31 [ drop ]


https://ramdamkita-blog.tumblr.com/


"I" thought "N" defined love

May nagrecommend ng advice blog na 'to so tinry ko na sana matulungan ako.

Simulan natin sa ex ko na tawagan nating si N. Si N ay parang perfect boyfriend; sweet, mabait, nakakatawa, at talented. Minsan mahangin, pero masasabi na ring perfect. Halos lahat ng hinahanap ng babae, nese kenye ne eng lehet.

Isa siyang kuya, best friend, boyfriend, tatay, at aso all at the same time. Pwede nga ring maging ate kung gugustuhin.

Mahal namin ang isa't isa. . . kaso, may problema.

Nagbreak kami.

Hindi ko alam ang nangyari. Parang iniwan niya ako bigla. As in, boom! Iwan. Ilang beses kong tinanong kung bakit, kung anong nangyari pero wala siyang sinasabing matino o kaya ko intindihin. Lagi lang niyang sinasabing hindi niya ako babalikan. Tapos parang biglang may ibang babae? Ata??

Nakipagbreak siya sa akin nung akala kong siya na ang kahulugan ng love para sa akin.

Sobrang nasira ang pagkatao ko sa nangyari. Isama pa ang problema ko sa pamilya pero pinilit ko maging malakas. 

Dito dumating si A. Kaschoolmate, kaklase, kaboardmate, at nakakasama ko halos araw-araw.

Dati, wala akong pakialam sa kanya at mukhang ganun din naman siya sa akin. Minsan ko na siyang nakasama sa isang contest (pero di po ako matalino hehe) pero habang palayo ako nang palayo kay N, palapit ako nang palapit kay A?? Ang weird lang dahil emotionless siya at napaka sungit! Sobrang sungit talaga! Tapos minsan, bumabait? Tapos masungit, tapos mabait, tapos parang may pakialam tapos biglang wala? Ang gulo!!

Tumatabi rin siya sa akin kahit hindi naman dapat ganon dahil may sitting arrangement kami. Pinapabayaan naman ng mga teachers namin siguro kasi matalino siya? Tapos natutulog din siya sa klase namin pero pag may recitation, nasasagot niya yung mga tanong?

Tapos kasi . . . may nalaman din ako tungkol sa past ni A tapos yung puso ko parang natouch? Parang gusto ko siyang yakapin kahit na feeling ko mahirap yumakap ng isang pader na stone cold?  Naisip ko lang na panay ako iyak dahil sa breakup namin ni N pero siya, mag isa na, tapos kahit bata pa kami, nagtatrabaho na siya tapos parang ang dami niyang responsibility? Hindi ko malaman kung nagagalingan ba ako sa kanya o sadyang ang gulo lang din.

Lalo na kasi tumawag si N sa akin pero hindi ko sinagot 'yung tawag pero gustong gusto ko siya kausapin tapos si A, binilhan ako ng singsing! Na may pangalan naming dalawa?

Ang gulo ko. Sorry. Nawalan ng sense sinabi ko. [edited]

---

I.

Don't worry, kahit ako, naguluhan ako. Haha jk.

Umpisahan natin kay N. Base sa nabasa ko, mukhang bata ka pa at siya na rin. Nase-sense kong nasa high school, tama ba? Well, ang nakikita kong problema dito is communication. Sobrang nagla-lack sa communication dahil base sa pagkaka-describe mo sa kanya, medyo ang ideal pa ng tingin mo sa kanya. 

I just have a feeling na hindi nyo pa kilala ni N ang isa't isa.

When he broke up with you, wala siyang sinabi . . . at baka may ibang babae? Pwede ngang ganyan dahil sa nakikita mo, pero mahirap din malaman hangga't hindi sinasabi. Siguro kaya ka kumakapit kay N dahil wala pa kayong closure. At ang ating utak, wired maghanap ng reason, kaya nafo-focus ka sa ibang babae. And maybe because you're still clinging on to him, na baka may chance pa maging kayo.

