <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top