19-A [ love interest ]
ANG malas ko. Kill me nao. Ples.
Nawala ang mala-anghel na itsura ni Emotionless Guy nang tumingin siya sa akin. Nagulat ako nang hinila niya ako kaya napasubsob pa ako nang kaunti. Para lang maalalayan siya paupo. Bastos.
"A-Ano ba?"
"Sinong nagpapasok sa'yo?"
Ang lamig ng boses niya. Giniginaw ako. Kumot. Bigyan ako ng jacket!
Napalunok ako. Nakatitig lang ako sa gulo-gulo niyang mukha—este buhok. "Uhm, si Tita Joey kasi, siya may-ari nito tapos. . . sina Papa. . . ayun."
Tumayo siya at kinilatis ako. Natatakot po ako, jusko po.
Pagkatapos niya akong titigan na parang binalatan na niya ako nang buhay, tinalikuran niya ako at dumiretso sa pintong katapat ng kwarto ko. Ow. . . okay, so siya ang high school boarder na sinasabi ni Kuya Angelo.
SINUBUKAN kong maging friendly pero walang effect. Hindi nga niya ako kinakausap eh. Ang sarap batukan. Napaka-snob. Pero hindi ko rin siya masyadong problema dahil madalas siyang nasa kwarto niya at nagkukulong. Nagtataka lang ako dahil hindi ko siya nakikita sa school.
Isang linggo na simula nang magpasukan sa school pero wala pa rin si Nate. Si Cloud lang ang nadatnan ko sa bahay nila. Kahit parents, wala. Sobrang lanta ng bahay nila Nate. Si Cloud naman madalas lang mag-isa. Minsan tinanong ko siya kung anong ginagawa niya para hindi ma-bored. Ang sabi lang niya?
Ecchi at hentai.
Tinanong ko siya kung ano 'yun dahil parang pamilyar. Narinig ko kasing pinag-uusapan ng mga kaklase kong lalaki pero sabi niya 'wag ko na raw alamin
Eh na-curious ako, s-in-earch ko sa internet.
At hindi na ako mauulit pa.
"Wala pa rin ba siya?" tanong ko isang araw kay Cloud.
Madalas kasi akong pumupunta sa bahay nila Nate pagkatapos ng klase para alamin kung nakauwi na siya. Sobrang namimiss ko na kasi talaga siya at feeling ko sobrang kulang ako.
"Sorry."
Naiyak na ako sa sorry ni Cloud dahil lagi na niyang sinasabi sa akin 'yan mula nung umalis si Nate.
"Kung may magagawa lang ako," bulong niya sa akin nang niyakap niya ako. "If only I can ease your pain."
"K-Kailan ba siya babalik?"
Nginitian niya ako bilang sagot.
Niyaya ako ni Cloud na mag-SM na lang daw kami sa Sunday para makalimot. Ang kaso, niyaya rin ako ni Erin. Hindi ako makahindi sa kanila kaya sinabi ko na lang kay Cloud na kasama ko si Erin. Pumayag siya, 'wag lang daw mag-ingay si Erin.
Pagdating ng Sunday, palabas na ako ng BH nang may makita akong babae na tumitingin-tingin sa may gate. Matangkad, maputi, naka-shades, brown ang curly hair at mukhang anghel na naka-jeans at sando.
"Is A here?" tanong niya pagkabukas ko ng gate.
"A?"
Pumasok siya ng BH na kinagulat ko. Sinundan ko siya papasok ng bahay at wow, at home na agad siya. Nakaupo na sa sofa.
"Who are you? A's maid?"
Siya na nga 'tong trespassing, parang baliw na nagtatanong kung nasaan ang letter A tapos iinsultuhin pa niya ako?
"But you're too pretty to be a maid, so who are you?"
Okay, binabawi ko na ang mga sinabi ko. Ang bait pala niya. Diyosa.
"I'm Ianne."
Nakipag-shake hands siya sa akin at ang lambot-lambot ng kamay niya. Grabe.
"Who's A?" tanong ko.
Nagulat ako nang mag-vibrate ang pants ko—este ang cellphone—ko sa bulsa. Babasahin ko na sana ang text sa akin nang kunin nung babae ang cellphone ko at nilapag sa lamesa.
"It's rude to use your phone when you're talking to someone."
"Sorry."
"Okay lang."
Teka, nag-Tagalog siya.
"Pilipino ka?"
Tumango siya sabay ngiti. "But I have Spanish, Mexican and Brazilian blood."