Kung hindi siya nagbibigay ng dahilan, I don't think makakakuha ka pa ng closure from him. Either hindi niya ibibigay dahil sa takot o sa kawalan ng pakialam. Mahirap man, pero kailangan talaga mag-move on from him. 

Not with the feelings, not from the pain . . . feel those things, sige lang.

Pero kailangan natin masanay na wala na siya sa ikot ng buhay mo. He chose that. It's hard pero kailangan natin irespeto ang desisyon niya.

About naman kay A, girl, wag problemahin si A.

Feeling ko, sa sobrang contradicting ng mga nangyayari, you two are in the moment of change. Ito yung tipong sobrang daming nagbabago at tulad ng ng sabi mo, magulo lahat. Dahil nasira ang normal n'yo with all the current situation and involved feelings, nag-a-adjust pa kayong dalawa. 

By reading this, napapansin kong nagiging close kayo. And that's great. He's a new friend. At kung napapaisip ka kung may something ba, I won't know. Pwede kasing ganyan talaga siya at hindi mo lang kilala at dahil nagiging close na kayo, nag-a-unfold yung pagkatao niya before your eyes at hindi mo ito nakakaya dahil you want that to happen.

Or pwede ring crush ka niya. Pero don't assume!! Haha.

Ang masasabi ko lang, you'll never know the right answers unless you ask the right questions.

Go. Ask him! Ask them! Or ask yourself.

"Ano bang nararamdaman ko?"

Tandaan din nating we can't do anything beyond our control. Both A and N are not in your control. They are their own person, at minsan talaga ay hindi natin ma-gets ang ibang tao.

May iba ngang hindi rin nage-gets ang sarili, ih. But that's okay.

And that's the thing.

We learn from those experiences, painful man tulad ng kay N o pleasurable (yet confusing) kay A.

I say, go with your own life. Try to keep on doing your best without hurting anyone as much as possible. 

You deserve to live and feel, I. :]


Hinga.

Ask him? Itatanong ko? (Wow tinagalog ko lang.)

Anong itatanong ko?

Napatitig ako sa singsing na binigay sa akin ni Art. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung saan napunta ang singsing ko at palaisipan pa rin sa akin kung bakit ako binigyan ng singsing ni Art.

Para maka-move on ako?

Pero naka-move on na ako. . . hindi ba?

Ianne. . . naka-move on ka na, tama?

. . . anong sagot ko sa sarili kong tanong?


HINDI ko sinabayan si Art pagpasok dahil nauna na ako sa school. Hindi ko siya iniiwasan, gusto ko lang mapag-isa. Nagulat ang mga kaklase ko pagkarating ko ng school dahil ang aga pa pero hindi ko na lang sila pinansin. Nag-stay ako sa upuan at pinatong ang ulo sa desk.

"Uy, may bagong singsing si Ianne, oh." Boses ng kaklase ko.

"Teka, bakit para—A-Art!"

Kinabahan ako nang makarinig ng urong ng upuan. Naramdaman ko na ang presensya ni Art sa tabi ko pero hindi ako kumikibo. Anakngtokwa, bakit ba ako kinakabahan?

"Alam kong gising ka," bulong niya na nagpataas ng balahibo ko sa katawan.

Tulog kaya ako.

Nanigas ako nang maramdamang hinawakan niya ang kamay ko. Umupo ako nang maayos at tiningnan siya nang nanlalaki ang mata.

"A-Anong ginagawa. . . mo?"

Ngumisi siya. "Para magising ka."

"G-Gising na ako." Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero lalong humigpit ang hawak niya. Napatingin ako sa singsing na nakasabit sa leeg niya kaya napaiwas ako ng tingin. "A-Art. . ."

"Hawakan ko lang kamay mo."

"H-Ha?" Napatayo ako at nagpaalam lumabas para mag-CR. Habang naglalakad, hindi ako mapakali. Anong problema ni Art? Bakit siya ganun?

Anyareh kay Art?

