20-B [ falling apart ]



Tiningnan ko ang received calls, ang kaso, napunta ako sa inbox. Hirap talaga ako sa phone na 'to.

Nag-init ang pisngi ko nang makita kong halos napuno na ng 'Grace' na pangalan ang inbox ni Nate. Napatingin ako sa kanya pero busy pa ring kausap 'yung tao sa counter. Hindi mahilig mag-text si Nate kaya bakit ang daming text messages? Tiningnan ko isa-isa at natigilan sa isang text.


Grace

.,cge Danny..ingts pu,mua..ö


Feeling ko nagtatama na ang dalawang kilay ko sa sobrang pagkakunot ng noo.

V-in-iew ko ang sent items pero burado lahat. May nag-text at pag-open ko ng message, nakaramdam ako ng pagkairita.


Grace

.,cnu sumagot ng kol Danny q?

To Grace

Hi, Ianne nga pla. Wala pa si Nate e. Kung siya si 'Danny' mo?

Grace

.,ianne?

To Grace

Yea. Kaano-ano ka ni Nate?


Titingnan ko na sana ang reply nung Grace na 'yun nang biglang agawin sa akin 'yung cellphone.

Si Nate.

"Bakit mo pinapakialaman cellphone ko?"

Padabog niyang nilapag ang tray ng mga pagkain sa lamesa. Nakatingin siya nang masama sa akin pero sinamaan ko rin ang tingin ko sa kanya.

"Sino si Grace?"

Hindi ako papatalo. Kung galit siya, mukhang magagalit na rin ako.

Iniwas niya ang tingin sa akin. "Wala, barkada ko lang."

"Oh talaga? So Danny pala tawag sa'yo ng mga kabarkada mo?"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Barkada lang? Barkada pero may 'mua'? Ang sweet naman nilang magbarkada. Something is going on.


PABIGAT nang pabigat ang loob ko sa bawat araw na lumilipas. Nakita ko si Erin na naka-civilian sa school kasama ang parents niya, umiiyak habang kausap ang Discipline Coordinator namin. Lalapitan ko sana siya pero nasa PE class ako.

Hindi nagpatalo si Nate sa pagpapabigat ng loob ko. Nasa Mcdo kami at nag-CR siya. Tinitigan ko ang phone niyang nasa lamesa. Hindi sa wala akong tiwala pero ugh. Hindi ko na alam. Gulong-gulo na ako. Kinuha ko ang phone niya.

"Nakakatuwang pagtripan 'yang si Grace."

Muntik ko nang mabitiwan ang cellphone nang marinig ko ang boses niya.

"Bakit?" tanong ko.

Naupo siya sa tabi ko. "Sinabihan ko siyang napapamahal na ako sa kanya, bumibigay naman." Tumawa siya sa sinabi niya pero nawala ang ngiti ko sa labi ko. Anong nakakatawa?

Bakit ba nakakaramdam ako ng inis?

Hinayaan niya akong tingnan ko ang sent items at iisang message lang ang nandun. As if talagang kailangan kong makita ang text message na 'yun.


To Grace

Wag ka nga ganyan, napapamahal na ako sayo

Gusto kong ibato ang cellphone sa sobrang inis. Nang tingnan ko si Nate, kumakain lang siya. Tiningnan ko ang inbox niya at parang sasabog na ata ako sa sobrang pagkairita.


Grace

.,adk ca,naiinluv na acu sau ee


"Gusto kong makilala si Grace," sabi ko.

"H-Ha? Bakit?"

"Gusto ko lang, barkada mo siya, 'di ba? Gusto ko makilala lahat ng kabarkada mo. Papuntahin mo siya. Pakilala mo ako sa kanya," utos ko.

"Pero—"

"Ngayon na," mahinahon kong sabi pero pinakita kong iritang-irita na ako.

Kinuha niya ang cellphone niya at nag-text. Pinakita pa sa akin.


To Grace

Punta ka dito, may papakilala ako

Grace

.,sino?


"Sabihin mo, ipapakilala mo akong girlfriend mo."

Sumimangot si Nate. "Ianne."

Kumunot ang noo ko. "Dalian mo, Danny."

Napataas ang kilay ko nang mabasa ko ang s-in-end na message ni Nate.


To Grace

Basta, punta ka na


"Sabihin mo nga, ipapakilala mo ako."

"Barkada ko nga lang 'to, ano ba."

"Ayun na nga eh, barkada lang. Kaya ipakilala mo ako sa kanya!"

Napatingin ang ibang taong nakapaligid sa amin dahil sa pagtaas ko ng boses.

"Ianne naman, 'yung boses mo."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Wala akong pakialam, ipakilala mo ako sa kanya."

"Next time na lang daw, busy siya."

"I-text mo. Papakilala mo ang girlfriend mo." Huminahon na ako nang kaunti.

"Busy nga raw kasi siya."

