19-B [ love interest ]



Tumakbo ako palabas at niyakap nang mahigpit si Nate. Namiss kong pakinggan ang tibok ng puso niya. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya sa ulo ko. Grabe. Grabe. Sobrang. . . ugh. Sobrang namiss ko siya. Alam kong marami na ang nakatingin sa amin sa hallway pati na rin sa loob ng room pero wala na akong pakialam. Ang pakialam ko lang ngayon ay nayayakap ko na ngayon ang taong mahal ko.

"Namiss kita . . ."

Napangiti ako nang marinig ko ang boses niya. Ibinaon ko ang ulo ko sa dibdib niya dahil sobrang namiss ko talaga siya. Ganun din ang pagyakap niya sa akin. Sobrang higpit. Hindi kami bumibitaw. Hindi na namin kailangan ng magarbong linyahan at quotable quotes para lang masabing mahal namin ang isa't isa. Sa isang yakap lang, alam ko. Alam kong ang swerte kong sa kanya ako at sa akin siya.

Wow. Cheesy.

"Uhm, Nate. . ."

Nag-bell na pero wala pa ring pakialam si Nate. Nagsialisan na ang mga kaklase ko para sa flag ceremony sa baba pero yakap pa rin ako ng mokong.

"Alam kong namiss mo ako pero. . ."

Kumalas na si Nate sa akin at napansin ko ang pamumula ng mga mata niya. Naiiyak siya?

Naiyak ako dahil ang tagal ko siyang hindi nakita. Ang tagal kong hindi siya nahawakan.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. Tinitigan niya ako habang ngiting-ngiti.

Ganun din ang ginawa ko. Ang lalim lalo ng eyebags niya at parang ang tagal hindi nakatulog. Parang pagod pero parang ang saya niya.

Nang mapansin ko ang buhok niya, umurong bigla ang luha ko. "Bakit ka nagpakalbo?"

Hindi siya kalbo talaga, semi lang tapos may ahit sa gilid na parang design. Semi-kalbo tapos may piercing pa. Hindi kaya nag-gangster na 'tong si Nate?

"Wala lang, maiba naman."

"Mukha kang sanggano."

Natawa siya sa sinabi ko. Akala ata niya nagjo-joke ako.

Niyakap niya ulit ako nang sobrang higpit bago kami tuluyang bumaba para sa flag ceremony. Pagkatapos ng flag ceremony, diretso na kami sa sari-sarili naming classroom at naiyak dahil hindi kami magkaklase.

Hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa upuan nang magsalita si Erin. "Siya pala si Nate," nakangiting sabi niya. "In fairness, gumwapo ang standard mo ah?"

"Gumwapo ang standard?"

"Naaalala mo si Raseed? 'Yung forever crush mo nung grade school?" Natawa si Erin.

Bumalik sa akin ang masalimuot kong nakaraan noong grade school.

"Niligawan mo pa 'yun, hindi ba? Chicks na chicks sa'yo eh."

"Ano ba Poleng." Hinampas ko siya dahil nang-aasar na siya.

"Oh, gantihan? Bakit? Chicks naman siya ah? Mukhang chick—en feet, take note, sunog version pa," natatawa niyang sabi. Natatawa na rin tuloy ako. "Nakaka-BV 'yung mukha."

"Bata pa ako nun," pag-eexplain ko. "Tao lang ako, nagkakamali. Alam mo, okay lang magkamali. At least ngayon alam ko na ang dapat itama."

"Buti nga at naitama na 'yang mata mo," natatawa niyang sabi.

"Ang sama naman." Sumimangot ako.

Tinapik niya ako sa balikat. Tawa pa rin nang tawa. "Okay lang, Friend. Tanggap pa rin kita."

"Alam mo bang pinsan ni Nate si Cloud?"

At ayun, natahimik din si Erin at nang-irap pa.

Nagsimula na ang lesson namin. Natigil lang kaming lahat nang tumambad ang lalaking ayaw kong makita pero laging nagpapakita sa akin.

Bakit ba siya na naman po?

"Mr. Go, welcome," bati ng teacher namin.

"Uy, ang gwapo ni Koya," komento ni Erin.

Napatingin ako sa turo ni Erin at napangiwi nang magtama ang tingin naming dalawa ni Emotionless. Nanlamig ang buong pagkatao ko. Sa totoo lang, gusto ko siya pakuluan ng tubig at baka kahit papaano, mabawasan ang coldness niya.

Una, boardmates kami. Ngayon, magkaklase. 

May tanong lang ako: bakit laging siya pa?

Nagsimula na ulit ang lesson namin pero napansin kong hindi nakikinig si Emotionless Guy. Tulala lang siya na parang wala sa buhay hanggang sa tawagin siya ng teacher namin.

"Mr. Go, kindly explain this."

Napatingin lahat ng tao nang tumayo siya nang dahan-dahan na para bang ninanamnam niya ang pagtayo. Nang magsimula siyang magsalita, nag-alien language na siya.

Okay joke. In-explain niya ang pina-explain ng teacher namin.

Pagkatapos na pagkatapos niyang mag-explain with his poker face at monotonic voice, naupo siya at natulog sa desk.

"That was the perfect explanation for this. Class, let's give Mr. Go a round of applause."

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko.

"Grabe Ianne, ang talino naman niya. Ang pogi pa," komento ni Erin.

