26 [ hurt ]
KASABAY kong pumasok ng school si Emotionle—err—Art? Ang daming nakatingin sa kanyang mga babae at mukhang may mga kinikilig pa kaya lumayo ako sa kanya.
Dumiretso ako sa upuan ko pagkarating sa classroom pero nagulat ako nang umupo sa tabing upuan si E—Art.
"Si Leah d'yan," sabi ko.
"Dito na ako ngayon," sabi niya.
Magrereklamo pa sana ako nang natulog na siya sa desk. Nakita ko si Leah na umupo sa ibang upuan at ngumiti sa akin.
Nagtataka lang ako hanggang sa magklase na at tulog lang si. . . hay, dapat na akong masanay na Art siya. Nasa tabi ko lang siya at mukhang nagtataka rin ang mga kaklase namin.
Sinabayan ako ni Art umuwi na kinagulat ko ulit. Hindi kami nagsasabay ever pero ngayon, kahit hindi kami nag-uusap, kung nasaan ako, nandun din siya.
Kahit sa next day. . . and the next day. . . and the next day.
NAGING busy ang lahat dahil sa Intrams pwera kay Art. Siya lang talaga ang walang masyadong pakialam sa mga school activities.
Nagpunta kaming lahat sa GYM para sa opening program ng Intrams. Nag-announce ng games na mangyayari nang sumigaw ang mga tao para sa isang performance.
"Let 's all welcome, Burning Thunder!"
Halos lahat ng tao pumalakpak pero natulala ako hanggang sa isa-isang nagpuntahan sa stage ang tatlong itlog. Si Nate. . . at si Irene. Bakit nand'yan si Irene?
"Ready na ba kayo sa intrams natin?" sigaw ni Nate. Sumigaw din ang mga ka-schoolmate ko habang tahimik lang ako. "We'll be singing 'Two is Better than One' by Boys like Girls ft. Taylor Swift."
Nagsimulang tumugtog ang tatlong itlog habang magkatabi sina Nate at Irene sa gitna ng stage. Bored na bored sa tabi ko si Art na nakatingin sa stage.
Ako? Gusto ko na umalis dito.
I remember what you wore on the first day
You came into my life and I thought
"Hey, you know, this could be something"
Ayan na ang boses na ayaw kong marinig. Ang boses na napakaganda pero winawasak ang pagkatao ko.
Nakakainis na hindi pa ako nakakaakyat, nahuhulog ulit ako.
"Ayaw ko na. . ." bulong ko.
'Cause everything you do and words you say
You know that it all takes my breath away
And now I'm left with nothing
Ayaw ko nang tumingin. Please. Tama na.
"Aalis na ako." Tumayo ako pero pinigilan ako ni Art. Pinaupo niya ako sa tabi niya. Hindi na tumigil ang pagtulo ng luha ko nang marinig ang sunod na lyrics.
https://youtu.be/4mE3ETiMXrE
'Cause maybe it's true
That I can't live without you
Maybe two is better than one
There's so much time
Bakit kailangan maging maganda ang boses nila Irene at Nate?
"Dito ka lang," sabi ni Art.
Nagtakip ako ng mukha dahil hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. Akala ko okay na ako. Nakakangiti na nga ako eh. . . pero bakit sa isang kanta lang, bumabalik lahat ng sakit?
To figure out the rest of my life
And you thought that it got me coming undone
Pagtingin ko ulit sa stage, kumabog ang dibdib ko nang makitang nakatingin sa akin si Nate.
Gusto ko nang malusaw sa mga titig niya.
Nate, bakit mo ba ako ginaganito? Hindi na kita maintindihan.
And I'm thinking two
is better than one
Halos hindi na ako makahinga nang kumanta si Irene at nag-inarte sila ni Nate sa stage. Dinudurog na ako. Sa harap ng mga tao, pinapatay ako.
Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kay Nate. Naiinis ako sa lahat. May ibang babaeng kasama si Nate ngayon at nagkakangitian pa sila. Ito ba 'yung sinabi niya sa akin? Si Irene ba ang bago niya? Eh sino 'yung baby sa Facebook niya? Nasaan si Grace?
Bakit hindi na lang niya sinabi na meron na siyang iba? Bakit kailangan pa niyang ipakita na masaya na siya sa iba? Sa harap ko pa mismo?
Pinigilan ako ni Art nang tumayo ako at nanghihinang tumingin sa mga mata niya. "Nasasaktan na ako," garalgal kong sabi. "Art. Nasasaktan ako."
Napabitaw siya kaya nakapunta ako ng CR, pumasok sa cubicle at umiyak. Sa inis. Sa galit. Sa pagkairita sa sarili ko. Sa sakit na nararamdaman ko. Sa pagpipiga ng puso ko.
Pagtingin ko sa paligid, lalo akong naiyak. Ano bang trip ko at lagi akong sa cubicle umiiyak?
Naririnig ko pa rin ang boses nila Nate at Irene. Ang hirap kasi. Mahirap makitang may ibang kasama ang mahal mo lalo na kapag masaya pa silang magkasama.
Naghiyawan na ang mga tao pagkatapos ng kanta. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas at nagulat nang makita si Art na nakasandal sa pader malapit sa kinatatayuan ko.
Hindi ko na dapat siya papansinin pero hinatak niya ako papalapit sa kanya. Napansin kong may hawak siyang earphones at nagulat ako nang ilagay niya sa tainga ko ang isa. Nakapikit lang siya habang nanlalaki ang mata ko sa kaba dahil ang lapit namin sa isa't isa.
https://youtu.be/M0RhmNAoYuY
You make me feel like a lavender sweater
when I'm caught in bad weather,
In my Volkswagen Jetta
Inakbayan niya ako at niyakap gamit ang isang braso. Patuloy pa rin ang tugtog sa earphones.
You make me feel like a complete work of art
when I'm just falling apart
A really nice piece of art
Naaninag kong dumaan palabas ng CR si Irene at napatingin sa amin. Humiwalay sa akin si Art pagkalagpas ni Irene. Kinilabutan ako nang kinuha niya ang earphone sa tainga ko at ngumiti. At nakakatakot ang ngisi niya.
Naglakad na siya at tinaas ang kanang kamay niya na parang nagpapaalam sa akin. Nawala ang lahat ng lungkot na nararamdaman ko at napalitan ng pagtataka.
Ano ba 'tong kinikilos ni Art?
Natauhan lang ako nang makita ko si Ellaine na winawagayway ang kamay sa harapan ko. "Huy, Ianne. Bakit tulala ka? Gusto mo sumama sa AVR? May mini-concert ang Firetree!"
"Firetree?"
"Hindi mo kilala? Alumni ng school. Magagaling, tara!"
Nagpunta kami sa AVR at grabe ang sigawan ng mga estudyante.
"Ano, ready na ba kayo mag-Rak!" sigaw ng vocalist.
Tumili si Ellaine. "Si Blaise 'yan! Si Blaise!"
Natawa ako sa pagfa-fangirl ni Ellaine. Minus points ulit sa respeto meter. Joke.
Nang magsimulang kumanta ang vocalist ng Firetree, na-amaze ako sa ganda ng boses.
https://youtu.be/Fe0ND5mv3iQ
Pumapatak nanaman ang ulan kasabay ng luha ko
ginagambala ng pusong laging nauuto
pinatitibay ng sandatang hinahawakan ko
o diyos ko ba't ganito kala ko'y totoo.
Ang ganda ng boses niya at upbeat ang music pero bakit ganyan ang lyrics?
di maisip na hahantong sa ganito
lahat ng naipundar na pagibig ko sayo
tila isang iglap lang at tinapon mo
tuloy ang buhay ko parang binagyo
Nag-eenjoy ang mga tao sa paligid pero tulala lang ako dahil sobrang tumatagos sa akin ang lyrics.
bigla nalang nagbago
kinabukasan di na pala tayo
Pinilit kong mag-enjoy pero lalong bumigat ang pakiramdam ko nang marinig ko ang isang linya sa kanta.