"Ah, halo-halo ka pala."
"Halow-halow?"
Watda. Mey eksent sye.
"By the way, I'm Xiara. X for short," nakangiti niyang sabi sa akin.
Medyo napatitig ako sa kanya dahil ang pamilyar ng mukha niya. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.
Amazed na amazed akong nakatingin sa kanya habang nagkukuwento siya. Napag-alaman kong twenty years old na siya at galing Amerika. Isa siyang bigating model ng isang clothing line.
Habang nag-uusap, hindi nagpapahinga ang phone ko. Vibrate nang vibrate. Gusto ko na sana kunin pero ang sama ng tingin sa akin ni X so hinayaan ko na. Nakuwento rin niyang may shoot sila rito sa Pinas kaya nandito siya at napagdesisyunang bisitahin ang kababata niyang dito nga raw nakatira.
Tumayo si X at ngiting-ngiting tumingin sa hagdan. "A!" pagsigaw niya.
Paglingon ko, hindi na ako nagtaka nang makita ko si Emotionless Guy. Well, A for Art nga naman pero nagulat ako nang yakapin ni X si Emotionless Guy at ang emotionless face ni A, nawala nang mga three seconds.
"Sino ka?"
Nawala ang ngiti ni X sa sinabi ni Emotionless Guy. "I'm sorry for not coming back."
Hindi pa rin nagsalita si Emotionless Guy. Ang cold niya. Kinabahan ako nang nagkatitigan kami ni Emotionless Guy sandali pero siya ang unang umiwas. Kailangan ko ilagay sa diary ko ito kapag nagka-diary ako.
Dear Diary, unang umiwas ng tingin si Emotionless Guy laban sa akin. Yay.
"Umalis ka na."
"But A, we—"
Hinawakan ni Emotionless ang braso ni X at halos kaladkarin na niya si X papunta sa pintuan. "Alis na."
Hindi nagpatalo si X. "We need to talk."
"Bukas."
Bago pa makapagsalita si X, pinagsarhan na siya ng pinto ni Emotionless Guy. Bago pa ako tingnan ni Emotionless, nahiga agad ako sa sofa at nagpanggap na tulog.
Akala ko guguluhin pa ako ni Emotionless Guy pero mukhang pumasok na siya sa kwarto niya.
Weird. Anong meron sa kanila? Nakaka-curious naman.
GINISING ako ng isang boarder na babae dahil nakatulog ako sa sofa. Pagtingin ko sa cellphone ko, nawindang ako sa dami ng text messages na puro galing kina Cloud at Erin, both at the same time.
Erin
Ianne nasan ka na? Wala akong magawa dito, walang matinong tao. NakakaBV na.
Ulap
Help me, minamassacre na ako nung kaibigan mo. TT ^ TT
Ow. Nalimutan ko silang dalawa.
NADATNAN ko si Emotionless Guy na kumakain sa kusina paggigising ko kinaumagahan. Hindi na ako nagtaka nang makitang chocolate chip cookies ang kinakain niya. Gusto ko sanang kumain din pero hindi na ako nagpuntang kusina dahil baka i-laser beam ako ni Emotionless so sa school na lang ako kumain.
Pagdating ko ng room, binigwasan ako ni Erin.
"Alam mo bang ang hirap makasama ng anime jerk na 'yun? Akala mo artista, ang daming babaeng sumusunod. Nakaka-BV talaga. Hindi pa gentleman at kalalaking tao, napakabungangero. Tapos nung sa—" Napatigil siya sa pagkuwento at parang may naalalang kakaiba.
"Sa?"
"Wala. Nevermind. Pinapatawad na kita."
Nagtaka ako nang nagsulat siya sa notebook niya.
"Anong nangyari?" Kinalabit ko siya pero ayaw niya akong pansinin.
"Busy ako, mamaya na."
Watda. Kanina, gustong-gusto niya ako malditahan tapos biglang busy?
"Hoy Erin, umamin ka nga. Anyare sa inyo ni Cloud?"
Tiningnan niya ako na parang gulat na gulat. "W-Wala. As if."
Natawa ako nang mamula ang mga pisngi niya at umiwas ng tingin. "Bakit nagba-blush ka?"
"Blush on." Hindi siya tumigil sa pagsusulat.
Pinanliitan ko siya ng tingin hanggang sa kalabitin ako ni Leah na kaklase ko ulit. "Tawag ka," nakangiti niyang sabi.
Paglingon ko. "Nino—"
"N-Nate!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top