32 [ accept ]
MAY limang stages ng grief at loss.
Una, denial at isolation. Pangalawa, anger. Pangatlo, bargaining. Pang-apat, depression at panglima, acceptance. Hindi ako informed na may nadagdag pang isa.
Eat a lot.
Sa buong sembreak, tumigil na ako sa pag-iyak. Nagawa kong maging busy sa lumipas na ilang linggo sa tulong ng isang Emotionless Guy. Hindi niya ako hinayaang mag-isa. Lagi siyang nasa tabi ko at laging pinupunan ang bawat espasyo na kulang sa puso ko.
Lalo na ang espasyo sa tiyan ko.
Madalas kaming tambay sa BH pero mas madalas nasa kwarto niya siya samantalang nasa sofa ako at tumititig sa TV.
"Oy."
Sinandal ko ang ulo ko sa sofa at tumingala para makita siya. Napapikit at natulak ko siya nang magpatong siya ng napakainit na baso sa noo ko.
"Aray!" Napaupo ako nang maayos. "Ano na naman bang problema?" Pinalo-palo ko ang noo ko para mawala ang init.
"Kainin mo." Nilaglag niya ang plastic ng cookies sa tabi ko.
"Kailangan bang idikit mo sa akin 'yang baso mong napakainit para lang ibigay sa akin 'yung cookies?"
Nginisian niya ako nang umupo siya sa tabi ko sa sofa at kinuha ang remote control ng TV. Naglipat-lipat siya ng channel habang ini-snob ang sama ng tingin ko sa kanya.
Nagvibrate ang phone ko. Kukunin ko na sana ang phone ko nang magtaka ako dahil kinuha ni Art.
"Cellphone ko 'yan," sabi ko nang nakataas-kilay.
"Oo nga."
Binigay niya sa akin ang phone. Tiningnan ko siya nang nakakunot-noo habang ino-open ang message. Nakatingin lang siya sa TV na parang walang nangyari.
Do.Not.Text.Call.This.Number.
:)
Napatitig ako sa text. Isang emoticon lang pero naguluhan na ako sa nararamdaman ko. Matutuwa? Mapapangiti? Malulungkot? Magagalit? Manghihinayang? Maguguluhan?
"Akin na 'yan."
Kinuha ni Art ang cellphone ko. Kukuhanin ko sana nang binuksan niya ang likod at sinira ang sim card.
Teka. Sinira niya ang simcard ko!
"Huy, anong problema mo?" Tinulak ko ang mukha niya kaya napahiga siya sa sofa. Nanlalaki ang mga mata ko. I can't. Wahtda. "Adik ka ba?"
Umupo siya nang poker face lang. "Para hindi ka na i-text at para hindi mo siya i-text."
Tinulak ko ulit 'yung mukha niya pero pinigilan na niya ako. "Eh paano ko ite-text sila Mama at Papa?"
Tumayo siya at pumasok sa kwarto niya. Iniwan niya akong nanlulumo habang nakatitig sa sira kong sim card.
"'Yung sim card ko!"
Paiyak na ako nang lumabas siya ng kwarto at binato sa akin ang isang matigas na papel na muntikan nang mag-bull's eye sa noo ko.
"Kailangan binabato?" kunot-noo kong tanong.
Ngumisi siya nang kunin ang phone ko at nilagay ang sim card sa loob. "Sim card tawag dito at para sa cellphone 'to."
Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa sobrang inis pero masakit kaya 'wag na lang.
"Oo nga, may sim card nga. Pero paano ko malalaman ang number nila Mama at Papa?"
Nakipagtitigan siya sa akin pero naiinis talaga ako. Nagpindot siya sa cellphone ko at pagkabigay sa akin, nandun na sa contacts sila Mama, Papa at Kuya Eos.
"Try mo."
Sinubukan kong tumawag. After ilang ring, sumagot ang boses ni Mama at tinanong kung sino ako.
At ako? I was in shock. I was very, very shock.
Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa cellphone ko. Kabisado niya ang number ng pamilya ko?
Wow.
"Welcome," nakangisi niyang sabi at pumasok sa loob ng kwarto niya.
HINDI pa rin ako makapaniwalang bumabait si Art. Ewan ko ba pero feeling ko mga 3.47% na ang nadagdagan sa closeness meter namin.
Masaya akong pumasok sa school dahil feeling refreshed ako. Wala na si Art sa BH kaya akala ko nasa school na siya pero wala siya sa classroom.
Nag-stay ako sa hallway para magtingin-tingin nang parang may humatak sa akin para tumingin sa grounds. Ang daming mga estudyanteng nagkalat sa grounds pero napatitig ako sa dalawang lalaki na nakatayo sa isang gilid at magkausap.
Walang gumagalaw sa kanila at pati ako, hindi makagalaw.
Bakit?
Bakit magkasama silang dalawa?
Bakit magkasama sina Nate at Art?
Napaupo ako nang tumingala si Art. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil nagtama pa ang mga mata namin.
Bumalik ako sa classroom at hinintay si Art pero recess na siya pumasok. Pansin kong bothered siya sa nangyayari. Sinabihan din niya akong hindi siya sasabay pauwi.
Anong nangyari? Ang weird. . . I mean, alam kong weird si Art pero mas weird na magkausap sila ni Nate tapos wala siya sa sarili.
Anyareh?
Nagtaka ako dahil wala siya sa BH pag-uwi ko. Nakahiga lang ako sa kama habang nakatitig sa kisame hanggang sa makatulog. Which is dapat hindi mangyari dahil magre-review pa ako sa exam. Buti na lang nagising ako at para mahimasmasan, napagdesisyunan kong maligo muna.