Nag-stay lang ako sa loob ng CR sa sobrang kaba hanggang sa mag-bell na para sa flag ceremony. Napabalik lang ako sa loob ng CR nang may dalawang taong dumaan sa may hagdanan na magkahawak-kamay at nakangiti sa isa't isa.

Sina Nate at Irene.

Napangiti ako sa sakit.

Wow. Irene. Grace. Baby Angel.

Ano ba talaga ang totoo?


BUONG klase akong walang gana na kahit ilang beses magpapansin si Art, ngingitian ko lang siya. Hanggang mag-uwian, nasa isip ko lang si Nate. Sinubukan ko siyang puntahan sa room nila pero umuwi na raw siya.

Oo na, can't move on na nga pero naguguluhan pa rin kasi ako.

Naaalala ko rin kasi ang sinabi ni RamdamKita.

Lutang akong naglakad hanggang namalayan ko na patungo ako sa bahay nila Nate. Ang tanga ko times ten. Ito na naman ako at gusto siyang makita tapos masasaktan ako tapos iiyak ako tapos ikakamatay ko na naman ang lahat.

Takot akong makita siya pero sabi nga nila, face your fear. . . kahit masakit.

Kailangan ko na ng closure, eh.

Nagsimula nang bumigat ang loob ko nang matanaw ko ang bahay nila. Sa bawat hakbang ko, alam kong pinapahirapan ko ang sarili ko.

Paano kung nasa harapan ko na siya? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?

Kasabay ng pagtigil ng tibok ng puso ko, napatigil din ako sa paglalakad nang may nag-overtake sa harapan ko. Nagsisimula na namang magpapansin ang tear ducts ng mata ko dahil ngayon na lang ulit kami naging ganito kalapit.

"N-Nate. . ."

Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang hawakan. Gusto ko siyang yakapin sa sobrang pagkamiss sa kanya.

Pakiramdam ko, kaming dalawa lang ang nandito sa mundo nang tumigil siya sa paglalakad. Pakiramdam ko, nakalaan ang buong gabi sa aming dalawa nang tumigil ako sa paglalakad.

Nakatayo siya. Nakatayo ako. Walang nagsasalita. Abot ko siya pero hindi ko siya mahawakan. Hindi siya malapit pero hindi rin malayo.

Ganito na lang ba talaga kami?

Nangingilid na ang mga luha ko sa mata.

"Anong kailangan mo?" Sobrang lamig ng boses niya.

Kahit gaano pa ang paglapit ko, lumalayo siya sa akin. Hindi ako nagsalita dahil siguradong maiiyak lang ako. Nanatili akong tahimik at sa bawat segundong lumilipas, nasasaktan ako.

"Sinasayang mo ang oras ko."

Lumakas ang ihip ng hangin pero hindi pa rin ako nagsasalita. Feeling ko hinihiwa ako nang pino. Feeling ko pinapatay ako nang buhay. Paano niya nagagawa sa akin 'to? Bakit hindi man lang niyang magawang tumingin sa akin? Ayaw na ba talaga niya sa akin? Na kahit tingnan lang ako, hindi niya magawa? Kahit lumingon lang siya? Kahit makita ko lang na nakatingin ang mga mata niya sa akin?

Tumingala siya at kinuyom ang kamao. "Ano ba, Ianne?"

Nagulat ako sa pagharap at paglapit niya para hawakan ako nang napakadiin sa braso. Sobrang diin na nasasaktan na ako. Sobrang diin na wala na akong maramdamang pagmamahal.

"Ano bang ginagawa mo? Bakit ka ba nandito?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol na lang. "N-Namiss kita. . . Sob-sobrang namiss kita."

Sa dinami-dami ng gusto kong sabihin at itanong, ito lang ang nasabi ko habang umiiyak.

Tinulak niya ako pero hinawakan ko ang braso niya.

"'Wag mo akong hawakan, para ka ng tanga."

"N-Nate. . ." Bumalik ka na sa akin.

"'Wag kang makulit."

