28 [ close ]


NAPAATRAS ako para saluhin ang keychain na binato ng kaklase ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong may naapakan ako.

Natapakan ko si Art sa paa.

"Omaypakingahd!"

Kailangan ko na atang ipamigay ang death wish ko nang makitang nakatingin lang si Art sa paa niya. Napalayo ako at pinunasan ang sapatos niya.

R.I.P. Janine Anne Santos.

"Sorry, hindi ko sinasadya!" paulit-ulit kong sabi.

Hinatak niya ako patayo na kinagulat ko. Nang magkatinginan kami, hindi nanlilisik ang mga mata niya pero nakaramdam pa rin ako ng takot.

"Okay lang. Mag-date na lang tayo."

Huminto ang paligid ko sa narinig ko. Teka, nabibingi na ba ako? Nagma-malfunction na ba ang pandinig ko?

"Ano ulit?" tanong ko.

"Date. Tayo."

"A-Ano. . . A-Anong. . ." 

Hindi ko na ata kayang makagawa ng tamang pangungusap. Naguluhan ako sa mga nangyayari. Umatras lang ako nang umatras hanggang sa may nabunggo ako sa likuran ko. Paglingon ko, gusto ko na sana tumakbo palayo pero nag-sorry na rin kanila Nate at Irene.

Nawala sa isip ko ang sinabi ni Art. Ngayon ko lang nakita si Nate ulit dahil parang lagi siyang wala sa school pero ngayong nakita ko siya, nasasaktan pa rin ako.

Dumiretso ako sa paglalakad para makaalis. Lutang akong naglalakad papuntang sakayan ng jeep nang mapalingon ako sa sigaw.

"Art!"

Nagulat ako nang sumigaw si Art at tumakbo palapit sa akin. Akala ko itutulak niya ako pero lumagpas siya sa akin at dumiretso sa gitna ng kalsada. Nabingi ako sa busina ng mga kotse sa pagtakbo ni Art.

Nanlaki ang mata ko nang makitang may papalapit na kotse kay Art. Nag-panic ako at sumigaw, "A-Art!"

Parang slow motion ang lahat.

Nagtaka ako nang may yakapin si Art pero mas nagtaka ako nang tumakbo ako at hinablot sila papuntang gilid. Sobrang nanginginig ang katawan ko sa nangyari at hindi pa ako nakaka-recover, sumigaw si Art.

"Bakit ka lumapit?!"

Akala ko kasi magpapasagasa ka na, tae ka.

"H-Hindi ko alam." Nagtataka rin ako sa sarili ko.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Art sa batang lalaki na nakayakap sa kanya.

"N-Nakalimutan ko po paano umuwi."

Nilingon ako ni Art. "Umuwi ka na."

"Saan ka pupunta?"

Hindi siya sumagot. Sumakay siya ng jeep kaya sumakay rin ako. Tiningnan niya ako nang masama pero nakatingin lang ako sa kanya na para akong bata na nawawala.

"Sama ako," sabi ko.

At hindi ko rin alam kung bakit ko sinabi 'yun.

Hindi niya ako pinansin hanggang sa makababa kami. Buhat niya ang batang tulog habang sinusundan ko siya. Napapansin kong lumilingon siya sa akin.

Tumigil kami sa tapat ng isang malaking gate. Ang una kong napansin ay 'yung sign sa gilid na may gold na kulay.

AFGeneration.

"Ianne."

Tumigil pagtibok ng puso ko nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Ugh, bakit ako kinakabahan? Anyareh?

"B-Bakit?"

"Kunin mo phone ko sa bag."

Kinuha ko ang phone niya sa backpack niya. Ibibigay ko na sana ang phone niya pero kumunot ang noo niya. "Paano ko mahahawakan 'yan?"

Sa kasalukuyan, gusto ko ipukpok ang phone sa ulo niya para tumino siya.

Inutusan niya akong i-dial ang number at tawagan. Nag-panic ako dahil matandang babae ang narinig kong boses.

"Akin na, ilapit mo sa tainga ko."

