33-A [ miss ]
[ 95% of this update is new. yas! isa ito sa mga wala sa libro na dito lang mababasa! more of this soon ~ :D ]
ISANG linggo na ang nakalipas at napapansin kong nababaliw na si Art. Bakit? Dahil ngumingiti na lang siya bigla! Ng walang dahilan!
Madalas ko ring napapansing may mga mantsa ng paint ang balat o damit niya kapag lalabas siya ng kwarto niya.
Nagpipinta kaya ulit siya?
Speaking of paint, nasaan na kaya ang painting niya kay X?
Nagkasabay kami kumain ng dinner. Pinilit pa niyang ako raw ang magluto kaya sige na lang, basta wala akong kasalanan kung malason siya. Willing victim na siya, e.
Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya, naghahanap ng pagkakataon para magtanong tungkol sa painting niya pero mukhang bothered siya sa titig ko kaya nagkunot-noo siyang tumingin sa akin.
"Bakit?"
"Ha? Bakit? Anong bakit?"
Bakit bigla akong na-pressure?!
"Tinitingin-tingin mo?"
Sumimangot ako. Huminga pa ako nang malalim. "Tanong ko lang . . ."
"Ano?"
"'Yung painting mo kay X kasi—"
"Binenta ko na."
What? Diretso lang siya sa pagkain niya na para bang walang nangyari sa kanila ni X? Seryoso ba?
"Bakit? Sayang naman."
"May mga bagay na mas importante pa kaysa sa isang painting."
"Sa 'yo? Talaga? Tulad ng ano?"
Tumigil siya sa pagkain at tumitig sa akin. Diretso lang ang tingin niya sa akin kaya bigla akong na-conscious at muntik nang maluwa yung kasusubo ko lang na pagkain.
Kinabahan ako.
Ilang beses ako kumurap dahil parang naalala ko yung kinakalimutan kong paghalik niya sa noo ko.
"Bakit . . . bakit . . ."
BAKIT AKO KINAKABAHAN?!
Hindi ko maiiwas yung tingin ko at na-conscious akong ngumuya! Anong gagawin ko sa pagkain na nasa bibig ko?!
Buti na lang, may nag-doorbell!
Saved by the doorbell! Yay.
Ako dapat ang magbubukas ng pinto kaya tumayo ako. Mabilis pa pagkakalakad ko na para bang iwas na iwas sa kanya. Pero nang nasa tapat na niya ako, nagulat ako sa bigla niyang paghatak sa akin pabalik. Parang nag-slow motion lahat sa paningin ko yung pag-atras ko, pagtayo niya sa harap ko, at pagtitig niya sa akin bago tumalikod at naglakad papuntang pinto.
Ano yun . . . Bakit ganun.
Pagbukas niya ng pinto, pumasok yung isa naming boardmate na mukhang nagulat sa pagmumukha ni Art.
"Uy, pasensya na, nalimutan ko kasi yung susi ko . . . ano . . . "
Tamo! Pati siya, na-conscious sa titig ni Art!
Pagbalik ko sa upuan ko para ituloy ang pagkain ko, bumalik din si Art sa upuan sa tapat ko. Nagkatinginan kami ng boardmate ko na tanaw ko sa sala, nanlalaki ang mata niya at tinuturo si Art.
Nagkibit-balikat ako habang nanlalaki din ang mata.
Para bang may silent communication kami na gulat sa nangyayari at hindi namin alam kung sino tong Art na nasa harap ko..
Minsan lang kasi talaga lumabas si Art at ngayon lang siya ganito katagal sa common area tulad ng dining room!
Mukhang napansin ni Art ang expression ng mukha ko kaya bigla siyang lumingon sa likod niya. Natawa ako nang mag-panic yung boardmate ko at biglang bumagsak sa sahig na para bang may tataguan siya pero kita namin siya.
Kinuha ko na yung atensyon ni Art dahil mukhang na-stress na yung boardmate ko sa nangyayari.
"Ano palang ganap mo bakit ka biglang nanghihila ng braso? Ang drama nun, ha?"
Lumingon siya sa akin. Gumapang naman papunta sa mga kwarto yung boardmate namin. Pinigilan kong tumawa.
Ngumisi siya. "Onga, e." Tumayo siya, dala-dala ang simot niyang plato. "Drama ng mukha mo pagkahatak ko."
What.
Pinanlakihan ko siya ng mata. How dare he?!
Iniwan na niya ako sa dining room mag-isa. Binagalan ko lang ang pagkain ko habang nakatulala sa kawalan nang mapatitig ako kay Art na bumalik mula sa kwarto niya at naupo sa tapat ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Bakit ang tagal mong kumain?"
"Nilalasap ko pa niluto ko, e."