Inialis niya ang hawak ko sa braso niya at tumalikod sa akin para lumayo. Hindi na ako nag-isip nang habulin ko siya at yakapin sa likuran.

Hinawakan niya ang dalawang braso kong nakayakap sa kanya at hindi kumilos pero ilang segundo lang, malakas niyang hinawi ang kamay ko.

"A-Ano bang problema mo?" Humarap siya sa akin. "Bakit ba ayaw mong tumigil?"

Bakit nangingintab ang mga mata niya? Naiiyak din ba siya? Nasasaktan din ba siya sa ginagawa niya ngayon? Ano? Mahal pa ba niya ako?

"Hindi na kita mahal." Si Nate pa rin ba ang kaharap ko? "Umalis ka na, naiirita ako kapag nakikita kita eh."

"Paano?" tanong ko. "Paano ako aalis?"

"Maglakad ka. Sumakay ng jeep. Umuwi ka na."

Hinawakan ko ang braso niya. "Nate. . ."

"Tangina naman oh, umalis ka na kasi!"

Hindi ako makagalaw nang itulak niya ako palayo. Umiyak lang ako at nagpakahina sa harapan niya.

"Tumigil ka na, pwede ba?"

Patalikod na siya nang magsimula akong magsalita. "Paano ako titigil kung biglaan? Hindi pa nga nagsi-sink in sa akin lahat, eh. Paano ko patitigilin sarili ko?" Pinupunasan ko ang luha sa mga mata ko. "Hindi ko kasi gets. Gulong-gulo ako, Nate. Bigla mo akong iniwan sa ere. Nawala ka na lang bigla sa akin. Anong nangyari?"

"I-Ianne. . ."

"Gusto ko na tumigil," sabi ko. "Gustong-gusto ko na tumigil. Hirap na hirap na ako. Masaya ka na nga pero hindi ko pa rin magawang maging masaya. Paano ba kasi maging masaya para sa 'yo? Paano ko aalisin 'yung sakit? Paano?!" Pinukpok ko ang dibdib ko. "Ang sakit na, gustong-gusto ko na alisin 'yung puso ko sa dibdib ko. Gusto ko na mawala 'tong sakit. Turuan mo ako. Anong ginawa mo para mawala ang pagmamahal mo sa akin?"

Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi siya nagsalita kaya lalo akong naiyak.

"Umuwi ka na." Tumalikod siya at pumasok sa bahay nila.

Nanghihina akong napaupo sa gilid. Naghihintay na sana balikan ako ni Nate. Hinihintay na mag-sorry si Nate. Lumapit at yakapin ako. Para bawiin ang lahat ng sinabi niya. Pero walang Nate na lumabas. Walang Nate na nag-sorry. Walang Nate na lumapit at yumakap sa akin.

Nagtanong na ako pero akala ko ba magiging maayos ang pakiramdam ko? Bakit parang mas sumakit pa lalo?

Hindi ko na kayang ngumiti pa at makipag-plastic-an na okay lang ako kahit hindi talaga. Gusto ko na magpakatotoo. Gusto ko na isigaw ang lahat.

Nasasaktan ako. Sobra pa sa sobra.

Napaangat ang tingin ko nang may kamay sa harapan ko.

"Umuwi na tayo."

Hindi ko siya pinansin pero napaatras ako nang umupo siya sa harap ko. Kinuha niya ang panyo na may naka-embroid na A. F. G sa bulsa niya. Natigilan ako nang punasan niya ang luha sa pisngi ko.

"Tahan na."

Napatitig ako sa kanya habang pinupunasan ang luha ko. Naiyak na ako lalo sa sobrang bait niya sa akin. Nilabas ko lahat ng sakit ng nararamdaman ko. Pinagod ko na ang sarili ko sa lahat. Sa sakit. Sa iyak. Kay Nate.

Inubos ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Dahil simula ngayon. . .hindi na ako iiyak pa dahil sa kahinaan ko. Dahil sa pagmamahal na 'to. Dahil kay Nate.

Sana.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top