18-B [ letter "a" ]


PAGKALABAS namin ng karaoke, dumiretso ako sa CR at iniwan siya sa Booksale. Pagkatapos ko mag-CR, nakita ko kaagad si Cloud dahil sa tangkad niya at sa buhok niyang sumisigaw na blonde.

Nagtaka lang ako dahil may kausap siyang babae. Ang daming nagtitinginan sa kanila dahil may juice na natapon sa sahig.

Nakangiti pa rin si Cloud pero napapansin kong naiinis na siya. "Miss, babayaran ko n—"

"Babayaran? Hindi ko kailangan ng bayad. Ang kailangan ko, sorry!"

Napatingin ako sa babae. May juice stain ang damit niya.

"Wow," natatawang sabi ni Cloud. "You're the one who bumped me."

Napansin ko ang pagkairita nung babae. "Wow, nosebleed naman. Feeling 'poreynjer' eh mukha ka namang hilaw!"

Bago pa sila magbugbugan, lumapit na ako. "Anong nangyari?"

Wrong move. Bakit? Pagtanong ko kasi, sabay silang dumakdak at wala na akong naintindihan. Sobrang ingay nila, kulang na lang magsapakan sila sa harap ko.

Tumitig ako sa kanilang dalawa bago ko napagdesisyunang iwan na lang sila. Hindi ko sila kilala. Wala akong kilala sa kanila.

Mag-isa lang akong nag-mall.

"I-Ianne?"

Paglingon ko, nagulat ako dahil sa lamig ng juice na kumapit na rin sa damit ko. Niyakap kasi ako ng babaeng umaaway kay Cloud.

"Hindi ko akalaing magkikita tayo ulit!" Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin habang ngiting-ngiti. "Si Erin 'to. Erika Pauline!"

Uhm. . . loading sa utak ko.

"Poleng."

Nakaramdam ako ng saya sa narinig ko. Poleng! Niyakap ko siya at nagtatatalon pero napansin kong hindi siya masaya.

"Bakit?" pagtataka ko kay Poleng.

"BV ka. Poleng lang naaalala mo sa akin."

Natawa ako sa nangyayari. Tuwang-tuwa rin ako habang tinitingnan si Poleng na ngayon ay Erin na. Kaklase ko siya nung grade school tapos pumunta sila ng ibang bansa.

"You know that girl?" pagtataka ni Cloud.

Pagtingin ni Erin slash Poleng kay Cloud, sumimangot siya. "Excuse me?"

Natawa si Cloud. "Excuse you—"

"Excuse me!"

"You're excused!"

Inirapan ni Erin si Cloud. "Thanks—err. . . I mean, sino ka ba, ha?"

"Ikaw ang sino." Inakbayan ako ni Cloud na kinagulat ni Erin.

"B-Boyfriend mo?" Nanlaki ang mga mata ni Erin sa akin.

Tinanggal ko ang pagkakaakbay sa akin ni Cloud. "Hindi ah. Kaibigan ko lang."

"Good. Dahil hindi siya karapat-dapat na maging boyfriend mo. Ang yabang-yabang ng lalaking 'yan. Grabe, hindi gentleman. Siya na nga nakatapon ng juice ko, ayaw pa mag-sorry!"

"Whoa. Calm down, Woman," sabi ni Cloud. "Ikaw ang—"

"Tse!" Inirapan ni Erin si Cloud at hinawakan ako sa braso. "Tara Ianne, catch up tayo."

Inis na inis si Cloud dahil birthday niya tapos naki-quote-unquote epal daw si Erin sa amin. Pagod akong umuwi ng BH kakakuwentuhan. Nauna na akong hinatid ni Cloud at nagreklamo pa siya dahil ayaw niyang ihatid si Erin pero dahil ako ang masusunod, hinatid na rin niya si Erin. Nang buhay.

Sana? Sana.


BAGO matulog at pagkagising, nakaka-receive ako lagi ng text galing kay Nate pero natigil nang mag-pangatlong linggo na ng May. Mukhang naging busy. Sina Mama naman, kinukumusta nila ang araw ko gabi-gabi.

Madalas mag-isa lang ako pero minsan nakakausap ko ang ilang boarders. Kapag umuuwi si Kuya Angelo, madalas kaming magkwentuhan hanggang madaling araw.

Lalo akong na-curious sa high school boarder na sinasabi nila dahil 'yun daw ang nag-paint ng painting sa tapat ng kwarto ko. Every night, lagi kong tinititigan ang painting ng mukha ng babae. Natatakpan ng mga bulaklak ang kalahati ng mukha. Ang sarap kasi sa paningin, kalmado pero powerful lalo na sa paggamit nung mga kulay na red, gray, white at black.

"He's a talented one," sabi ni Kuya Angelo. "But when I looked at his eyes before, I knew then that there's a scar."

"Huh?" One word question pa rin ako.

"For a high school student, he's different. He might hide it from the people around him but I studied Pyschology. I can tell that he's in pain. Just like in this painting; I could see his pain."

