29 [ past ]
PINAKITA ni Inang ang newspaper sa akin na nakataon pa nung 2000. Tungkol ang balita sa hindi malaman kung nabaliw ba na Chinese businessman pero pagkatapos barilin 'yung asawa, binaril naman ang sarili.
Sa harap ng anak nila.
Kumirot ang puso ko nang ma-imagine ko ang nangyari kay Art. To think na may photographic memory siya? Siguro madalas niyang naaalala ang pangyayari.
Naluluha ako dahil nakatayo pa rin si Art at nabubuhay. Tumutulong pa siya sa mga bata sa AFGeneration kahit may sarili siyang issue sa buhay.
Bigyan ko siya ng trophy pag-uwi namin.
"Ako ang nag-alaga sa nanay ni Art," naluluhang sabi ni Inang. "Ngunit hindi iyon alam ni Art. Pakitago ang lihim na ito, iha."
Tumango akong umiiyak at niyakap si Inang.
"Hindi ko na gusto pang ipaalala kay Art ang nakaraan . . ."
Napalingon ako nang tumikhim si Art na kasama si Art liit. Kinausap ni Art liit si Inang habang ang sama ng tingin sa akin ni Art.
Nawala ang anghel na imahe niya sa imagination ko. Ang sad.
"Bakit ka nakatingin?" tanong ko.
"Anong pinag-usapan niyo?"
Napangisi ako. "'Wag kang mag-alala, hindi ikaw ang topic."
Sumama ang tingin niya kaya natawa ako. Feeling ni Koya siya pinag-uusapan.
Naglibot ako sa malaking bahay. Kumikirot ang puso ko kapag iniisip kong nakatira si Art dito. Siya ang pinakaunang bata sa ampunan ng sarili niyang bahay mismo.
Kaya ba umiyak siya last time at tinatawag si X? Hindi kaya sila ni X ang dalawang batang nakita ko sa litrato kanina?
Ugh. Kailan pa ako naging interesado kay Art?
Pinahiram ako ng malong ni Inang kaya nahiga ako sa ilalim ng night sky. Ang tahimik. Walang gulo. Ang payapa. Ang sarap sa pakiramdam.
Nakapikit lang ako habang nagre-relax. Napapangiti ako dahil naririnig ko ang tawanan sa loob ng bahay na kahit may mga dark past sila, nakukuha pa rin nilang sumaya. Ang galing.
Napadilat ako nang may tumabi sa akin. Nakita ko si Art na nakaupo at sumiksik si Art liit sa tabi ko.
"Hi Ate," nakangiting bati ni Art liit.
Ay, bakit ankyot ni Art liit? Sana magmana sa kanya si Art sungit ng kakyutan.
Nagkwentuhan kami ni Art liit at napansin kong wala nga siyang masyadong maalala sa nakaraan niya. Nakatulog siya matapos ng ilang minuto sa tabi ko. Tahimik lang si Art habang nakaupo at nakatingin sa kalangitan.
Gusto ko magsalita pero wala akong masabi. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko matanong. Nagulat na lang ako nang siya na mismo ang nagsalita.
"Hindi ko kailangan ng awa."
"Hindi naman kita kinakaawaan."
Tumingin siya sa akin at parang nawala ang emotionless mask niya. Kitang-kita ko ang pangingintab at ganda ng mga mata niya sa dilim. Ngayon ko lang na-appreciate ang maamo niyang tingin. Pakiramdam ko gusto niyang magkwento o magsalita pero pinipigilan niya.
"Alam mo," panimula ko. "Gusto kitang yakapin ngayon."
Napansin kong nanigas siya sa pagkakaupo pero tinuloy ko ang litanya ko. Minsan lang eh.
"Pero alam kong aayaw ka kasi malakas ka. Emotionless Guy ka nga, eh." Ang lakas ng kabog ng puso ko. "Art. . . hindi man ako si X pero kung kailangan mo ng makakasama, mapagsasasabihan, mapagkakatiwalaan; hindi man ako ang best person para sa'yo, susubukan ko pa rin. Kahit wala akong maintindihan sa nangyayari, tutulungan pa rin kita."
Tumahimik kaming dalawa. Gusto ko nang umalis dito dahil sa kahihiyan.
"Ianne."