Kinabukasan, 'di na pala tayo.
simula ng ika'y lumisan
di ko na mapigilan pang maiyak
dahil kala ko'y sigurado na ako sayo
at bigla nalang
nakahanap ka na pala ng iba
di ko matanggap na ako'y naging
isang tanga.
Napaluha ako. Na naman. Kailan ba ako titigil?
"Ellaine, alis na ako," pagpapaalam ko.
Paglabas ko ng AVR, gusto ko na lumubog sa kinatatayuan ko nang makita ko si Nate kasama ang tatlong itlog at si Irene na nagtatawanan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya para akong adik sa harap nila na patingin-tingin kung saan hanggang sa may humatak sa braso ko na kinagulat ko.
"Nandito ka pala."
Napatingin ako kay Art. Paano siya nakarating dito? Kabute ba siya? At bakit ang hilig-hilig niyang hatakin ako sa braso?
Kinaladkad ako ni Art palayo kanila Nate. "Gustong-gusto mo talagang nasasaktan."
"S-Sorry. . ."
Hindi ko sinasadya na sobrang liit ng mundo. Hindi ko sinasadya na magmahal ako. Hindi ko sinasadya na ganito epekto sa akin ng pakikipag-break ni Nate. Hindi ko naman kasi akalain na magbe-break kami. At hindi ko akalain na masasaktan ako nang grabe tulad ngayon.
Ang hirap pala huminga kapag heartbroken.
Tuluyan akong umiyak sa harap ni Art. Nahihiya na ako dahil laging sa harap niya ako umiiyak pero kasalanan niya kasi. Lapit siya nang lapit eh, kitang mahina ako.
Pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at bumulong, "Tama na."
SUGATAN ang puso ko pag-uwi ng BH. Pagod na pagod ako emotionally kaya nahiga ako sa sofa at nakatulog. Alas-dose na nang magising ako dahil sa kalampag ng gate.
"X-Xiara. . ." boses ni Art? Tumayo ako at sumilip sa labas. "Buksan mo ang pinto. Xiara. . ."
Anyare sa lalaking 'to?
Pagkabukas ko ng gate, nagulat ako nang bumagsak siya sa akin. Amoy alak siya at ang uniform niya ng Greenwich.
"Xiara. . ." bulong niya.
Good for two years and three months workout na ang nagawa ko sa pagbuhat kay Art nang pagewang-gewang papasok ng BH. Ang bigat niya po. Pinahiga ko siya sa sofa. Paalis na ako nang hatakin niya ako kaya napaluhod ako palapit sa kanya.
"'Wag ka na umalis," nakapikit niyang sabi. Nanlaki ang mata ko nang makitang may tumulong luha galing sa mata niya "'Wag mo akong iwan ulit."
"A-Art?"
Dumilat siya at kitang-kita ang pamumula ng mata niya. Nag-drugs ba siya? Joke. Akala ko sisirain niya ang pisngi ko pero nagulat ako nang hinaplos niya ang pisngi ko.
"'Wag mo na akong paghintayin ulit."
Parang bata si Art. Napaka-vulnerable. Parang babasagin.
"Xiara. . . bumalik ka na sa akin."
Tumulo ang luha niya nang pumikit ulit siya. Hindi ako makatayo dahil napapatitig ako sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko, nasasaktan din para sa kanya.
Ang lakas niyang patahanin ako pero siya rin 'tong lumuluha.
Nakatulog ako sa upuan malapit sa sofa kaya sobrang sakit ng katawan at leeg ko pagkagising. Nakahiga pa rin si Art sa sofa pero nakatitig siya sa akin habang nakahiga.
"Ginagawa mo?" tanong niya.
Napasimangot ako.
Wala na. Ayaw ko na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top