Pagbukas ko ng pinto ng CR, napahawak ako sa bibig sa nakita kong bagay na hindi dapat pangalanan na tinakpan niya ng tuwalya. Gulat na gulat kaming dalawa.
Si Art. Si Art. . . Si Art!
Omaypakingahd.
Sinking in sa kokote. . .
"Waaah!"
Sinara ko ang pinto at napatakip ng mata. Alam kong useless na pero kasi! Ano ba Ianne, bakit kasi hindi ka kumatok?
Naman kasi 'tong si Art eh, matuto kasi mag-lock ng pinto. Huhuhuhu.
Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Bakit hindi mawala wala sa utak ko 'yung pangyayaring 'yun? Grabe ayaw ko na, hindi na ako titingin kahit saan.
Gusto ko iuntog ang ulo ko sa lamesa pero masakit. Na-stuck na ata sa utak ko ang lahat.
"Ah!" Napasigaw ako nang may malamig na kamay na humawak sa balikat ko.
Lalong nanginig ang buo kong katawan nang mapalingon ako sa mukha ni Art na mapula at parang kakatapos lang mag-shower. Basang-basa ang buhok niya na tumutulo pa ang tubig. Medyo bumaba nang kaunti ang tingin ko at nabighani sa katawan niya. Ang sexy pala niy—
Wait. Stop!
Watdaef, Ianne?
Gusto ko na lang tumakbo pero hindi rin ako makagalaw. Bumalik sa akin ang nakita ko. Ianne. Please stop.
Lumapit siya nang lumapit sa akin kaya umatras ako nang umatras. Napahawak ako sa likuran ko dahil lamesa na ang nasa likuran ko. Napapa-bend na ako nang ilang dangkal na lang ang layo niya sa akin.
Nagkatitigan kami. Nababasa na ako sa pagtulo ng tubig mula sa buhok niya. Gusto ko nang maiyak sa nangyayari nang matulala ako sa pagtawa niya.
Teka, tumawa siya? Capable pala siya para tumawa?
Wow.
"B-Bakit ka tumatawa?"
Pailing-iling siya habang hawak ang noo niya. Naaamoy ko na rin ang hininga niya—ang bango. At ang gwapo niya tumawa. Nasaan ba ang recorder kapag kailangan? Yayaman ako nito.
Tinakpan niya ng kamay niya ang mga mata ko habang tumatawa. Ahhh, grabe. Ang sarap pakinggan ng tawa niya.
"Kalimutan mo na kung ano mang nakita mo," natatawa niyang sabi.
Umalis siya at iniwan ako sa kusina.
Napaupo ako sa upuan dahil sa panghihina habang nire-recap ko ang mga nangyari.
Ganun pala 'yung tono ng tawa niya. Lalaking-lalaki pero malumanay at parang mahinahon na tawa. Nakakatuwa kasi nawawala na 'yung mga mata niya at lalong sumisingkit.
Tapos yu—watda? Ano iniisip ko?
Inuntog ko ang ulo ko sa lamesa nang ilang beses. Kailangan ko na matauhan, please lang.
TIK
Napatitig ako sa kamay ko na hawak ang kutsara't tinidor.
TOK
Sinubo ko ang kanin.
TIK
Hindi ko sinasadyang mapatingin sa taong kaharap ko.
TOK
Napayuko ako at napasubo ng pagkain. Naubo pa ako. Putspa. Nakakahiya.
TIK
Ang tahimik.
TOK
Nakakailang naman. Bakit ang awkward pa rin?
Tumayo si Art habang hawak ang pinagkainan niya. Narinig ko ang agos ng tubig sa gripo at kalampag ng plato sa lababo.
Ang tahimik.
Nakatoka siya sa paghuhugas kaya nilagay ko ang plato ko sa lababo. Nagtama ang braso namin at napalayo ako dahil nakaramdam ako ng kuryente. Nagkatinginan kami sandali pero iniwas din niya ang tingin niya at nagpatuloy sa paghuhugas.
Nagpunta ako ng sala para manood ng Spongebob Squarepants pero wala akong nage-gets. Narinig ko na lang na nagbukas-sara ang pinto ng kwarto niya kaya napahinga ako nang malalim.
Bumalik na ako sa kwarto ko at nahiga pero hindi ako makatulog. Napapikit ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Art. Didilat sana ako nang bumukas ang pinto. Nagtulog-tulugan ako hanggang sa maramdamang kong may umupo sa gilid ng kama ko.
"Nararamdaman ko na naman 'to," boses ni Art. "Ang hirap." Kinabahan ako nang maramdaman kong hinaplos niya ang pisngi ko at dumampi ang labi niya sa noo ko. "Good night, Ianne."
Naramdaman kong tumayo siya pero bago pa siya lumabas, nagsalita pa ulit siya. "Tanggap ko na. Ititigil ko na."
Paglabas niya, napatitig ako sa pinto habang hawak ang noo ko. Ititigil? Tanggap? At bakit niya ako hinalikan sa noo? Anong nararamdaman?
Ano 'yun, Art?
note: ANOTHER 10 CHAPTERS WILL BE UPDATED SOON. :)
(ps: baka isipin nyo 10 chaps na lang haha no, 10 chaps kasi inupdate ko ngayon then sa susunod na mag update ako, 10 chaps ulit, then sa susunod then sa susunod hanggang matapos na yung kwento.
wala pang ending. malayo pa.. ata. haha.
also:
NO SPOILERS PLS!!!!)
gusto ko lang din sabihing sobrang saya ko kasi ang ganda at ang linis ng comment section! people aren't cursing, people aren't spoiling things, people aren't commenting unrelated comments. aahh, saya. thank you!!!
dedicated: to _jeixanna_ kasi sobrang kyuti ng comment niya!! salamat ~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top