23 [ answer ]

( no spoilers! )


IANNE, break na tayo.

Paano napunta sa isang sentence ang mga salitang "break", "tayo" at ang magandang pangalan na "Ianne"? Valid ba 'yun? Pwede bang mangyari 'yun?

Ianne, break na tayo.

Apat na salita. Paano nangyaring apat na salita lang ang magbibigay sa akin ng milyon-milyong tanong sa utak ko? At milyon-milyong sugat sa puso ko? Sa isang gabi lang?

Ianne, break na tayo.

Nate, anong nangyari? Panaginip ko ba 'to? Nasasaktan na ako. Pwede bang pakigising na ako?

Bakit kapag sobrang saya na ng mga nangyayari, parang panaginip lang at kailangang gumising pero kapag sobrang sakit at totoo na, hindi na pwedeng matulog?

Bakit kailangang namnamin ang sakit?

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala sa kisame o kung nakatulog ba ako. Wala akong matandaan sa mga nangyari kundi ang apat na salita lang na 'yun.

Ianne, break na tayo.

Nagugulahan ako. Gusto ko siyang makausap para malaman na joke time lang 'to at may surprise pa siya sa akin. Pero hindi ako makagalaw. Nakakaubos ng lakas.

"Ianne." Kumatok si Kuya Angelo sa pinto ng kwarto ko. "Are you there? Not going to school? You're going to be late."

Niyakap ko lang ang unan ko hanggang sa makatulog akong umiiyak. Nagising ako nang sobrang pagod. Hindi ko alam kung anong oras na pero mukhang hindi na umaga.

Narinig kong may kumatok ulit.

"Kuya Angelo, hindi ako papasok sa school," nanghihina kong sabi. Hindi pa rin tumigil ang katok. "May sakit ako. . ." sa puso.

Nagulat ako nang bumukas ang pinto. 

Nakita ko si Emotionless Guy na naka-uniform habang hawak ang bag ko. Nagkatinginan kami sandali nang ilapag niya ang bag ko sa tabi ng kama.

"A-Ano—" Hindi na niya ako pinatapos nang lumabas na siya ng kwarto. Napatitig ako sa bag ko . . . dinala ni Emotionless Guy . . .? 

Pero mas nanaig ang sakit sa naalala ko.

Kung gaano kami kasaya ni Nate nang iwan namin ang bag namin kay Manong Guard. Ang ganda pa ng ngiti namin. Ang saya pa namin sa ilalim ng ulan.

Anong nangyari?

Tiningnan ko ang cellphone ko pero walang kahit isang text man lang. Kahit wrong sent, wala. Gusto kong tawagan si Nate pero nauuna ang kaba ko.

Ano ba kasing nangyari?

Simula umaga, ilang katok din ang narinig ko sa pinto ko pero nanahimik lang ako. Mukhang nagsawa rin sila alalahanin ako.

Medyo madilim na nang bumangon ako sa kama. Nanghihina na ako.

Pagkakita ko ng sarili ko sa salamin, wasak na wasak ang itsura ko. Sobrang namamaga ang mata at namumula ang mukha.

Napakuyom ang kamay ko nang makita ko ang singsing na binigay ni Nate.

Ianne, break na tayo.

Huminahon muna ako. 

Paglabas ko ng kwarto, muntikan ko nang mabunggo ang maliit na lamesa na may soup at note na nakapatong.

Binasa ko ang note na nakasulat sa papel.


Home made soup para sa mga taong may sakit . . . sa puso.


Si Kuya Angelo ba gumawa nito?

Pumunta ako ng kusina para kumuha ng kutsara. Pinainit ko na muna ang soup sa microwave bago kainin. Napangiti na lang ako nang may makitang balat ng Nido Oriental Soup sa basurahan.

Nagpasalamat ako kay Kuya Angelo nang pumasok siya sa kusina.

"Thanks for what?"

"For this?" sabi ko sabay turo ko sa soup.

"And why are you thanking me for that?"

Pinakita ko sa kanya ang note.

Ngumiti siya at umiling. "This isn't mine. I just got home and I couldn't possibly cook this while I'm at work. But good thing you're eating now. You're making us worried sick!"

Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Nag-iisip pa ako nang dumating si Emotionless Guy sa kusina at dumiretso sa pagkuha ng chocolate chip cookies tsaka umalis na.

Napahawak ako sa note at binasa nang paulit-ulit ang nakasulat. Napatingin ako sa likuran ni Emotionless na papunta na sa kwarto niya.