Nilapit ko ang cellphone sa tainga niya. Nagsalita siya pero hindi ko naiintindihan dahil wala nang pumasok sa utak ko. Magkatapat kami habang hawak ko ang phone niya. Nasa gitna namin ang batang tulog. Ilang na ilang ako dahil nakatingin siya sa akin. Pero bakit ba ako kinakabahan?

Pinagbuksan kami ng gate ng matandang babae. "Hala eh, si Art. Bakit tulog ang batang iyan?"

Naguluhan ako sa sentence construction nung matanda. Pinapasok niya kami sa loob at na-amaze ako nang makita ang malawak na lugar na parang isang malaking playground dahil sa mga batang naglalaro. Kinuha ng isang teenager ang batang buhat ni Art pagpasok namin sa malaking bahay.

"Kuya Art!"

Napalingon ako (feeling ko Art pangalan ko) sa batang babae na sumigaw. Nakaramdam ako ng awa nang makita kong nakabalot ng benda ang kaliwang mata ng bata.

"Trinie," sabi ni Art.

"Thank you po sa pang-opera ko!" Yumakap si Trinie kay Art. "Makakakita na po ako next week daw po."

Nagulat ako sa pagngiti ni Art. 

Seryoso, marunong siyang ngumiti?!

"Ayos." Ginulo ni Art ang buhok ni Trinie.

Hindi ako maka-get over. Nakangiti siya. Bakit ang gwapo niya kapag ngumingiti nang maamo? Sobrang puti pala ng ngipin niya at ang singkit pa niya. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako nang mapansin kong nakangiti sa akin 'yung matandang babae.

"Ikaw ay si?"

"Ianne po."

"Girlfriend ka ni Art?"

Halos mabulunan ako sa sarili kong laway sa narinig ko. Gusto kong sumigaw ng 'don't say bad words po' pero hindi na ako nagsalita.

"Inang," react ni Art. Bakit ang bait niya? Si Art ba talaga 'to?

"Aba eh, binata ka na. Dalaga siya, malamang ay maiisip kong magkasintahan kayo."

Aw, kasintahan. Nosebleed.

"Inang. . ."

Napatingin ako sa paligid. May force field ba sa bahay na 'to at naalis ang pagkasungit ni Art?

"Iha, tawagin mo na lang akong Inang," pagpapakilala ni Inang sa akin.

"Ako si Trinie! Ako ang mapapangasawa ni Kuya Art paglaki ko!"

Gusto ko sana sabihin kay Trinie ng 'seryoso ka na ba talaga dyan?' pero ngumiti na lang ako.

"Hindi ba, Kuya, hihintayin mo ako maging sexy? Tapos makikita ko na po kita nang malinaw ang mukha mo Kuya!"

Naisip kong sabihin ang 'ay mabuting hindi mo na siya makita baka ma-turn off ka' pero hindi ako nagsalita.

Ilang minutes kinulit ni Trinie si Art pero inantok din kaya umalis na. Nag-usap sila Art at Inang habang ako, nakikinig lang.

"Mabuti na lang ay nakita mo si Art," panimula ni Inang.

Teka, mali talaga ang sentence construction ni Inang.

"Oo nga po, Inang." Bakit ang galang ni Art? Bakit! "Ano bang nangyari kay Art?"

Teka, mali rin ang sentence construction ni Art.

"Lumalala ata ang sakit niya, Iho." Umiling si Inang. "Minsan ay nalilimutan niya kung paano umuwi sa tuwing bibili ng keyndi."

Base sa mga context clues na nakalap ko, Art ang pangalan ng batang lalaki—kaya pala—at may amnesia ang bata na nalimutan na ang lahat pati ang pamilya kaya siya nandito.

Ang sad.

Nalaman ko rin sa usapan nila na kailangan ni Art ng pera lalo na't nagpa-opera si Trinie this year.

"Si Baby Angel pala, kamusta na sa kaklase mo? Sino nga ba iyon?"

"Inang," mariin na sabi ni Art.

Nagkatinginan si Inang at Art na parang nag-uusap gamit ang mga tingin. Tumango si Inang at ngumiti.