Parang gusto niyang matawa sa sinabi ko na para bang joke na lasapin yong niluto ko. Umiling siya at kumuha ng chocolate chips cookies sa cupboard at bumalik ulit sa tapat ko.
Kumain siya doon habang nakatitig sa akin?
"Bakit ka nandito?" tanong ko ulit.
"Kumakain?" Tinaasan niya ako ng kilay na para bang pantanga ulit yung tanong ko.
"Doon ka na sa kwarto mo. Ang tagal mo nang nandito sa labas, baka magulat ako bigla kang mag-shut down dyan."
"Ayaw mo bang nandito ako?"
Napa-shut up ako doon. Sige na nga, dyan na siya.
Natapos ako kumain nang kumakain pa rin siya ng cookies niya.
Naghuhugas ako ng pinagkainan ko nang mapansin ko ang presensya niya sa likuran ko. Akala ko may gagawin lang pero natigil ako sa paghugas dahil nag-stay siya. Paglingon ko sa kanya, nakatayo lang siya sa may gilid ko.
"Anong ginagawa mo dyan?"
Nagkibit-balikat siya. "Tagal mo, e."
Pinanlakihan ko siya ng mata. Ano bang ginagawa ng lalaking 'to?! Tama na! Ang lala na ng kaba ko para akong sinuntok sa dibdib!
Pabiro ko na lang siyang inirapan.
Nang papunta na ako sa living area para manood, sinundan ba naman niya ako? Pagkaupo ko sa sofa, naupo rin siya sa kabila. Ano bang ginagawa ng lalaking to, bakit niya ako sinusundan?
Tahimik akong nanonood ng TV. Si Art, hindi ko malaman kung ano yung trip. Nakaupo lang siya pero mukhang nakatulala. Napapatingin kasi ako sa kanya at nadi-distract talaga ako.
Huminga ako nang malalim at nag-focus na sa panonoood nang mapaatras ako dahil biglang may binato sa akin si Art na crumbs ng cookies. Sinamaan ko siya ng tingin nang batuhin niya ulit ako ng crumbs. Tapos binato niya ulit ako at nagkakalat na siya, lagot kami nito!
Dahil lintik lang ang walang ganti, kinuha ko yung crumbs na binato niya at binato ko pabalik sa kanya.
Binato niya ulit ako, tapos binalik ko sa kanya. Nagbatuhan kami nang bigla siyang napa-"ah!" Napahawak siya sa kaliwang mata niya. Agad akong lumapit sa panic.
"Natamaan ko ba mata mo? Tama na kasi pagbato! Sorry, A—"
Natigil ako nang mula sa pagkakayuko, inangat niya ang tingin niya sa akin.
Para akong napaatras nang kaunti.
Ang gwapo . . .
Ngumisi siya sa akin at nagulat ako nang bigla niya akong pinasakan ng cookie sa bibig ko. Doon ako natauhan at napaupo sa tabi niya.
Sabay kaming napatingin nang may mag-doorbell ulit.
Hindi niya ako hinayaan tumayo. Binigay niya sa akin yung hawak niyang lalagyan ng cookies at tumayo. Palakad na siya nang hinatak ko siya at na-out of balance siya paupo sa sofa.
"Anong—?!"
Ngumiti ako. "Ako naman magbubukas, malapit ka na maging doorman, e," sabi ko at binigay sa kanya yung lalagyan ng cookies.
Pagtayo ko at paglakad, napatigil ako sa bigla niyang paghawak sa braso ko.
"Pag hinatak mo pa talaga ako," pagbabanta ko.
Akala ko talaga hahatakin niya ako, pero iba ang nangyari.
Dumulas ang kamay niya papunta sa kamay ko.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak saglit sa kamay ko. Hindi ko alam kung gaano katagal pero nang dumulas ulit ito at hinayaan niyang malaglag sa kawalan ang kamay niya. Diretso siya sa pagkain ng cookies habang natulala ako saglit. Natauhan lang nang tumunog ulit ang doorbell.
Napahawak ako sa kamay ko habang palapit sa pinto.
Bakit parang nakukuryente at nakikiliti ako. Agh.
Pagbukas ko ng pinto . . .
"Ianne."
"B-Bakit ka nandito?"
note:
Chapter dedication to IAMALLALONENOW dahil omg this message? Ang heartfelt lang. Huhu. I'm soooo happy na napatawa ka ng kalokohan ni Ianne. Kahit ang korni-korni. Haha. I really hope na soon is you're not alone na. :) *hugs
( whispers: okay lang to feel those things. masakit talaga. malungkot talaga. but yes sa tuloy lang ang laban! )
i read all afgitmolfm comments! well, bago itong repost, hindi na (coz toxic huhu) pero ngayon, sabik ako kapag may notification sa email kapag may nag-comment. hihi.
you all fuel me :">
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top