"Okay." Pinipilit kong kumalma. "Akin na number ni Grace. Makikipagkaibigan na lang ako sa kanya."

"Ito na nga, ite-text ko na."

"Akin na 'yung number." Kukunin ko na sana ang cellphone niya nang ilayo niya sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa. Masama ang tingin ko sa kanya, matalas, parang kikitil samantalang siya eh parang naiinis na sa akin.

"'Wag na nga." Napataas na ang boses niya kaya lalo akong nainis. Siya pa ang may ganang mainis?

"Akin na nga sabi, eh."

"Bahala ka nga d'yan." Tumayo siya at umalis. Iniwan niya ako.

Nakaramdam ako ng kahihiyan dahil sa mga taong nakatingin sa akin pero walang-wala ang kahihiyan sa pagkairita ko.


PALAPIT na nang palapit ang anniversary namin pero alam kong hindi kami okay ni Nate. Nakakainis din na magse-celebrate kami ng isang buong taon pero parang hindi ko naman siya na-feel ng isang taon.

Kung hindi siya lumalayo sa akkin, hindi siya masyadong pumapasok, hindi nagsasabi ng balita sa kanya.

Parang wala lang.

Kaya nang nakasalubong ko siya sa grounds, hinatak ko siya agad.

"A-ano ba?"

Imbis na matuwang marinig ang boses niya, nainis ako bigla. "Text mo si Grace." Tiningnan ko siya sa mata, seryosong-seryoso. "Gusto ko siya makilala."

Nagkamot siya ng batok. "Ang kulit mo."

Hinawakan ko siya sa collar ng uniform at inilapit ang mukha niya sa akin. Napansin kong lalong lumalim ang mga mata niya at nangitim ang eyebags. Bakit ba parang may tinatago siya sa akin?

"Gusto mo bang mag-break tayo?"

Bumuntong-hininga siya at kinuha ang phone niya sa bulsa. Nag-text siya kay Grace na pumunta ng school namin at nag-reply si Grace ng 'Bakit?'

"Sabihin mo ipapakilala mo ako."

Tinext niyang may ipapakilala siya.

"Sabihin mo," pag-uulit ko, "girlfriend mo ang ipapakilala mo."

"Ok na 'yan."

"Sabihin mo nga sabi eh."

Nagkatinginan na kaming dalawa. Sukatan. Unang iiwas, talo. Umiwas siya ng tingin at nagsimulang mag-text habang pinapakita sa akin ang screen ng cellphone niya.


To Grace

Punta ka dito, papakilala ko girlfriend ko


Hindi na nag-reply si Grace. Naiinis na natatawa ako dahil kanina, sabik mag-reply tapos hindi na nag-reply.

Good Grace, alam mo kung saan ka lalagay.

Ibinalik ko ang tingin kay Nate. Hinawakan ko siya sa collar at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Same intensity kanina pero ngayon, medyo nabawasan na ang pagkaasar ko kay Grace. More on kay Nate na lang.

"Alam mo problema sa'yo? Nandito na nga ako, hindi ka pa nakuntento. 'Yan ba natutunan mo sa mga kabarkada mo?" Tinulak ko siya. "Kita na lang tayo mamaya."

At pumasok na ako sa classroom.

Sa panahon ngayon, hindi na uso ang mga mahinang babae. Hindi na uso ang damsel in distress at mga naghihintay iligtas ng mga prince charming nila. Sa panahon ngayon, ang kailangan ng mga babae, maging matapang. Maging malakas. Tagapagligtas ng sarili.

NAKIPAGKITA sa akin si Cloud sa isang playground malapit sa BH. Umupo ako sa tabi niya. Tahimik lang siya at nakayuko na parang problemado.

"Umalis na siya," sabi niya. "Si Erin, umalis na siya."

"Umalis?"

"Sa Baguio, pumunta sila ng Baguio."

Kaya ba hindi na pumapasok si Erin tapos nakita ko siya sa school na umiiyak? Nasasaktan ako. Nasasaktan ako para kay Cloud. Kay Erin. Sa nangyayari. Isama pa si Nate.

"I want to go to her. Panagutan ang ginawa ko sa kanya."

"M-May nabuo?"

Umiling siya. "No. I don't know. I have no idea. Pero kung pwede, papakasalan ko siya."

"Kasal agad?"

"Kung pwede."

"Pero bata pa si Erin," sabi ko.

"Kahit na."

"Sus, porke't matanda ka na. . ."

Ngumiti siya sandali at pinatong ang kamay sa ulo ko. Mukhang pinipilit niyang maging masaya pero kitang-kita na hindi siya okay.

"I'll go there."

"Saan?"

"Pupunta akong Baguio. I'll look for her."

Mukha siyang desidido kaya sino ako para humindi? Tumayo ako at niyakap siya nang mahigpit.

"Good luck. Susuportahan kita."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top