"Ah sige, aalis na muna ako't may mga mag-aampon ngayon," sabi niya at umalis na.

"Sino si Baby Angel?" tanong ko.

"Wala."

"Eh sino 'yung kaklase mo?"

"Hindi mo kilala."

Hindi kilala pero kaklase niya? Eh kaklase kaya niya ako. Ang sungit talaga.

"Tara, akyat tayo," pag-aya niya.

Ang daming tanong na bumabalot kay Art. Sobrang misteryoso. Napahinto ako sa pag-akyat nang mapansin ko ang mga pictures na nakasabit sa pader. May dalawang bata sa isang picture; isang babae at isang lalaki na ngiting-ngiti.

"Oy."

Nilingon niya ako. Nagkatinginan pa muna kami nang hilahin niya ako paakyat.

Bakit parang ayaw niyang ipakita sa akin 'yung mga pictures? Anong meron sa pictures na 'yun?

Hingal na hingal ako sa pag-akyat. Paano ba naman, first floor hanggang third floor. Kamusta naman ang pag-akyat? Tumigil kami sa tapat ng pintuan at pagkabukas ni Art ng pinto, parang gusto ko na mahimatay.

Siryizli? More stairs?

"Ayaw ko na, sawang-sawa na ako sa hagdan," pag-aamok ko. Tumingin nang masama si Art sa akin kaya napangiti ako. "Oo nga, sabi ko nga aakyat na tayo." Inunahan ko na siyang umakyat. "Ang saya-saya umakyat eh, tara!"

Huhuhuhu.

Ilang libong hakbang pa ang naganap nang tumigil kami sa tapat ng isang pinto. Don't tell me, stairs na naman? Pero pagbukas ni Art, napangiti ako nang tumambad sa amin ang batang kapangalan ni Art na nakaupo at nagdo-drawing.

Tumakbo palapit ang batang Art kay Art. Waht, ang gulo na rin ng sentence construction ko.

"Salamat, Kuya!"

Niyakap niya si Art at gusto kong maiyak dahil ang cute nila tingnan.

"Alalahanin mo na paano umuwi," sabi ni Art habang nakangiti.

Bakit ang bait niya? Nananaginip ba ako? Sinampal ko ang sarili ko pero masakit. Hindi nga panaginip, mabait talaga siya. How can this be possible?

"Anong trip mo?'

Natigil ang inner monologue ko sa pagpansin sa akin ni Art. Napangiwi ako sa kanya pero napangiti nang lumapit sa akin ang batang Art at niyakap ako.

"Ate, thank you po ah. Sa pagligtas sa'min ni Kuya."

"Ligtas? Kailan?"

"Nung hinatak mo ako," patuloy ni Art.

Niligtas ko sila? Seryoso? I'm a saviour!


PINAG-STAY kami ni Inang sa AFGeneration dahil pagabi na. Habang kumakain ng sobrang sarap na pagkaing lutong bahay na hindi sunog, nagkukwento si Inang tungkol kay Art sungit. Wala si Art dahil kasama niya ang mini version niya.

"Ito ang naging tahanan niya ng ilang taon, umalis dahil ayaw maging pabigat sa amin," nakangiting kwento ni Inang. "Ang batang iyon talaga, napakabait."

Feeling ko anghel si Art sa kwento ni Inang. Bakit 'pag personal na nakilala si Art, ang layo sa anghel?

"Nahihiya na nga ako dahil panay ang tulong niya sa amin. Imbis na kami ang tumulong ay siya pa ang tumutulong. Imbis na mamuhay bilang simpleng mag-aaral ay tumanda siya nang pagkabilis-bilis." Bumuntong-hininga si Inang pero nakangiti pa rin. "Maswerte na rin kami at kahit ganun ang nakaraan ni Art ay hindi siya nagalit sa mundo o sa memorya niya rito."

"Nagalit sa mundo?"

"Ang bahay ampunan na ito ay bahay nila mismo bago mamatay sa harap niya ang kanyang mga magulang. Siya ang pinakaunang bata sa ampunang ito."

A-Ano raw?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top