"Siryizli?" Push, Ianne. Matatapos din 'yang nosebleed conversation.

"Yeah. And love, I could see love being painted with every stroke."

"Hopeless romantic ka?"

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Romantic? No. Just hopeless."

Nosebleed plus deep equals Kuya Angelo. Seryoso.

SOBRANG bagal ng oras sa BH pero na-excite ako nang papalapit na ang pasukan. Hint: Pagbabalik ni Nate.

Binati ako ni Ellaine na nakatambay sa grounds sa first day of class. Four-Modesty ako at napag-alamang hindi na kami magkaklase ni Ellaine. Pagpasok ko ng room, hinanap ng mata ko ang mukhang gusto kong makita pero nalungkot nang wala siya.

"Ianne, dito!"

Napangiti ako nang makita si Erin na tinuturo ang tabi niya.

"Dito ka na pala nag-aaral?"

"Yep. Nakita ko pangalan mo sa listahan kaya s-in-ave kita ng upuan," nakangiti niyang sabi. "Ang bait ko, 'no?"

"Oo na lang ako."

"BV ka! Ang sama mo," natatawa niyang sabi.

"BV?"

"Bad vibes," sagot niya.

Nagtaka naman ako. "Anong bad vibes?"

Nagulat ako nang ipatong niya ang kamay niya sa balikat ko. Sobrang bigat ng kamay, dahek. "Alam mo, hindi ka IN. Kapalit na 'yun ng salitang bad trip. BV na. Bad vibes."

"Okay?" patango-tango kong sabi.

Orientation lang ang nangyari buong araw. Natahimik ang buhay ko sa bago kong section dahil hindi ko kilala ang halos kalahati sa kanila. Buong araw akong nag-expect na may darating pero wala. Kahit text, wala akong na-receive. May absent daw kaming isang kaklase at sana si Nate 'yun.

"Nasaan pala 'yung pangit mong kasama sa mall?" tanong ni Erin pagkalabas ko ng cubicle ng CR.

"Si Cloud?"

"Ewan, basta 'yung pangit." Pinagdidiinan talaga ang pangit? "Hindi nag-aaral? Mukha nga naman. Itsura pa lang, pati buhok. Tapos ang daming hikaw sa tainga. Mukhang nagda-drugs talaga."

Natatawa ako dahil ang bitter ng dating ni Erin. "Graduate na 'yun ng high school sa Japan. Nag-twenty siya nung nagkita tayo sa mall."

"Birthday niya?" Nawala ang ngiti ni Erin at gusto kong matawa sa reaksyon niya. "Nagbi-birthday pala 'yun. At hindi na pala siya teenager pero ugaling sanggol."

"Bakit ka ba naiinis sa kanya?"

"Eh kasi po, ang yabang-yabang niya. Hindi pa gentleman. Nakaka-BV siya. Kaasar."

Bakit ba ako natatawa sa BV niya?

Pero dahil sa sinabi niya, lalo akong napangiti na nagpakunot ng noo niya.

"'Wag ka ngang ngiti nang ngiti. Ang creepy mo, Ianne."

Nakangiti lang ako nang tingnan ko ulit ang sarili ko sa salamin. "Okay. . . the more you hate, the more you love," sabi ko habang paalis ng CR.

"BV ka! Nakakasuka 'yang sinasabi mo," reklamo niya.

"Okay lang 'yan Erin. . . Okay lang talaga," pang-aasar ko.

Nagreklamo lang siya hanggang sa makasakay kami ng jeep tsaka ko itinuloy ang kwentuhan namin. "Eh, bakit mo hinahanap?"

Tiningnan ako ni Erin nang masama. "Hindi kaya. Nagtanong lang ako, bakit ko hahanapin ang hilaw na ulap na 'yun?" tuloy-tuloy niyang sabi. Ang defensive.

"Ayiee, may endearment ka na sa kanya."

Natigilan siya sa sinabi ko sabay irap sa akin at tinakpan ang mukha niya. "Ang BV! Matutulog na ako."

Nagkunwari nang tulog si Erin at hindi na ako pinansin. Hindi ko masisisi si Erin dahil gwapo si Cloud. Siguradong nakuha na ng Hapon na 'yun ang puso ni Erin.

Nagtaka ako nang mapansing bukas ang ilaw ng BH pati na rin ang gate. Imposibleng si Kuya Angelo dahil hindi raw siya uuwi at ang iba ay gabi pa umuuwi. Pagpasok ko sa BH, may napansin akong lalaking nakahiga sa sofa. Paglapit ko para sana gisingin si Kuya Angelo, nawindang ako.

Hindi ito maaari. Can not be. Borrow one. Sobrang bait ng itsura niya habang nakapikit. Sobrang bilis din ng pintig ng puso ko. Anong ginagawa niya rito?

Nagpa-panic na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Palayo na ako nang namatay ata ako sandali nang hawakan niya ang braso ko. Paglingon ko sa kanya, nakatingin siya sa akin.

Si Emotionless Guy.

Gulp.

"Bakit ka nandito?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top