27 [ move ]


MOVE ON.

Dalawang salita. Anim na letra. Madaling sabihin. Sobrang dali i-advice. Napakahirap gawin.

Paano ba mag-move on?

Sinubukan kong i-consult si Google dahil alam kong marami siyang alam. Sinabi lang niya, 'Come what may. Go with the flow. Move forward.'

Pero paano ako makaka-move forward kung hinihila ko ang sarili ko pabalik?

Sinubukan kong maging busy sa pagbabasa ng kung anu-ano sa internet. Napunta ako sa 9gag at nagbasa nga mga stories dun.


I was heading to the bathroom on the second floor of my aunt's house when I saw my cousin, April, on the stairs. April was four and very animated. She was busy making funny faces while sitting on the stairs.

I asked her what she was doing. She said, "I'm copying the lady with the braid."

I looked around, there was no one else but us. I asked, "where is the lady, April?"

She pointed to a beam running parallel to the stairway. I asked April, "what is the lady doing?"

She said, "Makin' funny faces."

I smiled and started walking up the stairs again when April said something that stopped me in my tracks. "Her braids is around her neck," April said.

I tuned back and asked her to repeat herself. April pointed, "the lady is hanging by her braid. . . she's making funny faces."

Then April started making a face which I then realize was it someone gasping for air.


Napa-close tab ako at muntikang mabato ang laptop ko. Sabi ko, gusto kong mag-move on pero ayaw kong magka-heart attack.


"MAY lason 'to?"

Napasimangot ako sa tanong ni Art. Madalas na kasing magpaluto si Art dahil pinaghirapan daw niya ang paghahanap ng singsing ko. Blackmail.

"Paano mo nalaman? Magician ka talaga." Inirapan ko siya at pumasok ng kwarto ko. Tinawag niya ako pero hindi ko pinansin. Bahala talaga siya sa buhay niya. Pinapaluto niya ako tapos ang lakas mang-asar.

Nagpakasaya na lang ako sa laptop nang mapunta ako sa Facebook ni Nate. Hindi ko sadya. Iko-close ko na sana ang tab nang makitang puro wall post ni Irene ang wall niya.

Napakagat ako ng labi at nag-status. Pramis, last na.

Siya ang first love ko.

Ang pathetic ko forever. Pakisaksakan nga ako ng common sense. Ide-delete ko na sana nang mag-comment si Humi.

Humi Gad: Ate, alam mo bang ang first love, iba sa true love?

Ianne Santos: Hm?

Humi Gad: Siya ba ang true love mo?

Ianne Santos: Akala ko. Akala ko ko kasi kilala ko na siya.

Humi Gad: Once you get to know them more, you'll get disappointed kapag hindi pala siya yung akala mong siya.

Humi Gad: ^ Aw, nosebleed ako sa sarili kong sinabi! \(=^‥^)/''


"Tumigil ka na, Ianne." Sinampal ko ang sarili ko kaliwa't kanan. Stress na stress na ako. So pathetic.

Move on ba kamo? Nakakain ba 'yun?

Nag-notify na may nag-message sa akin sa FB. Nahimatay ako ng 1 second nang makita ang pangalan na hindi ko akalaing makikita ko pa.


Dan Nathaniel Moises Manio messaged you.


Pagkabasa ko sa dalawang salitang m-in-essage niya, naiyak agad ako. Dalawang salita lang pero bakit ang sakit? Paano niya nagawang saktan ako gamit ang dalawang salita?


Tama na.


"Tama siya."

Napalingon ako nang marinig ang boses ni Art. Para siyang kabute na biglang sumulpot sa likuran ko. Nakatingin siya sa screen kaya sinara ko ang browser at nagpunas ng luha.

"B-Bakit ka ba nasa kwarto ko?"

Pinatong ni Art ang kamay niya sa ulo ko. "Kailangan mo kasi ako."

"Sa tingin mo, kailangan kita?" natatawa kong sabi.