Hmm . . .?

Imposible.


KAHIT gumaan ang loob ko sa soup, hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak bago ako matulog. Nawawala na nga ata ako sa katinuan kaya sinubukan kong maging masaya at buksan ang Friendster. Sa dami nang nag-message, comment at testi sa akin, isa lang halos ang tanong nila.

Totoo bang wala na kayo?

Sinong nagsabi?

Nanghihina ako nang i-click ko ang account ni Nate. Naluha agad ako nang makitang iba na ang lahat sa account niya.

All black background.

All black primary photo.

Featured friends niya ang tatlong itlog.

Kumirot ang puso ko nang makita ko ang relationship niya as Single at ang shout-out niya ay: It ends tonight. 2 days ago.

Two days ago. Ini-status niya 'to nung anniversary namin. So bago pa kami magkita, may ganito na. Bago pa kami magkita, plano na niya 'yun?

Nawala na ang playlist niya para sa akin at napalitan ng isang kanta lang.

https://youtu.be/rFcDhj-E3po

Your subtleties
They strangle me
I can't explain myself at all


Bakit kahit sa Friendster, nakikipag-break siya sa akin? Bakit?


And all that wants
And all that needs
All I don't want to need at all


Hindi niya ako ni-reply-an nang mag-message ako sa kanya. Nakikita kong may mga bagong comments sa Friendster niya pero walang kahit anong reply sa akin.


The walls start breathing
My mind's un-weaving
Maybe it's best you leave me alone


Hindi niya ako pinapansin.

Sinubukan ko siyang i-message sa Facebook pero nagulat ako dahil hindi na kami friends. In-add ko siya. Ilang minuto lang, natawa ako habang umiiyak.

May nakasulat ulit na add as a friend.

"Ano bang problema, Nate?!"

Napasigaw na ako sa inis.


A weight is lifted
On this evening
I give the final blow


Sumasabay sa kanta ang pagluha ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lahat. Pero masakit. Sobrang sakit.


When darkness turns to light
It ends tonight
It ends tonight


Minessage ko naman si Nate sa Facebook ng bakit?


A falling star
Least I fall alone
I can't explain what you can't explain


Sorry.


Your finding things that you didn't know
I look at you with such disdain


"Sorry saan?!" sigaw ko.

Hindi ko na naiintindihan ang lahat. Gulong-gulo na ako. Kinabahan ako nang maka-receive ako ng friend request.


Now I'm on my own side
It's better than being on your side
It's my fault when you're blind
It's better that I see it through your eyes


Si Nate. In-add niya ako sa Facebook. Kinakabahan pa ako nang i-accept ko siya. Nagpunta ako sa wall niya. Nanghina ako sa nakita ko.


All these thoughts locked inside
Now you're the first to know


Kakapalit lang niya ng display picture ng isang baby girl na nakangiti. At ang status niya ang nagpagulo lalo sa akin.

Dan Nathaniel Moises Manio: Our little Angel. :)


note:

hindi dapat ako magno-note pero na-realize kong may part dito na Friendster days at alam kong may iba dito na hindi alam ang existence ng FS. hahaha i'm so old. Anyway, ito po ang itsura ng isang normal na Friendster profile (see photo):

Some things to know!

Primary photo ang tawag sa profile picture.

Friendster din ang dahilan bakit andaming creative web designer ngayon dahil pwede mag HTML at CSS dito to change your profile design haha. Napapalitan ito kaya the fancier the better hindi tulad ng facebook na simple lang lahat.

Shoutout naman yung parang thought bubble. May "n days ago" para malagay kung kailan mo pinalitan ung shoutout mo. Mababasa ito ng lahat.

Dati rin sa Friendster, pwede mamili ng featured friends. Pwedeng wala, pwedeng isa, dalawa tatlo, mamimili ka kung sino gusto mong unang nakikita ng mga tao sa friends mo. Most likely, nasa featured ang top 6 friends mo, ang jowa mo, ang 2nd to 7th account mo kasi full acct ka sa 'primary' account mo. hahaha.

Pwede rin sa Friendster ang paglagay ng playlist. Minsan, autoplay, minsan, kailangan mo i-play. at dati, uso na kantang "Thunder" ng Boys like Girls as friendster profile song :)))

tbh nung nawawala na ang fs, ayoko pa umalis kasi mahigpit ang kapit ko sa friendster hahaha naglaro ako ng mga games until ayon, nagpaalam na sila. ohh, memories.


Thank you for staying sa ating #Friendster101 class. HAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top