Ngumiwi lang ako.

Last subject na at sobrang boring na talaga. Gustong-gusto ko na makasama si Nate sa dismissal pero tino-torture pa rin kami sa pagsusulat ng lecture. Wala na nga ata akong ibang ginawa kundi tanungin ang kaklase kong si Sheene kung anong oras na. Nabwisit nga ata sa akin, pinahiram na tuloy sa akin 'yung relo niya.

Sorry na, Sheene. Eksayted lang.

Titig na titig lang ako sa relo. Five minutes. Two minutes. Grabe, ang tagal naman nito. Napangiti ako nang makita kong isang minuto na lang. Tinitigan ko ang seconds na gumalaw hanggang sa. . . boom!

Time na.

Nakangiti akong tumingin sa teacher namin pero napasimangot nang mapansing parang walang pakialam si Sir Caburnay sa oras. Kumunot ang noo ko nang makitang fifteen seconds—hala eighteen seconds overtime na!

"Overtime na si Sir ng one minute," pagrereklamo ko.

Nag-ring na rin ang bell pero hindi pa rin kami pinaalis.

"Sir!" Nagtaas ng kamay si Erin. "Overtime na raw po kayo nang one minute."

Pinanlakihan ko ng mata si Erin pero ngiti lang ang binigay niya sa akin. Tumawa ang mga kaklase namin.

"Sinabi ko lang 'yung reklamo mo. You're welcome."

Umiling na lang ako at napatingin sa relo. Two minutes overtime na! Nagsisilabasan na rin ang ilang sections kaya nataranta na ako. Na-excite na rin ako nang makita si Nate kaya nag-'May I go out' ako at hindi na bumalik pa sa classroom.

Pinagalitan ako ni Nate nang malaman niyang tumakas ako sa last subject pero hinayaan lang din niya ako. Tumambay kami sa isang bench sa ilalim ng puno sa grounds. Kahit hindi kami nag-uusap, ang saya ko na. Kahit magkahawak lang ang kamay naming dalawa, okay na ako.

"Anong ginawa mo sa ibang bansa?"

Wrong move ang pagtatanong dahil nawala ang ngiti niya. "Basta."

"Hindi nga?"

Kumunot ang noo niya at narinig ko sa boses niya ang pagkairita. "Basta nga." Ang sungit. Pero ngumiti siya sa akin at niyakap ako gamit ang isang kamay. "Hindi na importante 'yun. Basta." Hinalikan niya ako sa noo. "Nandito na ako. Okay na 'yun."

Tumango ako kahit nakaramdam ako ng kaba.

"I less than three you," seryoso niyang bulong sa tainga ko.

Napangiti ako sa sinabi niya. "I less than three you rin."


NAGKAROON kami ng pagkakataon para magkuwentuhan. Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa akin—'yung bankrupt ang kumpanya nina Papa, nasa Cebu sila ni Mama at sa boarding house ako nakatira pero hindi ko sinabing kasama ko si Emotionless Guy.

"Dapat pala hindi ako umalis." Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan ako sa mga mata. "Dapat hindi kita hinayaang mag-isa."

"Okay lang. Nandito ka naman na, eh."

Ngumiti siya sa akin pero sandali lang at nawala rin ang ngiti niya. Inakbayan niya ako at pinatong ang ulo ko sa balikat niya. Nagtataka man ako sa mga inaakto niyang sweetness, hindi na ako nagsalita.

Isa sa mga napansin ko sa relasyon namin? Hindi na kami tulad ng dati na magulo. . . parang naging mature kami.

Nang mapagdesisyunan na naming umuwi, hindi ako nagpahatid kay Nate dahil natatakot akong makita niya si Emotionless Guy. Sinabi ko na lang na strict si Tita Joey. Eh wala naman si Tita sa BH.

Naniwala kaagad si Nate.

First time ko lang magsinungaling sa kanya.

Papasok na sana ako ng bahay nang mapatigil ako sa narinig kong malakas na kalampag sa loob, parang may binato.

"I-I'm sorry." Boses ni X?

Anong nangyayari?

Nakahawak lang ako sa doorknob pero natatakot akong buksan ang pinto.

"Pakiusap."

Boses 'yun ni Art. Boses niya. At nakikiusap siya. Anong nangyayari?

"This is wrong, I'm sorry."

"Xiara."

"Stop, Art." Humihikbi na si X. Feeling ko nakikinig ako sa isang radio teledrama. "I'm. . . I. . . I'm engaged."

Tumigil ang paghinga ko nang marinig ko 'yun. Kulang na lang ang popcorn at kumpleto na ang lahat.

"Aaah!"

Napasubsob ako nang bumukas ang pinto. Nagulat kaming tatlo sa isa't isa. Gulo-gulo ang buhok ni X habang sinusuot ang damit niya. Nakabukas ang butones ng uniform ni Emotionless Guy. Nakahawak siya sa doorknob.

Tumayo ako nang maayos at napalunok nang makitang tumingin sa akin si Emotionless Guy nang sobrang sama. Nilagpasan niya ako at lumabas.

Pagtingin ko kay X, umiiyak siya habang nakaupo sa sofa. Napatingin ako sa painting na madalas kong titigan bago pumasok ng kwarto. Na-realize ko na at napagtagpi-tagpi ang lahat.

Si X ang babae sa painting.

Si X ang mahal ni Art.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top