"Hindi lang sa tingin ko." Kinilabutan ako sa titig niya nang umupo siya sa tabi ko sa kama. "Alam ko."

Napangiti ako sa sinabi niya. Gumaan at bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yun. Basta ang gulo kasi at nakakagulat na nagiging mabait siya.

"Ssshh." Tumayo siya at pinatong ulit ang kamay sa ulo ko. "Hugasan mo 'yung pinagkainan."

Natulala lang ako sa sinabi niya hanggang sa makalabas siya ng kwarto.

Akala ko mabait siya. Akala ko okay na kami. Hindi man friends pero civil sa isa't isa. Akala ko siya ang masasandalan ko. . . may kailangan lang pala siya sa akin.

Ang tamad talaga.


KAHIT papaano, bumabait na si Art sa akin—not. Dapat papasok kami sa school pero hinila niya ako papuntang SM.

Nag-cutting kami.

First time ko mag-cutting na hindi talaga ako pumasok sa school.

Hindi ito maaari!

Baka may makakita sa akin na kakilala ni Mama kaya patingin-tingin ako sa paligid. Sobrang kinakabahan talaga ako.

"Bilisan mo maglakad," utos niya.

"Eh kung mauna ka na lang kaya?" sabi ko.

Kumunot ang noo niya at hinila ako papasok ng Greenwich. Kinausap niya ang manager at nagpunta kami sa office. Pinapirma siya ng mga papel habang nakatingin lang ako.

"Sigurado ka bang aalis ka na?" tanong ng manager.

Aalis na? Si Art? Sa Greenwich? Bakit?

Tumango si Art nang makuha niya ang tseke. Sinamahan ko pa siya sa bangko para mag-deposit.

"Ilang taon ka na ba?" tanong ko.

"Sixteen."

Parehas pala kami. "Sixteen ka pa lang pero bakit may mga ganyan ka na?"

"Pakialam mo?"

Ang sungit talaga ng lalaking 'to nakakainis. Ang sarap batukan forever.

Nagkanya-kanya na kami pagkauwi. Nagpunta siya ng kwarto niya habang nagpunta ako sa kusina at nakitang kumakain si Kuya Angelo mag-isa.

"You and Art didn't go to school?" tanong niya. Nakangiting pang-asar siya kaya inirapan ko siya. "It's been weeks since we last saw each other and you'll just roll your eyes on me?"

"You want me to throw a party?" tanong ko.

Ginulo ni Kuya Angelo ang buhok ko. "Grumpy little kid, are we?"

Oo na, namiss ko na nga si Kuya. Ilang weeks din siyang hindi umuwi dahil busy siya sa work at school. Namimiss ko rin ang mga libre niya, haist.

"So how's life? Moved on already?"

Nang-aasar na naman siya.

"Secret. For children only."

"How dare you mock my age, missy."

Aw, namiss ko ang pag-English niya. Nakaka-nosebleed pa rin, nakakatuwa.

Natigil kami sa kwentuhan ni Kuya nang pumasok sa kusina si Art. Diretso lang siya sa pagkuha ng chocolate chips sa cabinet. Akala namin aalis na siya pero umupo siya sa bakanteng upuan sa tapat namin.

"Gusto niyo?" pag-alok niya ng cookies.

Nagkatinginan kami ni Kuya Angelo. Kukuha sana kami ni Kuya nang bawiin ni Art. Lumubog ang puso ko sa pagkadismaya. Umalis siya at nabadtrip na ako. Negative na ang pogi points.

"Look," bulong ni Kuya Angelo.

Lumingon ako sa tinuro niya at nagulat nang makitang nilagay ni Art sa isang plato ang cookies at bumalik sa tapat namin. Kumuha si Art ng cookie at kumagat.

"Ano? Ayaw nyo?"

Nagkatinginan kami ni Kuya Angelo.

I can't believe this.

World record itu!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top