30 [ feelings ]
PAGDILAT ko, nagtaka ako nang makita ko ang sarili ko mismo na nakahiga sa kama ko sa BH. Sinubukan kong gumalaw pero mata lang ang nagagalaw ko.
Napatingin ako nang bumukas ang pinto ng kwarto at tumambad si Art na gulo-gulo ang medyo mahabang buhok, naka-shorts at topless. Tinanong ko kung bakit siya nandito pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Nanood lang ako nang lumapit si Art sa sarili kong nakahiga. Nagtaka ako nang hawakan niya ang pisngi ng mukha ko na nakahiga, nararamdaman ko mismo 'yung mainit niyang kamay.
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong hawak na niya ang labi ko. Bakit niya hawak ang labi ko?
Gusto ko sumigaw o gumalaw. Naramdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko nang palapit nang palapit si Art sa natutulog na ako.
"Teka!" sigaw ko.
NAPADILAT ako nang sobrang kinakabahan. Hinihingal pa ako nang mapasigaw ako sa sobrang lapit ng mukha ni Art sa akin.
"Shit!" Napaatras siya at nauntog sa side table sa sigaw ko.
Napaupo ako sa kama. "B-Bakit ka nandito?"
Nagkatitigan kami.
Dumiretso ang mukha niya at umiwas ng tingin. "May kulangot ka." Tumayo siya at naglakad na palabas ng kwarto.
Kinapa ko ang ilong ko pero wala naman. Pinalo ko ang pisngi ko. "Nanaginip ba ako?" Kinurot ko sarili ko.
Masakit.
"Eh ano yung kanina?"
Ang gulo.
Wala akong ideya kung panaginip ang nangyari dahil nakatulog ako at nagising ulit. Paglabas ko ng kwarto, nakasalubong ko si Art na suot ang shorts sa panaginip ko pero parang wala siyang alam.
Baka nga panaginip lang lahat.
Pero Ianne, bakit ganun ang panaginip mo?
Kahit pagdating ng school, hindi pa rin ako mapakali. Nararamdaman ko sa labi ko ang paghawak ni Art sa panaginip ko.
Err.
Paglingon ko kay Art na nasa tabi ko, nakapalumbaba siya sa desk. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang tinakpan niya ang bibig niya na parang may iniisip.
Watdahek, stahp it Ianne.
At bakit ako kinakabahan? Hooo!
Mabuti na lang pinauna na ako ni Art pauwi dahil hindi ko ata makakayang magsabay kami. Bothered ako hanggang makauwi, hanggang nanonood ng Spongebob Squarepants at hanggang sa nagsasagot na ako ng assignments sa kwarto.
Mas na-bother lang ako nang mag-ring ang phone ko sa tabi.
DING DONG *dantes* DING DONG *dantes*
Do.Not.Text.Call.This.Number. Calling. . .
Si Nate.
Napatitig ako sa cellphone. Naglalaban ang puso't isipan ko kung sasagutin ko ba o hindi pero nawala rin kaagad.
Anong meron? Bakit ka tumatawag, Nate?
Gulong-gulo na ako dahil ang daming pumapasok sa isip ko. Si Nate. Si Art. Mga nararamdaman ko.
Nahiga ako sa kama at nagpagulong-gulong. Napapatitig ako sa kisame at kung may laser lang ang mga mata ko, baka butas na ang kisame ng kwarto ko. Nag-stretch ako paabot sa kisame nang ma-realize na may kulang sa daliri ko.
"Y-Yung singsing ko!"
Halos magulo ko na ang buong kwarto ko pero hindi ko makita ang singsing. Kailan pa nawala 'yun? Saan ko nahulog?
Lumabas ako at hinalughog ang sala pati kitchen. Tinanong ko na rin ang ilang boarders pero wala silang nakita. Pagbalik ko sa sofa, nakatingin sa akin si Art habang papasok siya ng bahay.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya.
"Yung ano kasi. . . yung singsing ko."
"Nawawala?" tanong niya. Tumango ako.
Nakaramdam ako ng hiya. Una dahil hinanap niya pa 'yung singsing ko at pangalawa, feeling ko tingin niya na ang desperada ko para sa singsing. Nagmu-move on ako pero hinahanap ko ngayon ang isang bagay na hindi ako hinahayaang mag-move on.
Binuksan niya ang pinto palabas at tiningnan ako nang masama. "Labas."
"H-Ha?"
"Labas."
Hinila niya ako palabas ng bahay hanggang sa garahe. Napansin ko na may motor na naka-park.
"Ano 'to?"
Teka, parang ang tanga ata ng tanong ko?
"Sakay," sabi niya, "sakay na!"
Nagulat ako nang binuhat niya ako at sinakay sa likurang upuan sa motor. Pinasuot niya sa akin ang isang helmet at sumakay na siya sa harap ko tsaka pinaandar ang motor.
Sobrang bilis nang pagpapatakbo ni Art na feeling ko mamamatay na ako any moment. Hindi siya nagsalita hanggang makarating kami ng SM nang gabing-gabi na.