Bakit ba kapag sinasabi niya ang pangalan ko, halos hindi ako makahinga? Akala ko sisigawan niya ako o pagsasabihan o susungitan pero nagulat ako sa sunod niyang sinabi.
"Salamat."
Salamat?
Sinong mag-aakala na ang isang Art Felix Go ay marunong magsabi ng 'salamat'? Bakit ba hindi ako nagdadala ng recorder 'pag may mga ganitong happenings? Sayang. Pwede ko ibenta kay Ellaine 'to siguradong tiba-tiba ako.
Nagpalipas kami ng gabi sa AFGeneration. Niyakap muna ako ni Art liit at binigyan ako ng drawing bago umalis. Hindi ko lang sure kung matatawa, maiinis o mata-touch ako nung sinabi niyang ako ang drawing.

May tanong lang talaga ako. Bakit 'yung mata ko sa kaliwa, kapantay na ng ilong? O ilong nga ba 'yun?
Hindi kami nakapasok ni Art sa school kinabukasan sa sobrang pagod. Puro text sila Mama na tinatanong ako kung nasaan ako at bakit hindi ako nagre-reply. Sinabi kong naiwan ko ang phone ko at gumawa ng project sa bahay ng kaklase.
Huhuhuhu ang sinungaling ko na.
Naligo muna ako at papasok na sana ng kwarto nang hawakan ni Art ang braso ko.
"Bakit?" pagtataka ko.
Tumingin siya sa mukha ko, bumaba ang tingin tapos sa mukha ko ulit. Napatingin din ako sa sarili ko.
Nakatapis lang ako!
Napabitaw siya at tinulak ako papasok ng kwarto ko.
"Magbihis ka." Tumalikod siya sa akin, papasok ng kwarto niya. "Panglakad. Mag-grocery tayo."
Sinuhol pa niya ako na siya raw ang gagawa ng homework ko for a week. So ako si tamad, napapayag ng diktador.
Ako ang tagatulak ng pushcart ng groceries niya. Oo, 'niya' lang. Sumusunod lang ako sa kanya habang iniisip ang tungkol sa magulang niya, mga naramdaman niya sa nangyari, at sa siguradong lungkot niya. Paano kaya niya nakakaya 'yun lahat?
Pagpunta namin sa cookies section, halos hakutin na ni Art ang lahat ng chocolate chip cookies.
"Ang dami!" pagrereklamo ko.
Tumingin siya nang masama sa akin at alam kong kailangan ko na manahimik.
"Kuha ka rin." Halos natawag ko na ang lahat ng santo at santa nang marinig ko ang sinabi ni Art. O Mahabagin, maraming salamat. "Bayaran mo."
Nakita ko ang evil laugh niya sa utak ko. Bastos talaga 'tong lalaking 'to. Siya na ang nagtulak ng cart at iniwan ako.
Tumitig ako sa favorite chocolate ever ko; Have a break, have a KitKat! Pero wala akong pera kaya wala akong break at wala rin akong KitKat. Ang sad talaga.
Napaatras ako nang may babaeng may hawak na baby na kumuha ng KitKat. Nginitian ko 'yung baby na parang pamilyar.
"Grace, 'wag na 'yan."
Ang boses na 'yun.
"Gusto ni Baby Angel, eh."
Napatingin ako sa babaeng may hawak na baby na tinawag na Grace. At si Baby Angel ay ang baby na 'to? Paglingon ko sa pinanggalingan ng boses, nagulat siya nang makita niya ako.
"I-Ianne?" gulat na gulat ang itsura ni Nate.
Ako rin Nate, gulat ako.
At 'wag kang mag-alala, hindi tulad mong masaya, nasasaktan ako.
"Oy." Lumingon kami sa boses ni Art. Diretso lang ang tingin niya sa akin. "Ang kupad mo."
Dumiretso ako papunta kay Art.
Naglakad kami nang tahimik at napatigil nang hinarap ako ni Art. Walang sabi-sabing niyakap niya ako gamit ang kanang braso. Hindi na ako nakapagsalita dahil tumulo na ang luha mula sa mga mata ko.
Pinipilit kong iwasan. Pinipilit kong magpakatatag. Pero mas lalo akong naiyak sa bulong ni Art sa akin.
"Ikaw ang may kailangan ng yakap."
this chapter is dedicated to mess_reality para dito sa nakakataba ng puso na comment. maraming salamaaaat TT ^ TT <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top