Pagbaba niya ng motor, napatingin siya sa mga paa ko. "Wala kang tsinelas?"
Napahinga ako nang sobrang lalim.
"Ngayon mo lang na-realize?" naiinis kong sabi, "Galing tayong bahay tapos hihilahin mo ako palabas eh 'yung tsinelas ko nasa kwarto ko," tuloy-tuloy kong sabi. "Ano ba kasing gagawin natin dito? Umuwi na tayo, pasara na sila oh."
Nagulat ako nang binuhat niya ako sa likod niya. Sa SM? Piggyback ride?
"Ibaba mo ako!"
Pinapalo-palo ko siya sa likod para ibaba niya ako pero diretso lang siya sa paglalakad. Para nga siyang namamasyal sa buwan sa sobrang bagal.
"Huy, Art. Nakakahiya!"
Hiyang-hiya ako sa mga taong nakatingin sa amin. Gusto ko na ibaon ang sarili ko sa lupa please. Nakakahiya, juskopo. Please, lamunin niyo na ako lupa.
"Art. . ."
Sinubsob ko na lang ang ulo ko sa likuran niya dahil hindi niya ako pinapansin. Paulit-ulit ang isang salita sa isip ko. Nakakahiya? Oo, nakakahiya. Sobra? Sobrang-sobra. Nakakahiya? Pramis.
Ilang minutes din ang nakalipas nang ibaba niya ako sa tapat ng Unisilver. Nanlamig kaagad ang paa ko dahil sa sahig.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko.
Sinundan ko siya nang pumasok siya sa loob ng Unisilver.
"Yung singsing," sabi ni Art sa saleslady.
Tinanguan siya ng saleslady at kinuha ang isang maliit na box. "Ito po oh." Binuksan ni Ate ang box at pinakita ang isang singsing na gold at half-heart ang design. Napatitig ako sa batong nasa gitna dahil sobrang kumikintab.
Naglabas ng wallet si Art na pinagtaka ko. "Magkano 'tong isa?"
"Ay. Dalawa po ito, Sir." Naglabas ng isa pang singsing si Ate Saleslady. Kapareha ng pinakita niya kanina pero walang bato sa gitna. "Couple ring po kasi ito."
Napatingin ako sa naka-engrave sa likuran ng singsing at nagulat sa nabasa ko.
Art & Ianne
"Teka." Napansin ko na nagulat din si Art. "Bakit—"
"Ay Sir, akala ko nahihiya lang kayo na—"
Huminga nang malalim si Art. "Bibilhin ko na."
Gulong-gulo ako sa nangyari pero in the end, binili ni Art ang dalawang singsing. In cash. Ilang thousand ang ginastos niya para sa singsing.
Nanlalamig ako nang hawakan ni Art ang kamay ko at isinuot ang singsing na may bato sa akin. Nawala ang empty feeling ko sa daliri ko nang isuot niya sa akin ang singsing.
"Ianne . . ." bulong niya, "ito na ang totoo."
Nanlaki ang mga mata ko nang dumapi ang labi niya sa pisngi ko.
Hindi ko na ata kinakaya 'to.
TAHIMIK lang ako hanggang makauwi kami. Feeling ko nagtanim ng bomba si Art sa pisngi ko at sasabog kapag nagsalita ako. Dumiretso ako sa kwarto at nahiga habang tinintingnan ang singsing na binigay ni Art.
Nafu-frustrate ako.
Ano ba kasing nangyayari?
Pumasok sa kwarto ko si Art na naka-uniform pa rin pang school. Napaupo ako at kinabahan nang ibigay niya sa akin ang isang kwintas na pendant ang kapareha ng binigay niya sa akin.
"Isuot mo sa akin," utos niya.
Pagkatapos ng napakahirap na pakikipagsapalaran sa pag-lock ng kwintas, hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.
"B-Bakit mo ako binilhan ng singsing?"
Pagbaling niya ng tingin sa akin, nahuhulog ata ako sa mga titig niya.
"Ito ang unang pagkakataon na bumili ako ng singsing," sabi niya habang nakangiti. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ang singsing. "Bagay sa'yo."
Napatitig ako sa kanya. Tahimik lang kami kaya rinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Huminga ako nang malalim dahil naguguluhan na rin ako.
"U-Uy." Nagulat ako nang halikan niya ang singsing.
"Ganito pala ang pakiramdam. . ." bulong niya malapit sa kamay ko.
"N-Ng ano?"
Inangat niya ang tingin kahit malapit pa rin ang bibig niya sa palasingsingan ko saka ngumiti. At binalik ang tingin sa singsing. "Ang daming biglaan, lahat hindi planado, pero nandito na tayo."
"Art?"
Ini-squeeze niya ang kamay ko saka umupo nang maayos. "Nandito lang ako."
Hindi siya sumagot at iniwan akong gulong-gulo sa nararamdaman ko. Magulo na nga ako. Magulo pa si Nate. Sumali pa si Art.
Ang saya-saya.
Nag-vibrate ang cellphone ko at nagtaka nang may mag-text sa akin na unknown number.
Goodnight.
Sino naman ba 'to?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top